Nang makatapak si Van Grego sa ikaapat na palapag ay panibagong kapaligiran naman ang bumungad sa kaniyang paningin. Maraming mga puno ng cherry blossom ang nakatanim dito at namumulaklak. Napakagandang tingnan ng mga nangalaglagang bulaklak nito ngunit kahit na ang ganitong senaryo ay naiisip pa rin ni Van Grego na hindi ito pangkaraniwan o makatotohanan. Ang pagkakatanda niya ay walang taglagas ang lugar na ito at ang mas nakakapagtaka ay wala namang puno ng cherry blossoms ang tumutubo sa lugar na ito lalo na sa Giant Pagoda. Ang punong ito ay karaniwang puno lamang at ilang taon lamang ay mamamatay rin ito. Pansin rin ni Van Grego ang nakakubling enerhiya na nililipad ng hangin.
"Hmmm... Ano kayang nilalang ang aking masasagupa sa kasalukuyan?! Hindi naman siguro ito ordinaryo diba?!" Sambit ni Van Grego habang makikita pa rin ang mangha sa kaniyang mata lalo pa't napaganda ng kapaligiran na ito. Yung tipong masasabi mo na isa itong paraiso.
Maya-maya pa ay nakita ni Van Grego na mas lumakas ang ihip ng hangin habang makikita ang pag-iba ng daloy ng enerhiya sa paligid.
"Ecccccckkkkkkkkk!!!!"
Isang malakas na tunog ng isang ibon ang maririnig sa buong palapag na ito at mabilis itong pumagaspas sa hangin.
"Paanong nararamdaman ko ang halimaw na ito ngunit hindi ko makita ang itsura nito."Sambit ni Van Grego habang makikita ang ibayong pangamba niya sa lugar na ito lalo na sa halimaw na hindi niya nakikita. Hindi niya lubos akalain na animo'y isa siyang bulag sa napakagandang lugar na ito sa ikaapat na palapag. Sino ba naman kasi na ang napakagandang lugar na ito ay isa palang lugar na pinamamahayan ng kakaibang nilalang.
Mabilis niyang pinagana ang kaniyang espesyal na katangian ng kaniyang Divine Sense.
"Divine Sense: Energy Eye Capturer!"
Sambit ni Van Grego habang mabilis na nagbago ang kaniyang paningin. Mas naging sensitibo ang kaniyang mata sa enerhiya na nakakakalat sa paligid. Bilang isang Martial Emperor Realm Expert ay nakikita niyang maigi at may abilidad siyang palakasin ang kaniyang paningin sa mga enerhiyang nakakubli sa paligid o kapaligiran niya. Sa kaniyang pagbreakthrough noon sa Martial Emperor Realm ay mas tumalas din ang iba niyang senses sa nakakatakot na paraan idagdag pang pinag-aralan niya ang iba't-ibang konsepto ng mga elemento.
Redbird Cardinal Spirit Beast?!
"Martial Spirit Beast, paanong nangyari ito?!" sambit ni Van Grego sa kaniyang isipan habang nanlalaki ang kaniyang mata. Mabilis niyang pinataas ang kaniyang depensa sa pamamagitan ng pagpapakapal ng kaniyang protective essence. Nagtataka siya kung bakit mayroong Martial Spirit Beast ang Giant Pagoda na ito. Ang Martial Spirit Beast ay isang uri ng Martial Beasts na may kakayahang gamitin ang spiritual na kakayahan nito na maihahalintulad sa Psychic powers o ang sariling espiritu nito ang ginagamit upang maglakbay o umatake sa sinumang nilalang na gusto nitong paslangin kapag lumakas itong lalo ay kaya nitong maging mapangwasak. Pinaniniwalaang isa sa pinakaespesyal na klase ng Martial Beast ang mga ito. Ang lahat ng ito ay nalaman niya sa librong kaniyang binabasa noon pa man kahit na marami rin ang mali at meron ding mga tama. Ang Primal beast kagaya ng Primal Golden Ape ay isa rin sa mga espesyal na uri ng mga Martial Beast maging ang Spirit Beasts kagaya ng Red Cardinal na isang Red Bird. Kung susumahin ay maraming mga pambihirang uri ng mga Martial Beast kagaya ng Demonic Beast, Common/Wild Beast, Viscous Beast at iba pa ang nakatira sa iba't-ibang lugar hindi lamang sa mundong ito kundi sa mas mataas na mundo na hindi sukat akalain ng iba. Maaaring ignorante at hindi pa ganon kalawak ang kaalaman ni Van Grego ay alam niyang bawat uri ng mga beasts ay may kalakasang taglay na hindi niya basta-bastang maaaring balewalain. Ang magagawa niya lamang ay puksain o talunin ang mga ito o paslangin ang mga halimaw na gusto siyang patayin.
