Cherreads

Chapter 191 - Chapter 21

Mabuti na lamang at mabilis na naramdaman ni Van Grego ang nasabing pag-atake sa kaniya dahil nakahanda siya sa atakeng iyon ng misteryosong nilalang. Nakita ni Van Grego kung paano nangabali ang dalawang malalaking puno sa kaniyang likuran at sumabog ito. Hindi niya lubos aakalain na kahit ikinukubli niyang maigi ang kaniyang sariling enerhiya sa katawan ay nasasagap pa rin ito ng dambuhalang nilalang. Ngunit ang nakakapagtaka lamang ay hindi man lang gumuho ang lupang kaniyang tinatapakan.

"Hmmm... Napakatibay ng lupang aking tinatapakan ngunit naramdaman ko parin ang lakas ng impact ng atake ng halimaw na iyon." Sambit ni Van Grego habng kitang kita sa kaniya ang labis na kuryusidad lalo na at hindi ordinaryong Martial Beast ito kung tutuusin.

"Hindi maaari, nakikita ko pa rin ang bakas ng enerhiya niya. Isang Evil Martial Beast ito pero nangangamba akong mas mataas ang antas ng lebel nito sa akin." Sambit ni Van Grego habang nakikita ang labis na pangamba nito. Hindi niya aakalaing sa pagtapak pa lamang niya rito ay naramdaman na siya kaagad ng halimaw na iyon. Kung ganon ay noong oras pa lamang na pagtapak niya pa lamang rito ay pinagmamasdan na siya ng halimaw na iyon ng palihim. Isa pa ay ramdam ni Van Grego na mas concentrated ang lebel ng Cultivation ng halimaw kumpara sa kaniya.

"Paano na ito, Isang 1-Star Martial Ancestor Realm ang aking makakasagupa. Nangangamba akong baka hindi ko ito matalo man lang. Kung nasa dating kaya ko pang makipaglaban sa matataas na lebel pero ngayon ay hindi na." Sambit ni Van Grego dahil nasa last Tertiary Realm (Martial Emperor-Martial Stardust Realm) na siya kung saan ay bawat ranggo o realm ay may kaakibat na kalamangan kaysa sa una. Bawat breakthrough ay napakahirap lalo pa't ang lahat ng abilidad, techniques, skills at iba pang mga aspeto ng kakayahan ng bawat Martial Artists ay nagbabago depende sa kung paano nila pinapaunlad ang kanilang sarili. Ang Martial Emperor Realm ay isa lamang sa pinakaunang Realm na pwedeng maabot ng mga martial artist o ng mga nilalang kagaya ng mga Martial Beast ngunit ang abilidad lamang nito ay ang pagbalanse sa mga enerhiya kagaya lamang ng pagpapatangay sa agos ng hangin, tubig maging sa kaya mong makahinga sa ilalim ng lupa, matagal na pagbabad sa nagbabagang apoy at iba pa kahit wala kang natutunang konsepto sa alinmang nasabing elemento. Ngunit ang Martial Ancestor Realm ay kaya mong magmanifest ng malalakas na attack at defense ability kung saan ay mas matibay ang katawan ng mga ito upang mas maihanda pa sa susunod na pagbreakthrough. Kaya nga karamihan sa mga Martial Ancestor Realm ay mga fighters o close-combat dahil may kakkayahan ang katawan ng mga ito na i-reduce o bawasan ang maaari nilang maging pinsala sa katawan. Kaya ganon na lamang ang naging pangamba ni Van Grego, alam nito ang kakayahan ng mga Martial Ancestor Realm Experts noong nasa Black Water siya noong nasa kailaliman sila ng karagatan noong naging huwad siya na Martial Ancestor Realm Expert. Salamat sa pagiging mautak niya kung kaya nakaligtas siya mula sa mga ito.

"ROOOOAAAARRRRR!!!!!!"

