"Totoo ba ito Van Grego?! Na-napakarami ni-nito para sa l-lahat ng Soaring Light Sect?!" Sambit ni Sect Master Soaring Light. Hindi siya makapaniwala na ang sampong Mystical Interspatial Sack ay pagmamay-ari niya pero higit pa doon ay ang mga laman nito.
"Opo Master, tsaka kung mayroong sobra ay alamin ireserba niyo nalang po para sa susunod na mga disipulo. Kung mayroon na ang bawat isa sa kanila na mga Martial Spirits ay lalakas ang pwersa ng Soaring Light Sect nang sa ganon ay maprotektahan niyo ang teritoryo ng mga Human Sect sa kontinenteng ito maging ang mga maliliit na mga bayan rito. Tsaka para na rin mapanatag ang loob namin na hindi kayo mapapahamak kapag nagtungo na ko papunta sa Central Region." Sambit ni Van Grego habang may lungkot sa boses nito pero bigla na lamang siyang ngumiti. Hindi niya aakalaing parang kelan lang ay isa lamang siyang paslit na nagmula rito sa kontinenteng ito tapos ay ngayon na nagbibinata na siya ay saka siya nangangailangan ng umalis rito upang magpalakas pang muli at mabuhay sa mas komplikadong lugar at napakalawak na lugar. Sa mga nabasa niya ay alam niyang ang maunlad na pamumuhay ng Central Region ay hindi nangangahulugan na buhay prinsipe ka na roon dahil kung gaano ang ikinaunlad nito ay mas grabe naman ang kompetisyong nangyayari roon.
"Hindi ko aakalaing may ginintuang puso ka Van Grego. Hindi ka nagdadalawang isip na tulungan kami pero kami o maging ako ay wala akong nagawang malaking tulong sa'yo." Sambit ni Sect Master Soaring Light habang makikita ang labis niyang saya ngunit may halong pagkahiya.
"Ano ka ba Sect Master, hindi niyo ba alam na dahil sa Soaring Light Sect ay nakakaiwas ako sa maraming gulo maging sa pagbili ng mga produkto ay palagi akong napa-prioritize lalo pa at nasa labas ako ng Sect. Hindi ito pagsisinungaling sapagkat alam niyo naman siguro ang maliit na bayang aking pinamamalagian sa bandang may mga kabundukan maging ang ibang maliit na bayan na nasa pangangalaga ng mga lahi ng tao." Sambit ni Van Grego habang nakangiti. Totoo ang kaniyang sinasabi sapagkat kilalang-kilala si Sect Master Soaring Light maging ang Soaring Light Sect sa buong teritoryo ng mga tao. Napapadali nga ang kaniyang transaksyon sa pagbili ng kakailanganin niyang bagay o produkto sa kaniyang pagcucultivate sa pamamagitan lamang ng kaniyang Soaring Light Sect Badge.
"Ahaha... Hindi ko aakalaing doon ka namalagi sa mahigit tatlong taon. Kung hindi lang siguro malayo ang bayan na yun ay malamang ay naghanap kami roon sa iyo. Hindi ko gusto na halukayin ang personal mong layunin sa buhay pero naniniwala akong makakamit mo din ang mga bagay na gusto mong makamit. Sana lang ay wag kang magbago Van Grego." Sambit ni Sect Master Soaring Light. Sa nakikita niyang achievements at potensyal ni Van Grego ay malamang sa malamang ay hindi ito mananatili sa kontinenteng ito. Nalungkot siya at gumuho ang pangarap niyang si Van Grego ang magiging susunod na magiging pinuno ng Soaring Light Sect na hahalili sa kaniya. Nararamdaman niyang hindi lamang simpleng nilalang si Van Grego pero alam niyang kahit lumakas man ito ay lilingon pa rin ito sa kaniyang pinanggalingan at sa mga taong tumulong sa kaniya.
"Sayang man isipin ngunit ang binatang ito ay itinakdang lisanin ang lugar na ito. Hindi ko alam kung saan ang hangganan ng potensyal nito. Ramdam ko din ang kakaibang pagbabago sa katawan nito. Parang kay lalim ng balong pilit kong inaalam ang kailaliman nito." Sambit ni Sect Master Soaring Light habang sinusuri ang kabuuang anyo ni Van Grego maging ang lakas nito ngunit bigo siya. Tingin niya kasi ay mayroon malaking nagbago na hindi niya alam. Lahat naman ng nilalang ay mga itinatagong sikreto kaya tinigilan niya na lamang ang pagsusuri na kaniyang ginagawa.
