Cherreads

Chapter 233 - Chapter 62

Agad na napahawak si Van Grego ng mahigpit sa kaniyang pana at mabilis niya na lumitaw sa bow strings nito ang isang kakaibang pana. Hindi ito makikita ng sinuman sapagkat isa itong Space Arrow, ito lamang ang kayang gawin ni Van Grego dahil level 2 pa lamang ang kaniyang kaalaman patungkol sa concept of Space. Ang mundong ito ay bilang lamang ang nakakaalam sa ganitong klaseng konsepto at kung malalaman man nila ang ganitong klaseng konsepto ay hindi naman nila ito matutunan sapagkat isa ito sa pinakamahirap na konsepto na iba sa Elemental Concepts. Kahit nga ang Concept of Thunder ay tiyak na walang susubok nito. Kailangan kasi ng special physique na compatible na maaaring maka-absorb ng kidlat papunta sa loob ng iyong katawan. Isa kasing bayolenteng elemento ng mundo ang kidlat. Ang iba ay maraming sumusubok nito ngunit ang kinahahantungan nila ay naki-cripple lamang o ang malala ay kamatayan ang naging dulot sa kanila nito.

Ang pana ay biglang naglaho sa paningin ng lahat ng mga bandido. Ngunit nakita nilang ganoon pa rin ang posisyon ng kamay ng binata na animo'y may hinahawakan na kung ano.

Oooooooo...oooo...ooo...

Ngunit biglang may malakas na tunog ang umalingawngaw sa paligid kung saan ay makikita ang isang lalaking nakasuot ng robang itim habang makikitang nakasakay ito sa isang higanteng Flying Sword. May peklat na malaki sa bandang kanang mata nito na animoy bakas ito ng nagtatalimang kuko ng isang halimaw. Tatlong guhit na nakakatakot tingnan sapagkat napakalalim ng sugat ang naiwan sa mukha nito. Maaari naman kasing pahilumin ito kapag tumataas ang ranggo ng sinuman ngunit sigurado ang binatang si Van Grego na sinadyang iwan ito ng di pa kilalang lalaking nakasuot ng itim na roba.

"Hmmmp! Alam mo bang ang sinuman na pumupunta sa lugar namin ay namamatay?! Talagang napakapangahas mo binata!" Sambit ng makarobang itim na lalaking bagong dating. Makikitang matalim nitong tiningnan ang binatang si Van Grego habang hindi nito maipagkakailang pangit ang impresyon nito sa binata.

"Tama nga yan lider, dapat mamatay na ang binatang iyan!"

"Pangahas talaga siya lider, maraming kasamahan natin ang nasugatan at napaslang ng binatang estranghero na ito!"

"Dapat na talagang paslangin ang binatang iyan lider!"

"Nandito na ang makapangyarihang pinuno namin, kabahan ka na binata!"

Ito ang mga sinasabi ng mga bandido habang makikita ang kagalakan ng sa wakas ay dumating na ang kanilang tunay na lider. Hindi nila hahayaang mangyari ang gusto ng binatang ito. Malaki ang tsansang mapapaslang nila ang binatang estranghero sa lalong madaling panahon lamang.

"Hmmp! Napakaraming dada, tingin ba nila ay matatakot ako sa lider nilang isa lamang 2-Star Martial Ancestor Realm Expert?! Pwes nagkakamali sila!" Sambit ni Van Grego sa kaniyang isipan lamang. Napakaself- centered at ang kanilang pahayag o prinsipyo lamang ang kanilang kinokonsidera. Yung tipong gusto mo sanang ipahayag ang saloobin mo ngunit aakusahan ka lamang ng hindi man lamang pinapakinggan ang iyong sariling saloobin. Talagang ang mga taong ito ay mapagmataas, mapanghamak at makasarili.

Agad na pinaulanan ng mga palaso ng mga bandido ang binatang estranghero na si Van Grego habang makikitang halos lumiwanag na animo'y tanghaling tapat na sa oras na ito. Nauna ang akakibang limang nagliliwanag na palaso na animo'y isang bulalakaw na napakataas ng pagkakalipad at pagbulusok nito sa lupa na nakasunod pa ang ibang mga palaso na animo'y hindi mapipigilan ang bagsik at talim nito papunta sa kinaroroonan ni Van Grego.

Agad na animo'y binitawan ni Van Grego ang kaniyang palaso na sa hinahawakan nitong pana ngunit hindi ito nakikita ng sinuman lalo na ng mga bandido.

Hindi rin maiiwasang magbitaw ng masasakit na salita ang mga bandido sa nakita nilang kilos ng binatang estranghero na si Van Grego.

"Hahaha... Nabaliw na ata ang batang ito. Alam namin ang konsepto ng Hangin pero kitang-kita namang wala kang hinahawakan na kahit na anuman."

"Kaya nga eh, sino ba namang tanga ang gagawa ng ganitong klaseng kahangalan!"

