"Tingnan niyo ang ginawa niyong dalawa Ciro Siblings. Hindi niyo lang sinira ang magandang plano natin kundi naghatid pa kayo ng ibayong problema sa ating mga sarili! Isa lang naman Titan Frost Boa ang ginising niyo mula sa pagkakatulog nito ng mahimbing!" Sambit ni Biyu Narxuz gamit lamang ang kaniyang divine sense habang makikitaan ng ibayong inis ang bawat salitang lumalabas sa bibig nito tandang hindi nito nagustuhan ang inasal ng dalawang magkapatid na ito ngunit nakatingin ito sa dambuhalang halimaw.
"Titan Frost Boa? Diba isang Martial Beast ito na tuwing gabi lamang lumilitaw?! Paanong nangyari ito?!" Sambit ni Hanz Ciro habang nakapalumbaba. Hindi niya lubos maisip na paanong lilitaw ito ng umaga eh tuwing gabi lamang ito lumalabas.
"Ano'ng ibig sabihin nito? Na kami ang nagpasimula ng gulong ito kung kaya nagising ang dambuhalang demonic Beast na ito?! Ganon ba ha?!" Galit na pagkakasabi ni Lily Ciro habang mapait itong napangiti. Hindi ba pwede coincidence lang ang nangyari at hindi sila yung may gawa nito.
"As far as I know ay walang anumang disturbances ang nangyari sa Twin Black Mountains liban na lamang sa dalawang nilalang na nag-aaway-away na animo'y nasa ligtas silang lugar at pawang sila lamang ang naririto upang magpatayan." Sarkastikong pagkakasambit ni Biyu Narxuz habang makikita ang pait sa bawat salitang binitawan nito gamit ang kaniyang divine sense.
"Hmmp! Kung hindi mo kasi binarkada ang aking kapatid at tinuruan mo siya ng magandang asal edi sana ay hindi naging ganiyang lumaki na parang babaero iyan. Bakit ba gusto ni ama na dito kami ipag-aral kung pwede naman sa ibang Sect lalo na itong kapatid ko na lumaking parang walang pinapasang problema at napaka-immature na hindi nito isinasaalang-alang na siya ang susunod na magiging pinuno ng aming malaking pamilya." Sambit ni Lily Ciro habang makikita ang pagkagalit at sobrang inis rin habang nakatingin sa likurang bahagi ni Biyu Narxuz. Hindi niya kasi lubos maisip kung bakit dito ng kanilang ama ang mag-aral rito at maging disipulo.
Si Hanz Ciro ay nananahimik lamang sa isang tabi kung saan binubungangaan siya ng kaniyang ate Lily Kahit sinisisi siya nito ay alam niyang si Biyu Narxuz pa rin ang sisisihin nito dahil na rin sa mga pinanggagagawa niya sa buhay niya.
"Talaga lang ha?! Pamilya ko ba siya o kamag-anak niyo ha?! Kaibigan ko lang siya but it doesn't mean na ako may hawak ng sarili niyang desisyon. May basehan ka ba sa mga paratang na ibinabato mo sa akin?! Unang-una palang ay responsibilidad ng magulang mo na turuan ang kapatid mo ng tamang pag-uugali at ikaw ang dapat na gumagabay sa kaniya hindi yung ibubunton mo lahat ng galit mo at sisisihin mo ko sa mga akusasyon mong walang katuturan!" Sambit ni Biyu Narxuz sa mabigat na boses gamit lamang ang kanilang divine sense na siyang parang animo'y matalim na kutsilyong bumaon sa puso't isipan ni Lily Ciro ang mga katagang sinabi ni Biyu Narxuz.
Nanahimik lamang ang dalawa ngunit napalingon sila sa dambuhalang ahas na ngayon ay nagpapalabas ng kakaibang bughaw na napakagulong enerhiya mual sa bibig nito.
