"Hahaha... Isa ka lamang hamak na ordinaryong Cultivator at ang husay mo sa martial ay maituturing lamang na average hahaha!!!" Nanghahamak na sambit ng nakamaskarang lalaki habang makikitang hindi nito nagustuhan ang pag-uugali ng binata. Sa kaniyang kaalaman ay walang sinuman na aristocrats or yung mga maharlika ang pumapansin sa mga misyon na B, maituturing itong isang insulto sa mga ito ang ganitong grade kaya nasisiguro niyang ordinaryong martial artists lamang ang kumukuha nito at mayroong mga bilib sa sarili ang pupunta rito sa lugar na ito. Hindi siya nagdadalawang-isip na manghamak sa mga ito dahil wala naman mga malalakas na background ang mga ito o kaya ay nakakaangat lamang sa mahirap na estado ng pamumuhay ng isang angkan.
"Kaya ba ganon na lamang ang iyong lakas ng loob na hamakin ako. Nakakalimutan mo atang napaslang ko na ang mga kasamahan mo o mas mabuting sabihin na nating panakip-butas mo, tama ba ko?!" Sambit ni Van Grego ng makahulugan habang tiningnan sa mata ang nakamaskarang lalaking estranghero rin sa paningin niya.
"Hmmmp! Ang lakas ng loob mong sagutin ako ng ganyan. Ang isang hamak na ordinaryong martial artist na katulad mo ay walang karapatang magsalita sa harap naming mga malalakas!" Sambit ng nakamaskarang lalaki habang mababakasan ng iritasyon sa boses nito.
"Hahaha... Base sa iyong sinabi ay masasabi kong isa ka sa mga talentadong martial artists ng institusyon o organisasyon. Ngunit baka magulat ka, ang iyong sinasabing mga hamak na ordinaryong martial artist ay siyang lulupig sa'yo hehehe" makahulugang sambit ni Van Grego habang medyo tumaas-taas pa ang kilay nito.
"Aba, aba nang-iinsulto ka ata. Ang lakas naman ng confidence mo sa iyong sarili. Hindi lang kasi lakas ang kailangan binata kundi reputasyon at background din. Nakakainsulto naman kung lalabanan kita. Madami ka pang kakaining bigas upang lumakas para mapantayan mo ko. Nakakabagot na rin ang mga bandidong ito. O ito tanggapin mo kung sakaling kailangan mo ang tulong ko!" Sambit ng nakamaskarang lalaking estranghero sa binatang si Van Grego. Mabilis na lumitaw sa kamay nito ang isang kakaibang talisman at inihagis ito sa direksyon niya.
Naglaho nalang bigla ang nakamaskarang lalaking estranghero sa hangin.
Whooosh!
Agad na inilahad ni Van Grego ang kamay nito sa papalapag na bagay sa kaniya. Nang suriin ni Van Grego ang talisman ay masasabi niyang kakaiba talaga ito at nagulat siya kung ano ito. Isang Monarch Sign Talisman!
"Hmmm... Pa-paano i-ito na-nangyari, is-isang Martial Monarch Realm Expert?!" Sambit ni Van Grego habang hindi nito maipagkakailang hindi lumuwa ang kaniyang mata dito. Isa sa pinapangarap na ranggo at pinakakinatatakutan na indibiduwal sa mundong ito ang kaniyang nakaharap at nakalaban?! Hindi nga iyon isang laban na maituturing sapagkat ipinalasap lang naman sa kaniya ang lakas ng isang Martial Ancestor Realm Expert dahil binabaan nito ang lebel ng kaniyang antas o ranggo pero natalo pa rin siya nito. Masasabi niyang tama ang kaniyang instinct, naramdaman niyang napakamisteryosong nilalang nito maging ang ibang Martial Monarch Realm Expert. Nagiging low-key sila habang papasok sila sa mataas na boundary, Ang Martial God Realm Expert.
Pero hindi niya pa alam ang bagay na ito kaya minabuti niyang wag na lamang itong pakialaman o isipin pa dahil wala naman siyang alam rito. Karamihan kasi sa mga Martial Monarch Realm Expert ay naglalakbay at nagpapanggap na ordinaryong martial artists kung kaya't napakadelikado kapag nagtagpo ang mga landas ninyo.
Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa isipan ni Van Grego ang makatagpo ng isang Martial Monarch Realm Expert ng harap-harapan. Given na nakaharap na siya sa mga Earthen Realm Expert kagaya ni Binibining Mystica at Alfero ngunit kung susukatin ang lakas nila noon ay maikukumpara lamang ang lakas nila sa napakahinang Martial Monarch Realm Expert ngunit mayaman sila sa mga combat experience at mga labanan kaya't masasabi niyang matatalo pa rin ng mga ito ang Martial Monarch Realm Expert na naengkwentro niya ngayon.