...
Ilang oras din ang kanilang pag-uusap at mabilis ring nag-ayos ng mga kagamitang maaaring kakailanganin dahil hindi biro ang dadaanang lugar ni Van Grego upang makapunta sa Central Region. Napakalayo ng lugar na ito sa napakalaking kontinenteng ng Central Region kaya nga nag-utos si Sect Master Soaring Light ng mga bagay na maaaring dalhin ni Van Grego lalo na ang mga malalakas na armas.
"Sect Master grabe naman po tong babaunin ko. Mukhang ito papatay sa akin at baka magkanda-kuba ako nito sa kakabitbit at ito pa ang dahilan kung bakit ako mapapaslang sa daan hahaha..." Sambit ni Van Grego habang hindi alam kung matatawa o maiinis. Napakamot na lamang siya sa kaniyang buhok.
"Ah... Oo nga noh... Kung gayon ay pumili ka na lamang ng iyong pipiliing bagay na madadala mo sa iyong paglalakbay na lubos mong kakailanganin." Sambit ni Sect Master Soaring Light habang nakahawak sa mahaba nitong puting balbas. Kung siya man ang tatanungin ay may punto rin ang binatang si Van Grego. Kung dadalhin niya ang gabundok na bagay na ito ay malamang ay mamamatay ito kakabitbit at kung paano ito makikipaglaban habang bitbit ito ay magiging sagabal laamng ang lahat ng ito at baka mapagtripan pa sa daan. Imbes na makatulong ito ay baka ito pa ang maghatid ng sakuna at sa bingit ng kamatayan sa binatang si Van Grego.
Agad namang tiningnan ni Van Grego ang gabundok na mga bagay sa kaniyang harapan. Halos wala ng espasyo ang kwartong itong sa dami ng mga pinapapili sa kanya na mga kakailanganin niya.
Agad namang sinuri ng mabuti ni Van Grego ang bawat bagay na madaanan ng kaniyang mata. Halos kasi lahat ng bagay na naririto ay mayroon siya at alam niyang mas maganda, matitibay at malalakas ang kaniyang mga itinatagong sandata sa loob ng kaniyang Interstellar Ring. Ngunit kahit gusto niyang mamigay ay alam niyang lubos na magtataka si Sect Master Soaring Light isa pa ay pagkaugatan pa ito ng ugong at usap-usapan kahit na sabihing ligtas naman. Mas mabuting kapag naibigay at ipinakita niya ang pambihirang bagay ay kaya niya ng protektahan ang kaniyang sarili nang sa ganon ay hindi siya malagay sa alanganin at mga delikadong sitwasyon katulad na lamang noong hinabol siya o sila ng tusong si Shiba. Sino ba naman ang gusto ulit mangyari iyon?!
Agad na namili si Van Grego ng mga bagay na makakatulong sa kaniya lalo na kung sakaling malagay siya sa matinding banta ng panganib mula sa kalaban o mga masasamang nilalang. Pinili niya ang mga one time use na mga bagay kagaya ng smokebomb, dinamita, poison needles, at iba pa.
...
Kasalukuyan ngayong nasa labas ng gate ng Soaring Light Sect ang binatang si Van Grego at Sect Master Soaring Light. Naririto sila sapagkat ayaw paawat ni Van Grego na ngayon na mismo maglakbay ito.
"Sigurado ka na ba sa desisyon mo Van?! Aalis ka na talaga?!" Sambit ni Sect Master Soaring Light habang may lungkot sa boses nito lalo pa at makikita mo talaga ang tamlay ng pares na mata nito.
"Opo Sect Master eh, alam niyo namang matagal na akong nakapagdesisyon na umalis at masyado na ata akong paimportante dito kaya pakiramdam ko ay naaabala ko na kayo masyado. Anim na buwan akong nawala kung kaya't kung papatagalin ko pa ang pananatili ko rito ay mapag-iiwanan ako ng aking mga kaedaran." Sambit ni Van Grego habang may halo-halong emosyon. Nasanay na siya sa ganito at alam niyang wala na siyang maaaring pagpipilian kundi ang maglakbay hanggang sa lumakas pa siya. Kung mananatili lamang siya sa isang lugar ay malilimitahan nito ang kaniyang sariling abilidad at kakayahan na baka magresulta ng pag-decline ng kaniyang talento. Ayaw niyang mangyari iyon.