Maya-maya pa ay nakita niya kung paano lumipad ng mataas ang dambuhalang ibon at mabilis itong bumulusok papunta sa kaniya. Halos mangamba naman si Van Grego dahil unang beses niyang makakita ng ganitong klaseng Martial Beast na isang Spirit Beast. Kung lalabanan niya ito ng harapan ay mawawalan rin ng saysay ang lahat dahil aatakehin ka nito sa iyong espiritu mismo at hindi ng pisikalan. Kapag napinsala siya ng halimaw na ito ay siguradong mapapasok siya sa alanganing sitwasyon o di kaya ay mamamatay siya sa lugar na ito. Kung mapipinsala siya sa kaniyang espiritu mismo ay siguradong mapipinsala rin ang kaniyang Cultivation. Kapag nangyari kasing mapinsala siya ay maaaaring magpagaling siya ng isa hanggang anim na taon ngunit kapag malala ang natamo niyang sugat ay maaaaring matagal pa bago ito humilom. Sa oras na yun ay siguradong mapag-iiwanan siya ng panahon. Kung malakas ang nasa
Mabilis na pinagana ni Van Grego ang kaniyang movement Technique at nagpalipat-lipat ng lugar kaya hindi natuloy ang atake ng halimaw. Todo layo naman si Van Grego sa pamamagitan ng kaniyang movement technique sa iba't-ibang pattern. Pinili niyang magkubli pansamantala sa mga dikit-dikit na puno ng mga Cherry Blossom Tree ngunit alam niya hahanap ng taktika ang halimaw para siya ay paslangin
"Paano kaya ito? Ang lakas at espesyal ang mga atake nito na kaya akong pulbusin gamit lamang ang Spiritual Powers nito. Isa pa ay isa rin itong Martial Emperor Realm Expert katulad ko." Sambit ni Van Grego habang makikita ang kaniyang agam-agam sa mukha.
Nakita niyang inatake siya ng nasabing halimaw sa pamamagitan ng pagbuga nito ng isang skill.
Iniwasan ito ni Van Grego ng mabilis sa pamamagitan ng pagtakbo ng mabilis at mahusay na Flexibility niya sa pag-iwas ng malakas na atake. Nagtago at nagpalipat-lipat siya sa mga puno hanggang sa naisipan niyang pumunta sa mga makikipot na parte ng mga nagtatabihang mga puno ng cherry blossoms kung saan ay hindi pa rin tumitigil sa Pag-atake ang Red Cardinal Spirit Beast.
BOGGSSHH! BOOGSHHHH! BOOGGGSH! ...!
Atake lang nang atake ang nasabing Red Cardinal Spirit Beast sa kaniya habang nakikita niyang halos mangatumba ang mga puno.
"Hmmm... Ngunit parang hindi pa nito kayang mag-atake ng espiritu at konsepto ng hangin lamang ang kaya nito?!" Sambit ni Van Grego nang mapansing nahihirapan ang Spirit Beast na ito sa pagpasok sa makikipot na kakahuyan.
Hahaha... Tama nga ang hinala ko. Hindi pa ito kayang maging "One with the spirit". Isa pa ay hindi pa nagkakaroon ng condensing process ang core nito. Sa palagay ko ay madali ko lamang itong mapapaslang." Sambit ni Van Grego sa kaniyang isipan habang natutuwa. Kung gayon ay nilinlang lamang siya nito at kahit na sabihing malakas ang isang Spirit Beast ay dumadaan pa rin sa proseso ng pagpapalakas ang mga ito lalo na ang kalaban niyang Red Cardinal Spirit Beast sa kasalukuyan. Ngunit ang nakakamangha rito ay may malakas na kaalaman ito sa konsepto ng hangin. Kung siya kasi ang tatanungin ay magkasinglakas lang sila ng nasabing Red Cardinal Spirit Beast ngunit ang lamang niya lamang ay mayroon siyang sariling pag-iisip at ang nasabing halimaw ay hindi pa marunong gumamit ng Spiritual Attack sa kasalukuyan nitong ranggo kung kaya't malaki ang tsansang manalo siya.
