Cherreads

Chapter 241 - Chapter 70

"Lisanin mo na ang lugar na ito binata, kung mananatili ka pa rito ay siguradong mamamatay ka kasama ko!" Sambit ni Nova Celestine na hindi paalala kundi pautos.

"Tingin mo ba ay makakaalis ako sa lugar na ito na hindi manganganib ang aking buhay?! Nakita mo ba ang daraanan ko?!" Sambit ni Van Grego habang makikita ang pagiigng sarkastiko sa boses nito.

"Aba, aba kasalanan ko ba iyon?! Kung hindi ka nangialam ay siguradong makakaya kong labanan sila!" Pagmamalditang sambit naman ni Nova Celestine at tiningnan ng malamig si Van Grego.

"Ah so kasalanan ko pa?! Imbes na magpasalamat ka sakin Miss ay parang ako pa ata ang gumagawa ng gulo rito." Sambit ni Van Grego habang nakabusangot ang mukha.

"Aba aba, tandaan mo binata, ang iyong kapalaluan ay hindi mapapantayan. Hiningi ko ba tulong mo para tulungan mo ko?!" Pagmamalditang sambit ni Nova Celestine. Ngayon lamang siya nakakita ng antipatikong lalaki sa tanang buhay niya. Kung hindi lang sila nasa gitna ng problemang parehas nilang kinakaharap ay tinuruan niya na ito ng leksyon. Ayaw niya sa ganitong klaseng lalaki na katulad ng ibang mga lalaking panay sunod sa kaniya.

"Hindi ko yun ginawa para sa'yo noh. Dahil binigyan niya ako ng regalo ay ibinalik ko lamang ito sa pamamagitan ng pagtulong ko sa'yo. Gurang ka na kaya wag kang umasang magkakagusto ako sa'yo!" Sambit ni Van Grego na wlaang pag-aatubili. Nakakainis na kasi, ikaw ba naman ang bubungangaan ng walang pasabi.

"Grrrrr... Nang-iinsulto ka ba ha?! Labingsiyam na taong gulang pa lamang ako, ano sa tingin mo ang sinasabi mo binata?! Kung sino ang mas mukhang gurang ay ikaw yun! Kapag hindi ako nakapagtimpi sa'yo ay ako mismo ang hahagis sa'yo papunta sa portal na yan!" Inis na sambit ni Nova Celestine habang tiningnan ang malaking portal.

"BAAAAAANNNNNNGGGGGGGGG!!!!!!!!!"

Isang malakas na pag-atake ang biglang umalingawngaw sa direksyon ng mismong pinagkukulungan ni Loon. Ang hugis kamay na animo'y kinalalagyan ni Loon ay makikita ang mumunting bitak na namumuo rito kung saan ay nag-iiwan ito ng uka-ukang mga patterns.

"Masama ito, hindi ko aakalaing napakalakas ng Martial God Realm Expert na ito!" Sambit ni Van Grego. Alam niyang hindi pa siya ganoon kalakas upang labanan ang mas mataas sa kaniya.

Nagulat na lamang si Nova Celestine ng biglang nakaramdam siya ng pagbigat ng kaniyang paligid.

Pheww!

Bigla siyang nakulong sa isang malaking kamay pero bago yun ay may binitiwan pa itong mga salita.

"Ano ito binata, peste ka m----!" Galit na galit na sambit ni Nova Celestine habang animo'y namamaos pa ito. Walang dudang pagod na rin ito.

Agad na kinontrol ni Van Grego ang higanteng kamay na siyang pinagkakalooban ng dalaga. Tinatawag itong God's Palm Array Technique. Isa itong uri ng trap Array Technique kung saan ay nalilimitahan ang lahat ng kilos ng nakulong rito.

Pinapunta niya ang God's Palm Array sa direksyon mismo ng malaking Portal at doon ay mabilis na bumukas ang nasabing higanteng kamay.

Agad na makikita ang paghihirap sa mukha ng dalaga na pilit na umaatras ngunit ang suction force nito ay siguradong nagpapahirap sa kaniya upang makaalis.

Tiningnan lamang nito ang binatang si Van Grego ng malamig at nagwika.

