Cherreads

Chapter 183 - Chapter 13

Whoosh! Whoosh! Whoosh!

Mabilis na nagpalipad ng napakaraming mga palaso sa iba't-ibang direksyon ng panglaawang palapag si Van Greg. kung saan ay halos mapuno na ang bawat lugar rito luban lamang sa kinaroroonan niya. Dito ay napangisi na lamang si Van Grego dahil sa kaniyang naiisip.

"Explode!"

Sigaw ni Van Grego nang matapos niya ng isang minuto ang kaniyang ginagawa.

Unang sumabog ang palaso sa kinaroroonan mismo ng Spike Worm na agad namang naiwasan ito ng nasabing halimaw ngunit pagkalapag na pagkalapag ng halimaw sa dingding ay hindi nito inaasahang sumabog ang palaso sa paanan nito na siyang bigla itong tumalsik sa kabilang direksyon na sinundan ulit ng napakalakas na pagsabog ng mga palaso dahil sa skills mismo ni Van Grego maging ang galing ng precision nito.

"Akala siguro ng halimaw na ito na hindi ko siya matatalo ngunit dpon siya nagkakamali dahil hindi ordinaryong pana lamang ang aking pinalasap sa kaniya dahil kayang-kayang sumabog ng aking enerhiyang apoy at mayroon itong malakas na attack power at incineration hehehe..." Sambit ni Van Grego habang makikita ang ngisi sa kanyang mukha. Tiningnan niya kung paano niya pinapahirapan ang halimaw na ito. Maaawa pa sana siya rito ngunit kung paano niya nakita ang mga tumpok-tumpok ng mga namatay na mga Martial Artists o Cultivators sa pangalawang palapag na ito at ang mga halimaw sa Giant Pagoda ay dito niya napagtanto na mga Evil Beasts ang mga naririto ngunit hindi niya alam kung ilang palapag ang meron dito o kung mayroon mang exit rito pero alam niyang wala. Sa kasalukuyan niyang lakas ay kahit anong gawin niyang pag-atake sa mga matitibay na mga walls rito ay balewala rin ito maging ang paggasgas mo rito ay wala. Isang malaking misteryo para sa kaniya kung sino ang lumikha ng Giant Pagoda na ito.

Habang nag-iisip siya ay nakita niya lamang na biglang sumabog ang katawan ng halimaw at nasunog ng kaniyang sariling apoy. Tunay ngang malakas ang alchemy fire kapag nagco-concoct ng mga Martial Pills ngunit mapamuksa rin ito lalo na sa mga bagay-bagay. Ang pag-incinerate ng halimaw ay nangangahulugan lamang na natibag na ang laiang depensa nito sa katawan. Ang silver plates na sa katawan nito ay nangatunaw kung kayat wala na itong alinmang depensa sa katawan. Kung siguro'y isa itong niallang na may sariling consciousness o pag-iisip ay malamang sa malamang ay mahihirapan si Van Grego na tibagin ang alinmang depensa nito sa katawan.

"Binabati kita sa iyong tagumpay. Maaari ka ng pumunta sa ikatlong palapag. Good luck!" Sambit ng isang mechanical voice. Boses ito ng lalaki na baritono ang boses kagaya ng narinig niyang nagsalita sa unang palapag. Mahihimigan mo talaga ng ancientness o makalumang tono ng pagsasalita nito. Nanindig nga ang lahat ng balahibo ni Van Grego sa narinig niyang boses nito katulad na lamang kung magsalita si Alfero na isang Ancient Elf na mayroong Fire Attribute. Hindi maitatangging isa itong misteryo dahil ang ganitong nilalang ay sigurado siyang napakalakas na personalidad.

