Cherreads

Chapter 17 - Chapter 16: Morning After

Sophia’s POV

 

Beep… beep… beep…

 

Napakunot ang noo ko habang pinipilit kong hanapin sa dilim ang cellphone kong walang tigil sa pag-aalarm. Nakapikit pa ako habang hinahaplos ang side ng kama. Nang sa wakas ay nahanap ko ito, pinindot ko agad ang stop.

 

Tahimik ulit.

 

Pero bago pa ako tuluyang makatulog, may narinig akong mahinang ungol. Hindi malakas, pero sapat para magpatigil sa tibok ng puso ko.

 

Wait.

 

Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko. Ang una kong napansin — may braso sa ibabaw ng tiyan ko. Malaki. Mainit. Mabigat. At nang lumingon ako… muntik na akong mapasigaw.

 

Si Arch. Jace.

Nakahiga sa tabi ko.

 

At hindi lang basta nakahiga — nakapikit pa, maayos ang pagkakahiga, parang batang walang iniintinding problema. Ang gulo ng buhok niya pero ang gwapo pa rin, ‘yung tipong kahit bagong gising ay parang kinuha sa magazine cover.

 

Hindi ko magawang huminga ng malalim. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko, parang may marathon sa loob. Bakit siya nandito? Paano kami nakatulog ng ganito?

 

Nangilid ang kilig sa labi ko pero pinilit kong huwag ngumiti. Calm down, Sophia. Baka marinig ka ng konsensya mo.

 

Habang tinititigan ko siya, hindi ko mapigilang mapansin kung gaano siya ka-peaceful. Ang haba ng pilik-mata niya, ang ayos ng ilong, at ‘yung labi niya — nakaka-distract. Para siyang anghel na napadpad sa tabi ko.

 

Tama na, Sophia. Huwag kang ma-fall sa tahimik.

 

Biglang may kumatok.

 

“Hoy! Kakain na! Gising na d’yan!” boses ni Vincey, halatang hyper na naman sa umaga.

 

Napapitlag ako. Halos gusto kong magtago sa kumot. Hindi pwede! Baka makita kami ng ganito!

 

Kaya pinili kong magpanggap na tulog. Naramdaman kong gumalaw si Jace, parang nag-stretch sa tabi ko. Nakatagilid pa rin ako, nakapikit, pero ramdam ko ‘yung presensiya niya — ‘yung init ng hininga niya sa likod ng tenga ko.

 

Tapos, walang sabi-sabi…

Marahan niyang hinaplos ang buhok ko.

At bago pa ako makapag-react, naramdaman ko ang banayad na halik sa noo ko. Parang huminto ang oras. Hindi ako huminga. Hindi ako gumalaw. Naiwan lang akong nakapikit, nakikiramdam, habang unti-unting nagiging malinaw sa isip ko ang nangyari kagabi.

 

Ang halik.

 

‘Yun lang ang natatandaan ko.

 

At habang marahang tumayo si Jace para magbihis, pakiramdam ko, mas lalo akong nalito kung alin ang panaginip at alin ang totoo.

 

Arch. Jace’s POV

 

Una kong narinig ay ‘yung boses ni Vincey, parang palaging may energy kahit dis-oras.

 

“Hoy! Kakain na! Gising na d’yan!”

 

Dahan-dahan akong bumangon. Medyo masakit pa ang batok ko — siguro sa sobrang antok kagabi. Pero paglingon ko sa tabi ko, napangiti ako agad.

 

Si Sophia.

Tahimik. Nakapikit. Pero halatang gising.

 

Ang liwanag ng umaga ay tumatama sa mukha niya, at sa sandaling iyon, parang gusto kong tumigil ang lahat. Hindi ko na maalala kung paano ako nakatulog sa tabi niya. Ang alam ko lang, kagabi… may halik. At pagkatapos no’n, tahimik na lang kaming pareho.

 

Hindi ko alam kung tama bang maging masaya na makita siyang katabi ko, pero ang totoo — masaya ako.

 

Nakaupo ako sa gilid ng kama, pinagmamasdan lang siya. Parang gusto kong manatili na lang doon, pero ayokong magmukhang bastos. Kaya marahan kong hinaplos ang buhok niya, sabay bulong:

 

“Good morning, Sophia.”

