Cherreads

Chapter 192 - Chapter 22

Mabilis na tinawid ni Van Grego ang lugar kung saan mayroong malaking puno. Maya-maya pa ay nakita niya ang isang grassland. Matutuwa na sana si Van Grego ngunit nakita niya lamang ang isang dambuhalang toro na nasa hindi kalayuan. Nagpupulahang mata at mayroong enerhiyang lumalabas sa katawan nito. Ang dalawang sungay nito ay literal na nag-aapoy dulot siguro ng Yang fire.

"Demonic Yang Bull, nako naman o! Isa palang Demonic Beast ito na may mataas na lebel ng Cultivation! Pwede ko naman itong takutin gamit ang aking Spiritual Power hehe..."

Sambit ni Van Grego sa kaniyang isipan habang makikita ang kanyang mapait na ekspresyon sa mukha at napangiti na lamang siya sa kaniyang naisip na plano. Kakagaling lamang ng kaniyang kaliwang kamay mula sa malalim na sugat na kanyang natamo sa Sword Tale Nile Crocodiles habang hindi niya maiiwasang makaramdam ng pagkabahala. Mas makakaiwas siya ng pag-aaway o paglaban ng pisikalan kung makakadaan siya ng mapayapa rito.

Agad naman siyang nagpakawala ng Spiritual energies upang gumawa ng isang malakas na Spiritual Attack papunta sa Demonic Yang Bull ?.

Napangisi naman si Van Grego dahil alam niyang hindi ito mapipigilan ng kahit na anong nilalang ang kaniyang Spiritual Attacks.

Ngunit nawala ang ngiti ni Van Grego sa sumunod na pangyayaring kaniyang nasaksihan.

"Pooooo!"

Pagkalapat na pagkalapat pa lamang ng kaniyang Spiritual energies sa uri ng isang atake sa katawan ng Demonic Yang Bull ay animo'y ordinaryong hangin lamang ito na dumampi at na-disperse.

"Huh?! Paanong nangyari ito?! Hindi maaari ito ngunit kung hindi ako magkakamali ay ang uri ng Yang Fire na meron ito ay malakas. Ito ang isa sa kahinaan ng Spiritual energies dahil ang Yang Fire ay nagtatakwil ng mga demonyo, multo, espiritu at iba pa." Sambit ni Van Grego nang mabilis niyang naalala kung gaano nakakamangha ang Yang Fire na minsan niya ring pinangarap.

Agad namang inilabas ni Van Grego ang kaniyang sariling mapang dala. Agad niyang tiningnan ang susunod niyang daraanan. Nakita niyang nasa tama siyang direksyon at tiningnang maigi ang larawan sa mapa.

"Red Yang Canyon?! Hmmm... Kaya pala naramdaman agad ako ng Demonic Yang Bull na ito dahil na rin sa Spiritual energies ko. Kung hindi ako nagkakamali ay naramdaman rin nito ang Spiritual Power ko ng gumawa ako ng Spiritual Attacks sa buong kapaligiran lalo na sa daang aking tinatahak." Sambit ni Van Grego ng maanalisa niya ang kaniyang ginawa maging ang dahilan kung bakit siya inabangan ng Demonic Yang Bull.

Mabilis namang tinago ni Van Grego ang kaniyang Spiritual energies sa katawan at mabilis na nilampasan ang Demonic Yang Bull.

Nalampasan naman niya ng maayos at matiwasay ang Demonic Yang Bull at hindi na siya hinabol nito.

Marahil ay magtataka ang ilang Martial Artists sa ipinamalas na galing sa pag-iwas ni Van Grego na siyang nakakamangha talaga kung tutuusin.

"Hooo! Mabuti na lamang at mayroon akong nalaman sa mga halimaw na mayroong attribute ng Yang Fire. Masyado silang sensitibo sa Spiritual energies maging sa mga uri ng Fire energies ngunit malabo ang kanilang paningin at pandama lalo na sa ibang elemento at enerhiya. Nabuhay kasi sila sa sobrang init na temperatura ng Yang Fire kung kaya't ganon na lamang ang kanilang pandama. Mabuti na lamang at hindi ko ginalit at nilabanan ang halimaw na iyon at mabilis akong nag-withdraw sa laban kung hindi ay masasayang lamang ang aking oras dito." Sambit ni Van Grego. Sa totoo nga lang ay gusto niyang pag-aralan ang Yang Fire lalo na ang Yang energies nito upang paunlarin ang kaniyang konsepto ng apoy ngunit dalawang araw lang ang gusto niyang masayang na oras upang makaabot siya at makasampa sa malaking barkong pangkaragatan.