"Sino kaya ang nilalang na ito sa likod ng mechanical voice? Isa ba siyang Human Martial Artist o Hybrid Cultivator?! Kakampi ba siya o kaaway?!" Sambit ni Van Grego sa kaniyang isipan. Hindi niya kasi lubos maisip na magkakaroon ng ganito kalakas na nilalang sa mundong ito. Kung matagal na nitong nilisan ang kontinenteng ito ay sigurado siyang nasa Central Region ito sa kasalukuyan o maaaring nilisan na nito ang mundong ito. Alinman sa dalawang factors na ito ang maaaring tama ay iyon ang hindi niya alam.

Maya-maya pa ay biglang umuga ang buong paligid partikular na rito ang paglitaw ng isang mahabang hagdanan papunta sa pangatlong palapag. Mabilis na ring lumakad si Van Grego papunta rito at maingat na sinuri ang paligid niya na noo'y makikita niya ang mga markings at mga carvings sa mga walls o mga pader papunta sa ikatlong palapag ng Giant Pagoda.

Halos kapareho lang rin sa mga naunang nakita niya sa pangalawang palapag pero ang kaibahan lang ay may mga ancient symbols rito. Hindi niya matukoy kung ano ang mga ito pero alam niyang may gustong ipahiwatig ito na kung anuman. Wala siyang nakitang patungkol rito kahit na ang alaala ni Master Vulcarian ay wala siyang alam patungkol rito.

"Kung gayon ay isa itong ancient language at ancient symbols ng mundong ito. Pero ano naman ang gustong ipahiwatig ng mga kasulatan sa pader? Kailangan kong mas maging maingat ngayon dahil hindi ko alam kung ano ang kahihinatnan ng aking pagpasok sa higanteng pagodang ito." Sambit na lamang ni Van Grego sa kaniyang sarili. Hindi niya lubos aakalaing pumunta siya sa isang hindi inaasahang pangyayari sa ngayon. Kung makakaligtas man siya rito ay alam niyang slim chance lamang ito.

Maya-maya ay narating ni Van Grego ang ikatlong palapag. Hindi niya aakalaing napakahaba pala ng hagdang kaniyang nilalakaran papunta sa palapag na ito. At nagulat na lamang si Van Grego ng makita ang kabuuang itsura ng palapag na ito dahil punong-puno ito ng naglalaking mga bato at maraming hibla ng mga sapot. Nang makita ni Van Grego ito ay alam niya kung anong klaseng halimaw ito.

"Isa na namang Evil Beasts?! Na naman?!" Sambit ni Van Grego habang mabilis siyang tumalon paitaas kung saan ibinalanse niya ang kaniyang sarili sa ere. Napakalaki ng palapag kung kaya't hindi niya poproblemahin ang kondisyon ng lugar kundi mismong ang nilalang na namamahay sa lugar na ito.

"Pppsssshhhhh!"

Isang dambuhalang asidong gawa sa sapot ang biglang tumilapon sa lugar na kinaroroonan ni Van Grego kung saan nakita niya kung paanong bumula at nangitim ang lugar na tinatapakan niya.

Mula sa kalayuan ay nakita ni Van Grego ang unti-unting paglitaw ng nasabing halimaw at mabilis na gumapang papunta sa nagtataasang mga bato.

Agad na inilihis ni Van Grego ang kaniyang direksyon at lumapag sa kalayuan mula sa kinaroroonan ng halimaw na tinatawag na Evil Beast.

"Bloody Rock Spider?! Paano nangyari iyon eh halos wala ng natirang mga lahi ng halimaw na ito dahil iisa lang ang maaaring mabuhay sa bilyon-bilyon nitong mga itlog." Sambit ni Van Grego habang nagtataka. Halos karamihan kasi sa halimaw na ito ay pinapatay agad ng mga cultivators dahil napakasama ng halimaw na ito. Ginagawa kasi nitong bato ang mabibiktima nito lalo na kapag madampian ka ng laway nito. Ang asido nitong inilalabas ay para lamang sa pang-atake nito pero kapag kinain ka nito ay uubusin nito ang life force mo at kapag naubos na nitong ubusin ang life force ng mabibiktima nito ay doon niya gagawin bato ang namatay na nilalang at gagawin nitong lalagyan ng kaniyang mga itlog. Yun nga lang ay kapag nangitlog ito ay mahirap mapisa ang itlog nito at kadalasang hindi nabubuhay ang mga itlog dahil pinaniniwalaang isinumpa ang halimaw na ito ng kalangitan ngunit walang patunay kung totoo ba ito o hindi.