"O siya sige... Alam ko naman na ayaw mong mapag-iwanan at gusto mo pang humabol hahaha... Basta kapag nagkaproblema ay handang-handa ang Aking Soaring Light Sect upang tumulong. Nawa'y gabayan ka ng diyos sa iyong paglalakbay!" Masayang sambit ni Sect Master Soaring Light. Tandang-tanda niya pa ang ganitong senaryo noong minsang umalis at naglakbay siya sa mga malalayong lugar ... Nakakapanibago na lamang at nakakalungkot isipin ngunit naniniwala siyang may magandang mangyayari sa hinaharap. Malaki na ang naitulong ni Van Grego sa kanila at wala na siyang mahihiling pa. Kaligtasan lamang ang maaari niyang maipanalangin sa maykapal upang magabayan ito.
Sa isang kisap-mata ay biglang naglaho ang pigura ni Van Grego at handa na itong sumuong sa panibagong uri ng paglalakbay na kaniyang susuungin.
...
Habang naglalakbay si Van Grego sa direksyong kung saan ang direksyon papunta sa Central Region. Agad niyang binitbit ang isang lumang mapang binigay sa kaniya ni Sect Master Soaring Light. Isa lamang itong kopya mula sa isang lamang orihinal na kopyang pagmamay-ari ng mga Human Sect ng Arnigon Continent. Kung gayon ay hindi lamang ang Arnigon Continent ang meron nito ayon sa isip-isip niya. Masasabing napakalawak ng mundong ito at nakakalat lamang ang mga kontinenteng naririto at napakalawak ng bawat isa rito.
"Kung sakaling may isang kopya ng mapa ang bawat kontinente ay paniguradong ang Three Great Continents ay Meron. Tingin ko nga ay tinatago lamang nila ang tubay na lakas ng kontinenteng ito idagdag pang natutulog na dambuhalang halimaw sa Serpien Continent. Sa oras na magising ito ay siguradong delubyo ang magiging hatid nito sa lahat. Ano na kaya ang magiging plano ni Bb. Mystica?!" Sambit ni Van Grego habang mabilis na lumipad sa bandang kakahuyan kung saan ay mabilis siyang lumukso-lilukso sa matatabang sanga ng mayayabong na puno rito. Isa pa ay kailangan niyang magmadali.
"Tatlong araw pa mula ngayon bago pa dumating at dumaong sa kontinenteng ito ang pampublikong barkong panglakbay papunta rito kaya may oras pa ko. Kailangan kong makaabot doon bago pa dumating ang takdang oras ng pag-alis nito sa isla." Sambit ni Van Grego habang nakapokus ang kaniyang mata sa kaniyang dinaraanan.
Hindi naman siya natatakot sa mga makakasalubong niyang mga Martial Beast sa kasalukuyan niyang dinaraanan. Napakahina at napakanipis kasi ng Qi ng lugar na ito at kakaunting puno lamang ang naririto at pangkaraniwan lamang. Halos pinakamahinang Martial Commander Realm lamang ang pinakamalakas rito ngunit hindi pa rin niya ibinababa ang kaniyang depensa lalo na at mayroong protective essence na bumabalot sa kaniyang katawan na siyang paunang proteksyon niya kung sakaling may umatake sa kaniyang nilalang.
Dahil sa bilis at liksi ni Van Grego na karaniwang abilidad ng Martial Emperor Realm ay nalampasan niya agad ito. Agad namang tiningnan ni Van Grego ang lumang mapa. Nakita niya kasi na mayroong dalawang panibagong daan na sobrang laki ang nasa harapan niya ngayon kaya upang makasiguro ay sa mapa na lamang siya dapat kumuha ng sagot. Hindi man ito detalyado ay alam niyang tama naman ang nakasulat rito.
Nasa harapan niya kasi ay isang masukal na kagubatan at ang isang bahagi naman ay isang malawak na damuhan ngunit mayroong katubigan na hindi siya nagkakamali ay isang malawak na ilog.
