Cherreads

Chapter 184 - Chapter 14

Tunay na napakalawak ng ikatlong palapag. Parang animo'y maliit na nilalang lamang si Van Grego rito. Maikukupara kasi ang lawak ng palapag na ito sa napakaliit na bayan.

Makikitang nagpalipat-lipat ng lugar si Van Grego habang animo'y may hinahanap ito. Tingin dito, tingin doon ang ginagawa niya habang mistulang mayroon itong sinisipat sa mga batuhan. Puro mga bato kasi ang makikita sa paligid habang nakikita niya kung paano nagkadikit-dikit ang mga bato.

"Hmmm... Kapag ganito ang aking paghahanap ay siguradong mahihirapan ako nito. Tuso talaga ang Evil Martial Spirit na iyon dahil nagawa nitong ipossess ang namatay na katawan ng Bloody Rock Spider at angkinin ito sa mahabang panahon. Kung gayon ay kailangan kong makuha ang iniingat-ingatan nitong bagay na siyang pinagmumulan ng kapangyarihan maging ng Cultivation Level nito." Sambit ni Van Grego habang makikita ang determinasyon sa mukha nito.

Lumilinga-linga pa siya sa paligid niya.

"Total ay wala namang nilalang na nakatira rito ay wawasakin ko na lamang ang lugar na ito upang makita ang bagay na pinakainiingatan ng Evil Martial Spirit na iyon upang tuluyan na itong mapuksa."

Mabilis na dumaloy at lumabas sa katawan ni Van Grego ang napakaraming Qi at animo'y pumorma itong hangin. Dito ay bigla niyang itinaas ang kaniyang dalawang kamay at iwinasiwas ang mga ito at parang animo'y gumuhit ng letrang "X" or pa-ekis ang kaniyang atake.

"BOOM! BOOM! BOOM! ...!"

Umalingawngaw sa paligid ang nakakabinging ingay ng mga batong sumasabog dulot ng mapaminsalang atake ng hangin. Kahit pangalawa lamang ang konsepto ng hangin sa atake kumpara sa concept of space ay mayroon itong destructive properties. Kaya nitong hiwain ang napakatigas na bato ngunit hindi ng puwersahan kundi sa presyur na dulot nito. Invisble yet destructive, yan ang masasabi mo sa konsepto ng hangin. Parang kulay abong usok lamang ito at magagawa mo itong pang-atake kapag natutuhan mong i-materialize ang hangin sa isip mo at sa pamamagitan ng Qi mo sa katawan. Ang mga dalubhasa na Wind Attribute na mga martial Artists ay talaga namang masasabi mong mga talentado dahil ang kanilang kakayahan sa paggamit ng enerhiya sa pagsangga at pag-atake ay nakakamangha. Ang kanilang karaniwang sandata ay mga musical instruments kagaya ng flute, piano, bell at iba pa kaya ingat na ingat ang karamihan sa kanila dahil hindi mo nakikita ang ginagawa nilang pang-atake. Lahat naman ng konsepto ng iba't-ibang elemento ay mayroong iba't-ibang katangian at kakayahan kung kaya't hindi ito pwedeng husgahan ng basta-basta na lamang.

Ang malawakang pagsabog sa buong lugar na purong mga batuhan ay nagkaroon ng napakakapal na usok.

Mabilis na tumalon si Van Grego ng mataas upang makita sa ere kung saan ang hinahanap niya. Ngunit nagulat na lamang siya sa kaniyang nakita ng mahawi ang buong lugar na kaniyang kinaroroonan kanina ng makita kung ano ang nasa ilalim ng mga batuhan kanina.

Dito ay tumambad sa kaniyang paningin ang Martial Evil Spirit na nakalaban niya kani-kanina lamang.

"Hahahaha... Hindi ko aakalaing madi-diskubre mo ako kaagad. Hindi kasi bakas sa iyo binata ang pagiging malakas. Kung akala mo ay magagamit mong muli sa akin ang paso na iyon ay nagkakamali ka. Hawak na kita sa leeg bata kaya wag mo nang subukang linlangin ako sa pangalawang beses." Sambit ng malabong pigura ng Evil Martial Spirit sa napakalalim na boses nito.