Kahit mabigat sa loob ay mabilis na naglakbay si Van Grego papasok sa loob ng Red Yang Canyon. Maingat siyang naglalakbay at pinapanatili ang lahat ng kaniyang enerhiya sa loob ng kaniyang katawan lalo na ang kaniyang Fire energies at Spiritual energies. Naramdaman din ni Van Grego na habang papasok ng papasok siya rito ay saka naman papainit ng papainit ang temperaturang kaniyang nadarama. May kaunting pawis na lumalabas sa kaniyang noo at sa kaniyang likod.

"Ramdam ko ang nakakapasong init mula sa ilalim ng lupa lalo na ang nakakapangilabot na temperaturang mayroon ang lugar na ito." Sambit ni Van Grego habang mabilis ngunit maingat niyang nilalakaran ang nagbabagang lawa ng lugar na ito. Tanging maninipis lamang ng tipak ng bato ang kaniyang tinatapakan. Pinananatili niyang kalmado ang kaniyang sarili para huwag siyang mabigla kung sakaling may umatake man sa kaniya. Ramdam niya ding may nagmamatyag sa kaniya ngunit hindi niya ito matukoy-tukoy o makita man lang kung ano o sino ito.

Ramdam ni Van Grego na unti-unti siyang bumabagal sa paglalakad lalo pa't pakonti ng pakonti ang mga tipak ng mga batong kaniyang tinatapakan. Kung sana lang ay kaya niyang lumipad ay kanina niya pa mismo ginawa ngunit wala naman siyang kakayahang gawin ito. Kahit ganon ay minabuti ni Van Grego na makalampas sa Red Yang Canyon dahil nakikita niya ang maraming uri ng Martial Beast na naninirahan dito na may nakakatakot na mga itsura maging ang Cultivation Level ng mga ito ay hindi rin basta-basta. Kung makakaagaw ka ng pansin sa mga ito ay siguradong katapusan mo na rin Kung hindi mo mapagtatagumpayang protektahan ang iyong sarili ay mamamatay ka sa lugar na ito.

"Hehehe... Hindi ko aakalaing mayroong susubok muli na pupunta sa rutang pandagat hahaha... Sigurado akong marami akong makukuhang kayamanan sa kaniya heheh... Ito rin ang sinabi ni Boss Shiba na dapat kong paslangin tiyak na matutuwa iyon at gagantimpalaan ako ng malaki kapag natupad ko ang kaniyang inuutos sa akin hehehe..." Sambit ng isang nakaitim na robang nilalang na hindi pa alam kung ano ang pagkakakakilanlan nito. Mabilis nitong sinundan ang dinadaanan ni Van Grego. Nakatingin siya mula sa baba kung saan ay tumatalon-talon ang binatang gustong ipapatay sa kaniya ng kaniyang Boss Shiba.

Hanggang sa...

Isang oras din ang itinagal ni Van Grego sa paglalakad at pagtalon sa maliliit na piraso ng mga tipak na bato na ang iba ay lumulubog na sa nagbabagang magma. Ang Canyon kasi ay isang lugar nadaanan ng tubig hindi lamang iyon kasi minsan nagiging sanhi rin ito kung saan lumalambot ang lupa rito kung kaya't hindi kataka-taka na halos naging lugar ito kung saan mayroong fault line rito na nagsasanhi ng paglubog ng lupa sa nagbabagang magma.

"Sulitin mo ang oras mo binatang tao sapagkat iyan na ang huli mong araw bago ka pumunta sa impyerno hahahaha!!!" Sambit ng nakaitim na roba habang may takip ang mukha nito partikular na ang bibig at ilong nito kaya hindi matukoy kung ano ang pagkakakilanlan nito. Halatang nakangisi ito habang mabilis na tinulak ang napakaraming mga naglalakihang mga bato sa may bangin ng nasabing Canyon.

Ngunit bigla na lamang naalarma ang binatang si Van Grego nang makarinig siya ng tunog na animo'y mula sa itaas na baahgi ng Red Yang Canyon.

"Brriiiicckkk! Briccckkkkkk! Briiiiccckkkk!!!"

Nakita lamang ni Van Grego nang bigla niyang natanaw kung saan ito nanggagaling at kung ano ang lumilikha ng ingay kung saan naging nakakaalarma ito sa binata.

"Ano iyon?! Mga naglalakihang mga bato?!"

Nagulantang si Van Grego nang makita niya ang mga mabilis na gumugulong na mga nagtitigasang mga bato kung saan ay mabilis na papunta ito sa harapan niya. Ang mga Martial Beast katulad ng Red Bats, Fiery Monkeys, Orange Worms at iba pa. Mabilis na lumayo ang mga ito at nilisan ang lugar na ito.

Ang mga Fiery Monkeys ay mabilis na lumalambitin sa bitak na mga bato.

"Hohohaha...! Hu hu...!" Malalakas na sigaw ng mga Fiery Monkeys habang halatang nagpapanic ang mga ito. Mabilis itong lumihis ng direksyon kung saan muntikan ang mga itong mahagip at mapisa ng nagririgudong mga bato.

