Cherreads

Chapter 188 - Chapter 18

Sa ikaapat na palapag ay makikita ang isang binatang nakaupo sa isang damuhan. Kasalukuyan pa rin itong nasa kaniyang pwesto. Mayroong makikitang nakalutang na isang kakaibang bagay sa hangin na walang iba kundi ang Spiritual Pill.

Ang mas nakakamangha pa rito ay mayroong mala-ipo-ipong enerhiyang lumalabas sa Moon Blossom Pill kung saan ay direkta itong pumapasok sa katawan ni Van Grego partikular na papunta sa dantian ni Van Grego kung saan matatagpuan ang kaniyang see of consciousncess.

Walang humpay pa rin at animo'y walang katapusang enerhiya ang ibinibigay ng pambihirang Moon Blossom Pill kung saan ay punong-puno ito ng Spiritual Pill maging ng Moon Qi na siyang isang espesyal na sangkap sa loob ng Martial Pill na ito na isang Earthen Realm Spiritual Pill. Ngunit ang labis na nakakapagtaka pa rito ay ang kung paano ito napadpad sa mundong ito kung isa itong Earthen Realm Spiritual Pill. Ang maaari lamang makagagawa nito ay isang Great Alchemist na mas mataas ang kaalaman at kakayahan kumpara sa isang napakahusay na Gradmaster Alchemist.

Nakakapagtaka ang bagay na ito ngunit ano na nga ba ang nangyayari sa loob ng Sea of consciousness ni Van Grego?!

...

Sa loob ng dantian kung saan ang Sea of Consciousness ni Van Grego ay mas naging magulo ang buong lugar na ito. Loob lamang ng ilang oras ay naging marahas ang enerhiya na inilalabas ng dambuhalang ipo-ipo na mas lumiit ngayon ngunit ang inilalabas nitong bayolenteng enerhiya ay nakakapangilabot na siyang dahilan kung bakit may mga violent qi na lumalabas maging ang pagdisorder o misbehave ng Moon Qi's.

Sa kasalukuyan ay mas naging maganda ang epekto ng Spiritual energies mula sa Moon Blossom Pill kung saan ay mas nana-noursh nito ang buong espiritu ng binatang si Van Grego ngunit ang mas nakakamanghang pangyayari ay ang paglaki ng ilang metro ng kakaibang halaman maging ang Katamtaman na laki kani-kanina lamang ng Martial Soul na puting ibon ay mas lumaki pa ito at mas naging prominenteng lubos ang kulay nito na kakikitaan ng buhay.

Medyo ilang metro na lamang ang layo ng mga ito ng biglang nakaramdam ng pangamba at pagkataranta ang pambihirang halaman at ang misteryosong puting ibon.

"Hindi maaari ito, isang consciousncess executioner?! Paano nangyari ito?! Mawawalan na kami ng consciousncess kung gayon... Hindi talaga patas ang buhay. Kung gaano kalaki ang benepisyo na makukuha mo ay ganon rin naman kalaki ang pagbabayaran mo huhu..." Sambit ng nasabing puting ibon habang mabilis na nagpakawala ng napakalakas na huni.

"Eeeeeeeecccccccckkkkkkkkkkk!!!!!!!!!!"

Samantala, biglang nanginig ang puno habang nagsasalita ito sa isip lamang.

"Talagang napakamalas na araw ito kung saan ay nagising ang aking consciousness ay saka naman ito buburahin ng pesteng Spiritual Pill na ito. Mayroon palang spiritual mark ito kung saan buburahin ang consciousness namin lalo pa't hindi kami natural na nabubuhay rito kundi ay isa lamang munting consciousness." Sambit ng pambihirang halaman na animo'y biglang nalungkot.

"Eeeeccccckkkkkkkkkkk!!!!!!!!

"Zzzzzzzzssssssssssstttttttt!!!!!!!"

Sigaw ng misteryosong puting ibon at pambihirang halaman kung saan ay nilamon na sila ng ipo-ipo na may nakapangingilabot na enerhiya. Maging ang espiritu ni Van Grego ay biglang nilamon rin nito. Isa itong Spiritual Blessing kung saan ay magreremold ang katawan ng sinumang Martial Artist dahil ang ganitong pill ay isang pambihirang kayamanan kung saan ay minsan lamang makikita sa mababang mundong ito o baka nag-iisa lamang ito sa buong mundo.