"Hahaha... Sino ang tinatakot mo halimaw o kung halimaw ka bang talaga. Isa ka lamang Evil Plant na mula sa Evil Martial Spirit na iyon pero kung makapanghamak ka ay parang malakas ka haha..." Sambit ni Van Grego habang nakangisi.

Medyo natigilan naman ang pigura ng Evil Martial Spirit na kung titingnang maigi ay isa lamang itong aura lamang na binubuo o namumuo sa paligid ng Evil Plant na ito. Hindi nga niya tukoy kung anong klaseng tanim ito o kung ano ang kaya nitong gawin.

Mistulang nagulat naman ang malabong pigura ng Evil Martial Spirit habang maya-maya pa ay bigla itong tumakbo ng mabilis.

"Hahaha... Tingin mo ay matatakasan mo ako pwes nagkakamali ka masamang halaman!" Sambit ni Van Grego habang mabilis niyang sinundan ang direksyon kung saan tinakbuhan ng halimaw. Ingat na ingat siyang sa pagsunod rito dahil hindi niya alam kung anong katusuhan o kapilyuhan ang pwedeng gawin ngMartial Evil Plant na ito. Akala niya ay magiging madali lamang ang pagpaslang o pagpuksa niya rito ngunit hindi pala sapagkat tuluyan na pala itong tumubo ngunit kumpiyansa si Van Grego na mahina pa ito. Kung totoong malakas na ang Martial Evil Plant na ito ay kanina pa sana siya sinugod nito para paslangin siya ngunit ayaw niyang pakampante. Isa sa katangian ng mga buhay na halaman ang magpanggap o gumawa ng taktika upang takasan ang panganib.

Sa lawak ng lugar na ito ay siguradong mahihirapan siyang hanapin ito kung magsusuot o kukubli ang halimaw na ito sa kailaliman ng lupa upang pagtaguan siya. Kung hindi niya ito mapupuksa sa kasalukuyan ay nangangamba siyang sa susunod na mga taon o milenya ay siguradong magiging madugo ang pangyayari sa ikatlong palapag na ito. Ang evil plant siguro na ito ay kusang itinanim ng gumawa ng pagodang ito. Pwede kasi itong maging rewards ng sinumang makakakuha nito ngunit alam niyang walang sinuman ang nakalampas sa ikatlong palapag at nangangamba si Van Grego na lahat ng pumasok rito ay nangamatay na.

"Hindi kaya ito rin ang dahilan kung bakit maraming nangawalang mga Martial Artists sa labas ng lagusang ito noon pero bakit nangyari iyon?!" Sambit ni Van Grego dahil napapaisip siya kung bakit nawala ang mga human Cultivation techniques, Martial Spirit Manuals at iba pa. Sigurang may kinalaman ito. Karaniwan kasing bitbit ng mga ito sa psglalakbay ang mga libro o mga manuals maging ng mga kasulatan sa mga Cultivation techniques na naglalaman ng iba't-ibang mga skills at arts. Kaya kung mamamatay man sa isang tagong lugar ang mga Martial Artists ay siguradong hindi makukuha ninuman ang mga ari-arian ng mga ito na sa kanilang possessions o pagmamay-ari..

Habang nag-iisip si Van Grego ay hindi niya hinayaang mawala ang pokus niya sa tumatakbo o tumatakas na Martial Evil Plant. Hindi niya hahayaang lumaki pa ito at mamunga para magproduce muli ng isang prototype o katulad mismo ng Evil Martial Spirit. Sa ngayon ay tanging malabong pigura lamang ang Evil Martial Spirit na ito pero sa katagalan ay magiging detalyado na ang pigura nito at manghasik muli ng lagim sa ikatlong palapag na ito. Sigurado siyang ito ang dahilan kung bakit patay ang buong lugar na ito dahil isang parasite ito sa kalupaan maging ang lahat ng enerhiyang maaaring kainin o higupin nito ay kukunin nito, mapabagay man o nilalang na tingin niya ay may benepisyo.

