Cherreads

Chapter 235 - Chapter 64

"Pero Saintess, alam mong hindi mo siya kakayanin. Dahil sa pagrerebelde mo sa kaharian ay malamang sa malamang ay kung makaligtas tayo ay siguradong magkakagulo sa konseho lalo na at magpapadala sila ng maraming mga Cultivators para hulihin tayo kahit saan tayo magpunta!" Sambit ng nakamaskarang lalaki.

"Alam ko yun pero di nila ako o tayo mahuhuli hehehe... Alam kong mayroong lugar na ligtas para sa atin hehehe..." sambit ng magandang dalaga habang makikitang biglang naglaho ito sa kinaroroonan nito at mabilis itong lumitaw sa lugar ng misteryosong lalaki.

"Ang lakas din ng apog mong pumunta rito Kuya, talagang sunod-sunuran ka nalang ngayon sa kanila hahaha..." Sambit ng madandang dalaga habang makikita ang nanghahamak nitong tingin.

"Wag mo kong subukan Nova Celestine. Pinapahanap ka nila sa akin. Bakit ba ang tigas ng ulo mo ha?! Basta-basta ka nalang tumatakas sa kaharian tapos nandito ka naman sa Central Region. Sinama mo pa ang body guard mo na si Rain. Alam mong makakarating ito kay Ama at Ina!" Galit na sambit ng misteryosong lalaki. Base sa bone structure niya ay nasa dalawampong taong gulang pa lamang ito at ang magandang dalaga naman ay nasa labingsiyam taong gulang pa lamang.

"Ano ang pakialam ko. Napakaboring ng lugar natin Kuya Loon. Puro nalang karangyaan ang iniisip at ilang ulit ko bang sasabihin na ayokong bumalik doon!" Matigas na pagkakasabi ng magandang dalaga na nagngangalang Nova Celestine. Talagang totoo lamang siya sa sinasabi nito. Talagang puro karangyaan lamang ang nandoon at pakiramdam niya ay wala ng katapusang karangyaan doon na tipong nasusuka na siya. Isa pa sa pinakaayaw niya ay ang mga kultura o nakagawian na nila doon kagaya ng pagkakaroon ng mahigpit na batas at social class system. Nakakainis na talaga yung tipong kapag naging anak ka ng maharlika ay magiging maharlika ka na din. Yung tipong kung isang crafter ang mga magulang mo ay magiging crafter ka na din. Yung wala kang kalayaan na mamili ng gusto mo. Isa pa sa pinakanakakasakit ng damdamin para sa kaniya ay ang pagkakaroon ng gender discrimination. Bawal maging kawal o alinmang military trainings ang mga babae. Wala rin silang kalayaan sa pagpili ng kanilang pakakasalan na ayaw na ayaw niyang mangyari sa kaniya. Sa mga lalaki naman ay bawal gumawa ang mga ito ng gawain ng mga babae at arrange marriage din sa kanila. Nasusuka na siya sa kanilang nakagawiang ito. Kaya gagawa siya ng paraan para mabali at baliin ang nakagawian nilang napaka-one sided lamang.

"Ayaw mo ba niyon ha?! Alam mong hindi ka maghihirap kailanman. Kumpara sa labas ng lugar natin ay puro nalang patayan at Survivability ang nangyayari. Halika na Nova Celestine, Umuwi na tayo." Malumanay na sambit ni Loon na siyang kuya niya.

"Matagal ko nang kinalimutan ang marangyang buhay ko noon kuya, bakit pa ko babalik doon?! Alam mong hindi ako nababagay sa lugar na iyon!" Sambit ni Nova Celestine. Naging isa na siyang Martial God Realm Expert kaya malaya na siyang maglakbay sa labas ng kaharian o kung saan man niya gustong pumunta. Walang makakapigil sa kaniya. Mabuti na lamang at mabilis siyang nakatungtong sa lebel na ito. Walang magagawa ang konseho kung sakaling gusto siyang sundan ng mga ito.

"Talaga bang ganyan na katigas ang ulo mo at ang puso mo Celestine?! Hindi ko aakalaing magiging ganito ka at napakamakasarili mo!" Sambit ni Loon na siyang kuya ni Celestine. Parehas na parehas sila ng facial features maging ng mata at buhok na mapagkakamalan mo silang kambal. Ngunit magkaganon man ay ibang-iba sila ng pananaw at prinsipyo.

Tiningnan lamang ni Nova Celestine ang kaniyang kuya Loon ng malamig habang makikita ang makahulugang tingin nito.

