"Hahaha... Nagulat ka ba binata sa aking rebelasyon?! Dahil sa buwiset na restrictions ng pagodang ito ay hindi ako makakaalis ng kusa rito at makapagbreakthrough ng sarili ko lamang. Nandito ka upang ihain ang sarili mo sa akin hahaha... Dibale dahil magiging pataba kita at mas lalakas pa ako upang makaalis na sa pesteng lugar na ito hahahaha!!!" Humahalakhak na sambit ng ibon sa isipan ni Van Grego gamit ang divine sense nito o mas sabihing Spiritual Ability nito.
"Hahaha... Ako, magiging pataba mo? Masyado ka atang mataas ang kumpiyansa mo sa iyong sarili kaya mo nasasabi iyan halimaw! Sa mga gumagala at nakakubling mga malalakas na nilalang sa mundong ito ay siguradong mapapaslang ka lamang ng mga iyon hahaha...!" Makahulugang sambit ni Van Grego gamit ang kaniyang divine sense. Mistulang nakaramdam si Van Grego ng pagkahigop ng enerhiya sa isipan ng halimaw na ibon. Hindi talaga mapapantayan ang lakas ng mga Spirit Beast lalo na ang kanilang Spiritual Power at abilidad.
Mistulang nagulat naman ang Red Cardinal Spirit Beast sa sinabi ng binatang lalaking nasa harapan niya ngunit hindi niya iyon ipinahalata. Sa pag-eksamin nito ng Bone structure ng binatang ito ay wala namang espesyal rito liban na lamang sa Alchemy Sacred Fire nito na gusto niyang kuhain kapag napaslang niya ang pipitsuging binatang nasa harapan niya. Isa iyong Spirtual Fire kapag nahigop niya ang soul ng binatang nasa harapan niya ay siguradong hindi lamang enerhiya ng binata ang kaniyang makukuha kundi maging ang napakapambihirang apoy nito.
"Hmmm... Niloloko mo ba ko bata? Isang pipitsuging katulad mo ay alam ang impormasyon na iyon? Kung naaalala ko ang pangyayari ay nakakulong ang Region Emperors at ang mga Beasts Guardians hahaha... Nagulat ka ba sa aking sinabi?!" Sambit ng Red Cardinal Spirit Beast habang naniningkit ang mga mata nito. Hindi niya kasi gusto ang tabil ng dila ng pangahas na binatang ito para maging hambog sa kaniyang harapan.
"Region Emperors?! Beast Guardians? Ano ang iyong sinasabi halimaw?! Wag mong sabihing nabuhay ka pa ng mangyari ang Malawakang digmaan sa mundong ito, ang Great War!" Sambit ni Van Grego habang hindi nito alam ang kaniyang emosyong makikita sa mukha nito.
"Lapastangan! Paano mong nalaman ang Great War ng mundong ito? Liban na lamang kung isa kang espiya na gustong kunin ang mga kayamanang nakapaloob rito." Sambit ng Red Cardinal Spirit Beast at mabilis na pinadaloy ang kaniyang spiritual power papunta sa loob ng isipan ni Van Grego maging sa katawan nito.
Mistulang naging estatwa naman si Van Grego habang animo'y lutang itong nakatayo lamang sa kaniyang pwesto sa dikit-dikit na mga Cherry Blossom Trees.
"Bakit hindi ko maigalaw ang aking sariling katawan. At pakiramdam ko ay hinahalukay ang aking memorya dahil ang mga nakaraang mga karanasan ko sa mundong ito ay pilit na tinitingnan ng halimaw. Hindi maaaring i-soul search ako ng halimaw na ibong ito!" Sambit ni Van Grego na pilit na maigalaw ang kaniyang katawan ngunit balewala ito.
"Kapag naipagpatuloy pa ng halimaw ang pagbabasa ng aking memorya ay malamang sa malamang ay malalaman nito ang aking mga sikreto. Breakkkk!" Malakas na sigaw ni Van Grego at mula sa kaloob-looban ng kaniyang kaluluwa ay lumabas ang isang nilalang.
"Eeeeeeeecccccccckkkkkkkkkkk!"
