Cherreads

Chapter 240 - Chapter 69

Patuloy pa rin ang labanan ng dalawang magkapatid na pawang mga Martial God Realm Expert na sina Nova Celestine at ang nakakatandang kapatid nito na si Loon. Dito ay walang nagawa ang sampong mga kasamahan ni Loon kundi ang maghintay sa labas ng harang. Hindi rin gumagana ang kanilang Divine Sense papasok ng harang kung kaya't pinanood lamang nila ang labanan ng dalawa. Sa kabilang banda naman ay patuloy sa pag-oobserba ang binatang si Van Grego upang magkaroon ng malawak na battle insights at kung paano lumaban ang mga Martial God Realm Expert. Hindi sa palakasan ng mga Skill ang basehan ng mga ito kung hindi ay sa actual fighting combat sila bumabase at sa attack power.

Nakikita ng binata kung paano ginawa mismong sandata ang katawan ng mismong martial artists ang sarili nito na siyang tinatawag na Body Skills o tinatawag na Blood Skill. Hindi siya makapaniwala sa kasalukuyang labanan ng dalawang Martial God Realm Expert at magkapatid mismo.

Pawang lumayo sina Loon at Nova Celestine sa isa't-isa kung saan ay makikitang nagiging kulay asul ang katawan ng dalagang si Nova Celestine habang si Loon naman ay kulay dilaw naman ang inilalabas ng katawan nito.

"Hindi ko aakalaing lumakas ng hindi hamak ang iyong Blood Skill. Tunay na kamangha-mangha at pambihira ang iyong Blood Skill na kung di ako nagkakamali ay isang Golden Wolf Blood Skill na siyang galing sa konseho hindi ba?!" Sarkastikong sambit ng dalagang si Nova Celestine dahil sa kaniyang natuklasan. Hindi niya aakalaing ang isa sa limang malalakas na Blood Skill ay itinuro nila mismo sa kaniyang kuya upang gamitin laban sa kaniya?! Mga hangal ang tingin niya rito at napakamasariling layunin lamang ang nais nila. Hindi niya aakalaing nagawang bilugin ng mga konseho ang sarili niyang kuya.

"Hahahaha... Ano ang laban ko sa iyo kung noon pa lamang ay suportado ka ni Ina. Palibhasa ay sunod ka sa luho, kung ano ang gusto mong hingin o hilingin ay naibibigay na sa iyo pero ako ha? Ni minsan ay hindi ko naramdamang naging madali ang lahat sa akin. Ang iba nating kapatid, tinanong mo ba sila kung ano ang kalagayan nila ha?!" Sambit ni Loon na may halong paninisi sa kaniyang kapatid na si Nova Celestine.

Medyo nagulat naman si Nova Celestine sa sinabi ng kaniyang Kuya Loon. Hindi niya aakalaing gagamitin niya ang bagay na may kinalaman sa iba niyang kapatid ngunit mabilis na gumuhit sa kaniyang magandang pagmumukha ang galit patungkol sa sinabi ng kaniyang kuya.

