Mabilis naman siyang sinundan ng puppet ni Human Demon General Criouse habang animo'y nakakaalarma ang sandatang ginuguyod nito na siyang nagsisilbing nakakakilabot na sandata.
Naalarma naman si Human Demon Chief Frant sa kaniyang obserbasyon sa puppet at namangha at nangilabot siya sa kaniyang natuklasan. Hindi ordinaryong puppet ang nagagawa ng mga Human Demon General halimbawa na lamang rito ang nagagawa at kakayahan ni Human Demon General na palakasin ang buhay na host nito sa matataas na lebel nito. Siguradong minamaliit siya nito at isang puppet lamang ang ipinadala niya kung dalawa ito o kaya ay marami malamang ay siguradong patay na siya ngayon.
Anong gagawin ko?! Kapag nagpatuloy pa ito ay mamamatay na ako at hindi ako matatahimik at hindi ako papayag na basta-basta lamang akong mapatay o mapaslang lang ng dahil rito. Aalm kong tuso si Human Demon General Criouse at hindi niya hahayaang mapahamak ang sarili nito hangga't wala akong sapat na ebodensya. Yunang inaakala niya. Sisiguraduhin kong mabubuhay ako at pagbabayaran niya ang lahat ng ito!" Sambit ni Human Demon Chief Frant habang makikita ang labis na galit nito sa kaniyang mukha. Nag-iisip siya ng paraan kung paano siya makakatakas sa sitwasyong ito.
...
Makikita sa kagubatang ito ang naghahabulan na dalawang nilalang makikita na hindi ito simpleng habulan kundi isang life and death situation. Ang isang nilalang na may maamong pagmumukha ay mabilis na nagpapalipat-lipat ng lugar habang ang isa naman ay may nakakatakot na itsura na animo'y pinagtagpi-tagpi ang balat nito na animo'y hindi ito isang buhay na nilalang ngunit isa iyong pagkakamali dahil isa itong buhay na puppet. Ang bilis at liksi nito ay halos pantayan na ang bilis at liksi ni Human Demon Chief Frant ngunit hindi pa rin ito madakip ang tumatakas na si Human Demon Chief Frant. Isa pa ay medyo mabigat ang kamay nito na gawa sa parte ng long sword shark na may kabigatan ngunit may pamatay na atake.
Kapwa habol hininga ang pareho ngunit mas malubha ang lagay ni Human Demon Chief Frant dahil hindi maitatangging napinsala siya ng lubusan mapaenerhiya man sa loob ng kaniyang katawan at maging ang kaniyang pagtamo ng saksak dulot ng mapangahas na aksyon ng buhay na puppet.
...
Sa kabilang banda, mayroong mga grupo ng mga tao ang nasa outer part ng Black Twin Mountains. Kakaiba kasi ang lupa rito, maitim, kakaiba at napakahiwaga. Sino ba naman ang gugustuhing makakita ng pagkaitim-itim na lupa o kabuhanginan?! Ngunit magkagayon man ay marami pa rin ang naririto ngayon sa lugar na ito alinsunod sa naging utos ng kagalang-galang o respetadong personalidad sa katayuan ni Sect Master Soaring Light.
"Hahahaha... Siguradong ako ang makakakuha ng pinakamalakas na Martial Beast rito hehe..." Sambit ng isang hambog na binata na mayroong mga babaeng martial artists ang inaakbayan nito. Mayroong itong matingkad na kulay pulang buhok na kakaiba kumpara sa ordinaryong kulay pulang buhok ng karamihan. Medyo may kayabangan rin ito at madalas na nakangisi.
"Hoy ikaw na kambing ka na mukhang orangutan na mabantot na Hanz Ciro ka, hanggang dito ba naman ay dinadala mo ang kamanyakan mo dito Grrrr dapat sa'yo ay tinuturuan ng leksyon!" sambit ng isang magandang babaeng kulay pula ang kulay ng buhok nito na katulad na katulad sa buhok ng mayabang na binata, makikita siya hindi kalayuan mula rito. May hawak itong isang malaking espadang mayroong apoy sa paligid ng sandatang ito. Mabilis itong sumugod sa lalaking may pula ring buhok. Sa awra pa lamang ng babaeng ito ay masasabing handa itong makipagbuno o makipagpatayan sa lalaking pinapaligiran ng maraming naggagandahang mga dilag.