Isang nakakabinging ingay ng isang nilalang ang biglang umalingawngaw sa mismong soul ng binatang si Van Grego na siyang ikinagulat ng Red Cardinal Spirit Beast.
Bigla na lamang lumabas ang isang hindi kalakihan na kulay puting ibon sa likod ngbinatang si Van Grego.
"Hindi maaari, eeeeeccckkkkkkk!!!"
Isang mabilis at nag-uumapaw na Spiritual Power ang biglang pinamalas ng Red Cardinal Spirit Beast papunta mismo sa Martial Soul ni Van Grego na isang puting ibon.
Mataman pa ring nakatiklop ang mga pakpak ng ibon habang nakadikit ito sa loob ng mismong soul ni Van Grego. Walang reaksyon ito at animo'y natutulog.
"Grrrr... Hindi ako naniniwalang masasalag ng isang pipitsuging maliit na ibon ang aking atake. Maz mabuting patayin ko muna ang munting nilalang na iyan upang walang sinuman ang makakapigil sa aking mga plano hahahaha!!!!" Sambit ng Red Cardinal Spirit Beast sa isip ni Van Grego. Nagtataka siya kung bakit animo'y pinoprotektahan nito ang binata. Sa mundong ito ay sanay na siya noon pa sa mga ganitong pangyayari at kadramahan at sisiguraduhin niyang mapupuksa niya ang nasabing insektong ibon. Wala siyang nararamdamang koneksyon rito at hindi niya man lang maikonekta ang kaniyang isip sa pesteng ibon na animo'y natutulog pa rin dahil mistulang walang reaksyon ito. Nakaramdam ng sobrang pagkagalit ang Red Cardinal Spirit Beast dahil dito. Nakakabastos ang ugali ng ganitong klaseng Martial Soul.
"Red Cardinal Skill: Spiritual Executioner!"
Mistulang naging prominente at tumingkad ang Spiritual energies sa katawan ng Red Cardinal Spirit Beast habang mabilis itong nag-iipon ng enerhiya. Ang Spirtual energies nito ay naka-lock mismo sa binatang si Van Grego partikular na sa Martial Soul nito habang makikitang nangatumbahan na ang mga puno ng mga Cherry Blossoms kaya kitang-kita na mula sa malayo ang pwesto ni Van Grego na lantad na lantad.
"Tikman mo ito pipitsuging ibon dahil pupuksain kita ng pinong-pino!" Sambit ng Red Cardinal Spirit Beast habang naiisip nito kung paano higupin ang enerhiya ng binata at lahat ng mapapakinabangan nito rito.
Si Van Grego ay nakatingin lamang sa maaaring magiging kamatayan niya habang nasa likod pa rin nito ang kaniyang Martial Soul. Kung sakaling mapuksa ang kaniyang Martial Soul ay katapusan na rin ng kaniyang pagiging martial artist. Pagka-cripple o pagiging invalido lamang ang naiisip niyang maaaring mangyari sa kaniya. Kung malala nga ay maaaring mamamatay siya rito o mawawala sa sarili. Kambal ng kaniyang buhay ang kaniyang Martial Soul at kung mamamatay o mapupuksa ito ay lubha siyang manghihina, wala na aiyang maaaring alam na alternatibo para rito.
"Hindi maaari, hindi ako pwedeng mamatay rito. Pakiusap gumising ka!"malakas na sigaw ni Van Grego sa kaniyang isipan. Ipinikit niya na lamang ang kaniyang mata habang hinihintay na tumama ang nakakamatay na atake ng Red Cardinal Spirit Beast.
Habang nakapikit ang binatang si Van Grego ay tuluyan na itong na-emerse sa kawalan. Hindi nito namamalayan na isang kakaibang pangyayari ang bigla na lamang nangyari sa animo'y natutulog na Martial Soul niya na walang iba kundi ang munting puting ibon na nasa likuran niya. Nawalan siya ng koneksyon sa labas o sa reyalidad habang naglalakbay siya sa kadiliman hanggang sa bigla na lamang lumiwanag ang paligid at bigla niyang nakita ang isang pamilyar na lugar na minsan niyang nakita at napuntahan.
...