"Isa ba siyang payasong pagala-gala, kung oo ay napatawa niya ako ng ginawa niya hahaha!!!"

Napangisi na lamang si Van Grego sa inaasta ng mga bandido. Ang tanga kasi ng kanilang pag-iisip at mangmang.

Break for me! Sambit ni Van Grego ng biglang sumabog ang kaniyang palasong siya lang mismo ang nakakakita.

"Dahil sa kahangalan niyo ay mamamatay na kayo hahahaha!!!!" Sambit ni Van Grego ng makita niyang unti-unting nagkaroon ng distorsyon ang Space sa bahagi ng mga kalaban. Ito ang pinakamalakas niyang Skill na alam niyang walang sinuman ang makakapantay sa kaniya lalo na sa kaedaran niya lalo na sa mga hindi talentadong mga Màrtial Artists.

Ang distorsyon ay unti-unting nag-vibrate at maya-maya pa ay biglang nagkaroon ng mga Cracks. Walang iba kundi ang mga Space Cracks.

"Ahhhhh!!!!!!"

"Anong klaseng atake ito!!!!!"

"Ayoko na!"

Ilan lamang iyan sa maririnig bago tuluyang nalagutan ng buhay ang mga bandido.

Tatlong segundo lamang ang nakalipas nang mabilis na nawala ang mga maliliit na space cracks. Makikitang walang buhay ang mga itong bumagsak sa lupa.

Ngunit nakita na lamang ni Van Grego ang pagngisi ng isang nilalang na nasa hindi kalayuan. Nahagip niya kasi ang aura ng isang nilalang na nakakubli sa isang sulok na alam niyang kanina pa nagmamatyag sa kaniyang gawi. Kahit na ikubli pa rin nito ang sarili ay hindi pa rin siya makakaligtas sa senses ng binatsng si Van Grego dahil sensitibo siya sa anumang uri ng enerhiya.

"Hmmmp! Magpapakita ka o ako mismo ang maglalantad sa iyo?!" Sambit ni Van Grego habang nakatingin ito sa kawalan.

Mabilis na lumapag sa lupa ang nasabing nakamaskarang lalaki na makikitang ikinubli pa nito ang enerhiya nito. Mahaba ang buhok nitong kulay itim na katulad ng gabi.

Ilang metro lamang ang pagitan nila. Agad ring humarap ang binatang si Van Grego sa gawi ng pinaglapagan ng lalaking ito. Naalala tuloy ni Van Grego rito ang kalaban niyang si Jinron ngunit ang kaibahan ay alam niyang ang lalaking nakamaskarang ito ay mayroong hidden agenda at may hidden motives.

"Magaling, Magaling, Magaling, hindi ko aakalaing makikita mo ako. Nagpapatunay lamang na isa kang talentadong martial artists katulad ko hehehe..." Sambit ng lalaking nakamaskara. Nakangiti ang maskarang suot nito na mayroong mukha ng payasong nakakatakot ang nakapinta rito.

Naramdaman ni Van Grego na malakas ang isang lalaking nakamaskarang nasa harap niya. Kung hindi siya nagkakamali ay isa itong 3-Star Martial Ancestor Realm Expert.

"Hahahaha... Hindi ko aakalaing nakakasuka ang paraan mo upang ikubli ang iyong sarili at dito pa talaga. Nagpapatunay lamang na ikaw ang naging lider upang tipunin at gawing teritoryo ang lugar na ito. Kung ordinaryong 1-Star Martial Ancestor Realm Expert lamang ay baka napaslang na sila ng mga grupo-grupong Màrtial Beasts na naririto." Sambit ni Van Grego habang makikitang medyo may inis siya rito.

"At ano naman ang pakialam ko sa iyong sinasabi binata?! Ang mundong ito ay walang mabuti at masama. Kapangyarihan ang nagdidikta rito. Sa inaasta mo ay parang isa kang disipulong mayroong prinsipyong mabuti ngunit wala kang lakas ahahahaha... Nagpapatawa ka ba?! Kailan lang ba naging bastos ang isang hamak mo sa taong mas malakas sa'yo?!" Sambit ng lalaking nakamaskara habang makikita ang pait at galit sa tono ng boses nito. Nakakapanibago ang ganitong klaseng senaryo. Ngayon lamang siya naka-encounter ng ganitong klaseng martial artists.

"Pakialam?! Wala akong pakialam sa inyo. Hindi ka ba natatakot na malaman ng Martial Beast Cultivators na naririto kayo sa lugar nila? Isa pa ay alam kong mga takas kayo na bilanggo mula sa iba't-ibang lahi kaya hindi rin ligtas sa inyo kung sa mataong lugar kayo. Nakakahiya kayo!" Sambit ni Van Grego sa matalim na tomo ng boses. Hindi niya aakalaing mayroong maglalakas ng loob na manirahan rito liban na lamang kung mayroon silang samahan. Nagawa nilang manirahan rito kaya malamang ay may koneksyon sila sa tatlong lahi. Hindi rin naman kasi bawal ang makisama sa ibang mga lahi pero kung puro bandido at masama ang layunin nila ay malamang sa malamang ay magtutulungan ang tatlong magkakaibang lahi ng tao, hybrid at Martial Beast Cultivators upang paslangin o lipulin sila.