Ang mga Red Bats ay mabiis lamang lumipad ang mga ito ngunit ang mga Orange Worms ay sobrang bagal ang galaw ng mva ito ngunit mabilis itong gumawa ng butas ngunit karamihan sa mga ito ay mabilis na napisa kung saan ay humalo ang lamang-loob ng mga ito sa mga mabibilis na paggulong ng mga bato.

"Kapag minamalas ka nga naman oh! At bakit sa dadaanan ko pa?!" Naibulalas na lamang ni Van Grego ang mga salitang ito at hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa at mas binilisan niya pa ang kaniyang sariling paglalakad ung saan naging takbo na ito at mabilis na tumatalon upang tumapak sa mga tipak ng lupa.

"Kailangan kong maunahan ang mga naglalaglagang mga malalaking bato sa matarik na bahagi ng Canyon. Kung hindi ay baka mas malagay pa ko sa ibayong panganib." Sambit ni Van Grego sa kaniyang isipan habang makikita ang komplikadong ekspresyon niya sa mukha. Hindi niya lubos maisip na nalalagay sa panganib ang kaniyang buhay sa hindi niya alam kung ano ang naging dahilan nito. Nakikita niya itong nakakapagtaka.

Sinabayan at mas binilisan niya ang ritmo ang gumugulong ng mga bato. Nakita niya kong paanong sobrang lapit na sa kaniyang kinaroonan ang mga dambuhalang bato na tila hindi mapipigilan ang bilis nito na animo'y di papipigil sa paggulong.

Mabilis na tumakbo si Van Grego at ginamit ang mala-pader na bahagi ng Canyon kung saan ay mabilis niyang nilampasan at inuungusan amg mga ito bago pa ito tumama sa mala-papel lamang na tipak ng bato.

"BOOGSHHHH! BOGSSHHH! BOOGSSSSHH! ...!"

Narinig ni Van Grego pagtama ng mga naglalakihang bato sa maninipis na tipak ng mga batong kaniyang tinatapakan. Mabilis itong nasira at malakas na sumabog ang mga ito kung saan ay nagdulot pa ito ng pagtalsik ng mga magma na may kasamang Yang Fire.

Nagulat pa siya nang may namuong malaking bola ng Magma at sumabog ito. Mabuti na lamang at mabilis na umalis sa kaniyang pwesto kung kaya't ganon na lamang ang kaniyang pagpipigil ng hininga kaya nga lang ay dahil sa ginawa niya ay mabilis siyang tumilapon sa tuyot na bato.

"Kung minamalas ka naman o, nahagip pa ko ng impact ng mga bato na iyon. Pero Mabuti na lamang at dito ako bumagsak sa tuyot na lupang ito." Sambit ni Van Grego habang hindi pa rin maiwasang magpasalamat kasi dito siya binagsak sa tuyot na lupa.

Agad na pinagpag ni Van Grego at inayos ang kaniyang sarili. Hindi niya lubos akalain na nalampasan niya ang lugar na iyon na konting gasgas lamang ang kaniyang natamo.

Whoosh! Whoosh! Whoosh!

"Huh?!!!" Sambit ni Van Grego habang mabilis siyang nagbackflip ng tatlong na beses.

BOGSH! BOGSH! BOGSH!

Bawat paglapat ng kunai knife at direkta itong sumabog kung saan naglikha ito ng malaking hukay sa kaninang pwesto ni Van Grego.

"Sino kang pangahas ka?! Bakit mo ko inaatake?!" Sigaw ni Van Grego sa kawalan. Hindi niya kasi alam kung sino ito. Tanghaling tapat pa lamang ngunit hindi niya mahagilap ang nilalang na umatake sa kaniya. Hindi niya aakalaing mayroon ngang bumabalak na paslangin siya sa sitwasyong ito kung saan ay nag-iisa lamang siya. Ramdam niya rin ang pagmamasid nito sa paglalakbay niya pa lamang rito maging sa bawat galaw niya noong nasa labas sila ng gate ng Soaring Light Sect. Hindi niya aakalaing pipiliin ng misteryosong nilalang na ito na malayo muna siya sa lugar ng Soaring Light Sect at sundan rito sa liblib na lugar na kung saan walang makakakita sa kanya.

"At bakit naman ako magpapakita sa iyo. Minsan mo ng nilinlang ang aking panginoon noong paslit ka pa lamang maging ng mga pakialamero mong mga kaibigan. Hindi ko aakalaing napakatinik mo rin palang na klaseng insektong tao ka! Tama ba ko Van Grego?! Hahahaha...!!!!" Sambit nito habang may pait sa boses nito ngunit umalingawngaw ang malakas nitong halakhak sa huli na animo'y hindi nito alintana ang lugar na ito.