Nasaan ako?! Bakit parang pamilyar ng lugar na ito at parang napuntahan ko na ito?" Sambit ni Van Grego sa kaniyang sarili habang makikita ang labis na pagtataka.
Kaibahan nga lang noon sa kaniyang memorya dahil nasa tuktok siya ng isang mataas na kabundukan. Dito ay nakikita niya ang nakakamanghang pormasyon ng kaulapan maging ng napakagandang paggalawa ng mga ito. Maya-maya pa ay bigla na lamang na animo'y kumulog ng malakas at may aninong bigla na lamang lumitaw sa loob ng kaulapan ngunit hindi niya man lamang ito makita-kita.
"Bakit mo ko tinawag munting nilalang?!"
"Sino ka Ginoo?! Paumanhin po ngunit tinawag po ba kita eh hindi kita kilala." Sambit ng binatang si Van Grego habang makikita ang labis na pagtataka.
"Sigurado ka ba munting tao?! Sa iyong inaasal ay masyado ka atang mahina para tulungan ko ngunit alam kong kailangan mo talaga ang aking tulong." Sambit ng misteryosong nilalang na natatabunan ng makakapal na ulap at tanging malabong pigura at anino lamang ang makikita rito.
"Paano ka makakatulong eh alam ko namang patay na ako ngayon. Ni hindi man lang ako nakalaban ng maayos sa halimaw na iyon na hindi nagmula sa mababang mundo na kinalalagyan ko noon. Kung gusto mo kong kunin, kunin mo na ko." Sambit ni Van Grego habang makikita ang lungkot sa mukha nito maging sa pares na mata nito. Halatang hindi pa nito gustong mamatay ngunit wala eh na-deads na siya dahil sa hindi niya nakayang labanan ang isang Spirit Beast na nasa hinuha niya ay isang napakalakas na nilalang ito.
"Hahahahaha... Hindi ko aakalaing nagpapatawa ka binata. Muntik mo na kong maloko sa pagdadrama mo. Maaari ka pang mabuhay kung sakaling susunod ka sa aking ipag-uutos. Pumikit ka at itapat mo sa kalangitan ang iyong kaliwang kamay. Ipahiram mo sa akin ang iyong lakas nang sa ganon ay magapi natin ang iyong pangahas na kaaway." Sambit ng misteryosong nilalang na nasa ulap.
"Hmmmm..." Sambit ni Van Grego na may kasamang pagtango. Hindi niya alam ngunit mula sa kaloob-looban niya lalo na sa kaniyang puso't isipan ay naniniwala at nagtitiwala siya rito ng walang kondisyon.
Maya-maya pa ay ipinikit nito ang kaniyang mata at mabilis nitong itinaas ang kaniyang kaliwang kamay. Maya-maya pa ay biglang nagliwanag ang buong katawan ni Van Grego kung saan ay nakakasilaw itong pagmasdan lalo na ang kaliwang kamay nitong may lumalabas na kakaibang liwanag.
...
Samantala...
Habang papalapit ang atake nito at paglapit mismo ng Red Cardinal Spirit Beast ay bigla na lamang gumalaw ang nasabing natutulog na puting ibon. Unti-unti itong umalpas ang pakpak ng munting ibon habang animo'y mistula itong kuto lamang sa dambuhalang laki ng Red Cardinal Spirit Beast.
Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay bigla na lamang nagmulat ang mata ng nasabing puting ibon na siyang ikina-estatwa ng Red Cardinal Spirit na ilang dipa na lamang ang layo nito upang patamaan ng atake ito.
"Hindi maaari, isa ka lamang ordinaryong ibon ngunit bakit nakaramdam ako ng panganib mula sa aking bloodline. Hindi maaari ito, hindi ka isang Phoenix!" Sambit ng Red Cardinal Spirit Beast habang mabilis nitong pinatama sa nasabing munting ibon na siyang Martial Soul ng isang pipitsuging binata.
Tatawa na sana ang Red Cardinal Spirit Beast ngunit nakita niya lamang na biglang gumalaw ang nasabing Martial Soul ng binatang nakatayo sa harapan niya ngunit naramdaman niyang nawala ang pagkakontrol niya sa katawan ng binatang gusto niyang paslangin.