"Hmmm... Hindi dapat ako makampante sapagkat ang halimaw na ito ay hindi man makakagamit ng Spiritual Attack ay mataas naman ang antas o lebel nito sa konsepto ng hangin. Kung paiiralin ko ang pagiging normal ko sa pag-iisip ng bagay ay talagang matatalo o malilinlang ako ng halimaw na ito." Sambit ni Van Grego habang pinakiramdaman ang lakas ng atake ng halimaw na ito. Hindi man kasi ito ganon kalaki sa ibang mga dambuhalang ibong kaniyang nasagupa ay isa pa rin itong Spirit Beast idagdag pang kauna-unahan niyang makakalaban ang isang uri ng Spirit Beast kagaya ng Red Cardinal. Kung hindi niya ito seseryusuhing mabuti ay malamang ay mababaliktad pa ang sitwasyon at siya pa ang mapaslang ng halimaw na ito. Mas mabuti ng maging maingat kaysa magsisi siya sa huli. Hindi kasi ito ordinaryong pagoda lamang kundi ay kailangan niyang matalo at mapaslang ang mga halimaw na kaniyang masasagupa. Kung hindi ay maaaring ito na ang huling paglalakbay niya sa mundong ito.
"Eeeeeeeecccccccckkkkkkkkkkk!"
Malakas na humuni ang nasabing halimaw na Red Cardinal habang matalas itong tumitingin sa lokasyong kinaroonan ni Van Grego habang makikita ang labis na galit nito. Mas lumakas ang pagaspas ng pakpak nito habang sinusubukan nitong dumaan sa makipot na mga sanga at dahon ng mga Cherry Blossom Trees ngunit hindi niya man lang mapasok-pasok ito sapagkat may katulisan at katibayan din ang mga sanga nito. Taning malakas na paghuni lamang ang biniibitawan nito sa bibig habang magpupumilit pa ring ipagkasya ang sarili nito para hablutin ang binatang si Van Grego ngunit nabigo lamang ito sa pagpupumilit.
Eccckkk! Eccckkk! Eccckkk!
Mas naging agresibo ang Red Cardinal Spirit Beast at maya-maya pa ay nabalot ang katawan nito ng kakaibang enerhiya. Nasa Level Six o Level 7 ang achievements ng nasabing halimaw na ibon na ito sa konsepto ng Hangin kung kaya't naalarma si Van Grego.
"Talagang hindi ako makapaniwala na malakas at biniyayaan ang ganitong halimaw na ibon na ito ng kaalaman sa konsepto ng hangin. Isang buong boundary ang agwat ng konsepto ng hangin namin at nakakalipad pa ito. Ang iba kong konsepto ng elementong aking natutuhan ay balewala lamang ang mga ito dahil airborne ang Red Cardinal Spirit Beast at nakakapagtakang hindi ko magamit ng epektibo ang konsepto ng lupa." Sambit ni Van Grego habang nangangamba sa kaniyang sitwasyong kinakaharap.
Agad na umulan ng hindi mabilang na mga Wing Blades na gawa sa hangin ang mabilis na bumubulusok papunta kay Van Grego dala ang nakakamatay na talim ng nasabing atake.
Mabilis na iniwasan ni Van Grego ang mga atake nito habang nagpapalipat ng lugar upang iwasan ang hindi mabilang na hindi nakikita ng ordinaryong mata ang wing blades na siyang atake ng halimaw na ibon.
"Hindi ko aakalaing isa kang pangahas na uri ng halimaw. Ngunit mo ko mapipinsala ng atake mo ng ganon-ganon lamang!" Malakas na naisambit ni Van Grego sa halimaw habang dinuduro-duro pa niya ang halimaw.
Sa paglipat niya sa isang lugar na kaniyang tinatapakan sa kasalukuyan ay kasabay nito ang paglitaw sa kaniyang kamay ng kaniyang sariling latigo na gawa sa kaniya mismong Alchemy Sacred Fire, ang kaniyang Fire Fusion Whip.
Mabilis na pinaikot-ikot ni Van Grego ang kaniyang latigong sandata at lahat ng mga tumatama sana sa kaniyang katawan ay mabilis na napipigilan at napupuksa ng kaniyang latigo. Nag-materialize na kasi ito at mas naging prominente dahil kasabay ng kaniyang pagpapataas ng kaniyang Cultivation ang pagtaas o pag-unlad rin ng kaniyang kapangyarihan at abilidad.
Ilang segundo pa ang nakalipas ay halos pakonti na rin ng pakonti ang atake ng halimaw na Red Cardinal Spirit Beast.
"Phew! Phew! Phew!...!"
Isang hindi inaasahang pagbabago ng pagsangga ang ginawa ni Van Grego at mabilis na bumalik pabulusok sa direksyon ng halimaw ang sarili nitong atake.
"Hahaha... Patay ka sakin ngayon halimaw!!!!!!" Sambit ni Van Grego habang nakangisi at binilisan nito ang pagreverse ng atake nito.
Mistulang nagulat ang Red Cardinal Spirit Beast sa naging pagbabago ng kaniyang atake. Nagulat nga ito ngayon-ngayon lamang sapagkat hindi nito inaakalang kaya ng binatang tao ang kaniyang mga skills na pabalikin sa kaniyang atake.