Medyo matagal rin ang paghahabulan nilang nangyari hanggang sa nakaramdam na ng inis at pagkabagot si Van Grego. Layunin talaga ng Martial Evil Plant na ito na inisin at pagurin siya. Hindi siya tanga para hindi malaman na pinaglalaruan lamang siya ng masamang halaman na may pagkatuso.

Biglang bumuhos ang nag-uumapaw na enerhiya ni Van Grego partikular na rito sa kaniyang paa maging ang paggaan ng kaniyang katawan na animo'y isa siyang papel dahil napakagaan sa pakiramdam ang kaniyang kasalukuyang estado. Hindi na siya nagsayang pa ng oras at animo'y kidlat siyang tumatakbo habang mabilis niyang in-materialize ang kaniyang latigong gawa sa kaniyang sariling Alchemy Sacred Fire.

Nagulantang naman ang Martial Evil Plant ngunit mabilis na hinataw ng latigo ni Van Grego ang nasabing masamang halaman.

" Naiinis na ko sa'yo, Tikman mo to!" Naiinis na sambit ni Van Grego at pinahagupit niya ang bangis ng kaniyang sariling latigo.

"Whooooppp!" Isang malakas na tunog ang biglang marinig sa lugar na ito kung saan ay mabilis na bumulusok sa malayo ang Martial Evil Plant. Nawala na rin ang malabong anyo ng Evil Martial Spirit na siyang nagsisilbing protective essence nito. Maikukumpara lamang kasi ang masamang tanim na ito sa isa lamang ordinaryong Martial Warrior Realm Expert ngunit ang bilis nito ay ekstraordinaryo kaya't ganon na lamang ang inis ni Van Grego rito.

"Sqqqqqaiiiiiiccccckkkkkk!!!"

Isang napakatinis na boses ang pinakawalan ng Martial Evil Plant. Makikita ang totoong anyo nito na isang sentimetro lamang ang laki nito at mayroong kulay pulang dahon, stem at maging ang ugat nito.

Mabilis na pinalitaw ni Van Grego sa kaniyang kaliwang palad ang Martial Pot at mabilis niya itong ipinalutang papunta sa kinaroroonan ng Martial Evil Plant. Hindi niya kasi papayagang hindi niya makuha ang ganitong tanim na minsan niya lang makasalamuha. Isa pa ay napakalakas at pambihira nito. Kung maki-cleanse ito ng Martial Pot ay siguradong marami siyang makukuhang benepisyo rito.

"Shhhhrrriiiieecccckkkkk!!!!"

Malakas ngunit napakatinis na boses ang pinakawalan ng Martial Evil Plant habang nagpupumiglas ito. Ngunit sa kasamaang palad ay naipit ang sarili nito sa batuhan habang may tinamong mga malubhang pinsala dulot ng atake ni Van Grego. Wala kasi itong panangga sa katawan liban na lamang sa kaya nitong magproject ng protective essence ngunit hindi ito sapat upang sanggain ang atake mula sa isang Martial Emperor Realm Expert.

HOOOH! HOOOHHHH! HOOOHHHH!!!

Palakas ng palakas ang ikot at tunog ng Martial Pot habang animo'y nasisiyahan itong higupin ang Martial Evil Plant papunta sa loob nito. May namuong ipo-ipo rito habang direkta nitong hinihigop ang kabuuan ng Martial Evil Plant. Dito ay mas naalarma ang nasabing masamang halaman.

Shriiekkk! Shriieekkk! Shrriiiieeekkkk! ...!

Pilit na nilalabanan ng Martial Evil Plant ang suction force na pinapakawalan ng Martial Pot ngunit dahil isa itong pambihirang Devourer Artifact ay hindi ito magpapatalo sa isang hamak lamang na halaman. Mas makikitang mas nasisiyahan ang Martial Pot sa inaasta ng Martial Evil Pot kung kaya't mas umikot pa ito ng umikot hanggang sa...

"SHHHHHHRRRRIIIIEEEEEECCCCCKKKKKK!!!!!