"Tatandaan ko ang araw na ito binata, kailanman ay hindi ako umatras sa anumang laban. Sa oras na magtagpo ang landas natin ay sisiguraduhin kong papaslangin kita at buburahin ko ang lahat ng bakas mo!" Sambit ni Nova Celestine na may galit habang malamig itong tiningnan ang buong katawan ni Van Grego. Hindi na ito nanglaban pa sa suction force ng Portal habang mabilis na naglaho ang pigura nito sa kawalan.

Mistulang natuod naman ang binata habang mabilis nitong tinungo ang nasabing Portal.

Lumitaw ang napakaraming mga kamay sa direksyon na pinagkukulungan ni Loon at mabilis na binalot siya nito.

"Wala na akong pagpipilian pa kundi ang makaligtas rito. Hindi ko man alam kung ano ang lugar na patutunguhan ng Portal ay wala kaong pagpipilian kundi tumakas at baguhin ang aking mga plano. Pasensya na Stardust Envoy Silent Walker ngunit wala akong pagpipilian ngayon." Sambit ni Van Grego habang makikita ang lungkot sa mukha nito. Ang kaninang atake ay alam niyang limitasyon niya na iyon sa nasabing atake ng isang Martial God Realm Expert. Mabuti na lamang at niligtas siya ng kaniyang pangalawang skill (Flood Dragon Ultimate Defense) kung hindi ay malamang ay napulbos na siya sa atakeng iyon. Kahit hindi niya man aminin ay napinsala siya sa simpleng suntok na iyon. Kung wala ang pambihirang Skill na iyon ay siguradong namatay na siya o mas mabuting napulbos na sana siya sa atakeng iyon.

Agad ring tumalon ang binatang si Van Grego sa loob ng nasabing Portal.

Kasabay ng paglaho niya ay soyang pagsarado rin ng Portal.

BANGGGGG!!!!!!

Malakas na pagsabog ang nangyaring naganap nang biglang nawasak ni Loon ang mga higanteng kamay na kumukulong sa kaniya.

Ang harang ay parang salaming nangabasag sa buong paligid at nawala na ng tuluyan.

Dito ay nagkaharap si Loon at ang sampong mga Samurai Expert sa lugar na ito.

"Anong ginagawa niyo ha?! Nasaan na ang binatang iyon maging ang kapatid ko ha?!" Pasigaw na pagkakasabi ni Loon sa sampong Samurai Expert.

Agad namang nagulat ang sampong Samurai Expert sa sinabi ng kanilang Prinsipe Loon at sa sudden outburst nito. Hindi nila aakalaing mayroon itong ugaling ngayon lamang nila natuklasan.

Agad namang nangunot ang noo ng nasabing lider ng grupo.

"Maghunos-dili ka binata. Kahit prinsipe ka ay kailangan mo pa rin kaming irespeto. Tandaan mo na sa Konseho pa rin ang katapatan namin at wala kang karapatang sigawan kami!" Malamig na pagkakasabi ng lider na isang Martial God Realm Expert. Hindi nito aakalaing sinigawan lamang sila ng isang binata. Sa kaugalian nila ay isa itong pambabastos sapagkat mas higit silang nakakatanda at mayroong malawak na pag-iisip kumpara rito kaya talagang kahit matataas man ang estado ng hari at reyna ay hindi sila nakaramdam ng pagkababa o pangmamaltrato man lang.

"Ano'ng gusto mo kumalma ako? Galangin ko kayo sa kapalpakan niyo ha?! Hindi niyo ba nakitang pinagtulungan ako ng kapatid ko at ng binatang iyon ha?!" Sambit ni Loon na sa tono ng pasigaw muli. Harap-harapan niyang sinigawan sa mukha ang lider ng Samurai Expert habang nanlilisik ang mata.

Handa na sanang turuan ng leksyon ng lider ng Samurai Expert maging ng tauhan nito gamit ang dahas o sa marahas na paraan ngunit mabilis na pumagitna ang nasa kanang bahagi na siyang isang Samurai Expert rin.

