Sa isang sikretong lugar na siyang masasabing nasa isa sa pinakatagong lugar na matatagpuan sa Central Region ay kasalukuyang nakaupo ang isang matandang lalaking balbas-sarado habang animo'y naghihintay ito sa kung sinuman ang dumating. Nakahawak ito sa isang wine glass na animo'y mayroong likidong kakaiba ang nakalagay sa nasabing baso. Hindi lamang kasi ito ordinaryong inumin ang likidong nakalagay kundi isang pambihirang bagay na ngayon lamang makikita. Imbes na kakulay ng tubig o kasingpula ng rosas ay iba ang kulay nito na maikukumpara sa kulay ginto. Siguradong ang nakaupong lalaking ito ay hindi ordinaryong niallang lanang kundi isang malakas na nilalang. Kahit napakahaba ng balbas nito at mababakasan ng katandaan ay masigla pa rin at maaliwalas ang mukha nito.
Whooosh! Whooosh! Whoosh!
Maya-maya pa ay umihip ng malakas ang hangin at biglang lumitaw ang babaeng nakarobang kulay pula.
Mabilis na nagbigay-galang ang babae sa pamamagitan ng pagluhod sa mata.
"Guild Master, mayroon pong kakaibang pangyayaring namataan malapit sa Martial Beast Cultivators Territory na nasa East Wing." Magalang na sambit ng babaeng nakarobang pula. Mababakasan ng antisipasyon ang boses nito na sabihin ang mensahe. Kinakabahan rin siyang ibalita ito sa kanilang nasabing Guild Master na nasa kaniyang harapan mismo.
"Minerva, ano ang iyong natuklasan at parang masasabi kong napakaimportante ng iyong sasabihin?!" Sambit ng Guild Master habang makikita ang labis na pagtataka rito.
"Uhmm... Master, nagkaroon ng labanan sa pamamagitan ng dalawang estrangherong Martial God Realm Expert maging ng pagdating ng isang grupong mayroong lider na isang Martial God Realm Expert at siyam na Martial Mo-monarch Realm Expert doon!" Sambit ni Minerva habang makikitang medyo nabasag ang boses nito sa huling sinabi nito.
Agad na napatayo ang matandang lalaki na siyang Guild Master. Medyo nangunot ang mukha nito sa kaniyang nalaman.
"Bakit ngayon niyo lamang sa akin sinabi. Kabilin-bilinan ko na ang mga Martial God Realm Expert at Martial Monarch Realm Expert ay hindi maaaring makihalubilo o makialam sa bawat isa. Paanong nagtipon ang mga ito?!" Sambit ng Guild Master habang mayroong kakaibang emosyon na nakakublis sa mukha nito. Alam niyang delikado ang impormasyong ito lalo na kung makaabot ito sa matataas na opisyales ng Central Region. Siguradong mananagot ang mga ito sa mga nanghihimasok.
"Huwag po kayong mabahala Guild Master, ang mga sangkot ay pawang mga hindi mamamayan ng Central Region ngunit nakakabahala ang kanilang pwersa." Sambit ni Minerva habang makikita ang pangamba sa mukha nito.
"Hindi maaaring hindi tayo mangamba. Kasalukuyang nasa seklusyon ang halos lahat ng Martial Monarch Realm Expert at Martial God Realm Expert ng Central Region. Sa oras na umabot sa kataas-taasang opisyales ay siguradonv gugulo ang buong Central Region at makikialam ang buong opisyales. Sa oras na iyon ay wala akong nagagawa roon maging tayo ay maaapektuhan rin ng malaki. Kabilin-bilinan kasi na bawal makisalamuha ang Martial Monarch Realm Expert at Martial God Realm Expert. Kahit dayuhan man sila ay dapat silang sumunod sa batas ng Rehiyon natin." Mahabang pahayag ni Guild Master kay Minerva. Gulong-gulo rin siya sa pangyayaring ito dahil sila ang maaapektuhan.
"Yun nga rin ang problema natin Guild Master ngunit hindi po yun ang pinakaproblema natin kundi mas higit pa dito." Sambit ni Minerva habang makikitang napakagat ito ng labi dahil sa natuklasan niyang balita.
"Huh?! May mas malaki pang problema? Ano yun?!" Sambit ng Guild Master habang nangungunot ang noo nito. Mayroong bumubulong sa kaniyang isipan na dapat niyang malaman ito.