"Pprrruuccckkkkk!!!"

Isang nakakabinging sigaw ng halimaw na Bloody Rock Spider habang makikita ang dambuhalang apat na matatalim na mga sipit na nagsisilbing ngipin nito sa bibig.

Mataas itong tumalon sa ere at mabilis na lumapag sa lupa at tumakbo papunta sa direksyon ni Van Grego. Unti-unti nitong nababawasan ang distansya nila ng binatang si Van Grego.

"Masama ito!" Sambit ni Van Grego habang makikita ang pangamba niya dahil masyadong ng mataas ang antas ng cultivation level ng halimaw na Bloody Rock Spider kumpara sa normal na lahi nito. Palagay niya ay nasa Martial General Realm na ito dahil na rin sa kulay nito. Karaniwan kasi ay kayumanggi ang kulay ng balat nito pero ito ay kulay dilaw na nangangahulugang natapos na nito ang phasing transformation nito o yung pagpapalit ng balat nito. Ang maaari niyang gawin sa ngayon ay maiwasan niyang mahawakan o ma-corner ng halimaw na ito dahil malakas ang Bloody Rock Spider sa short range na combat.

Ang mga galamay ng halimaw na ito ay pawang matatalas maging ang katawan nito ay higit na mas matibay kumpara naunang nakalaban ni Van Grego na gawa lamang iyon sa tissue or muscles ang Spike Worm. Ngunit ang kalaban niya ngayon ay higit na mas malakas kumpara sa nauna niyang nakalabang halimaw. Ang tanging magagawa niya lamang ngayon ay iwasan ito at humanap ng mabisang paraan para matalo ang nasabing halimaw.

Ngunit napakabilis ng halimaw na Bloody Rock Spider at nagawa nitong habulin ang tumatakas na si Van Grego. Hindi nga alam ni Van Grego na higit na napakalawak ng palapag na ito kumpara sa mga nauna. Hindi niya rin maisip kung bakit ganito dahil sa pagkakakita niya mula sa labas ay pare-parehas lamang ng laki ang bawat palapag.

"Hmmm... Paano nangyari ito?! Kung hindi ako nagkakamali ay hindi lamang simpleng Pagoda ang aking pinasukan kundi ay isa itong separate space room kung saan ay may pagkakatulad sa Myriad Painting pero paanong narito ito?! Sino ba talaga ang nilalang na lumikha ng ganitong ka-ekstraordinaryong lugar?!" Sambit ni Van Grego sa kaniyang isipan lamang habang mas binilisan ang kaniyang pagtakbo papalayo sa halimaw na pilit siyang hinahabol.

Agad na naghanap ng matataguan si Van Grego ngunit bago yun ay nagsagawa siya ng panibagong Martial Skill. Inilabas niya mula sa isa sa kaniyang Interspatial ring ang kakaibang likidong tinatawag na Sticky Lizard Saliva at mabilis niya itong itinapon sa ere pataas.

"Water Technique: Water Blinding Technique!"

Ito ang kaniyang panibagong natutunang skill patungkol sa konsepto ng Tubig. Kaya niyang kontrolin ang anumang likido kagaya ng mga nasa Martial Beast partikular na ang laway ng mga ito. Ang kaniyang skill na ito ay kayang pasabugin ang anumang likido sa napakapinong paraan. Para sa mga assassins na mahilig sa mga poison o makamandag na mga likido ay siguradong pagpipiyestahan ang ganitong skill ngunit bihira lamang ang nagkakaroon nito.

"Powwwwww.....!!!!!!!"