"Kumalma kayo Boss at ikaw rin Prinsipe Loon. Alam kong nais mong hulihin ang prinsesa maging ang iyong kapatid ngunit sa palagay mo ba ay hindi iyon ang aming layunin. Sadyang hindi lamang umayon ang iyong plano kagaya ng napagplanuhan mo kaya may kasalanan ka rin ngunit may parte ring kasalanan namin ngunit natatakot lamang kaming pumagitna sa labanang nagaganap sa inyo." Makahulugang sambi nito habang ipinapaintindi ang mga bagay-bagay na nais nitong iparating.

"Kung gayon ay mas sinasabi mo na palpak ang plano ko, ganon ba ang nais mong iparating tapos kayo itong tumutunga-tunga lamang ha?! Ganon ba ang ibig mong sabihin Zin?!" Sambit ni Loon nang galit na galit habang mabilis nitong hinawakan sa roba ang nasabing Martial Monarch Realm Expert na tanyag sa palayaw nitong Zin.

Biglang ngumiti lamang si Zin habang mabilis din itong sumagot.

"Hindi iyon ang aking ipinupunto Prinsipe Loon. Maingat kami sa hakbang na nais naming gawin. Isa akong taong maruning kumilatis ng mga nilalang at masasabi kong hindi ordinaryo ang binatang iyon. Nagawa niya kayong ikulong at kami ay nagawa niyang gumawa ng pambihirang harang kung saan ay hindi namin nakayanang sirain man lang. Pareho lamang tayong nalinlang ng binstang iyon at napakatuso niya kumpara sa ibang mga nakalaban namin dati. Sinasabi ko sa inyong delikado ang nilalang na iyon!" Sambit ni Zin habang makahulugan itong tumingin sa binatang si Loon.

"At ano naman ang patunay mo na isa siyang delikadong nilalang ha?! Inuuto mo lamang ba kami o binibilog ang ulo namin para maniwala kami sa sinasabi mo?!" Sambit ni Prinsipe Loon habang makikita ang iritasyon sa boses nito. Hindi siya kailanman pumalpak at tanging ngayon lamang ito nangyari. Napakaganda ng plano ang naisip niya sa oras na matagpuan ang kaniyang sariling kapatid ngunit naglaho iyon ng makialam ang pesteng binatang estranghero na iyon. Talagang gusto niyang magwala sa ngayon.

"Kumalma ka muna Prinsipe Loon. Ang iyong negatibong emosyon ay mas magpapahirap sa atin upang magtagumpay sa misyon nating ito. Makinig po muna kayo ng mabuti kamahalan, una sa lahat ay umpisahan natin sa una niyong hakbang noon na iniwan niyo kami sa lugar-pahingahan tapos ay mag-isa kayong kumilos dahil sa tiwala kayo na kayang-kaya niyong dakpin ang Prinsesa at ang alalay nito na siyang nangangahulugan lamang na tiwalang-tiwala kayo sa inyong kakayahan which is mali po. Ang isa niyo pang mali ay iniwan niyo kami at kailangan pa naming halughugin ang lugar na pinuntahan niyo upang mahanap namin kayo. Ang kasalanan lang namin ay hindi agad kami nakatunog sa binabalak niyo. Sumatotal ay mayroon pong kasalanan ang dalawang panig natin." Mahabang eksplenasyon ni Zin habang makikita ang determinasyon nito sa mukha. Medyo nahingal pa ito sa pag-eexplain.

"Hmmm... May punto ka nga sa iyong sinasabi ngunit kasalanan niyo kung bakit nahuli kayo ng dating. Hindi kayo binabayaran ng Konseho upang magpahinga kundi ang magtrabaho sa kanila ng maayos." Nakangising sambit ni Loon habang makikita ang kakaibang kislap sa mata nito.

"Wag mong balakin gawin yan kamahalan sapagkat kayo ang nagpatakas sa kanila sa pamamagitan ng Portal hindi ba?! Hehe...!" Sambit ni Zin nang nakangisi. May hangganan ang kaniyang pasensya at sa isang katulad nang pag-uugali ni Prinsipe Loon ay hindi siya magdadalawang isip na manlaban.