"Alam na ng North, West at South Wings ang isisiwalat ko Guild Master. Nakialam na rin ang mga ito dahil nakahanap sila ng pinagkakainteresang nilalang." Sambit ni Minerva habang halos navtitimpi itong wag sabihin. Medyo napatigil ito lalo pa't alam niyang tiyak na magagalit ang Guild Master sa sasabihin nito.
"Ano iyon Minerva. Sabihin mo ang iyong nalalaman. Hindi ako magagalit sa iyong sasabihin. Para mapukaw ang interes ng buong Central Region ay isa ito sa pinakamagandang bagay hindi ba?!" Sambit ng Guild Master habang may galak na makikita sa mukha nito partikular na sa pares ng mata nito.
"Sabi niyo po yan Master ha?! Ang pinagkainteresan kasi nila ay ang kasama ng isang dalagang Martial God Realm Expert na isang binatilyong Martial Ancestor Realm Expert." Sambit ni Minerva habang makikita ang alanganing tono ng boses nito.
Nang marinig ito ng Guild Master ay napahagalpak ito ng tawa sa kaniyang narinig.
"Hahahahahahahahahahahahahahahahahahaha!!!!!!!"
Halos makabag ang Guild Master kakatawa habang napaupo siya sa kaniyang upuan. Nang matapos niya ang nakakatawang balita ay nagsalita itong muli.
"Hindi ko aakalaing magkakainteres sila sa isang binatang Màrtial Ancestor Realm Expert?! Talagang bumaba na ba ang kanilang standards para sa susunod nilang irerecruit sa kanilang Wing?! Hahahahaha...!" Natatawang sambit ng Guild Master habang iniisip nitong nababaliw ang West, North at South Wings dahil gusto nilang irecruit ang binatang Martial Ancestor Realm Expert?! Isa itong nakakatawang pangyayari para sa kaniya. Napakaraming talentadong Martial Artists na nasa Martial Ancestor Realm Expert na sa murang edad at napakatalentado pa. Sino ba naman ang mangmang na pag-aagawan ang isang binatilyong Martial Ancestor Realm, kahit saan niya pa tingnan ay natatawa talaga siya.
Medyo napahigpit naman sa kaniyang roba si Minerva sa aksyon ng kaniyang Master, ni hindi pa siya pinatapos sa kaniyang sinasabi.
"Guild Master, pwede bang makinig muna kayo ha... Isang Grandmaster Level Array Formation ang binatang Martial Ancestor Realm Expert na iyon!" Malakas na saad ni Minerva habang makikita ang konting inis sa tono ng boses nito.
"Hahaha... Isang Grandmaster Level Array Formation lang naman ang binatang iyon eh... Anooooo?! Tama ba ang narinig ko?! Isang Grandmaster Level Array Formation ba kamo?!" Sambit ng Guild Master habang animo'y nagimbal sa kanyang natuklasan.
Tiningnan niya ang dalagang nagngangalang Minerva at napatango naman ang dalaga tsaka nagsalitang muli.
"Hindi lamang siya simpleng Grandmaster Level Array Formation kundi hinihinala rin ng East Wing na isa rin itong Grandmaster Level Alchemist. Ang South Wing ay nakialam rin sapagkat mayroong taglay na iba't ibang konsepto ang binatang Martial Ancestor Realm Expert na iyon lalo na ng pinakamisteryosong konsepto ng Space. Nakita rin nila kung paano pagsamahin ng binatang iyon ang Tubig at Apoy maging ang hangin at Space kaya nangangamba akonv magkakaroon ng ruckus ang buong Central Region dahil sa paglitaw ng misteryosong binatang isa lamang Martial Ancestor Realm Expert." Mahabang salaysay ni Minerva habang isiniwalat nito ang impormasyong kaniyang nakolekta at nabiripika sa kanilang Guild members.
"Anoooo?! Isang halimaw palanv nagbabalat-kayo ang binatang iyon. Kung gayon ay mayroong lumitaw na montrous Genius na Emperor Level sa Central Region!" Gulat na gulat na sambit ng Guild Master habang makikita ang sobrang pagkabahala sa pagmumukha nito.
"Ano'ng problema Guild Master?!" Sambit ni Minerva habang nakita nito ang ekspresyon ng kanilang Guild Master. Imposibleng magmaganito ang Guild Master liban na lamang kung mayroon talagang malaking problema ang kakaharapin ng Guild Master o nila.
"Ano ang nangyari sa binata, sino ang kumuha sa kaniya sa tatlong Wings?!" Sambit ng Guild Master upang ibahin ang topiko o pag-uusapan nila.