"At talagang nagbalak ka pang sabihin sa akin iyan. Alam ko na ang bagay na iyan at alam mo na rin pala ito. Kung ganon ay wala na akong dahilan upang buhayin ka!!!!" Sambit ng lalaking martial artists na nakamaskara na hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan nito. Hindi niya lubos aakalaing mayroong mangangahas na sabihin ito sa kaniya ng harap-harapan. Isang pang-iinsulto ito sa kaniya. Lahat ng nagbalak na sabihin ito sa kaniya ay pinapaslang niya. Naniniwala siyang siya lamang ang malakas at napakatalentado.

"Bring it on!" Sambit ni Van Grego habang hinahanda ang kaniyang sarili. Isa lamang siyang 1-Star Martial Ancestor Realm na kayang lumaban ng isang talentadong 6-Star Martial Ancestor Realm Expert ngunit ang kaniyang depensa ay hindi maikukumpara sa 2-Star Martial Ancestor Realm pataas sa parehong boundary kaya fatal pa rin kung matamaan siya ng mga matataas ang lebel sa kaniya. Isa pa rin itong maituturing na life and Death situation na maaari niyang ikapahamak. Isa pa ay hindi niya kilala ang nilalang na ito. Kumpara sa mga Martial Beasts o mga halimaw at hybrid, maituturing pa ring weakness ni Van Grego ang labanan ang kaparehong lahi niya na isang talentadong Màrtial Artist. Nalaman niyang napakasolid din ng Martial Art foundations nito maging ang physical and energy power nito ay hindi nalalayo sa kaniya. Hindi niya alam kung ano ang mga nakatagong mga alas o baraha sa mga bulsa nito. Naniniwla siyang a Man's greatest enemy is his fellow Man too. 

Agad na lumitaw sa kamay ng nakamaskarang lalaki ang isang napakahaba at napakatalim na espada na mahigpit nitong hinawakan.

"Gamit lamang ang espada kong to ay mapapatay na kita. Tuturuan ko ng leksyon ang isang kutong-lupa na katulad mo kung ano ang pinagkaiba ng 3-Star Martial Ancestor Realm Expert sa isang hamak na katulad mo na isang 1-Star Martial Ancestor Realm Expert! Hyaahhhhh!!!!" Galit na sambit ng nakamaskarang lalaki habang makikita ang animo'y puputok na ugat sa noo nito na nangangahulugan lamang na galit na galit ito.

Mabilis nitong tinawid ang distansyang meron sila at mabilis na nagsagawa ng pambihirang Skill nito.

"Sword Skill: Wind Slash!"

Sambit nito habang makikitang tatlong kulay asul na naglalakihang sword intent ang mabilis na bumulusok papunta sa direksyon ni Van Grego.

"Hmmp!"Sambit ni Van Grego ng mahina lamang habang mabilis rin siyang nagsagawa ng Technique.

"Fire Creation Technique: Dragon Fury Fire Sword!"

Inaanalisa ni Van Grego ang kaniyang gagawin. Isang purong Water Attribute ang kalaban niyang martial artists kaya kailangan ay purong uri ng Fire Attribute ang gamitin niya. Alam niya kasing hindi basta-bastang konsepto lamang ang tubig ang mayroon ang kalaban. Kung titingnang mabuti ay mayroong halong purong enerhiya ng isang purong halimaw na water-attribute.

Mabilis na nagmaterialize ang isang nagbabagang espada sa kamay nito. Agad niyang pinaghahampas ng kaniyang espada ang sword intent

BANG!

Mabilis na sumabog ang unang sword intent nang hampasin ito ni Van Grego. Ngunit ramdam niyang napakalakas ng atake ng nasabing nakamaskarang estranghero. Hindi niya maitatangging nabigla siya sa kaniyang natuklasan. Pamatay talaga ang atake nito na hindi niya malaman ang dahilan.

BANNGGGG!

Medyo nahirapan si Van Grego sa pangalawang sword intent pakiramdam niya ay napakapuro ng enerhiyang meron ito. Kahit ang kaniyang nagbabagang espada ay mistulang naupos ang apoy nito.

BANNNNGGGGGG!!!!!!!!!!

Isang malakas na pagsabog ang biglang nangyari sa kinaroroonan ni Van Grego na hindi nito inaasahan.

BOOOOGGGGSHHHHHHH!!!!!!!!!

Tumalsik ng napakalayo ang binatang si Van Grego papunta sa boundary line ng pangalawang ruta. Naglikha ng napakakapal na usok sa dakong pinagbagsakan nito.

More Chapters