Biglang pinanlisikan ng mata ni Prinsipe Loon ang Samurai Expert na si Zin. Nakita niya kung paano siya nairita sa sinabi nito.

Magkakapisikalan na sana sina Prinsipe Loon at Zin nang bigla na lamang nagsalita si Quil na siyang pangalan ng tumatayong lider ng Samurai Expert.

"Akong si Quil ay hindi nagnanais na magkaroon ng alitan sa pagitan natin Prinsipe Loon ngunit kung lalagpas ka sa limitasyon mo ay siguradong hindi ko hahayaang madungisan ang pangalan naming mga Samurai Expert. Nakasaad sa kontrata namin ang maayos na serbisyo ngunit hindi nangangahulugan na kayang-kaya kaming apakan ng sinuman maging ng konseho. Kaya alamin mo ang lugar mo dahil hindi ka pa nakakatapak sa lupang pagmamay-ari ng iba!" Makahulugang sambit ni Martial God Quil habang makikita ang pagbabanta at pagpipigil sa boses nito. Pinipigilan niya ang kaniyang sariling masaktan ang prinsipeng nasa harapan niya. Hindi siya kailanman naging mapagkumbaba ngunit dahil na rin sa maayos na trato ng konseho at sa nakasaad sa kasunduan ay kailangan niyang maging propesyunal. Ngunit alam niyang konting-konti na lamang ang kaniyang pasensya.

"Fine, ganon pala ang gusto niyo. Simula ngayon ay magkanya-kanya na tayo. Total naman ay hindi naman kayo sumusunod sa gusto kong mangyari." Sambit ni Prinsipe Loon habang mababakasan pa rin ng iritasyon sa mukha nito. Medyo natigalgal siya at nangamba siya sa pagbabanta ni Martial God Quil. Alam niyang naiinip na rin ang konseho at nais nilang maging malinis ang daloy ng koronasyon niya.

Mabilis na siyang lumipad upang lisanin ang lugar na ito. Medyo naging masama ang loob niya sa pangyayari at kailangan niyang ilabas ang galit sa ibang lugar.

"Hmmmp!" Sambit na lamang ni Quil habang napakuyom pa ito ng kamao. Mabilis na silang umalis sa lugar na ito kasama ang iba pang Samurai Experts. Masama man ang loob niya ay kailangan niyang pilitin ang sarili nilang isalba sa kahihiyan dulot ng pangyayari kani-kanina lamang. Bilang lider ay medyo sinisi niya rin ang kaniyang sarili sa pangyayaring ito. Alam niyang balak na dakpin nito ang Prinsesa Nova Celestine ngunit wala silang nagawa man lang para tumulong rito. Ano ang magagawa nila sa isang Grandmaster Level Array Formation?! Sa oras na ma-offend nila ito ay siguradong malaking banta at gulo ang kakaharapin nila. Misteryoso pa rin ang pagkakakinlanlan ng binatang iyon ngunit mabilis na napatigil siya sa paglipad sa ere.

Napatigil naman ang ibang mga Martial Monarch Realm Expert na mga Samurai Expert sa ere.

"Anong problema Boss?! May bumabagabag ba sa isip niyo?!" Tanong ni Zin habang nagtataka sa biglang pagtigil ng kanilang Boss.

"Naisip ko lamang na ang Portal na iyon ay patungo sa isa sa mga Battlefields, kung gayon ay nasa kapahamakan ang buhay nilang tatlo tama ba ko?!" Sambit ni Quil habang makikita ang pagtataka sa boses nito.

"Oo, tama po kayo Boss pero alam mong mahihirapan tayong tuntunin kung saan sa mga delikadong battlefields naroroon ngayon sina Prinsesa Nova Celestine at ang dalawang kasamahan nito lalo na ang Grandmaster Level Array Formation." Sambit ni Zin habang nagtataka sa tanong ng kanilang Boss.

"Hmmm... Siguradong sa oras na ito ay kahit ang konseho ay hindi maililigtas si Loon dahil sa padalos-dalos nitong desisyon maging tayo ay madadamay sa kabulastugan nito!" Makahulugang sambit ni Martial God Quil habang makikita ang pangamba sa pagmumukha nito.

More Chapters