"Ikinalulungkot ko Master ngunit dahil sa presyur na kinakaharap ng binata ay pumasok ito sa isang napakadelikadong Portal kung saan ay masasabi kong patungo ito sa isa sa mga delikadong Battlefields ng kasaysayan." Sambit ni Minerva habang makikita ang lungkot sa mukha nito.
"Anoooo?!!! Bakit nangyari at ginawa niya iyon?!" Sambit ng Guild Master habang nag-aalala.
"Yun nga rin Guild Master eh. Ngunit siguro ay wala ng pagpipilian ang binata. Kasalukuyang nagtutulungan ang buong Wings sa paghahanap sa binata dahil ang battlefields ay napakadelikadong lugar kahit sa mga Martial God at Martial Monarch kung kaya't ang tsansa ng binatang Martial Ancestor Realm na Monstrous Genius na iyon ay nasa 20% o close to zero." Sambit ni Minerva habang nanghihinayang sa napakatalentadong binatang iyon.
"Malamang sa malamang ay manghihinayang at magdadalamhati ang buong Central Region sa pagkawala ng binatang Monstrous Genius na iyon. Kahit siguro ang Martial God Realm Expert ay walang binatbat sa kaniya dulot ng talento at propesyon nito. Sayang nga lang at mamamatay siya sa lugar na iyon." Sambit ng Guild Master habang hinahawakan nito ang kaniyang mahabang balbas. Tunay ngang napakalupit ng tadhana. Kung sino pa iying biniyayaan ng sobrang talento at kakayahan ay babawiin lamang ito ng kalangitan ng walang pasabi.
"Oo nga Guild Master eh... kung sana ay hindi lamang ito tumalon sa portal ay siguradong mamamatay rin siya sa mga Martial Artists na galit sa mga talentadong kapwa nila Martial Artists. O siya nga pala Guild Master, gusto ko na pong umalis dahil may aasikasuhin pa po ako" Sambit ni Minerva habang mabilis na yumuko at umalis na rin.
"Sayang na sayang talaga ang binatang iyon. Maaaring maging isang malakas na indibidwal sana ito sa hinaharap ngunit ganon talaga. Ang suwerte ay hindi talaga minsan umaayon sa ating mga plano." Sambit ng Guild Master habang makikita ang panghihinayang rito. Agad niyang ininom ang gintong likidong sa hawak nitong Wine Glass.
...
Ilang oras pa ang nakalipas at may biglang dumating muli sa sikretong lugar na kinaroroonan ng Guild Master ang isang binatang lalaking nakasuot ng robang pula na may disenyong katulad na katulad ni Minerva.
Whooosh! Whooosh! Whooosh!
Lumitaw ang isang guwapong binata sa harap ng matandang Guild Master.
Yumuko ng konti ang binata upang magbigay-galang sa nasabing Guild Master nila.
"Ano naman ang impormasyong ibabalita mo sa akin Forrest ?!" Sambit ng Guild Master habang makikita ang inip sa boses nito.
"Masamang balita Guild Master, ang Yang River of Darkness na binabantayan ng mga kawal ng Ocean Waver Sect ay pinatay ng hinihinalang dalawang hindi pa kilalang mga nilalang. Tila nabulok ang mga katawan ng mga ito at naaagnas dulot ng Darkness Element ng nasabing dalawang estranghero. Palaisipan pa rin kung ano ang motibo ng dalawang nilalang na iyon." Sambit ng bagong dating na si Forrest.
"Hahaha... Sigurado akong ginamit ng dalawang nilalang na ito ang pagkakataon upang magcultivate sa lugar na iyon ng kanilang elemento. Pero maaari ring may bagay rin itong gustong kunin sa misteryosong lugar na iyon. Matyagan niyo ang lugar na iyon dahil sigurado akong maaaring makialam na ang Ocean Waver Sect dito." Sambit ng Guild Master habang makikita ang kakaibang kislap sa mukha nito.
Ang Ocean Waver Sect ay isa sa misteryosong Sect at kung bakit nila pinoprotektahan ang Yang River of Darkness ay walang nakakaalam maging silang mga mensahero at tagakalap ng balita lamangay walang impormasyon patungkol sa bagay na ito. Siguro ay maaaring sa mga oras na ito ay pwede silang makakuha ng maraming mahahalagang impormasyon. Isa rin itong oportunidad para sa kanila upang tuklasin ang misteryong nakapaloob sa nasabing lugar.