Lumilipad-lipad ang puting ibon na kasing laki lamang ng ordinaryong agila sa itaas ng uluhan ng binata na siyang labis na ikabagot at ikinainis ng Red Cardinal Spirit Beast.
"Ano ba ang ginagawa ng munting ibon na ito, nakuha pa nitong lumilipad-lipad sa katawan ng insektong binata."
"BOOGSHHHH!"isang malakas na pagsabog ang maririnig sa pagtama ng napakalakas na atake nito sa binatang si Van Grego.
"Hahahahaha... Wala kang binatbat binata sa aking lakas kaya nararapat lamang na napaslang ka ng aking sariling lakas hahahaha....!"Sambit ng Red Cardinal Spirit Beast sa kaniyang isipan. Dahil sa restrictions ay hindi nito nakayang magsalita. Isa pa ay nawalan siya ng koneksyon sa binatang kaniyang pinaslang. Malamang sa malamang ay patay na ito.
Ngunit nang biglang nahawi ang makakapal na usok dulot ng kaniyang malakas na atake ay doon ay nagimbal ang Red Cardinal Spirit Beast.
Dito ay tumambad ang binatang si Van Grego na mayroong kakaibang suot na puti na animo'y gawa sa balahibo ng puting ibon. Hindi niya maipagkakailang napakakaiba ito at nakaramdam ng kaunting takot ang Red Cardinal Spirit Beast.
"Hindi maaari ito... Hinddiiiiiiiii!!!!!!!!" Gulantang na sambit ng Red Cardinal Spirit Beast habang makikita ang gulat sa ekspresyon ng ibong ito. Hindi kasi ito nakikita ng ordinaryong mata sapagkat ikinukubli ng kaniyang spiritual energies ang kaniyang katawan ngunit hindi pa nito nagagamit ng buo ang kaniyang Spiritual Power dahil sa restrictions.
"Ecccckkkkkkkkkkkk... Eeeecckkkkk... Ecccckkkk...!("Ano'ng mukha yan mahinang ibon. Hindi mo ata ako nakikilala na nakakalakas sa iyo?!")" Sambit ng binata sa kakaibang boses. Kakaiba kumpara sa tinig ng binatang nasagupa kanina ng Red Cardinal Spirit Beast.
"Bakit parang iba ka... Sino ka?! Paano mo nalaman ang Ancient Language ng lahi naming mga ibon?!" Sambit ng Ibon habang ikinokonekta niya ang kaniyang isip sa isipan ni Van Grego gamit ang divine sense.
"Mahalaga pa ba iyon?! Hindi ko inaakalang mula pa sa lahi ng pipitsuging Phoenix ang hahadlang sa daraanan ko nakakatawa hahahaha!!!!!!" Sambit ng binatang si Van Grego na kakaiba ang tinig ng boses nito.
"Pipitsuging Phoenix?! Lapastangan! Sino ka para pagsabihang pipitsuging nilalang ang kagalang-galang na maalamat na Phoenix. Hindi mo ata alam ang iyong sinasabi. Dahil sa kapalaluan at kalapastangan mo ay ako mismo ang kikitil ng buhay mo!" Puno ng pagkagalit na sambit ng Red Cardinal Spirit Beast.
"Hahaha... Hindi mo ata alam kung sino ang kaharap mo para pagsabihan ako ng ganyan. Tingnan natin kung mahahawakan mo man lamang ako hahahaha..." Sambit ni Van Grego habang nakangisi pa ito.
"Wag kang magmayabang binata dahil sisiguraduhin kong sa susunod kong atake ay mapapaslang na kita!" Buong pagyayabang ng Red Cardinal Spirit Beast. Hindi nito hahayaang matalo lamang siya rito ng ganon-ganon na lamang.
"Red Cardinal Spirit Beast: Swirling Strikes!"
Biglang nabalutan ng kakaibang liwanag ang buong katawan ng nasabing halimaw na Red Cardinal Spirit Beast habang mabilis nitong lumipad ng napakataas. Maya-maya pa ay biglang pumulupot ang mga pakpak nito at bumulusok pababa.