Isang malakas na atungal ng nilalang ang biglang narinig ni Van Grego na siyang nagpatigil sa kaniyang pag-iisip o iniisip. Maya-maya pa ay nakita niya lamang na may biglang umalpas pataas mula sa kailaliman ng tubig at nakita niya sa ere ang dambuhalang halimaw na balot na balot ang katawan nito ng nagtitigasang balat nito na animo'y kaliskis. Napakaitim ng balat ng halimaw na ito at napakapangit ng anyo nito na siyang nakakapangilabot tingnan ang kabuuang anyo nito.

" Sword Tale Nile Crocodile?! Paanong nangyari ito?!" Sambit ni Van Grego habang nanlalaki ang kaniyang mata. Halatang hindi siya makapaniwala sa kaniyang nakikita ngayon. Sino ba naman ang hindi magugulat dahil ang Sword Tale Nile Crocodile ay isa sa pinakamahirap hanapin at pinakakinatatakutang Evil Beast ng mga Karaniwang Martial Beast. Kaibahan sa ibang mga bloodline o lahi ng mga buwaya ay isa itong Fresh Water Beast at hindi ito nakatira sa Swamp o sa mga lake kundi sa malawak at malalim na ilog. Isa pa sa kinakatakutan ng marami ay ang napakatibay na depensa nito at ang pinakakinatatakutan ng lahat ay ang napakatalas na buntot nito na kayang humati ng napakatigas na bagay.

Sigurado si Van Grego na isang Martial Sacred Realm o Martial Dominator Realm ang pumunta sa Arnigon Continent upang sunduin ang mga estudyanteng ire-recruit nila. Dahil kung Martial Ancestor lamang ang ipinadala nito ay malamang ay mahihirapan silang tumawid rito pero paano kapag nalaman ng mga ito na ang binatang si Van Grego ay mag-isang naglakbay papunta sa Central Region?! Siguradong pagtatawanan lamang ng lahat ng ito ang ginagawa ni Van Grego.

"Gggrrrrrr!!!!" Tunog ng Sword Tale Nile Crocodile haabng animo'y natatakam ito sa piraso ng karneng nasa harapan niya.

Biglang nagpakita rin ang iba pang mga Sword Tale Nile Crocodiles na alam niyang mga alipores ito ng unang nagpakitang halimaw na Sword Tale Nile Crocodile.

"Anong inaakala ng halimaw na ito?! Kung noon ay baka matakot pa ko sa lakas nito hahaha... Masubukan nga ang bago kong abilidad hmmm...!" Sambit ni Van Grego habang may naiisip na magandang gagawin. Mabuti na lamang at naalala niyang mayroon siyang espesyal na abilidad na nakuha ilang araw lamang ngayon ngunit anim na buwan na ang nakakalipas dito sa labas. Naiisip niyang maganda itong warm-up para sa kaniya.

"Szzzkkk... Szzzkkkk..Szzzkkk...!" Tunog ng mga yapak ng sampong Sword Tale Nile Crocodile habang mabilis itong sumugod kay Van Grego. Nakakamangha kasi parang tao ang mga ito dahil nakatayo ang mga ito haang ang dalawang unang pares ng mga paa nito ang nagsisilbing kamay ng mga ito. Mabilis na pinalibutan nila si Van Grego habang nakalahad ang mga matatlaim na kamay ng mga ito. Isang All-out attack ang ibinigay nila kay Van Grego.

Imbes na matakot ay napangiti na lamang si Van Grego habang makikita ang excitement nito sa kaniyang mukha. Hindi niya aakalaing napakatuso ng mga halimaw na ito. Nagkakaroon na kasi ng pamumuo ng consciousness ang mga ito. Isa pa ay isang grupo ito ng Sword Tale Nile Crocodiles kaya siguradong nagkakaintindihan ang mga ito.

"Spiritual Technique: Hundred Spirit Claws!"

Sambit ni Van Grego habang mabilis na kumawala ang kaniyang Spiritual energies sa kaniyang katawan at nagmanifest ng isang daang mga nagtatalimang kuko na umatake sa sampong Sword Tale Nile Crocodiles at tumilapon sa malayo. Pawang nanghihina ang mga ito sa ginawang atake ni Van Grego hanggang sa nalagutan na lamang ng buhay ang mga ito.