"Talaga bang maging ang mga kapatid natin ay idadamay mo para konsensyahin ako sa sinabi mo?! Hindi mo ba alam na una pa lamang ay batas sa ating kaharian ay batas nating lahat. Walang exception sa atin, walang paborito. Ang pinakamalakas lamang ang maaaring mamuno at ipinapaalaala ko lamang sayo Kuya na ang pinakatalentadong anak lamang ang exception sa lahat. How dare you to say that words at sa pagmumukha ko pa mismo. Tinuruan mo lamang akong magrebelde pero may utak akong nag-iisip kong ano ang dapat gawin. Sisiguraduhin kong uubusin ang mga lapastangang mga masasamang konseho maging ikaw sa oras na bumalik ako sa kaharian. Kahit nasa iyo pa ang Korona ay sisiguraduhin kong babalikan ko kayo!!!!" Sambit ni Nova Celestine habang may diin sa bawat salitang binitawan nito. Hindi niya aakalaing napakawalanghiya pala ng itinuturing niyang kuya, kapatid at taga-gabay niya noon pero ngayon ay naging mortal niya ng kaaway. Dahil lamang sa pesteng trono ay hindi niya aakalaing maging ang mga konseho ay hindi sang-ayon na siya ang papalit, how absurd. Hindi niya alam na aabot sa puntong gagamitin niya ang mismong kanilang pamilya maging ang kaniyang kapatid upang sabihan o sapilitan siyang pasukuin. Para ano? Maging katawa-tawa sa harap ng konseho at maging alipin o sunod-sunuran sa walang kwentang kapatid niyang nasa harapan. Hindi siya sumuko noon kaya mas lalong hindi ngayon. Yan ang prinsipyong nakatatak sa isipan ni Nova Celestine at hindi magbabago

"Hahaha... Kahit ano'ng sabihin mo ay wala ka ng magagawa pa. Malakas ka mang tunay dahil sa Blue Luan Blood Skill mo ay kayang-kaya pa rin kitang tapatan aking kapatid. Kung sumuko ka na lamang ay hindi mo na kailangan pang gumawa ng alinmang bagay na ikasasama ng loob mo hehe...!" Sambit ni Loon habang makahulugan itong ngumisi.

"Hmmp! Hindi kailanman!" Simpleng sagot ni Nova Celestine at mabilis na sumugod kay Loon.

Gamit ang kaniyang Blue Luan Blood Skill ay mistulang naging kasing gaan naman ng nasabing ibon ang katawan ng dalaga na kabaliktaran naman ng sa binatang si Loon na ang Blood Skill ay isang halimaw na Golden Wolf.

Mabilis na nagpalitan muli ng mga atake sina Loon at Nova Celestine. Halos magkatulad lamang sila ng lakas at bilis. Isang natural na kakayahan laban sa isang produkto ng pinalaki at suportado ng buong konseho. Sumatotal ay walang nanalo at walang natatalo.

Lumipas pa ang ilang minuto...

Agad na tiningnan ng dalaga ang binatang si Van Grego at mabilis na nagwika gamit ang kaniyang divine sense.

"Ngayon na!!!!" Sambit ng dalaga habang dinedepensahan ang kaniyang sarili sa mga atake ng kaniyang Kuya Loon. Napakarahas at napakabrutal ng atake nito kung saan ay ibang-iba sa mga naging training nila noon. Ayaw man niyang tanggapin ngunit ito na talaga ang totoong katangian ng kaniyang kuya. Nilamon na ng kaparehong hangarin ng konseho.

Biglang tumalon ng mataas si Van Grego kung saan ay kusang nag-levitate ang kaniyang sariling katawan sa ere. Biglang namuo ang isang formation sa lupa at lumitaw ang mga kakaibang simbolo.

Agad na nakita ni Nova Celestine na biglang naglaho ang katawan ng kaniyang kuya Loon sa kaniyang harapan hanggang sa nakita niya lamang ang kaniyang sariling nakatingin sa direksyon ng binatang binigyan ng Monarch's Gift ni Rain na siyang personal na alalay at gabay niya.

"Huwaggggg!!!!!!!" Sambit ni Nova Celestine nanv makita niyang papasugod na ang kaniyang kuya sa direksyon ng binatang si Van Grego.

"Hindi ko aakalaing sa pangalawang pagkakataon ay mangingialam ka sa aking plano, mamatay ka na!!!!!!" Sambit ni Loon habang narating nito agad ang kinaroroonan ng binata. Ang kamao nito ay mabilis na dumapo sa kaliwang dibdib ng binatang si Van Grego.

BANGGGGG!!!!!!

