Cherreads

Chapter 189 - Chapter 19

Nakita na lamang ni Van Grego ang kaniyang sariling nasa harap ng Soaring Light Sect. Labis ang pagtataka niya na maraming nagbago sa buong lugar na ito lalo na sa imprastraktura ng nasabing Sect na kinabibilangan niya.

"Sino ka binata?! Ano ang ginagawa mo sa labas ng Soaring Light Sect?! Hindi mo ba alam na bawal ang tagalabas rito?! Umalis ka na kung ayaw mong magkasubukan tayo dito!!!!" Malakas na sigaw ng nasabing bantay sa gate ng nasabing Sect.

Lubos na makaagaw ito ng pansin lalo pa't marami ang mga disipulong nasa labas sa mga oras na ito.

"Hindi niyo po ba ako naaalala?! Ako ito si Van Grego..." Sambit ni Van Grego habang nagpapakilala. Hindi siya makapaniwalang anim na araw lamang siyang nawala ay parang naging ulyanin na ang guard rito pansin niyang halos bagong mukha ang mga nakikita niyang disipulo sa labas.

Nagkaroon ng bulong-bulungan ang mga disipulong nagtutumpukan na ngayon sapagkat halos gulat na gulat silang lahat na animo'y nakakita ng multo.

"Siya ba yan?! Hindi naman maaaring siya yan hindi ba?! Patay na siya diba?!"

"Nahihibang ba ang binatang yan?! Hindi ba niya maaaring igalang na lamang ang sumakabilang buhay na, hindi yung gagawa pa ng kwento para makapasok sa Soaring Light Sect natin."

"Oo nga eh, halatang sa katawan nito na hindi malakas. Ayon sa balita ay pinatay si Van Grego ni Shiba kaya nga nagalit ng husto si Sect Master Soaring Light."

"Oo nga eh, tandang-tanda ko pa kung paano kagalit si Sect Master Soaring Light nang malaman nitong pinatay ng Hybrid na yun si Van Grego maging si Boss Biyu Narxuz ay nagalit rin."

"Mabuti na lamang at hindi nagkaroon ng malaking gulo dahil kung nangyari iyon ay siguradong malaking eskandalo iyon at marami ang maaapektuhan."

"Kaya nga, kapag nalaman ni Sect Master Soaring Light na gumagawa ng kwento ang binatang patpatin na yan ay matitiyak kong mapaparusahan ito ng mabigat hahaha..."

"Goodluck nalang sa kaniya. Infairness gwapo si Kuya yun nga lang ay mukhang may sira sa utak."

"Kaya nga eh, sino ba namang uto-uto ang maniniwala sa palusot niya eh alam naman nating kalat na kalat na sa buong kontinente ang patungkol rito."

"Estilo niya bulok hahahah... Magandang palabas to!"

"Kaya nga!"

Yan ang ilan sa narinig ni Van Grego na pag-uusap ng mga disipulong nakatumpok malapit sa gate na ngayon ay nagbubulong-bulungan pa rin.

"Ano'ng kaguluhan ito?!" Sambit ng isang tinig na napakamilyar sa lahat lalo na kay Van Grego. Umalingawngaw ang boses nito sa buong lugar.

"Sect Master Soaring Light!" Malakas na sambit ni Van Grego habang nakikita sa himpapawid ang matandang lalaking may mapuputing buhok at mahabang puting balbas. Hindi niya makakalimutan ang isang anyo ng lalaking tumulong sa kaniya noon at nitong nakaraang mga araw.

"I-ikaw ba-ba ya-y-yan Va-V-van G-grego?! B-buhay ka?! Buhay ka nga hahaha!!!!" Sambit ni Sect Master Soaring Light habang binilisan nito ang paglapag sa lupa. Ito na mismo ang nagbukas ng gate at niyakap ng mahigpit ang binatang si Van Grego.

Kahit di nito nakilala agad si Van Grego ay alam niyang ito at ito pa rin ang binatang tumulong sa kaniya o sa kanila ng marami.

"S-siya y-yan?! W-weh h-hindi nga?!"

"Talaga bang siya si Van Gregong matagal ng nawawala?! Is it real o namamalik-mata lamang ako?!"

"Ang lakas ng loob nating pagbintangan ang binatang lalaking iyan eh siya pala talaga yan!"

"Patay tayo nito huhu... Yari talaga tayo nito..."

Mahinang bulung-bulungan ng mga disipulo habang makikita sa halos lahat sa kanila ang pagsisisi pero rinig na rinig pa rin ito ni Van Grego ngunit isinawalang bahala na lamang niya ito. Halatang nagulat sila na animo'y hindi makapaniwala sa pangyayaring ito. Nagbalik muli ang lalaking inaakala nilang lahat na patay na ngunit kitang-kita ng dalawang mata nila ang buhay na buhay na binata.

"Halika na Van at doon na tayo mag-usap sa aking tanggapan." Sambit ni Sect Master Soaring Light sa animo'y may pagkabahala.