"Umiwas kayo dahil purong Frost Qi iyan dahil kapag nakapitan ka nito ay maaapektuhan nito ang enerhiya sa katawan mo upang manghina ka at maparalisa ang mga ugat sa katawan mo!" Sambit ni Biyu Narxuz sa malakas na boses habang mabilis niyang lumundag paatras.
Bigla namang ibinato ng Titan Frost Boa ang dambuhalang bolang enerhiya na gawa sa Frost Qi.
Agad namang tumalon paatras sina Lily Ciro at si Hanz Ciro sa magkaibang direksyon. Isa ito sa kahinaan ng mga ahas, ito ay ang lituhin ito gamit ang magkakaibang direksyon ng kaniyang biktima. Sa lagay na ito ay kailangan nitong mamili ng isa.
BOOGSHHHH!!!!
Isang malakas na pagsabog ng enerhiyang gawa sa frost Qi ang bumagsak sa noo'y kinaroroonan nina Biyu Narxuz, Lily Ciro at ng kapatid nitong lalaking si Hanz Ciro. Mabuti na lamang at nakaalis sila kaagad dahil kung hindi ay malamang ay papasok sa katawan nila ang makamandag na epekto ng Frost Qi kung saan ay mamamanhid ang kanilang buong katawan maging ang kanilang mga laman-loob ay magkakaroon ng mga malfunctions lalo na ang kanilang bloodflow. Ang Frost Qi ay mayroong epekto na tinatawag na Extreme Freeze effect kung saan ay animo'y buhay na yelo ito na parang gumagapang papasok sa pores ng katawan mo at sasama sa daloy ng dugo mo ngunit ang malala nito ay bawat madaan nito ay napi-freeze ito kung saan hihinto ang normal body functions.
Ang pagsabog ng Frost Qi ay parang nagkaroon ng malalim na hukay ang lupang tinamaan o binagsakan nito. Nakakakilabot ang itsura ng lupa dahil animo'y mayroong kulay bughaw na likidong humahalo rito at kulay bughaw na enerhiyang humahalo sa hangin na kung saan mararamdaman mong hindi ito ligtas malanghap.
Shhhsss! Shhhhsss! Shhhhsss!
Malakas na tunog ang pinakawalan ng Titan Frost Boa tanda na hindi nito nagustuhan ang pagkasablay ng kaniyang atake. Isang single time use skill lang kasi iyon pero sumablay lamang.
Mabilis itong gumalaw ng marahas at mabilis nitong iginalaw ang dambuhalang buntot nito papunta sa kinaroroonan ni Hanz Ciro.
Agad namang naalarma sina Lily Ciro at Biyu Narxuz ngunit huli na ang lahat.
"Hanz ilag!!!!!!!!" Sabay na sigaw ni Lily Ciro at Biyu Narxuz habang nanlalaki ang mga nila dito.
Hindi naman naintindihan ni Hanz Ciro ang sinabi ng dalawa habang nagtataka pa rin ito ngunit maya-maya pa ay nakaramdam siya ng ibayong sakit ng kaniyang likod dulot ng napakasakit na paghataw o pagkahagupit ng dambuhalang bagay sa kaniyang likod.
"AHHHHHHHHHH!!!!!!"
Isang malakas na sigaw ng pagdaing ang pinakawalan ng binatang si Hanz Ciro habang nakita na lamang niya ang kaniyang sariling marahas na tumilapon sa isang direksyon kung saan ay naramdaman niyang bumulusok siya sa Malayo.
"Hanz!!!!!!!!!!!" Malakas na sigaw muli ni Lily Ciro sa pangalan ng kaniyang nakababatang kapatid ngunit ang sigaw nito ay kakikitaan ng pag-aalala at hindi inis o pagkagalit.
Mabilis naman niyang tinungo ang kinaroroonan ng kaniyang kapatid ngunit naramdaman niya na lamang na may biglang hahampas sa kaniya mula sa likod ngunit naramdaman niya lamang maya-maya pa na may humawak ng kaniyang bewang at mabilis silang lumayo sa kinaroroonan niya.