Nang marinig pa lamang ng mayabang na lalaki ang boses ng babaeng kung makapagsalita ay parang mega phone sa lakas ng boses nito kung di siya nagkakamali ay halos tumahimik ang buong lugar at pawang silang dalawa lamang ang nasa lugar na ito.
Halos mapait namang nagsalita ang karamihan na mga taong nasa lugar. Halatang inaasahan na nila ang mangayayari pa lamang na tagpuan ng dalawang taong ito.
"Here comes the queen bee... Bzzzz...bzzzz...!"
"Masyado na atang nakakasuka at nakakatamad panoorin ang away ng mga ito!"
"Here comes the inggeterang sisters!"
"Go girl, mukha kang di babae hahaha!"
Ang mga nagsasalita ay siyempre sa isipan lang nila. Aba aba, sino ba naman gustong mapansin ng animo'y mabangis na tigre at amazonang si Lily Ciro. Aba aba, kahit ganyang ang asta nito ay may ibubuga ito yun nga lang ay talagang kilala na nila ito at ng lalaking sinigawan nito. Tama kayo, siya lang naman si Lily Ciro ng Lotus Fire Family at si Hanz Ciro na siyang kapatid nito. Ang tanging nagawa lamang ng mga dilag at mga tao ay lumayo sa dalawang magkapatid upang hindi sila madamay sa mga ito. Halos ilang metro rin ang naging layo nila rito sa mabilis na paraan kung hindi ay matitikman lang naman nila ang bangis ng kapangyarihan ni Lily Ciro partikular na rito ang pambihirang Martial Art Skills nito.
"Hyahhhh!" Sigaw ni Lily Ciro nang mabilis itong tumalon ng mataas at bumulusok sa lugar na kinaroroonan ni Hanz Ciro. Mabilis itong nag-cast ng skill.
"Fire Lotus Skill: Fire Burst Machete!"
"Naloko na, wrong timing naman si Ate ho... Panira talaga sa plano ko sa buhay tsk!" Sambit ni Hanz Ciro habang mabilis siyang naalarma sa pangahas na atake ng kaniyang ate. Wala siyang magagawa ngayon kundi ang magcast ng sarili niyang skill.
"Fire Lotus Skill: Fire Ball Shield!"
Mabilis namang pinatamaan ni Lily Ciro ang higanteng hugis bola na gawa sa apoy ngunit hindi umobra ang mga atake nito.
"Ang aga mo mangbwiset ate ah... Hindi mo ba ilulugar yang pagiging Amazona mo?!" Sambit ni Hanz Ciro habang mapait na napangiti sa ate niya. Hindi niya ipapakitang naiinis siya rito dahil magmumukha siyang talunan sa amasona niyang nakakatandang kapatid.
"Ah ganon, eh ang dugyot mo nga noong nakaraang mga tapos hindi ka pa magbabago. Dapat talaga ay ako nalang ang inihalal ni papa at lolo bilang susunod na lider ng ating pamilya. Paano kaya kung sabihan ko si Papa at lolo ng kabulastugan mo, mas bagay pa si Cane Ciro bilang pamalit sa pwesto mo hehe..." Nakangising sambit ni Lily Ciro habang hinahawakan nito ng mahigpit ang kaniyang espada.
Agad namang napasimangot si Hanz Ciro sa narinig niya. Hindi niya aakalain ang mortal nitong kaaway ang gustong ipalit sa kaniya ng kaniyang Ate Lily. Sino ba naman ang papayag sa ganong sistema? Hindi niya naiisip na maging sunod-sunuran ilang araw mula ngayon sa bastardong Cane Ciro na yun.