Mabilis namang binalingan ni Master Soaring Light ang mga tumpok-tumpok o nagsitumpukang mga disipulo sa labas habang pinapanood sila.

"At kayo naman ay magsibalik na kayo sa kaniya-kaniya niyong training dahil tapos na ang oras niyo rito sa labas. Kapag nahuli kayo sa mga trainings niyo at mga klase niyo ay babawasan ko ang rasyon ng Cultivation resources niyo." Ma-otoridad na sambit ni Sect Master Soaring Light habang tinitingnan ang bawat isa rito.

Nagsimula ng magbulung-bulungan muli ang mga estudyante.

"Ay oo nga pala noh, may klase pa ako. BKit ba naman ako nandito hehe..." Sambit ng isang estudyante habang mabilis na tumakbo paalis sa lugar na ito.

"Ako rin pala noh... Bakit nagtatambay tayo rito. Ang init kaya..." Sambit naman ng isa pang disipulo na babae habang maarte at pasosyal itong nagwalkout papunta sa loob ng malaking establishemento.

Isa-isa ring umalis ang nga ito habang mabilis ring nawala ang mga estudyante sa labas kaya natawa na lamang si Van Grego sa inasal ng mga disipulo ng Soaring Light Sect.

...

"Ano po?! Anim na buwan akong nawala?! Sigurado po ba kayo Sect Master?! Ang alam ko lang ya anim na araw lamang akong nawala rito." Tanging naibulalas ni Van Grego nang halos masamid siya sa iniinom nitong pambihirang tsaa. Halos hindi siya makapaniwala sa kaniyang narinig tungkol rito. Kung siya ang

Kasalukuyan silang nasa loob ng room na siyang nagsisilbing tanggapan ng Soaring Light Sect.

"Sigurado ka ba Van?! Hindi naman ata kapani-paniwala iyon at isa pa ay bakit parang hindi man lang tumaas ang iyong Cultivation Level sa anim na buwan. Parang imposible naman ata iyon mangyari.

"Oo nga po Sect Master hindi rin makapaniwala eh." Sambit ni Van Grego habang kumakamot ng kaniyang batok. Hindi niya kasi maaaring sabihin ang kaniyang paglalakbay na anim na araw lamang ngunit naging anim na buwan na kung pagpipilitan niya pa ay malamang na pagdududahan din siya ng kaniyang Sect Master maging ng kaniyang mga kaibigan.

"Siya nga pala Master, bakit niyo naisip na pinatay o napatay ako ni Shiba?! Paano naman kayong naniwala doon?!" Sambit ni Van Grego habang lubos na nagtataka.

"Sinabi niya mismo mula sa bibig niya. Ang magkapatid na Shiba at Shiro ay walang pinagkaiba. Sa pinagsamang kakayahan nila ay siguradong mapapatay ka nila ngunit hindi ko lubos aakalaing ang kapatid niya ang ipapalit niya sa isang Slot." May lungkot na saad ni Sect Master Soaring Light habang hindi makatingin ng diretso kay Van Grego. Alam niya kasing may kasalanan siya kung bakit naagaw ng kapatid ni Shiba na si Shiro ang pwestong hindi naman dapat para sa kanila.

Ngumiti na lamang si Van Grego sa tinuran ng matandang si Sect Master Soaring Light dahil alam niyang labis itong nahihiya at nalulungkot sa nangyari.

"Wag na po kayong malungkot Master dahil nangyari na ang nangyari at isa pa ay lumipas na ang anim na buwan at matagal rin akong nawala.Pwede naman akong maglakbay papuntang Central Region ng ako lamang." Sambit ni Van Grego na animo'y isa lamang itong itong simpleng pangungusap.

"Hindi maaari ang iyong nais Van Grego! Alam mo ba kung anong panganib ang dala ng rutang papunta sa Central Region. Kung sanay may kasama kang pupunta roon pero alam ko namang wala dahil sanay ka na sa panganib pero paano kung makasagupa ka ng mga nilalang o ng mga malalakas na Martial Beast. Paano mo kaya mapoprotektahan ang iyong sarili laban sa mga ito?!" Nahintatakutan na sambit ni Sect Master Soaring Light habang makikita ang labis na pangamba at lungkot. Bago pa lamang dumating ang bata at nalaman niyang buhay ito pero ngayon ay aalis naman ito upang sumuong sa panganib. Hindi niya mapigilang makonsensya.

"Kung sana ay hindi ko binigay ang Slot na iyon ay maaari ka pang makapunta sa Central Region nguni--------" sambit ni Sect Master Soaring Light habang animo'y pinagsisihan niyang hindi siya naniwala sa kakayahan ng kasalukuyan na binatang si Van Grego.