Isang napakabilis na pangyayari ang naganap kung saan ay marahas ngunit sobrang bilis ang pagbulusok ng binatang si Van Grego pailalimna siyang dahilan ng napakalakas na pagsabog sa lugar na pinagbagsakan nito. Sobrang kapal na usok ang biglang naging resulta ng pag-atake ni Loon.

"Hmmm..." Sambit ni Loon nang makaramdam siya ng panganib ngunit huli na nang matuklasan niya ito.

Aalis na sana siya sa lugar na kinatatayuan niya ng bigla siyang nakulong sa dalawang malalaking pormang palad sa lugar niya mismo. Mayroong kakaibang apoy na inilalabas ang nasabing malalaking kamay kung saan ay nakaramdam si Loon ng kakaibang panganib dulot nito.

Mabilis niyang binigyan ng napakalakas na suntok ang nasabing dambuhalang kamay na kumulong sa kaniyang sarili sa lugar na ito. Nakatiklop ito kung kaya't wala siyang makita o maramdaman sa labas.

BAAANNNNNGGGG!!!!!!

Isang malakas na shockwave ang naramdaman ni Loon na siyang bumalik sa kaniya mismo.

"Arccckkkk!" Napasuka na lamang ng sariwang dugo ang binatang si Loon dahil sa nangyaring ito dahilan upang mapasabunot siya sa kaniyang sarili.

"Ano ang bagay na ito?! Bakit? Paanong?!" Malakas na sambit ni Loon habang hindi nito alam kung ano at sino ang gumawa nito. Bakas ang tigalgal sa boses nito. Pero biglang naisip niya ang kaniyang kapatid na si Nova Celestine.

"Ang aking kapatid kaya ang gumawa nito?! Ngunit alam kung hindi iyon maaari sapagkat wala namang ibang propesyon siyang natutunan at lalong imposibleng mangyaring maging isa siyang Grandmaster Level Array Formation. Kung mangyayari man iyon ay siguradong hindi talaga sa akin mapupunta ang trono ng Amang Hari." Sambit ni Loon sa kaniyang isipan lamang habang ini-eksamin niya ang mga bagay-bagay patungkol sa kaniyang nalamang ito.

Samantala...

Sa labas ng harang ay mabilis na napalitan ng galit ang sampong mga kasamahang ipinadala ng konseho na walang iba kundi ang mga grupo ng mga Samurai Expert. Hindi maipagkakailang hindi sila makapaniwala sa pangyayaring ito. Nakita nila kung paano nakulong ang tinaguriang si Prince Loon ng kanilang kahariang kinabibilangan nila.

Kasalukuyang nag-uusap sila gamit ang kanilang mga divine sense upang hindi marinig ng kung sinuman ang kanilang maselang pag-uusap.

"Hmmp! Nagkamali ako sa aking naging ebalwasyon patungkol sa kung sino ang Grandmaster Level Array Formation na walang iba pala kundi ang isang hamak na binatang isa lamang Martial Ancestor Realm Expert!" Galit na turan ng Martial God Realm Expert habang hindi pa rin makikita ang kabuuang mukha nito pero mababakasan ng pagkainis sa tono ng pananalita nito. Para sa kaniya ay isa itong kahihiyan sapagkat tinagurian siyang Martial God Realm Expert pero nauto lamang siya ng isang binatang Martial Ancestor Realm Expert. Kung malalaman ito ng ibang mga kasamahan niya o nila ay siguradong magiging katawa-tawa siya na hindi niya matatanggap kahit kailanman.

"Talagang ang lakas ng loob ng isang Martial Ancestor Realm Expert na iyon na makialam sa labanan na ito. Maging ang harang na ito ay gawa niya rin. Walang dudang nauto niya tayo!" Inis na turan ng isa habang napakuyom ito ng mahigpit sa kaniyang kamao.

"Oo nga eh, pero palagay ko ay hindi lamang tayo ang nauto at nalinlang ng pesteng binatang iyon dahil maging ang prinsipe Loon ay nalinlang rin ng mababang Cultivation Level ng insektong iyon!" Galit na turan ng isa pa habang mabilis na lumitaw sa kamay nito ang kaniyang Samurai Sword.