"Ooopppsss... Napasobra ata hehe... Hindi ko aakalaing ang anim na araw este anim na buwan kong pagkawala rito ay makakakuha ako ng isang pambihirang kakayahan at kapangyarihan." Sambit ni Van Grego habang nakangiti. Humanga siya sa kakayahang o kapangyarihang nakuha niya sa Giant Pagoda na pagmamay-ari niya na mula sa araw na iyon. Isa pa ay hindi naman siya nangangamba na mabuksan ang sikretong separate dimension na iyon sapagkat wala namang Formation Master o Array Master ang naroroon. Masasabi niyang isa ito sa pinakaespesyal na fortitious events sa buhay ni Van Grego.

"Ggrrrrrooooaaarrrrrrrr!!!!"

Malakas na atungal ng animo'y pinuno ng Sword Tale Nile Crocodiles habang mabilis itong sumugod kay Van Grego.

"Muntik na kitang makalimutan hehe... Hindi ko aakalaing kayo ang dahilan kung bakit maraming mga wandering Cultivators ng Human Sect ang nangawala sa lokasyong ito. Sigurado akong may kinalaman kayo!" Sambit ni Van Grego habang may konting inis at galit itong nararamdaman. Sigurado na siya ngayon na mayroon ng sariling kaisipan ang Sword Tale Nile Crocodiles na nasa harapan niya na siyang pinaniniwalaang lider nang animo'y ambusher o nang-aambush na mga halimaw na ito.

"Spiritual Technique: Spiritual Hand!"

Malakas na sambit ni Van Grego habang mabilis niyang itinuon ang kaniyang kamay na napapalibutan ng Spiritual energies habang tumatakbo ng mabilis papunta sa kaniyang pwesto ang lider ng Sword Tale Nile Crocodile.

Dito ay mabilis na may lumabas na dambuhalang kamay na gawa sa Spiritual energies at mabilis itong sumugod papunta sa nagsisilbing lider ng Sword Tale Nile Crocodiles.

Sa oras na pumunta ito sa lider-lideran na halimaw ay dumikit ito sa buong katawan nito ay doon natigilan ang halimaw. Nagpupumiglas pa ito na animo'y hindi ito makaalis sa kasalukuyang kinaroroonan nito.

Nakaramdam naman si Van Grego ng labis na sakit sa kaniyang kamay na animo'y nagdurugo ito. Talagang napakalakas ng halimaw na ito sa pisikalan kaya ganon na lamang ang balik sa kaniya gamit ang kaniyang Spiritual energies.

Kahit nahihirapan si Van Grego ay mabilis niyang sinubukang ikuyom ang kaniyang sariling kaliwang kamay habang makikita ang sobrang pagdurugo nito at doon ay hindi mapigilang umagos ng masagandang dugo ang kaniyang kamay.

"CRACK! CRACK! CRACK!!!!!"

Maririnig sa paligid ang tunog ng pagkabali ng mga buto ng isang nilalang.

"PENG!!!"

Isang marahas na pagbagsak ang nangyari bago bumagsak sa tuyot na lupa ang wala ng buhay na walang iba kundi ang tumatayong lider ng Sword Tale Nile Crocodiles. Hindi na matukoy kung ano ang orihinal na itsura ng katawan nito dahil animo'y tumupi ito ng sobra at makikita ang nakakatakot na ekspresyon sa mukha ng Sword Tale Nile Crocodiles. Kung mabilis ang pagkalagot ng hininga ng mga alipores nito ay matagal naman ang dinanas ng lider ng mga ito at higit na masalimuot o nakapangingilabot na paraan ng pagpaslang rito.

"Para yan sa kasamaan mo!" Sambit ni Van Grego at nagpakawala pa ito ng Spiritual Attack sa buong paligid patungo sa direksyong tinatahak niya. Mabilis niya ring kinuha ang mga labi ng mga Sword Tale Nile Crocodiles dahil mayroon pa itong pakinabang para sa kaniya.