"Napakamakasarili?! Sabihin mo yan sa mga sarili ninyo. Hindi niyo ba alam na nagpaplastikan nalang ang karamihan sa inyo. Dahil sa pinapairal na batas sa kaharian natin ay naapektuhan ang buong nasasakupan! Ano ba talaga ipinamumukha mo sa aming mga kababaihan ha?! Bagay na pwedeng ipamigay sa inyong mga kalalakihan ha?! Nilamon ka na talaga ng walang kwentang kultura natin!" Sambit ni Nova Celestine. Nakakaawa ang mga kababaihang katulad niya, pinapangako niyang hahanap siya ng paraan upang wasakin ang mga kaugaliang ito. Gusto niya ng pagbabago. Masuwerte siya dahil isa siya sa nakatakas mula sa batas na ito. Buong buhay niya ay nakulong lamang siya sa kanilang magarang lupain at nagsumikap maging isang babaeng Cultivator. Oo, ito lang ang paraan niya upang makalaya mula sa kamay ng malulupit na batas ng konseho. Labag man sa kalooban niya na magrebelde sa mga ito ay alam niyang nasa tama siya. Hipokrito man kong hipokrito, selfish man kung selfish pero kailangan niyang mabuhay para sa kaniyang sariling kalayaan. Siyempre hahanap siya ng paraan upang palayain din ang mga taong sa makalumang tradisyong ito.

Walang inaksayang oras si Nova Celestine at agad niyang pinalitaw ang kaniyang sariling armas, isang dambuhalang pamaypay na kulay asul.

Agad na nagliwanag ang kaniyang pamaypay na kulay asul at mabilis na iwinasiwas ito sa hangin.

Whooosh! Whooosh! Whooosh! ...!

Mabilis na bumulusok ang mga maliliit na mga kutsilyong ngunit mababakasan ang nakakatakot na enerhiyang bumabalot rito.

Agad na napapadyak ng malakas si Loon habang makikitang medyo nainis siya sa inasal ng kaniyang kapatid.

"Total ay gusto mong subukan ang aking pasensya ay wag kang magsisisi sa iyong desisyon Nova Celestine!" Sambit ni Loon habang makikita ang iritasyon sa boses nito.

Agad na lumitaw sa kamay nito ang isang dambuhalang Spear. Kumpara sa mga nakalaban ni Van Grego o nakita niya na mga Spear User ay ito ang pinakamalakas at pambihirang Spear.

Nagulat si Nova Celestine sa inasal ng kaniyang nakakatandang kapatid. Hindi niya aakalaing lalabanan siya nito. Siguro ay napuno na ito sa kaniya at sa pressure na inaatang sa kaniya ng kaniyang ama, ina at ng mataas na konseho.

Siguradong mahihirapan siyang labanan ang kaniyang sariling kapatid. Mas talentado siya rito ngunit alam niyang marangya ang kapatid niya sa mga bagay-bagay lalo na sa Cultivation Resources na siyang ikinaalarma niya. Hindi maipagkakailang lubos itong lumakas at maraming barahang na itong itinatago sa mga bulsa nito na ito lamang ang nakakalam.

Mahigpit niyang hinawakan ang kaniyang sariling pamaypay at napakakuyom ang isa niyang kamay dahil hindi niya aakalaing darating sa puntong lalabanan niya ng personal ang kaniyang kapatid. Hindi niya batid kung ano ang mangyayari sa pagitan nila.

...

Agad na nilakbay ni Van Grego ang pangatlong ruta kung saan ay halos mga kabahayan na lamang ng mga bandido kung saan ay walang katao-tao.

Kasalukuyan siyang naglalakbay papunta sa pang-apat na ruta. Alam niyang dito dumaan ang nakamaskarang lalaking estranghero na isang Martial Monarch Realm Expert. Nagtataka siya kung bakit nandito ito. Liban na lamang kung may pinagtataguan ito.

Ngunit nagulat na lamang siya ng makarinig siya ng malakas na mga pagsabog sa di kalayuan.

BANG! BANG! BANG!

Agad na napukaw ang atensyon niya rito.

"Talagang dito pa talaga pinili ng mga ito ang lumaban? Hmmm... Nakakakilabot naman ng enerhiyang inilalabas ng kanilang mga atake. Paano pa kaya kung puntahan ko ito?!" Sambit ni Van Grego sa kaniyang isipan lamang habang makikita ang kagustuhan nitong makita ang aktuwal na labanan ng kung sinuman.

Agad na binaybay ni Van Grego ang direksyon kung saan nangyayari ang nasabing labanan at sagupaan ng dalawang magkaibang pwersa nang di pa kilalang mga nilalang habang itinago niya ang kaniyang awra at enerhiya upang di siya mapansin ng sinumang mga nilalang.

Ilang minuto lamang at natanaw ni Van Grego ang naglalaban. Nagulat siya nang makita ang isang pamilyar na nilalang.

"Hmmm... Ano naman ang ginagawa ng nakamaskarang Martial Monarch Realm Expert sa lugar na ito?!" Sambit ni Van Grego ngunit nagulat na lamang siya nang tingnan at suyurin ang tinitingnan ng nakamaskarang estranghero na isang Martial Monarch Realm Expert.