Ngunit huli na dahil hindi inaasahan ng Red Cardinal Spirit Beast ang pangyayaring ito ay mabilis na lumusot ang mga atake niya mismo sa kaniya.
Isa, dalawa, tatlo,... mabilis na tumarak sa mga malalapad na pakpak ng halimaw na ibon hanggang sa tatamaan sana ang pakpak nito ng ikasampong wing blades niya ay isang malaking pagbabago ang nangyari.
Mabilis na lumiwanag ang bandang kaliwang dibdib ng Red Cardinal Spirit Beast at isang nakakamangha ngunit di inaasahang pangyayari ang biglang nangyari sa ikaapat na palapag na ito.
Ang natamong pinsala ng halimaw na ibon ay mabilis na naghilom sa isang kisap-mata. Mistulang walang makikitang bakas ng pagkasugat o pagkapinsala ang pakpak nito ng matatalim na mga wing blades na sarili nitong atake.
Ang atakeng pabalik sana sa Red Cardinal Spirit Beast ay mabilis itong huminto sa ere. Ang nakapaslak na ngisi ni Van Grego sa kaniyang mukha ay biglang nawala at mistulang nagulat sa kaniyang nasaksihan.
Biglang nabalot ng kakaibang enerhiya ang buong katawan o kaanyuan ng Red Cardinal Spirit Beast. Makikita sa anyo sa kasalukuyan ng halimaw na ibon na ito na mas naging prominente ang kabuuan nito at mas mararamdaman ang ibayong lakas at enerhiyang nakapaloob sa katawan nito.
"H-hindi m-maaari, hindi ko aakalaing nakabuo na pala ito ng Spiritual Core na siyang nagsisilbing Spiritual Power Source nito." Sambit ni Van Grego habang hinahawakan ng mahigpit ng kaniyang kaliwang kamay ang kaniyang latigo. Hindi niya aakalaing napakatuso at nakapakawais ng nasabing halimaw na ibon na ito. Ignorante pa siya sa mga bagay-bagay lalo na sa mga Spirit Beast. Limitado lamang ang alam niya sa mga ito at hindi niya aakalaing nautakan siya ng nasabing halimaw.
Mabilis na lumihis at umiba ang direksyon ng talim ng mga Wing Blades at mabilis na bumulusok ito sa direksyon ni Van Grego.
"AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!"
Malakas na daing ni Van Grego ang umalingawngaw sa buong palapag na ito habang makikita ang labis na sakit sa kaniyang mukha kasabay nito ang pagtalsik ng sariwa at napakapulang dugo nito sa ere at mabilis itong bumagsak sa kalayuan.
"Oooockkkkkkk!" Hindi mapigilan ni Van Grego na masuka ng dugo sa bibig. Alam noyang ang kaniyang mga internal organs ay napinsala ng mga Wing Blades. Buti na lamang at mabilis ang reflexes niya kahit mga milliseconds lamang bago ito nangyari dahil kung nagkamali lamang siya ng kalkulasyon ay malamang ay nawalan na siya ng buhay at napinsala ng lubos ang kaniyang mga vital points sa katawan.
"Hahahaha... Hindi ko aakalaing may pesteng nilalang ang sinubukang pasukin ang delikadong lugar na ito ng mahabang panahon. Kung hindi dahil sa mababa mong Cultivation ay hindi sana ako ma-rerestrict ng ganito at isang tingin lamang ay napulbos na kita. Pero magkaganon man ay mas mabuti nga iyon dahil madadagdagan na ang aking lakas sa oras na mapaslang kita hahaha...! Sa oras na lumakas ako ay pagbabayaran ng mundong ito at matitikman nila ang bangis ng aking pagkapoot!" Sambit ng kakaibang boses sa utak ni Van Grego. Punong-puno ito ng pagkasuklam at napakanegatibong enerhiya sa
"Ahhh... ang sakit ng ulo ko! A-ano?! Hindi maaari ito, paanong napakalakas niya. Paano ko lalabanan ang isang halimaw na higit na mas malakas kumpara sa akin." Sambit ni Van Grego sa nababahalang tono ng pananalita. Hindi niya lubos maisip na ang halimaw sa ikaapat na palapag ay napakalakas na tipong ma-rerestrict lamang ang tunay na lakas nito. Ang Cultivation Level nito na isang Martial Emperor Realm ay isa lamang restriction o pekeng lebel ng halimaw na ibon bagkus ay mas mataas pa. Kahit ang utak niyang nakasarado lamang ay nabuksan nito ng kusa. Ang Spiritual Ability lamang nitong pumatay ang narestrict sa pinkamababang lebel ng kagaya niya.