"Hmmm... Bakit niya ibinigay sa akin ang ganitong klaseng talisman na sa pagkakaalam ko ay tatlo lamang ang maaaring magawa niya mula sa kaniyang ranggo sa kasalukuyan. Siguro bagot lamang ang lalaking nakamaskarang iyon kaya ako ang pinagtripan. Talagang gumamit pa ng pambihirang concealment item iyon upang itago ang sarili nitong tunay na Cultivation Level at pagdiskitahan ako, nakakainis!" Sambit na lamang sa kaniya sarili ng binatang si Van Grego habang inikot-ikot pa nito pakaliwa't pakanan ang kaniyang leeg. Hindi niya pa rin alam kung bakit niya napukaw ang atensyon ng isang Martial Monarch Realm Expert. Kaya nga na-misinterpret nito ang balak ng lalaking estranghero na iyon na labanan siya. Kung sakaling gusto siyang patayin nito ay malamang sa malamang ay napaslang siya nito. Talagang nagmukha lamang siyang payaso sa harap ng pambihirang lalaking iyon na isang Martial Monarch Realm Expert. Kahit sino naman ay nakakaramdam ng inis para dito. Sa harap ng isang Martial Monarch Realm Expert ay parang insekto lamang sila lalo na siya. Apat na boundary ang lamang o agwat ng misteryosong lalaking estranghero na iyon kumpara sa kaniya. Kahit isang simpleng Monarch Skill lamang siguro ang isagawa nito sa kaniya ay kahit abo ay walang matitira sa kaniya, ganon ang mangyayari sa kaniya kapag nagalit ito pero naiinis pa rin siya.
"Pasalamat talaga ang Martial Monarch Realm Expert na iyon at binigyan niya ko ng Monarch's Gift na ito dahil ibabalita ko talaga na he's bullying the weak. Talagang pamukha ba naman na napakalakas niya kahit nasa Martial Ancestor Realm Expert na Cultivation meron ito hmmmp!" Sambit ni Van Grego ulit ngunit sa kaniyang isipan lamang. May halong inis at tuwa ang kaniyang nararamdaman. Una, sinugatan siya nito sa pambihirang atake nito ngunit bumawi naman ito sa pagbigay ng Monarch Sign Talisman sa kaniya. Di niya rin alam kung ano ang layunin o intensyon nito kung bakit siya binigyan. Ang alam niya ay kapag binigyan ka nito ay mayroong dahilan ewan ba niya kung ano ito. Bawat Monarch Sign Talisman ay may iba't-ibang uri ng panggagamitan ngunit karaniwan sa mga ito ay ang pagkakaroon ng additional ability, skill o kaya ay isang attack power pero nakadepende iyon kung gaano katalentado ang isang Martial Monarch Realm Expert.
Nagtataka man siya ay iwinala na lamang sa kaniyang isipan ang mga ito ng binatang si Van Grego sapagkat mayroon pa siyang mahalagang layuning dapat gawin at iyon ay ang maglakbay papunta sa sentrong bahagi ng Martial Beasts Teritory. Aaminin niyang napakalayo talaga ng lugar na ito pero dahil sa Martial Ancestor Realm Expert na siya sa kasalukuyan ay mabilis niyang nalalakbay ang napakalayong lugar.
"Kailangan kong mahanap ang sinasabi ni Stardust Envoy Silent Walker na kapatid niya. Nagbabasakali akong alam ng mga Martial Beasts Cultivators lalo na ng mga matataas na opisyales ng mga ito." Sambit ni Van Grego sa kaniyang isipan. Hindi niya nakakalimutan kung ano ang misyon niya. Isa na siyang Stardust Envoy ngunit titulo pa lamang iyon. Ang mga kalaban niya ay maaari siyang paslangin o tirisin anumang oras ngayon dahil sa malaking agwat ng lakas niya sa mga ito. Doble ingat rin siya sa kaniyang mga kilos at ang Flood Dragon Transformation ay maaaring gamitin niya lamang ito sa oras na wala na talaga siyang pagpipilian sa isang napakadelikadong sitwasyon. Sa oras na ginamit niya ang Skill na ito ay mabubunyag ang kaniyang titulo bilang isang bagong Stardust Envoy, isang titulong kaya siyang maging isang ganap na Martial Stardust Realm Expert sa hinaharap ngunit hindi niya ito inaasahan para maging ganap na maging malakas. Umaasa pa rin siya sa kaniyang pamamaraan at hakbang upang maging mas malakas pa sa hinaharap. Limang taon ang maaaring gugulin o palugit bago mag-trigger ang sumpa ng isang Stardust Envoy sa kaniyang katawan. Alam niyang hindi ito sumpa kundi isang sangkap na mayroon ang Moon Blossom Pill na ginawa niya. Ito ang sangkap na maaaring maging fortunate encounter ng iba ngunit para kay Van Grego ay isa itong kasumpa-sumpang sangkap ngunit hindi din nito masisi si Stardust Envoy Silent Walker sapagkat ang Martial Stardust Realm ay hindi basta-basta makakamit ninuman. Naniniguro lamang siguro si Stardust Envoy Silent Walker na magiging Martial Stardust Realm Expert ang kaniyang sariling successor na walang iba kundi ang binatang si Van Grego.
Hindi lubos aakalain ni Van Grego na magiging mapalad siya dahil isang Monarch's Gift na walang iba kundi ang Monarch Sign Talisman ang natanggap niya mula sa isang hindi kilalang Martial Monarch Realm Expert.