Maging ang iba ring mga kasamahan nila ay lumtaw rin ang kanilang mga espada na animo'y handa na silang makipagpatayan sa binatang mapanlinlang talaga para sa kanila.

Ngunit nagsalita ang nasa kanang bahagi ng Martial God Realm Expert na isa ring Samurai Expert na Martial Monarch Realm.

"Kung ganyan ang inaasal niyo ay siguradong hindi pa rin natin mahuhuli ang isang Grandmaster Level Array Formation kahit pagsamahin pa natin ang lakas natin. Kinakatakutan ang katulad nila dahil sa propesyon nila. Balewala sa kanila ang mababang Cultivation Level sapagkat ang kakayahan nila ay kayang patumbahin ang kaharian at nasyon. Kung gagalitin mo sila ay siguradong tayo rin ang mapipinsala ng malaki maging ang ating kaharian. Huwag tayong magpadalos-dalos tsaka alam kong hindi magagawang patayin ng prinsesa Nova Celestine ang kaniyang kapatid dahil kapag ginawa niya iyon ay siguradong tutugisin siya ng konseho maging ng buong kaharian." Kalmadong sambit nito habang makikita ang ibayong pagpigil sa sarili nito. Halos walumpong taong gulang na siyang naglalakbay at nakamit ang titulo sa pagiging Martial Monarch Realm Expert. Alam niyang ang propesyon ay isa ring kalakasan ng sinuman. Tanging ang mga may potensyal lamang at talentado ang maaaring magkaroon ng ganitong klaseng propesyon idagdag pang isang Grandmaster Level?! Sigurado siyang mayroong malakas o napakalakas na impluwensya ang nasa likod ng binatang isang Martial Ancestor Realm Expert.

Agad namang kumalma ang lahat at iwinala ang kanilang mga kaniya-kaniyang mga sandata. Makikita sa mata nilang ayaw nilang palampasin ang bagay na ito ngunit sa huli ay iwinala nila ang kanilang sandatang hawak.

"Mabuti at sinabi mo iyan. Ang isang Grandmaster Level sa alinmang propesyon ay siguradong hawak ng napakalakas na pwersa na hindi natin tukoy. Kung magiging padalos-dalos lamang tayo ay siguradong hindi tayo palalampasin ng nasabing pwersa. Ngunit nakakapagtaka lamang ay pagala-gala ang isang Grandmaster Level Array Formation?!" Sambit ng Martial God Realm Expert habang tiningnan nito ang lalaking nasa kanang bahagi niya.

"Kung hindi niyo po alam Boss ay naglakbay ako sa ibang mga lugar. Ang mga Grandmaster Level na mga indibiduwal sa kaniya-kaniyang propesyong pinili nila ay naglalakbay liban na lamang sa mga Grandmaster Alchemist at mga propesyong walang kakayahan sa pakikipaglaban o paglalakbay sa mga lugar na gusto nilang lakbayin. Ngunit ang isang Array Formation at iba pang sangay na may kinalaman sa mga Formation Technique ay mga indibiduwal na malalakas sa defensive at offensive Skills. Kahit ang mga Master Level Array Formation, Array System, Formation Master ay kinakatakutan ng lahat. Kung ang Alchemist ang maikukumpara sa Treasure, sila naman ay maikukumpara sa sikretong armas ng isang pwersa." Sambit naman nito habang nakatingin sa lahat. Inikot-ikot pa nito ang kaniyang ulo tandang wala silang magagawa para dito. Once na nakulong o nabitag ang isang Martial God o Martial Monarch sa kanilang inihandang patibong ay wala silang magagawa pa. Ganito kalakas ang impact ng propesyon lalo na ang indibiduwal na isang Grandmaster Level.

More Chapters