...

Nagising na lamang si Van Grego nang matapos ang lahat ng mga pambihirang pangyayari.

"Anong nangyari?! Bakit wala akong maalala?! Patay na ba ko?!" Sambit ni Van Grego sa kaniyang isipan nang magkamalay-tao siya.

Nang ilibot niya ang kaniyang mata sa paligid ay nagulat na lamang siya nang makita niyang nasa ikaapat na palapag siya. Doon ay halos lumuwa ang kaniyang mata.

"Ano'ng nangyari?! Bakit ako nandirito at walang pasa?! Ang huling natatandaan ko ay ang aking panaginip na kinausap ako ng isang misteryosong nilalang tapos nawalan na ko ng diwa sa katagalan... Hmmm... ?!" Sambit ni Van Grego na naguguluhan. Hindi niya alam kung panaginip ba yun o hindi pero isa lang totoo, buhay siya at hindi namatay. Nagtataka nga siya kung bakit wala na rin ang nasabing halimaw na Red Cardinal Spirit Beast na gusto siyang patayin.

"Hmmm... Hmmmm..." Sambit ni Van Grego habang iniisip pa rin ang pangyayari. Nagising siya sa lugar na ito na wala ng halimaw?!

"Iisipin ko na lamang na isa lamang itong aral sa akin. Kung sinumang pumatay sa halimaw na iyon ay lubos akong nagpapasalamat." Sambit ni Van Grego habang makikita ang galak sa kaniyang mukha. Siguro ay naiisip niyang napakaswerte niya dahil hindi siya namatay.

Ngunit maya-maya pa ay nagulat na lamang si Van Grego ng makita ang kaniyang sariling nasa isang lapag na animo'y nakaupo na parang nagcu-cultivate.

"Patay na ba ko?! Bakit andun ang katawan ko at nandito ako?! Patay na ba ko?!" Sambit ni Van Grego habang tinitingnan ng mapait ang kaniyang sariling katawan sa hindi kalayuan na siyang pwesto niya kanina.

"Hmmm... Pero nararamdaman ko pa rin ang aming enerhiya maging ang aking dantian?! Totoo ba ito?!" Sambit ni Van Grego habang mabilis niyang hinawakan ang puno ng Cherry Blossom at doon ay mabilis niyang sinuntok ito.

"PIIIIIINNNNNGGGGG!!!!!

Isang tunog ng malakas na suntok ang biglang umalingawngaw sa paligid at doon ay nasindak si Van Grego sa kaniyang nasaksihan.

"Paano?! Wow, ano itong aking lakas?! Pakiramdam ko ay kaya kong sirain ang buong palapag na ito!" Sambit ni Van Grego nang nakangiti. Sinubukan niya ring sugatan ang kaniyang sarili gamit ang matalim na piraso ng bato ngunit bigo siyang masugatan ang kaniyang sarili.

"Kung hindi ako nagkakamali ay isa itong Spiritual Skill pero paano ako nakakakuha ng ganitong skill eh wala naman akong ginawa. At ang skill na ito ay tinatawag na Spirit Leaving the Body Skill kung saan ay makakaya ko ang lahat, lumipad, sumira ng mga bagay, maglakbay, lumangoy at iba pa. Hindi ko aakalaing makakakuha ako ng ganitong klaseng skill ng hindi ko alam kong paano hahahaha..." Sambit ni Van Grego habang lumilipad-lipad siya.

Maya-maya pa ay may naisip siyang ideya na siyang ikinangisi niya.

"Matingnan nga ang labas ng malaking Pagodang ito. Titingnan ko kung ano na ang nangyayari sa labas." Sambit ni Van Grego habang lumipad ito malapit sa pader habang mabilis niyang inilapat ang kaniyang ulot papunta sa nasabing pader.

Poookkkkkk!

"Aray, ang sakit naman nun huhu... Bakit hindi pwede?!" Sambit ni Van Grego habang mabilis na napaatras siya palayo sa pader ng Giant Pagoda na ito.