"Masusunod po Guild Master. Nakabantay at nagmamatyag na ang ating mga kasamahan roon. Tiyak na sasali rin ang ibang mga Sect sa pagtuklas roon. Siyempre malaki ang ating magiging papel roon hehe..." Sambit ni Forrest habang nakangiti ito ng malawak. Ngayon ay siguradong hindi mananahimik ang Ocean Waver Sect at sa sitwasyong kinakaharap nito ay siguradong maaapektuhan ang kanilang reputasyon. Napakaraming nakatagong eksperto ang nakabilang sa nasabing Sect ngunit hindi rin mabibilang ang mga kalaban nitong mga ekspertong naghahanap lamang ng magiging palya o problema sa nasabing Sect.
"Siya nga pala, nalaman mo ba kung sino ang dalawang nanghimasok sa loob ng Yang River of Darkness o kung anong Sect o organisasyon nabibilang ang mga ito?!" Nagtatakang tanong ng Guild Master habang nakahawak sa mahabang balbas nito. Masyadong malaki at misteryo pa rin ang dalawang kaganapang ito.
"Yun nga ang problema Guild Master. Ang dalawang nilalang na iyon ay hindi pa alam ang pinagmulan. Ang pinakaimportanteng impormasyon lamang na nakalap namin ay purong darkness element ang mga ito. Nakakagimbal lamang dahil nakaya nilang buwagin ang depensa maging ang mga Array Formation at mga traps sa buong Yang River of Darkness ay nasira ng mga ito. Ang isang lalaking nakarobang itim ay isang Martial Ancestor Realm Expert at ang isa ay hindi namin alam kung ano ang Cultivation Level nito." Sambit ni Forrest habang hindi rin nito alam ang dapat sabihin dahil hindi nakakapaniwala ang pangyayaring ito.
"Isa na namang malakas na Martial Ancestor Realm Expert?! Nakakapagtaka naman ito sapagkat paanong naging ganito ang nangyayari sa Central Region sa kasalukuyan" Sambit ng Guild Master habang nalilito at nagtataka kung ano ang nangyayari sa Central Region. Hindi niya alam kung ano ang koneksyon nito sa naunang balitang ibinalita ni Minerva sa kaniya.
"Ano pong ibig niyong sabihin Guild Master?! Pwede ko po bang malaman ang balitang tinutukoy niyo?!" Nagtatakang sambit ni Forrest. Kaya nga medyo nagtaka siya dahil hindi nagulat ang Guild Master sa kaniyang ibinalita. Ngayon lamang kasi nagkaroon ng malaking suliranin sa teritoryong pagmamay-ari o sakop ng Ocean Waver Sect.
"Hindi mo ba nakausap o nagkausap man lang ni Minerva?! O siya, ako na mismo ang magsasabi sa iyo. Ibinalita niya kani-kanina lamang na mayroong malaking kaganapan sa loob ng Martial Beast Cultivators Territory kung saan ay mayroong nagtipon-tipon na hindi pa kilalang mga grupo ng Martial God Realm Expert at Martial Monarch Realm Expert. Ang nakakamangha at nakakagulat pa rito ay nasangkot ang binatilyong isang Martial Ancestor Realm Expert lamang na isang hinihinalang Grandmaster Level Array Formation, Grandmaster Level Alchemist at mayroong kaalaman sa iba't-ibang konsepto ng mga elemento. Hinihinalang isang Emperor Level o Monstrous Genius ang isang iyon." Sambit ng Guild Master. Hindi niya kasi lubos aakalain hanggang ngayon na lubos na gagawa ng ruckus ang paglitaw nito.
"Kung gayon ay dapat nating i-recruit ang binatang iyon. Ano na ang nangyari sa binatang iyon Guilds Master?!" Sambit ni Forrest habang makikita ang antisipasyon ang ekspresyon sa mukha nito.
Dito ay isinalaysay ni Guild Master ang balitang nalaman niya. Paiba-iba ang ekspresyong ipinapakita ni Forrest sa nalaman niyang ito.
"Napakawalang-hiya talaga ng grupong iyon Master. Isa sanang mapotensyal na binata ang maaaring maging malakas na martial artists ang ating mapapaunlad ngunit alam kong napakaliit ng tsansang makaligtas ito sa loob ng Battlefields." Nanghihinayang at bakas ang lungkot sa tono ng boses habang sinasabi ito ni Forrest. Talagang ang kayamanan sana ay naging bato lamang sa osang iglap. Wala ring nakatala sa kasaysayan na nakaligtas ang isang Martial Ancestor Realm Expert na mag-isa lamang idagdag pang Portal iyon kung saan ay iba't ibang direksyon ito gumagalaw dahil hindi stable ang lugar ng Battlefields at naapektuhan ito ng misteryosong bagay sa loob ng Battlefields o ng maging ng isang Forbidden Areas.