 

Hindi siya gumalaw, pero napansin kong bumilis ‘yung paghinga niya. Ngumiti ako nang bahagya.

 

Hindi ko mapigilan. May kung anong urge na nagsasabing gawin ko ‘to — hindi para gisingin siya, kundi para pasalamatan siya sa tahimik na umaga. Kaya marahan kong inilapit ang labi ko at hinalikan ko siya sa noo.

 

Isang sandali lang.

Pero sapat para maramdaman ko ‘yung kakaibang init sa dibdib ko.

 

“Gising ka na,” bulong ko habang dahan-dahang tumayo.

 

Kinuha ko ‘yung towel sa upuan. “Maliligo lang ako,” sabi ko, kahit alam kong naririnig niya ako kahit kunwari’y tulog pa.

 

Habang papunta ako sa banyo, hindi ko maiwasang mapangiti ulit. Kung ganitong klase ng umaga ang sasalubong sa akin araw-araw… baka hindi ako magreklamo.

 

Vincey’s POV

 

Alas otso pa lang pero ako, full energy na. Ang sarap ng hangin, ang bango ng kape, at ang ingay ng tiyan ko. Kaya natural lang — ako na naman ang taga-gising ng buong grupo.

 

Unang target: sina Sophia at Arch. Jace.

 

Kumatok ako nang marahan sa pintuan nila. “Hoy, mga tulog! Breakfast time na!”

 

Tahimik.

 

Kumatok ulit ako, mas malakas ngayon. “Guys, wag niyo akong sabayan sa intermittent fasting, please. Bumangon na kayo diyan!”

 

Still no answer.

 

Napataas na kilay ko. “Aba, mukhang sweet-sweetan pa tong dalawang ‘to ah.”

 

Sabay may dumaan — si Ma’am Carmelle.

 

“Anak, bakit parang gigil na gigil ka diyan?” tanong niya, may dalang tray ng tinapay.

“Ma’am, kasi ‘yung dalawang lovebirds, ayaw bumangon! Alam ko gising na ‘yan.”

Ngumiti lang siya, ‘yung ngiti na parang may alam. “Hayaan mo na sila. Baka pagod kagabi.”

 

Ngumisi ako. “Pagod… o in love?” sabay tawa.

 

Kumatok pa ulit ako — mas malakas. “Last call! Kakain na kami, ha! Kung ayaw niyo mag-breakfast, iinitin ko nalang ‘yung feelings nyo sa sun!”

 

Narinig ko na may gumalaw sa loob, kaya napangiti ako. “Ayan! Gising na! See you in ten minutes!” sabay talon ko paalis.

 

Perfect. Breakfast with tension — best flavor ever.

 

Atty. Christian’s POV

 

Pagkatapos ng breakfast — kung saan halata ang awkwardness nina Sophia at Jace (parehong tahimik, parehong hindi makatingin sa isa’t isa) — tinawag ko silang dalawa.

 

“Architect. Miss Sophia. A quick word.”

 

Sumunod sila, parehong tila kabado.

 

Pinaupo ko sila sa may gazebo, malapit sa dagat. “Una sa lahat, gusto kong batiin kayo sa teamwork kahapon. Maayos, mabilis, at pulido ang output.”

 

“Salamat po, Sir,” sabay nilang sabi — halos sabay pa talaga. Pareho silang napatingin sa isa’t isa pagkatapos, sabay iwas ng tingin.

 

Ngumiti ako. May something talaga ‘to.

 

“Anyway,” patuloy ko, “may next project na tayo sa Cavite campus. Interior improvement ng admin offices. I want both of you to handle it together.”

 

Nagulat si Sophia. “Kami po ulit, Sir?”

 

Tumango ako. “Yes. You’ve proven that you work well as a team. Keep that up.”

 

Tumango si Jace, professional pa rin pero may ngiting bahagya. “Yes, Sir. We’ll do our best.”

 

“Good,” sabi ko. “Pagbalik natin sa Cavite, we’ll start planning. For now, enjoy what’s left of this trip.”

 

Habang umaalis silang dalawa, napansin kong naglalakad sila magkatabi pero parehong tahimik.

 

Pero kahit di nagsasalita, malinaw — pareho silang nag-iisip ng pareho.

 

At sa isip ko lang, mukhang may project pa silang hindi ko kailangang i-supervise.

More Chapters