"Ang tanga ko talaga, malamang sa malamang ay hindi talaga ako makakalusot dito sapagkat hindi nga nakaya ng dambuhalang ibon na iyon ang makalabas dito, ako pa kaya na isa lamang mahinang Martial Artists." Sambit ni Van Grego habang nalulungkot. Hindi niya kasi lubos maisip na mangyayari ang lahat ng ito. Alam niyang isa itong hiram na buhay sa kung sinuman ang nagligtas sa kaniya.

Nagulat na lamang si Van Grego ng bigla na lamang siyang bumalik sa kaniyang katawan.

"Dalawang minuto?! Hmmm... Bakit ang ikli naman nun pero kakaiba at nakakamangha ang bago kong abilidad hehehe..." Sambit ni Van Grego habang nakangiti. Hindi niya lubos maisip na magkakaroon siya ng ganitong skill kahit na dalawang minuto lamang ang limit ng ganitong pambihirang skill na Spirit leaving the body. Sa kasalukuyan niyang lakas ay siguradong malaki ang maitutulong nito sa kaniya lalo na at hindi siya makikita ng kalaban na walang abilidad na makakita ng espiritung gumagala.

"Spiritual Power ba ito?! Hindi maaari, mayroon na kong Spiritual Power whoohooo!!!" Parang batang sambit ni Van Grego habang nagtatalon-talon. Nakikita niya kasi ang mga spiritual energy na nakakakalat sa paligid at ang mga enerhiyang nakapaligid rito.

"Ano ito, mayroon rin akong Moon Qi?! Sambit ni Van Grego ng makita ang kulay pulang enerhiyang galing sa kanyang palad. Pero paano nagkaroon siya nito?! Hindi niya lubos maisip kung bakit siya nagkaroon ng ganitong klaseng kapangyarihan at hindi lang basta simple kundi isang malakas na Spiritual Power.

"Hayst, tama na 'tong aking pinag-iisip. Kailangan kong magmadali at pumunta na sa susunod na palapag." Sambit ni Van Grego habang naiisip na inaaksaya niya na ng kaniyang oras dito. Mabilis na niyang tinungo ang susunod na palapag sa pamamagitan ng paghanap ng hagdanan.

Sa kaniyang paglalakad ay narating niya na hagdanang papunta sa ikalimang palapag habang makikita ang kaba sa kaniyang mukha. Hindi niya alam kung ano ang mangyayari sa kaniyang pagpunta sa susunod na palapag.

...

Hindi nagtagal ay narating niya na ang ikalimang palapag ngunit laking gulat niya lamang dahil napakalawak ng lugar na ito ngunit ang mas nakakakilabot sa lugar na ito ay ang isang dambuhalang bangkay ng isang nakakatakot na nilalang ang kaniyang nakita.

"Anong klaseng bangkay ng nilalang ito, bakit parang kahawig ito ng God Beast na dragon, Isa kung hindi ako nagkakamali ay isa itong S-saint B-beast... A-ang F-flood D-dragon." Sambit ni Van Grego habang nagimbal siya sa kaniyang nalamang ito. Hindi niya lubos maisip na mayroong f-flood d-dragon rito.

May nakita siyang dambuhalang mga sinaunang simbolo na siyang dating mga alpabeto na siyang kapag pinagsama-sama ay magiging mga salita na siyang lengguwahe ng mga sinaunang mga nilalang sa mundong ito.

"I am not willing to give up everything I have. Even if I go, May my Successor will come and set this world free. I failed but someday he will." - Stardust Envoy Silent Walker.

Naluha na lamang si Van Grego ng makita ito. Hindi niya lubos maisip na si Stardust Envoy Silent Walker ay isa na lamang malamig na bangkay na inuuudan. Gusto niyang maluha na lamang. Sa ngayon ay naintindihan niya na ang lahat. Kung paano o ano ang isinasaad sa mensahe. Kung gayon ay naghahanap ito ng Successor na siyang magpapatuloy ng sinimulan nito ngunit pagkabigo lamang ang dinanas nito.

Maya-maya pa ay ipinagpatuloy niya ang kaniyang binasa.

"The Great War of this world change everything. The Era of Prosperity has come to an end... The war between Realms has slain billions of lives. The great eons has been defeated and greedy group individuals start to arise. We fight back but we defeated but to sacrifice to prevent war. Although the great war is being prevented but one thing is for sure... The Great War will bring chaos again in this world. This is not a warning, this is the world truth." -Stardust Envoy Silent Walker.