"Magpapakamatay ka ba o sadyang tanga ka lang para hayaan mo lang ang sarili mong masaktan?! Hayst, napakatigas talaga ng mga ulo niyo. Naalala ko palang magkapatid kayo tsk!" Sambit ni Biyu Narxuz habang lumalayo sila sa kinaroroonan nila kani-kanina lamang habang hawak sa beywang si Lily Ciro.
Halos mamula naman ang dalagang si Lily Ciro dahil sa posisyon nila ni Biyu Narxuz sa kasalukuyan. Eh sino ba naman ang hindi mao-awkward sa posisyon nilang dalawa. kulang nalang kasi ay buhatin siya nito ng pangkasal na siyang mas ikinamula ni Lily Ciro.
"Hoy babae, pwede ka ng bumaba... Ang bigat-bigat mo kaya! Ang payat-payat mo pero sobrang bigat mo!" Sambit ni Biyu Narxuz na animo'y bigat na bigat talaga siya kay Lily Ciro.
Nang marinig ni Lily Ciro ito ay lalo siyang namula. Hindi siya namula dahil sa awkward position nila ni Biyu Narxuz sa kasalukuyan kundi namula siya sa sinabi ng binata ngayon-ngayon lamang. Namumula siya ngayon sa sobrang inis at galit.
Naningkit naman ang pares na singkit na mata ni Lily Ciro at parang umuusok na ang ilong nito sa galit.
"Peste ka talagang lalaki ka kahit kailan. At talagang ang yabang mo ha porket niligtas mo ko sa atake ng dambuhalang ahas na iyon. Parang sino ka na ngayon umasta ah eh kaya ko namang sanggain ang atake nito hmmp!" Sambit ni Lily Ciro habang namumula sa sobrang galit.
Manyak!" Dagdag na sambit ni Lily Ciro habang animo'y umuusok ang ilong ito.
"Hiyaaahhhh!!!!" Sigaw ni Lily Ciro at madaling sumugod sa kinaroroonan mismo ng Titan Frost Boa kung saan ay malakas niyang iwinasiwas ang kaniyang espada. Hindi siya tanga para pag-aksayahan ng panahon sa kasalukuyan ang lalaking manyak na si Biyu Narxuz. Sa ngayon ay mahalagang maisagip niya ang kaniyang kapatid.
Mabilis siyang nagsagawa ng isang malakas ng skill ng kanilang Lotus Fire Family.
"Fire and Sword Skill: Hundred Slash!"
Agad na nabalutan ang mahabang espada ni Lily Ciro ng nagbabagang apoy na animo'y kusang dumadaloy rito ang naglalanguyang mga mababagsik na apoy ngunit hindi nito naaapektuhan si Lily Ciro na siyang nagmamay-ari ng espada. Ito ang kanilang ipinagmamalaking skill dulot na natural nilang kakayahan kumpara sa ibang mga martial artists na kailangan pang humanap ng angkop na elemento sa kanila upang magsanay. Ang kanilang skill ay maaaring magpalakas ng lubusan sa kanilang sandata. Masyadong kakaiba kasi ang apoy nilang taglay na attribute.
Sa ngayon ay gusto niyang paslangin ang halimaw na Titan Frost Boa na sarili niya lamang. Hindi niya hahayaang mapaslang sila rito.
Mabilis na nag-activate ang kaniyang skill at doon ay mabilis niyang iwinasiwas ang kaniyang sandata.
"PING! PING! PING!...!"
Malakas na tunog ang inilabas sa bawat pagwasiwas ng mahabang espada ni Lily Ciro tandang hindi lamang ito ordinaryong skill dahil bawat pagwasiwas ng espada nito ay animo'y lumalakas pa ito ng lumalakas.
Sshhhhhkkkk! Sshhhhhkkkk! Ssssshhhhkkk!