Isang malakas na sigaw ang huling pinakawalan ng masamang halaman at mabilis itong hinigop papunta sa loob ng Martial Pot. Kahit na nasa kontrol pa rin ito ni Van Grego ay hindi pa rin maiiwasan ng binata na mamangha sa taglay na lakas ng nasabing artifact. Kung direkta niya kasing hahawakan ang nasabing Evil Plant ay siguradong susubukan siyang lasunin ng nasabing halaman. Isa pa ay kahit sino naman ay hindi papakatiyak na hindi sila tatablan ng kamandag o lasong meron ang mga masamang tanim.

Unti-unting nakita ni Van Grego na parehong kini-cleanse sa loob ng martial pot ang Evil Martial Spirit at ang Martial Evil Plant. Hanggnag ngayon ay namamangha pa rin siya sa taglay na ito ng nasabing artifact kasi may kakayahan ito baguhin ang attribute ng mga spirits o spirito ng mga may buhay partikular na rito ang mga Evil Martial Spirits at Martial Evil Plants ngunit hanggang dito lamang ang limitasyon nito. Wala kasing kakayahan ang artifact na i-cleanse/ i-purify ang mga sinumpang bagay o mga buhay na mga masasamang nilalang. Hindi kasi sila natural na namuo lamang sa Heaven and Earth Qi at idagdag pang intensyunal ito kung kaya't ganon lamang na hindi nagrereact ang Martial Pot sa mga ito. Kusang ipinapanganak ang mga nilalang kagaya ng mga nabibilang sa lahing tao na piniling maging masama kung kaya't isa itong desisyon at hindi likas o natural na namuo ng enerhiya. Sa lagay naman ng isinumpang mga bagay lalo na nang mga isumpang sandata ay hindi ito nasasaklaw ng Martial Pot dahil isa itong gawa ng mga nilalang gaya ng tao o mga hybrids kung kaya't madalas ay ito ang pinakagustong saniban o pamahayan ng mga Evil Spirits. Isa pa ay ang mga metalikong mga bagay ay kadalasang gustong pamahayan ng mga ito para makasagap sila ng direktang enerhiya upang palakasin sila. Kagaya na lamang ng mga Forbidden Weapons na siyang mayroong dalawa o higit pang mga masasamang espiritu ang naamahay rito.

Pinagmasdan ni Van Grego ng ilang minuto hanggang sa naisip niyang lisanin ang lugar na ito. Nakita niyang napakalayo na ng lugar ang kaniyang pinuntahan. Gusto niyang bumalik papunta sa hagdanan papunta sa ikaapat na palapag. Hindi kasi niya alam kung ganito ang loob ng pagoda pero sa kasalukuyan niyang lakas at usad sa pagtuklas ng lugar na ito ay kailangan niyang magmadali.

Agad niyang pinagana ang kaniyang Movement technique at mabilis na nilisan ang lugar na pinangyarihan kani-kanina lamang.

Maya-maya pa ay nakita niya ang malaking hagdanan papunta sa ikaapat na palapag. Mabilis na rin siyang naglakad papunta rito haabng pinag-aaralan ang bawat marka o larawang kaniyang nakikita sa kanyang paglalakad na nagbabakasakali siyang may makuha siyang insights o enlightenment sa mga ito.

Habang pinag-aaralan ni Van Grego ang mga nakasulat sa mga pader ay nahagilap niya ang isang markang may nakakatakot na enerhiyang nakapaloob rito.

"Beast Mark?! Hindi maaari ito, paanong mayroong marka ng Earthen Realm Beast dito?!" Sambit ni Van Grego habang nanlalaki ang kaniyang mata habang tinitingnan ng maigi ang marka. Hindi siya makapaniwala na nagkaroon ng beast mark rito, hindi peke kundi orihinal na gawa ng isang hindi kilalang halimaw. Ang pagkakaalam niya ay ang South Region na pinagmulan niya lamang ang mayroon nito pero bakit mayroong ikatatlong Earthen Realm Beast na marka rito?! Isa pa ay sigurado siyang nag-acuperate o nagpapagaling pa si Binibining Mystica at natutulog pa ang dambuhalang ahas sa Serpien Continent na mortal daw nitong kaaway. Hindi niya alam kung ano ang puno't-dulo ng lahat ng ito ngunit karamihan ng mga nakasalamuha niyang mga nilalang ay napakalakas at hindi niya alam kung bakit dito sila napadpad sa mababang mundong ito.