"Kung sino ka man, lubos akong nagpapasalamat sa iyo. Asahan mong sa susunod nating pagkikita, ako naman ang tutulong sa iyo." Sambit ni Van Grego sa hangin. Alam niyang maririnig siya nito kung hindi pa ito nakakalayo pa.
...
"Hmmp! Talagang malaki ang kumpiyansa ng batang iyon sa kaniyang sarili. Biruin mo ba namang talagang gusto pa kong tulungan sa hinaharap. Hmmm... Malalaman natin yan sa hinaharap!" Sambit naman ng nakamaskarang lalaki habang mabilis na naglalakbay sa isang lugar.
"Hahahaha... Binigyan mo pa siya ng Monarch's Gift, talaga lang na umaasa sa binatang iyon?!" Sarkastikong sambit naman ng isang magandang dalaga habang makikita ang pagkayukot ng mukha nito. Parang nandidiri ito sa kaniyang nakita kanina. Bigla na lamang itong sumulpot sa lugar na ito sa hindi malamang na dahilan. Magkagayon man ay talagang napakaganda nito. Ang buhok nito ay kulay asul at mayroong ginintuang mata habang makikita ang maladiyosa nitong anyo habang naglalakbay sa papasikat pa lamang na oras sa ngayon. Ilang minuto na lamang ay sisikat na ng tuluyan ang haring araw kaya nagbibigay ng ethereal feeling ang kaniyang alindog.
"Saintess, wag naman kayong magalit hehe... Isa pa ay kailangan ko talagang ipamigay ang aking Monarch Sign Talisman eh, malapit na rin kasi akong magbreakthrough." Malumanay na sambit ng nakamaskarang lalaki. Hindi maipagkakailang tama rin ang sinasabi nito. Nasa Peak Martial Monarch Realm Expert na kasi ito at kung nilabanan niya ang binatang iyon ay malamang sa malamang ay napaslang niya ito sa isang pitik lang ng kaniyang kasalukuyang lebel ng lakas.
"Hmmp! Basta hindi ko nagustuhan iyon. Talagang napakaarogante ng binatang iyon, hindi ko aakalaing ang lakas ng loob nitong labanan at pagsalitaan ka ng harap-harapan!" Sambit naman ng magandang dalaga habang makikitang hindi ito sang-ayon sa naging kilos ng binata. Nahahambugan kasi siya rito, kung pwede lang pumatay o pumaslang ay naging malamig na bangkay na lamang ang binatang iyon.
"Napakabrutal mo talaga Saintess kaya nga idolo kita eh hahaha...!" Sambit naman ng nakamaskarang lalaki habang makikitang gusto lamang nitong pakalmahin at ibahin ang iniisip ng Saintess.
Bigla na lamang lumitaw ang isang lalaking mayroong asul na kulay na buhok at mayroon ginituang mata sa hindi kalayuan. Nakatayo lamang ito na animo'y may inaabangan.
Mistulang nagulat naman ang nakamaskarang lalaki at ang magandang dalaga sa kanilang nakitang paglitaw ng lalaki.
"Hmmmp! Buwiset talaga ang binatang iyon. Kung hindi dahil sa kaniya ay hindi ako mamalasin ng ganito huhu!!!" Sambit ng magandang dalaga habang makikita ang sobrang pagkainis nito sa binatang iyon. Nakalimutan niya palang kunin ang isang concealment item nila sa lugar na iyon.
Mistulang nahintatakutan naman ang nakamaskarang lalaki habang nakatingin siya sa pigurang nasa hindi kalayuan. Alam niyang mapaparusahan talaga sila sa bagay na kanilang ginawa.
Tiningnan naman ng nakamaskarang lalaki ang babaeng katabi niya lamang ngayon na walang iba kundi ang tinatawag nitong Saintess at nagwika.
"Saintess, paano yan eh andito ang kapatid mo huhu... Siguradong hindi niya tayo hahayaang makatakas muli!" Nahintatakutang sambit ng nakamaskarang lalaki habang makikita ang labis nitong lungkot.
"Hmmp! Parehas lamang kaming Martial God Realm Expert kaya tingin mo ba ay hindi ako ganon na kasinglakas katulad niya?!" Sambit naman ng magandang babaeng ito habang punong-puno ito ng kumpiyansa sa kaniyang sarili habang sinasabi ang mga bagay na ito.
"Pero m----!" Sambit ng nakamaskarang lalaki habang makikita ang kaniyang pag-aalala ngunit mabilis siyang pinutol ng dalaga.
"Wala ng pero pero, kung kailangan kong labanan ang kapatid kong to ay gagawin ko. Tingin niya ba ay natatakot ako sa kayang gawin niya?! Alam niyang hindi niya ko mapapasunod sa gusto niya lalo na sa gusto nilang lahat, Hinding-hindi!!!!" Malakas na sambit ng Saintess habang makikita ang labis na inis at galit sa boses nito. Mayroong kung ano'ng makahulugang bagay ang nais nitong itumbok.