Bigla na lamang namuo ang animo'y parang bumabagsak na bulalakaw sa palapag na ito kung saan ay makikitang animo'y nag-aapoy ang Red Cardinal Spirit Beast. Nakikita mismo ang kabuuang itsura nito maging ang lakas ng enerhiyang inilalabas ng katawan nito.
"Para sa Earthen Realm Spirit Beast na katulad mo ay siguradong napakalakas mo pero paano kung sabihin ko sayo'ng nagsasayang ka ng lakas mo para labanan kami ng kakambal ko hahahahaha!!!!!" Sambit ng binatang si Van Grego o kung sino mang kumokontrol sa katawan nito.
Ilang metro na lamang ang layo ng bumubulusok na Red Cardinal Spirit Beast sa kinaroroonan mismo ng binatang si Van Grego habang nakangisi pa ito.
"Hindi ko alam na isa palang napakatangang nilalang ang binatang ito. Sa akin pa rin ang huling halakhak hahahaha...!!!" Sambit ng Red Cardinal Spirit Beast habang ngumingisi pa rin ito.
Maya-maya pa ay biglang gumagalaw ang paa ni Van Grego na animo'y sumasayaw.
"Gumising ka muna aking kakambal... Ipakita natin ang ating pinagsamang lakas διαφθείρω!"
Maya-maya pa ay biglang lumiwanag ang paanan ng binatang si Van Grego at doon lumitaw ang malabong anino o porma ng isang halaman.
Ang bumubulusok na Red Cardinal Spirit Beast ay biglang nakaramdam ng kakaibang panganib na ngayon niya lamang naramdaman sa tanang buhay niya.
"Masama ito, saan nagmumula ang kakaibang panganib na aking nararamdaman?! Sa binata bang ito? Hindi maaari!" Sambit nito ngunit desidido siyang patayin ang binata kaya mas binilisan niya pa ang kaniyang pagbulusok.
Bigla na lamang gumalaw ang halaman sa likod ng binatang si Van Grego at doon ay mabilis na nagkaroon ng mga galamay ang parang anino lamang na halaman na katamtaman lamang ang laki nito. Humaba ito ng humaba at hindi mabilang sa dami na animo'y mga gahiblang sinulid lamang ang laki ng mga ito. Mabilis itong sumugod sa bumubulusok na halimaw na Red Cardinal Spirit Beast.
Bigla siyang pinuluputan pabilog na animo'y isang kulungan.
"Hahahaha... Tingin ba ng binatang nasa harapan ko ay makakaya niyang pigilan ang aking atake?! Hindi mangyayari iyon... Ahhhhh... Hindi maaari ito!!!!!" Sambit ng Red Cardinal Spirit Beast habang mabilis na tumusok ang hindi mabilang na mala-sinulid na galamay nang mala-anino lamang na katamtaman na halaman na sa pag-aakala nito ay isa lamang ordinaryong halaman.
"Hindi maaaari ito. Hindi ka ang binatang iyon... Eeckkkk! Isa kang pangahas na nilalang, sisiguraduhin kong kayo ang mamamatay!!!!!" Sambit ng Red Cardinal Spirit Beast.
"Sinabihan na kita kanina pa... Kung sino man ang pangahas sa atin ay ikaw yun. Papayag ba kaming papatayin ang nilalang na bumubuhay at nagbibigay-buhay sa amin ng aking kambal. Hindi ka tanga para kalabanin mo kami kaya nararapat lamang na kamatayan ang magiging kaparusahan sa iyo hahaha... Ang lahat ng hahadlang sa daraanan namin ay siguradong mamamatay at kung sino man ang lalaban ay papatayin namin. Ikaw ang una naming magiging pataba para lumakas kaming tuluyan hahahaha!!!!!" Sambit ng kakaibang tinig ng binatang si Van Grego habang nagsasalita ito sa Ancient Language ng mga ibon.
"Hindi ako naniniwala, paano kayong napadpad sa katawan ng batang iyan?!" Sambit ng Red Cardinal Spirit Beast habang nanlilisik ang mga matang nakatitig sa mata ng binatang nasa harapan niya. Nakita niya kung paano biglang pabago-bago ang pares na mata ng binata sa pagiging mata ng tao sa pagiging mata ng ibon.