"Okay lang po yun sakin Sect Master... Wag niyo na pong sisihin ang sarili niyo sapagkat kasalanan ko rin po naman kung bakit di ako kaagad nakabalik at alam ko rin pong naging mabuti kayo sa akin sa panahong nandito ako sa Soaring Light Sect." Masayang saad ni Van Grego habang mabilis siyang yumakap rito. Hindi niya maipagkakailang ito pa lamang ang nagpakita sa kaniya ng pagmamahal ng isang magulang. Hindi man siya pinalad sa mga kumupkop sa kaniya pero hindi pinaramdam sa pagpadpad sa kontinenteng ito na nag-iisa siya sapagkat mayroong nagmamahal sa kaniya lalo na ang kaniyang mga matatalik na kaibigan. Sayang nga lang at hindi siya nakaabot at hindi niya nakita man lang sina Biyu Narxuz, Breiya, Lily at Fatty Bim. Nakakalungkot isipin na napag-iwanan siya rito ngunit naniniwala siyang magtatagpo ang landas nila kapag nandoon na siya sa Central Region.

Nabigla naman si Sect Master Soaring Light sa pagyakap sa kaniya ng binatang si Van Grego. Totoo ngang napalapit na ang loob ng mga ito sa isa't-isa maging ang kaniyang personal na disipulo. Hindi na siya nagsalitang muli. Nami-miss niya rin ang apat pang mga batang iyon na pawang mga maharlika at mga descendants ng mga Royal Families ng Arnigon Continent. Kung pagbabasehan sa estado ng pamumuhay ay napag-iwanan si Van Grego ngunit hindi maipagkakailang mas may potensyal ang batang si Van Grego kaysa sa lima. Nagugulat na lamang si Sect Master Soaring Light sa binatang si Van Grego.

Nang biglang kumalas ng yakap si Van Grego ay mabilis siyang nagsalitang muli.

"Uhm, master, madami po ba kayong nakolektang Martial Spirit noon?!" Sambit ni Van Grego nang labis na pagtataka.

"Uhm... Ahh... Ehh... Yung ang problema Van, nang malaman naming nawawala ka ay mabilis ka naming hinanap ngunit ng papalapit na kami sa loob ng Twin Black Mountains ay may nasagupa kaming malalakas na Martial Beasts at maraming napuruhan sa amin yung iba ay lubhang nasugatan pero mabuti na lamang at naagapan silang gamutin. Mahigit isang libo lamang ang nakolekta namin. Sapat na iyon para sa mga magiging kawal ng Soaring Light Sect ngunit karamihan sa nga disipulo rito maging ng mga bagong disipulo ay wala silang natanggap na Martial Spirits kung meron man ay mahihina lamang o hindi compatible kung kaya't napagdesisyunan kong papiliin na lamang sila ngunit karamihan ay kinuha pa rin ang mga ito." Sambit ni Sect Master Soaring Light habang hiyang-hiya sa kaniyang ginawang desisyon.

"Okay lang po yun Sect Master. Hindi na kayo mabahala doon dahil sapat na ang aking kakayahan upang makakolekta ng mga Martial Spirits. Maaaring sapat na siguro ang aking nakolekta para sa kanila" Sambit ni Van Grego habang nakangiti.

Nagulat naman si Sect Master Soaring Light sa naging pahayag ni Van Grego. Nakita niyang may inilabas ang Singsing ni Van Grego na sampong piraso ng Insterspatial Sack sa lapag ng parihabang lamesa.

"Totoo ba ito?! Base sa aking kaalaman ay sampong Mystical Grade Insterspatial Sack ang mga ito na maaaring paglagyan ng mga buhay na nilalang. Saan ka napadpad Van at mayroon ka ng ganitong klaseng kayamanan." Sambit ni Sect Master Soaring Light. Hindi naman niya alam kung mayroon bang crafter dito sa kontinenteng ito eh ang pagkakaalam niya lamang ay wala ni isa.

"Masuwerte lang po akong napadpad sa isang kweba Master kung saan natagpuan ko rin doon ang mga libro patungkol sa Martial Soul at Martial Spirit. Kala ko noong una ay sampong ordinaryong Interspatial sack lamang ang mga ito ngunit nang akin itong suriing maigi ay nagulat rin ako. Napagdesisyunan kong taguin na lamang ito at magamit balang araw.

"Totoo ba yan Van, hindi ko aakalaing napakaswerte mo at napakaswerte namin. Isa ka talaga hulog ng langit para sa amin." Sambit ni Sect Master Soaring Light habang hindi mapigilang maluha. Ang halaga pa lamang ng Mystical Interspatial Sack na ito ay hindi matutumbasan idagdag pang walang crafter ang kontinenteng ito pero noong unang panahon ay mayroon. Hindi niya aakalaing napakaswerte nila sa binatang si Van Grego.

"Inyo na po yan ang Sampong Mystical Interspatial Sack Sect Master pero hindi po natatapos diyan ang inyong kasiyahan. Lapitan niyo po at suriin kung ano ang nasa loob ng mga ito hehe..." Sambit ni Van Grego habang nakangiti ng malawak.

Agad namang nilapitan ni Sect Master Soaring Light ang mga Interspatial Sack at sinuring maigi. Para namang tinamaan ng malakas ng kidlat si Sect Master Soaring Light ng masuri kung ano ang laman ng mga Mystical Interspatial Sack.

More Chapters