"Hindi pa tapos, hindi maaari ito... Bakit?! Sambit ni Van Grego habang hindi mapigilan ang luha lalo na ang lahat ng kaniyang natuklasang katotohanan na ayaw niyang ipagsigawan sa mundo lalo na ang katotohanang gumimbal sa kaniya ng makita ang totoong itsura at mapa ng mundo bago pa nagkaroon ng New World Order. Ang totoong itsura ng mundo at kung paano ito nawasak. Maging ang mga detalye ay nalaman niya ng mabasa at makita nag mga larawang mas nagpabukas sa kaniya ng katotohanan na napakagulo pala ng mundong ito.

Nilapitan ni Van Grego ang isang kumikinang na bagay na nasa isang kristal na lalagyanan.

"Isang True Dragon Scale?! Ito ang katunayan ng dignidad ng isang nilalang na nasa hanay ng lahi ng mga dragon." Sambit ni Van Grego.

Maya-maya pa ay may biglang nagsalita ng malakas na umalingawngaw sa buong palapag na ito.

"Ikinagagalak kong napadpad ka sa maliit na mundong aking nilikha. Sigurado akong hindi mo gugustuhing mangyari ang nangyari noon. Naipahayag ko na sayo ang katotohanan sa likod ng mundong ito at ang mga nilalang lalo na ng mga kalabang patuloy pa rin na dumadami. Bilang aking Successor, sanay panghawakan mo ang aking mga aral maging ng aking mga itinurong katotohanan sa'yo. Hindi ko aakalaing mayroon pang huling pag-asang natitira bago muling sisiklab ang Great War. Kung kailangan mong isakripisyo mo ang buhay mo, gagawin mo dahil iyan na ang nakatakdang gagawin ng isang Stardust Envoy. Palayain mo ang mundong ito sa mga mapangahas na kalabang kumukontrol sa mundong ito. Gamit ang aking natitirang lakas. Aking Successor, sa oras na ika'y mapadpad sa lugar na Central Region, kung makikita mo ang Martial Beasts Alliance ay walang pasubaling ika'y tutulungan at sasanayin nila. Ang aking nakababatang kapatid ay dapat alam na ang masamang balita na bumagsak sa akin. Ipahatid mo ang mahalagang mensaheng nais kong ipabatid sa kaniya. Siya o sila ang poprotekta sa'yo sa oras na malagay ka sa panganib. Ang sumpa ng pagiging Stardust Envoy ay nakakakapit na sa iyong dugo. Sana ay malampasan mo ang pagsubok na ito. Inaasahan kong magagawa mong pigilan ang tungkuling hindi ko nagawang mapagtagumpayan." Sambit ng boses na alam ni Van Grego na ito ang dating Stardust Envoy na si Silent Walker. Mababakas rito ang lungkot, paghihinagpis at pagsisisi.

Hindi naman mapigilan ni Van Grego na maluha rito. Alam na alam niya ang pakiramdam na pasan lahat ng problema. Sa mga katotohanan na nalaman niya (world truths) sa mundong ito ay hindi niya maaatim na pabayaan na lamang na mawasak muli ang mundong ito.

Biglang lumuhod si Van Grego sa harap ng bangkay ng Flood Dragon. Alam niyang kayang mag-human form ng dating Stardust Envoy na si Silent Walker pero mas pinili nitong sa oras na namatay ito ay ipinakita nito ang totoo nitong anyo na siyang nagpapatunay lamang na isinuko na nito ang kaniyang buhay sa pagprotekta ng mundong ito.

"Kahit hindi niyo sabihin kagalang-galang na Ginoong Silent Walker ay gagawin ko ang tungkuling iyong nasimulan hindi dahil sa sumpang kumapit sa atin kundi sa pareho tayo ng layunin. Layuning palayain ang mundong ito sa mga komokontrol nito. Iisa-isahin ko ang mga walang awa at mga sakim sa kapangyarihang mga nilalang na iyon. Ako na ang bahala sa tungkulin mong ito, sana ay manahimik na kayo kung saan man kayo ngayon." Sambit ni Van Grego habang mabilis na nilisan ang lugar na ito nang lumuluha tandang nakakalungkot isipin na halos lahat ng naging Stardust Envoy ay ganito ang naging kapalaran.

More Chapters