"Huh?! Dalawang naglalabang nilalang sa himpapawid?! Mga Martial God Realm Expert?!" Sambit ni Van Grego na halos manlaki ang kaniyang mga mata. Alam niyang hindi basta-bastang mga eksperto lamang ang ito. Kumpara sa mga Martial God Realm Expert ng Hyno Continent na purp mga matatanda ay alam niya walang binatbat ang mga ito sa dalawang nilalang na ito. Dahil napakalawak na ng kaniyang Divine Sense at nararamdaman niya ang abnormal na pagdaloy ng enerhiya sa paligid ay alam niyang hindi ito mga ordinaryong mga Martial Artists lamang kundi mga tunay at talentadong mga indibiduwal. Nakita niyang ang naglalaban ay may parehas na Physical Features ngunit alam niyang ang isa ay isang magandang babae at isang guwapong lalaki na masasabi niyang parang kambal ngunit ang bone structure niya ay alam niyang imposible dahil halos isang taon ang agwat ng mga ito. Hindi niya mapigilang mag-isip ng mga bagay-bagay.

"Bakit nag-aaway ang dalawang nilalang na ito eh parang magkapatid o magkadugo ang mga ito. Ganito na ba sa Central Region, naglalabasan na ngayon ang mga malalakas na eksperto?!" Sambit ni Van Grego habang makikita ang halo-halong emosyon. Tama nga ang sinabi ng isang manunulat sa librong kaniyang binasa na ang mundong ito ay gawa sa balanse ngunit hindi nangangahulugang pantay-pantay ang abilidad at talentong meron sa bawat isang nabubuhay.

Hindi man sabihin ni Van Grego ngunit tao lamang siya nakakaramdam ng hapis, inggit at pagkaawa sa kaniyang sarili. Masasabi niyang ang dalawang martial god expert na ito ay mga Saint Level Talents na mga martial artists ng kaniyang Era. Kumpara sa karamihan sa kanila o ang mga kilalang mga pamilyang mayroong malalakas na eksperto ay walang binatbat sa kanila ang mga ito. Base sa bone Structure nila ay hindi kapani-paniwala na merong malalakas na indibiduwal katulad nila kagaya ng tatlong taong kilala niyang mga Saint Level Talents sa Hyno Continent na sina Roco, Marciano at si Zerk Clamir. Isa man sumpa na maituturing ang Continental Seal na meron ang Hyno Continent ay masasabing isa rin itong biyaya sa mga naninirahan dito.

Maiging nagmamatyag at nanonood ang binatang si Van Grego sa magiging laban ng dalawang Martial God Realm Expert. Hindi niya maipagkakailang nagagalak siya sa maaaring maging laban ng dalawang eksperto at maituturing niyang isang napakagandang laban ito. Gamit ang kaniyang divine sense ay pinakinggan niya ang mga pag-uusap ng dalawang malalakas na eksperto na hindi nagkakalayo ang agwat ng lakas sa isa't-isa.

"Ang mga simpleng atake mo lamang na iyan ay hindi mo ako mapapatumba Nova Celestine. Hindi mo ako kakayanin aking kapatid!" Sambit ni Loon habang makikita ang pagtiim-bagang nito. Mababakasan din ang iritasyon sa mukha nito.

"Pwes tikman mo to Kuya Loon!" Sambit ni Nova Celestine habang makikita na hindi na ito nagho-hold back at mabilis na nagsagawa ng panibagong Skill.

Mabilis na nagliwanag ang pamaypay ng magandang dalaga na si Nova Celestine at mabilis niya itong iwinasiwas sa hangin sa direksyon mismo ng tinatawag nitong kuya na si Loon.

Sampong mga nagtatalimang mga kutsilyo ang biglang nagmaterialize sa pamaymay at animo'y nagkaroon ng magulong pattern ang mga kutsilyo.

"Hahaha... Tikman mo kuya Loon ang aking pamatay na atake!" Sambit ni Nova Celestine at mabilis na lumipad ang mga Arcane Knives sa magkakaibang mga direksyon. Nagulat naman sina Loon, Rain at lalong-lalo na si Van Grego na nakaawang pa ang kaniyang bibig.

Whooosh! Whooosh! Whooosh! ...!

"Isang 480° attack angle?! Pamatay talaga ang atake ng babaeng Martial God Realm Expert na ito, nakakamangha!" Sambit lamang ng binatang si Van Grego sa kaniyang isipan. Natutuwa siyang pagmasdan ang labanan na ito at masasabi niyang magkapatid pa talaga ang naglalaban-laban na siyang ngayon niya lamang nakita.

Maya-maya pa ay bigla na lamang nakita ni Loon na papalapit na mismo ang mga nagtatalimang kutsilyo sa kaniyang kinaroonan mismo.

"Hmmp! Akala mo ay matatalo mo ko sa simpleng mga atake mong ito, pwes nagkakamali ka!" Sambit ni Loon habang makikitang hindi nito nagustuhan ang naging pag-atake ng kaniyang kapatid sa kaniya.

Animo'y ang katawan ng lalaking kapatid ng magandang dalagang tinatawag na Saintess ay animo'y nabalot nang nagliliwanag na kulay asul na liwanag. Ang robang suot nito ay napalitan ng Armor na kulay asul na animo'y isang kumikinang na malakristal na tubig. Bakas rin ang isang disenyo ng isang asul na dragon (Azure Dragon). [Sword like jade, saber like tiger, spear like dragon.]

More Chapters