Nagulat naman si Van Grego sa naging turan ng misteryosong nilalang na sumunod sa kaniya rito. Hindi niya lubos aakalain na maging ang pag-alis niya sa kontinenteng ito ay may haharang sa kaniyang paglalakbay lalo na sa kaniyang dinaraanan.

"Hmmm... Wala akong alam sa sinasabi mo Ginoo?! Naglalakbay lamang ako mag-isa. Tama nga ang sinabi mong ako si Van Grego pero wala akong alam sa iyong sinasabi lalo pa't isa lamang akong wandering cultivators at ulilang lubos." Sambit ni Van Grego habang pilit niyang pinapakalma ang kaniyang sarili dahil ayaw niyang mandamay ng iba.

"Hahaha... Sigurado ka ba sa iyong sinasabi binatang Van?! Hindi mo ba talaga kilala sina Ambreiya at Bim na siyang huling maharlika ng Winter Ice Family?! Hahaha...!!! Naalala ko pa nga kung paano ko pinaslang ang babaeng kahawig ng ina ng dalawang batang iyon, kung paano siya nagmakaawa at lumuhod sa aking harapan upang maprotektahan lamang ang pesteng pamangkin niya hahahaha!!! Ang sarap makakita ng ganoong eksena hayst" Sambit ng misteryosong nilalang habang hindi makikita ni Van Grego kung saan ang totoong lokasyon nito. Parang pakiramdam ng binatang si Van Grego ay napapalibutan siya nito kung saan nagba-bounce back ang sinasabi nito.

"Hmmm... Martial Spirit?! Hindi ka isang Hybrid Cultivator, isa kang tao!" Sambit ni Van Grego habang makikita ang labis na pagabigla sa kaniyang natuklasan.

Mistula namang natahimik ang misteryosong nilalang. Hindi nito aakalain na makakatunog ang simpleng binatang nasa harapan niya.

"Hahahaha... Hindi ko aakalaing matalas ang iyong persepsyon bata ngunit makakatulong ba yan kung lakas ang batayan natin?! Hindi hamak na isa ka lamang insekto sa aking paningin hahahahahha!!!!!" Sambit ng misteryosong nilalang habang umalingawngaw muli ang boses nito na animo'y naka-loudspeaker ito.

"Hmmmp! Hindi ko aakalaing mangangahas ka na pagmasdan ang aking bawat galaw. Kung totoong malakas ka ay bakit mo ako pinagkakaabalahan?! Mayroon pang mga bagay sa lugar na ito na dapat bigyan ng pansin at hindi ang isang katulad ko na walang kwenta ang makapagbibigay niyon." Sambit ni Van Grego habang makikita ang pait sa kaniyang tono ng pananalita. Hindi na siya dapat pang sabihan ng ganito dahil alam niya sa kaniyang sarili na isa lamang siyang mahina at nakakaawang nilalang. Gusto siguro talaga ng nilalang na ito na saktan ang kaniyang damdamin.

"Hahahahaha... Hindi ko aakalaing tatanggapin o mas mabuting sabihing tanggap mo na isa ka lamang walang kwentang nilalang na walang halaga sa mundong ito. Hindi ko aakalaing naririto ka pa sa kontinenteng ito. Talaga namang umaayon ang plano naming iyon. Plano ko sanang paslangin ang magkapatid na iyon ngunit madaming naging hadlang lalo na ang pagdating ng mga makapangyarihang mga eksperto mula sa Central Region. Kung sana ay may sapat akong oras at panahong naririto pa ang magkapatid na iyon ay napatay ko sana sila. Napakabwiset niyo talaga lalo na ang paepal na Soaring Light na yun!" Sambit ng misteryosong nilalang habang makikita ang labis na pagkapoot nito sa mga nabigo nitong mga plano.

Hindi lubos maisip ni Van Grego na ganon pala ang binabalak ng misteryosong nilalang na ito at ang nakakabahala pa rito ay may kasamahan pa ito. Hindi niya alam kung paano magre-react sa kaniyang nalamang ito. Pero isa lamang ang nasisigurado niya at ito ay nasa bingit ng banta ng kaguluhan ang Arnigon Continent. Hindi niya alam na mayroong mga traydor na nakakalat sa teritoryo ng Human Sect at sa napakaraming impormasyong sinabi ng misteryosong nilalang na ito ay alam niyang hindi lamang ito ordinaryong mamamayan ng Human teritory kundi ay alam niyang mayroon itong mataas na pwesto para malaman ang lahat ng ito.

Hindi alam ni Van Grego kung ano ang iisipin niya. Ang bigyang babala si Sect Master Soaring Light o ang pagpapatuloy niya sa pagpunta sa Central Region. Alinman sa mga ito ay alam niyang pipigilan siya ng misteryosong nilalang na ito. Siguradong plano na nitong tapusin siya.

More Chapters