Dulot ng pagpapakawala ng biglaang Spiritual Attack si Van Grego ay biglang tumahimik ang buong lugar rito lalo pa't nagsitago ang lahat ng mga nilalang dulot ng panganib na dala nito.

Habang naglalakbay si Van Grego ay unti-unti niyang ginagamot ang kaniyang pinsalang natamo lalo pa't medyo seryoso ang lagay ng kaniyang kaliwang kamay. Hangga't maaari ay magamot niya ito sa madaling panahon dahil ang panganib ay naghihintay lamang sa kaniyang paligid, kung hindi man ngayon ay baka mamaya o sa susunod na mga araw kaya't ang maayos na kalagayan ang dapat niyang gawin.

Napatunayan niya na kahit mayroon siyang Spiritual energies sa katawan at nagagamit niya ito ay sobrang hina pa rin ito lalo pa at nalaman niyang kahit nasa anyong spiritual ang kaniyang ginawang atake ay pisikal lamang ang kaya nitong ipinsala na siyang nangangahulugang sobrang mahina pa ang kaniyang sariling spiritual power. Kaya nga nagmukha siyang tanga noong subukan niyang lumabas sa labas ng Giant Pagoda dahil hindi nito kayang lumabas gamitang spiritual energies.

Ang ginawa niyang mabilisang atake at pagpatay sa labing-isang ay isang epektibong pamamaraan ng pagpaslang ng kalaban ngunit pagkatapos niyon ay siya namang matinding balik sa kaawa-awang lagay ng kaniyang kamay ngunit wala siyang pagpipilian sapagkat dalawa lamang na spiritual na attack skill ang alam niya ngayon na siyang pinaka-ordinaryong atake mula sa Spiritual energies. Mali rin ang ginawa niyang skills sa pagpaslang sa lider ng Sword Tale Nile Crocodiles dahil matalim din ang balat nito na sobrang tigas rin na hindi nalalayo sa sariling buntot nito.

Ilang oras din ang ginawang pagtawid ni Van Grego hanggang sa nakatapak na nga siya sa kalupaan. Mabuti na lamang at hindi na siya nakasagupa muli ng mga malalakas na halimaw o nakasalubong ng pagala-galang nilalang sa mga oras na ito kundi ay malalagay naman siya sa delikadong sitwasyon. Mabuti na lamang at hindi ito naayon sa daloy ng tubig kundi ay hindi alam ni Van Grego kung ano ang katapusan ng nasabing ilog na kilala sa tawag na Green Radiant River.

"Saan kaya gawa ang mistualng tulay na ito?! Bakit parang kakaiba ito sapagkat hindi man lang naapektuhan ng atake ng halimaw na Sword Tale Nile Crocodiles na isang Martial Ancestor Realm Beast?! Sa susunod ay aalamin ko ang dahilan..." Sambit ni Van Grego habang makikita ang labis na pagtataka sa kaniyang obserbasyon. Napuno naman ng tanong at misteryo ang kaniyang isipan kung bakit himalang walang man lang itong kaunting pinsala.

Ngunit naalala niya ang isa pang bagay na gumugulo sa kaniyang isipan. Mula sa isa sa kaniyang Interstellar Ring ay inilabas niya ang isang napakaluma at sirang payong na walang pantakip. Napuno ng kuryusidad si Van Grego kung bakit nakapwesto ito sa tabi ng True Dragon Scale rito.

"Kung gayon ay kasing pantay ito ng True Dragon Scale o mas mahalaga ito ng higit pa sa rito. Pero ano naman ang gamit nito?! Napakaluma na nito at may mga kalawang na ito sa buong parte nito. Aalamin ko ang gamit nito at dahilan nito kung bakit ito itinago ni Stardust Envoy Silent Walker sa kaniyang itinayo mismong Giant Pagoda." Sambit ni Van Grego sa kaniyang isipan. Mabilis niya itong itinago sa loob ng kaniyang Interstellar Ring tanda na pag-aaralan niya ito kapag may oras at panahon siya.

More Chapters