Mabilis na sumabog ang mga likido sa naliliit na parte kung saan ay nag-animo'y fountain ito ngunit mahina lamang ang tunog nito na animo'y sumirit lang. Ang Sticky Lizard Saliva ay kaya nitong bulagin ang sinuman sa isang oras.

"Grrrrr!!!!!!!"

Bigla na lamang nagpalahaw ng malakas ang Bloody Rock Spider dahil natamaan ang mata nito at umepekto na ang kamandag ng laway ng Sticky Lizard. Dito ay halos hindi ito gumalaw sa pwesto nito at animo'y pabalik-balik lang ang galaw nito.

"Tama nga ang hinala ko. Kabaliktaran ka ng Spike Worm. Mas matalas man ang anim mong mga mata at walang ligtas sa paningin mo ay wala ka namang pandinig hahaha...!" Sambit ni Van Grego ng malakas habang tumatawa.

"Magtatago pa sana ako pero hindi na dahil tatapusin na kita sa madaling paraan hahaha..." Sambit ni Van Grego habang mabilis niyang binago ang kaniyang pana bilang isang espada. Mabilis niyang iwinasiwas ang kaniyang espada papunta sa leeg ng halimaw.

"Puwwwarrkkkk!!!!!"

Tunog ng malakas na pagtagpas ng espada sa leeg ng halimaw at gumulong na lamang ang ulo ng Bloody Rock Spider. Ito kasi ang kahinaan ng halimaw.

"Hindi ko man gustong gawin ito pero ito ang nararapat. Kung hindi ko ito papaslangin ay ako mismo ang mamamatay at matutulad lamang ako sa mga biktima nitong ginawa nitong mga bato na koleksyon nito. Kailangan ko munang gawan ng rituwal ang mga ito dahil baka sa susunod na mga taon o milenya ay mga buhay ang mga ito at ang mga dark auras, essences at sentiments ng mga ito ang magkakaroon ng buhay o di kaya ay ang mismong ispirito ng Bloody Rock Spider ang mabubuhay at magpapalakas at kainin ang mga kaluluwang nasa paligid." sambit ni Van Grego at mabilis niyang inilabas ang kaniyang mahiwagang bagay na walang iba kundi ang martial pot. Hindi lamang kasi ito sisidlan at nagmumutate lamang ng mga Martial Spirit kundi ay nadiskubre niyang nangangalap din ito ng mga enerhiya sa paligid kaya patuloy ang pag-stabilized ng enerhiya nito sa loob. Noong una ay nagulat nga si Van Grego sa nalaman niya dahil mas nagimbal siya ng mapatay niya noon ang isang evil beasts at biglang lumitaw o lumabas sa kaniyang bulsa ang misteryosong Martial Pot. Ngunit ay mahina lamang na Evil Beasts pero kung malakas o napakalakas ay hindi lumalabas ito ng kusa pero dahil nalaman ni Van Grego na kaya ng bagay na ito na mag-absorb ng evil energies ay unti-unti niyang nadidiskubre ang sikreto nito. Ang evil beasts ay gawa ng hindi natural na enerhiya at hindi ito stable kaya merong malakas at merong mahinang evil beasts dahil hindi sila natural na gawa ng kapaligiran kundi karaniwang lumilitaw o nakatira ang mga ito sa mga giyera, maraming labanan at iba pa. Nabubuhay ang mga ito at halos lahat sa mga ito ay carnivorous o nabubuhay lamang sa pagsipsip ng mga blood essence at iba pa. Sila ang mga uri ng martial spirit na kinatatakutan ng karamihan dahil iba ito kaysa sa mga Martial Beasts na karaniwang makikita sa paligid na natural na ipinapanganak. Karaniwang tinatawag ang mga ito na Evil Martial Spirits.

Nakita ni Van Grego kung paano lumabas ang Evil Martial Spirit sa katawan mismo ng Bloody Rock Spider. Nagulantang si Van Grego na makita ang anyo ng Evil Martial Spirit sapagkat higit na makapangyarihan ito kaysa sa natural nitong katawang-lupa na napaslang niya. Gawa kasi sa itim na usok ang katawan ng halimaw na ito at naglalabas ng masasamang enerhiya.