Tunog ng animo'y nagbabanggaan na dalawang bagay ang biglang maririnig na siyang walang iba kundi ang matigas na kaliskis ng Titan Frost Boa na siyang paunang depensa nito at ng espada ni Lily Ciro. Animo'y metal ang mga ito kung saan nag-iiwan ng nakakangilong tunog na masakit sa tenga. Sa unang dalawampong pagwasiwas lamang ni Lily Ciro ng kaniyang mahabang espada ay animo'y nanginig mismo ang kaliskis ng Titan Frost Boa.
Dito ay biglang nag-iba ang itsura ng Titan Frost Boa na animo'y naalarma rin ito.
Sa ikalimampong pagwasiwas ng dalaga sa kaniyang espada ay doon nga mabilis na makikita na ng mismong mata sa visible na paraan ang pagkakaroon ng mga bitak. Nang malapit ng mag-isang daan ay unti-unting nangahulog ang ilan sa mga parte ng kaliskis ng Titan Frost Boa.
Pow! Pow! Pow!"
Maririnig sa paligid ang paglagpak ng nangalagas na malalaking kaliskis ng halimaw hanggang sa tumagaktak ang dugo nito sa bandang gilid ng tiyan nito kung saan pinatamaan ni Lily Ciro ng kaniyang malakas na skill.
"Shhhhhsssssssss!!!!!"
Isang napakalakas na tunog ng ahas ang pinakawalan ng Titan Frost Boa dulot ng pagkatamo nito ng sugat sa bandang gilid ng tiyan nito. Mistulang yumanig ng marahas ang lugar na kinaroroonan nuto mismo. Halos nagmukhang insekto lamang ang laki nina Lily Ciro, Biyu Narxuz at Hanz Ciro sa laki ng dambuhalang halimaw na ito. Kung titingnang mabuti ay parang maliit lamang na sugat ang natamo nito sa laki ba naman ng halimaw na ito.
"Naloko na! Mas ginalit mo pa Lily Ciro ang Titan Frost Boa dahil sa ginawa at isinagawa mong skill. To think na mas inisip mo pang ipahamak ang buhay natin at mas pinairal mo yang pagiging amasona mo at padalos-dalos na desisyon mo!" Sambit ni Biyu Narxuz habang makikitang ikinuyom nito ang kamay niya. Sa palagay niya ay nasa Martial Ancestor Realm ito na katulad sa kanila ngunit kung ikukumpara ang lakas ng Martial Artists na katulad nilang tatlo laban sa dambuhalang halimaw na ito ay mahihirapan sila. Usually kasi ay mga sampong katao at pinagsama-samang skill ng mga ito ang maaaring mapatumba sa dambuhalang halimaw na ito upang paslangin pero kung sila lamang ay maaaring hindi nila ito makakayang gawin. Nalalagay sila sa delikadong sitwasyon at ang ibang mga Cultivators na nagtatago ay mga ordinayong martial artists lamang at mababa pa ang mga Cultivation levels nila dahilan upang kaunti lamang silang nakahawak at nakapag-aral ng mga core skills ng Soaring Light Sect at idagdag pang kaunti lamang ang mga maharlika at dugong bughaw ng kanilang sariling pamilya upang mapag-aralang lubos ang mga malalakas at mapangwasak na mga skills. Halos manlumo naman si Biyu Narxuz sa isang tabi kung saan ay malalim na nag-iisip ng maaari nilang isagawang plano at pag-atake.
Napatahimik na lamang si Lily Ciro dahil kahit anong lakas, abilidad o kapangyarihang taglay ang meron siya ay hindi niya mapapantayan ang depensa at laki ng dambuhalang Titan Frost Boa. Halos magngitngit siya sa sobrang inis at galit. Mahigpit niyang hinawakan ang kaniyang mahabang espada habang masakit na tiningnan ang dambuhalang ahas na halos hindi nga maitatawag na sugat ito dahil kung lethal ang atake niya sa kapwa niya martial artists ay kabaliktaran naman ito sa lagay ng Titan Frost Boa na siyang alam niyang mas ginalit niya pa ang dambuhalang halimaw na ito.