Kaya lagi niyang itinatanim sa isipan niya na ang lugar ay ligtas ngunit ang naninirahan dito ay napakadelikado. Kahit saan naman sigurong parte ng mundong ito ay delikado o napakadelikado, yung tipong ang mahihina ay kinakain o dinodominante ng mga malalakas. Ang malalakas ang siyang nagiging panginoon ng lupain at ang mahihina ang magiging sunod-sunuran o magiging alipin ng mga ito kaya nga ayaw niya ng ganitong sistema dahil naniniwala siyang ang mundong ito ay kailangan ng pagkakaisa at pagkakapantay-pantay ngunit sa lakas niya ngayon ay isa itong katawa-tawa. Pero naniniwala siyang ang maliit na insektong katulad niya na hinahamak palagi ay babaguhin ang mundong ito balang-araw. Tutuklasin ang nakakatakot na misteryong pinagkakaloob ng mundong ito ng walang pag-aalinlangan. Para sa mga taong kaniyang pinahahalagahan, ang piniling mag-isang maglakbay ay kaniyang desisyon. Kung mamamatay man siya sa kalagitnaan ng kaniyang paglalakbay na ito ay wala siyang pagsisisihan.

Pinag-aralan niya muna ito habang makikita na nagpupukos siya na alamin ito. Ang bawat detalye ay tinandaan niya kaya maya-maya lang ay parang naging balisa si Van Grego habang tinitingnan ang Beast Mark.

"Ano ito, bakit mayroon itong nakakatakot na enerhiya sa loob ng marka?!" Sambit ni Van Grego habang namumutla. Sinubukan niya kasing galugarin at alamin ang loob ng marka at tama nga ang kaniyang hinala, hindi lamang ito isang ordinaryong marka ng Martial Beast kundi higit pa sa kaniyang inaakala.

Ikinalma muna ni Van Grego ang kaniyang sarili lalo pa't nabulabog at naging magulo ang mga enerhiyang nasa loob ng kaniyang dantian maging ang kaniyang blood flow ay lubos ring naapektuhan lalo pa't nadisturbo ito nang simulan niyang pag-aralan ang enerhiyang hindi niya kayang pag-aralan o higit na dominante sa kanya. Kahit ang kaniyang art of calmness ay lubha ring naapektuhan kani-kanina lamang.

"Kahit sabihin ko pang malakas ang aking persepsyon dahil sa kaalamang nakuha ko kay Master Vulcarian ngunit sa kasalukuyan kong lakas ay hindi ko maaaring isugal ang aking buhay dahil sa nakakakilabot na enerhiya ng Beast Mark na ito. Maaaring mawala ako sa aking sarili (Qi Deviation) o sumabog ang katawan ko sa nakakakilabot na enerhiyang papasok sa katawan ko sa paamamgitan ng aking divine sense. Alin sa mga ito ay siguradong isang suicidal attempt ito. Mas mabuting umalis na lamang ako at wag ng pag-aralan ito." Sambit ni Van Grego habang inaanalisa ang mga bagay-bagay na maaari niyang kahihinatnan kung magpupumilit pa siyang ituloy ang pag-aaral sa nasabing malakas na uri ng Beast Mark o markang iniwan ng nasabing Martial Beast.

Ipinagpatuloy niya na lamang ang kaniyang paglalakad ng walang lingon-likod. Nakakapanghinayang kasi dahil hindi ito isang unlimited opportunity kundi one-time opportunity. Ang ganitong uri ng Beast Mark ay isang totoong kayamanan na kahit sino ay manghihinayang. Hindi niya rin ito madadala dahil nakadikit mismo ito sa pader ng Giant Pagoda. Isa talaga itong nakakapanghinayang na pagkakataon.

More Chapters