Ayon sa mapang hawak niya ay kailangan niyang tawirin ang isang malawak na ilog kung saan walang anumang deskripsyon rito maliban na lamang sa hugis ng ilog na animo'y isang pahabang linya kung saan ay siyang lalakbayin ni Van Grego. Ang tanging palatandaan niya kung nalampasan niya ito ay isang malaking puno na kakaiba.
"Pambihira namang mapang to... Kung sinuman ang gumawa nito ay malamang hindi papasa bilang Navigator o ng Map Creator at siguradong di papasa sa alinmang propesyon na may kinalaman sa pagguhit. Halatang kinopya lamang ito eh noh..." Sambit ni Van Grego habang nagkakamot ng kaniyang batok. Hindi niya kasi alam kung matatawa siya rito o maiiyak. Tanging letra lamang ang nakasulat na siyang pangalan pala ng lugar at hindi pa maganda ang pagkakaguhit ng mga linya pero kahit papano ay naiintindihan niya naman ito.
"Hmmm... Mukha atang dito na talaga mag-uumpisa ang aking tunay na paglalakbay." Sambit ni Van Grego habang niyang tinahak ang daan papunta sa Central Region, Ang Green Radiant River.
Nang makatapak na siya sa mismong lugar na tinatawag na Green Radiant River ay namangha siya sapagkat nagmumukhang luntian ang kapaligiran lalo na ang tubig. Ngayon lang kasi napansin ni Van Grego na may ganitong klaseng lugar kung saan kulay berde ang tubig, literal na berde hindi dahil sa mga iilang puno na nakapaligid sa tabing lawa kundi mismong ang kulay ng tubig ay berde na lubos niyang ikinapagtataka.
"Kung ganito ang kulay ng tubig at kakaiba ang enerhiyang aking nakikita sapagkat ngayon ko lamang napansin na masyadong acidic ang tubig na hindi mabubuhay ang normal na mga hayop rito katulad na lamang ng mga Wild Beasts. Malamang sa malamang ay mamamatay ang mga ito ilang araw lamang ang nakakalipas. Hmmm... Kailangan kong mag-ingat!" Sambit ni Van Grego habang tinitingnan at inoobserbahan maigi ang kapaligiran. Pansin niya rin sa hindi kalayuan ang pagkatuyot ng mga puno o literal na patay ang mga puno at habang papalayo ang kaniyang tingin ay halos wala na siyang matanaw na puno rito.
"Maaari kayang epekto lamang ito ng acidity ng tubig pero ano kaya ang dahilan kung bakit nangyari ito?!" Sambit ni Van Grego habang makikita ang komplikadong ekspresyon sa kaniyang mukha.
Ilang minuto niya pang pinag-iisipan kung tutuloy ba siya o hindi.
"Hayst, ang hirap pala kapag ikaw lang mag-isa papunta sa mas delikadong lugar ng Central Region. Sigurado akong masasanay rin ako rito." Sambit ni Van Grego habang maingat siyang naglalakad papatawid sa hindi kalakihang daanan.
Naglakad pa ng naglakad si Van Grego at halos limang daang metro na ang nilakad niya papatawid rito. Maingat pa rin siyang inoobserbahan ang kaniyang paligid at dinadama ang maaaring pag-atake. Nakita niya ngang noong unang pagtungtong niya sa Green Radiant River na ito ay sobrang babaw lamang ng tubig ngunit habang papalayo siya ng papalayo ay palalim ng palalim ang ilog na kaniyang nilalakbayan. Nakakatakot mang isipin ngunit pakiramdam ni Van Grego ay nasa isa lamang siyang piraso ng lupang tinatapakan habang ang tubig na kaniyang nakikita ay palalim ng palalim.
Pinatalas ni Van Grego ang kaniyang senses maging ang kaniyang Spiritual Ability na makakaramdam ng panganib ay mabilis niyang pinagana ito.
"Ano yun?!" Sambit ni Van Grego ng mahagip ng kaniyang mata ang animo'y buntot ng isang dambuhalang nilalang sa ilalim ng malalim na ilog. Napakabilis ng paggalaw ng halimaw na animo'y ekspertong-eksperto ito sa paglangoy.
Maya-maya pa ay nakaramdam si Van Grego ng paparating na atake sa kaniyang likuran.
"BANNNGGGGGGGG!"
Isang nakakabinging ingay ang nilikha ng pag-atake ng hindi pa kilalang nilalang na siyang bumulabog sa tahimik na kapaligiran.