Mabilis na lumipad ang Evil Martial Spirit ng Bloody Rock Spider at mabilis nitong pinahaba ang kamay nitong gawa sa usok na litaw ang hulma ng mahahaba at matatalim nitong kuko.

"Hmmp! Ang lakas ng loob ng Evil Martial Spirit na ito na atakehin ako. Tikman mo ang bagsik ng Martial Pot, Spin!!!!!"

Mabilis inilabas ni Van Grego ang isang bagay na tinatawag na Martial Pot. Agad niyang kinuha ang takip nito at kinontrol niya ang misteryosong Martial Pot na ito at mabilis itong umiikot-ikot hanggang sa gumawa ito ng mumunting Whirlpool.

Ngunit iba ang naging reaksyon ng masamang martial Spirit ng Bloody Rock Spider dahil nagpakawala ito ng mas malakas na atungal.

"SSHHHHRRIIIEECCCKKKKK!!!!!!!!!"

PAtuloy na humaba ang kamay nito hanggang sa mabilis na lumutang paitaas ang Martial Pot.

Nang mahawakan ng gawa sa usok na kamay at kuko ng Evil Martial Spirits ang parte mismo ng Martial Pot ay nagpupumiglas ito ng nagpupumiglas.

"Shhrriiiieeecckkkkkkk!!!!!!!"

Dumadagundong na boses ng Evil Martial Spirit ang maririnig sa buong palapag na ito kung saan ay kung titingnan ay parang baliw ito kung saan ay mistulang binubunot nito ang kamay nito na parang nakadikit mismo sa Martial Pot.

Agad na tiningnan ng masama ng Evil Martial Spirit na ito ang binatang si Van Grego. Hindi niya aakalaing may alas pala ang hamak na binatang tao sa kaniya.

"Pasensya ka na pero nahulog ka sa aking patibong. Kung lalabanan kita ng patas ay siguradong matatalo mo ko o masusugatan ng malubha pero dahil sa pagiging pangahas mo at padalos-dalos ay siguradong ang mamamatay sa kasalukuyan ay ikaw at hindi ako!" Malakas na sambit ni Van Grego habang biglang lumaki ng lumaki ang ipo-ipo na inilalabas ng Martial Pot at walang ano-ano pa'y kinain ng buo ng ipo-ipo ang Evil Martial Spirit.

Burrrcckkkk!!!!!!

Isang malakas na tunog ang biglang pinakawalan ng Martial Pot.

"Hahaha... Ang lakas naman ng loob ng Evil Martial Spirit na pumasok sa loob ng Bloody Rock Spider upang paslangin ako hahaha... Hindi niya inaakala na mayroon akong Spirit Devourer Artifact kagaya ng Martial Pot na ito hahaha..." Sambit ni Van Grego habang mabilis nitong tinakpan ang Martial Pot ng takip nito.

Alam niya noon pa man na isa itong Spirit Devourer Artifact at marami itong kakayahan. Ang unang natuklasan niyang kakayahan ng misteryosong Martial Pot na ito ang pagcombine at pagmutate ng mga Martial Spirits upang magkaroon ito ng tinatawag na Transformation o pagkakaroon ng mutations. Maaaring malakas o napakalakas at mahina o napakahina depende sa resulta ng isinagawang mutations lalo na sa tinatawag paghahalo ng bloodline nito. Mas mainam na magkaroon ng parehas na pinagmulan ng bloodline para magkaroon ng mataas na posibilidad na magising ang natutulog na bloodlines ng mutated Martial Spirits.

Mabilis na ginalugad ni Van Grego ang buong paligid na kaniyang kinaroroonan na animo'y may hinahanap na bagay sa lugar na ito. Kung ano man ito ay siguradong importante ito para sa kaniya.

More Chapters