"Good. Alam ko na ngayon kung bakit ayaw na ayaw mo sakin at gusto mong ipalit sakin ang bastardong Cane na yun?! Kapag natalo kita ngayon ay sa akin ka susuporta laban sa Cane na yun na puro kaplastikan lang ang alam!" Sambit ni Hanz Ciro habang makikita ang determinasyon sa kaniyang pustang ginawang ito.
"Yun lang ba?! Hehe... Masyado ka atang palaban ngayon aking kapatid at mataas ata kumpiyansa mo sa iyong sarili. Ang tamad mo kasi porket mabilis ka lamang magcultivate dulot ng Dual Energy Channels mo ay nagmamataas ka na sa ate mo?!" Sambit ni Lily Ciro habang nakataas ang isang kilay nito. Sino ba namang hindi maiinis kapag may kapatid kang ang tamad mag-cultivate eh hindi magkanda-kuba ang iba para magcultivate ng maigi at halos buong buwan o taon eh ito ay may special na katangian sa katawan kung saan ang kapatid niyang si Hanz Ciro ay mayroong Dual Energy Channels kung saan ay kung nagcu-cultivate ito ay literal na doble ang makukuha nitong benepisyo pero half the efforts. Pero may problema, ang tamad kasi magcultivate nito at inuuna ang pakikipaglandian sa mga babaeng araw-araw ay pabago-bago.
"Kahit magcultivate ka pa ng magcultivate ate ay mahina ka pa rin. Naalala mo ba noong araw na nilampaso ka lang ni Princess Ambreiya hahaha....!" Tumatawang sambit ni Hanz Ciro gamit lamang ang divine sense habang makikita ang kakaibang ngisi nito. Nitong isang taon lamang nila nalaman ito na buhay pa ang magkapatid at huling Royal Blood ng Winter Ice Family. Mayroon pang mga natirang mga survivor ngunit hindi na puro ang bloodline ng mga ito. Hindi nila maitatangging ang lakas ng Winter Ice Family ay higit na mas malakas kumpara sa kanilang pamilya maging ng Air Sword Family.
"Ang lakas mong banggitin ang naging pagkatalo ha... Pagbabayaran mong ininis mo ko!" Sigaw ni Lily Ciro gamit sng kaniyang divine sense. Halos mabingi naman si Hanz Ciro sa narinig niyang boses ng kaniyang amazonang ate.
Handa na sanang magbanggaan at umatake sa isa't-isa ang magkapatid nang biglang may nagsalita mula sa hindi kalayuan.
"Anong gulo naman ito Ciro Siblings?! Lalo ka na Lily Ciro... Umayos kayo ha! At ikaw naman Hanz Ciro umayos-ayos ka ha... Makakarating to sa mga magulang niyo maging sa mga lolo't-lola niyo! Hindi niyo ba isinasaalang-alang ang kaligtasan ng iba rito. Pag nagka-beast hoard dito ay kayo ang sisisihin lalo na sa mga damages at sa trahedyang mangyayari. Sana ay sinabihan ko na si Sect Master Soaring Light na iwan kayo sa Soaring Light Sect!" Pasigaw na sambit ng isang bagong dating na lalaki na may dalang malaki at kakaibang espada sa likod nito. Halatang medyo galit ito sa maawtoridad nitong boses... Masyado kasing nagiging aso't-pusa ang dalawang magkapatid na ito at nakakasawa na rin ang ganitong eksena para dahil halos araw-araw na lang mag-away ang dalawang magkapatid na ito.
"Hmmp! Ayan ka na naman Biyu! Kinakampihan mo naman ang magaling kong kapatid na walang ginawa kundi mambabae... Ah oo nga pala, barkada mo nga pala tong kupal ka hmmp!" Sambit ni Lily Ciro na makikitaan ng inis at galit sa boses nito habang nakatingin ng masakit kay Biyu Narxuz. Biruin mo ba namang mapaglaro ang tadhana at parang kambal dikit ang kapatid niya at ang hambog na si Biyu Narxuz na ito. Hindi niya ba alam na masyado itong mahangin at hambog kung saan naiinis talaga ng basta nalang. Yung pakiramdam na pag andyan sa paligid niya ang napakaaroganteng si Biyu Narxuz ay kumukulo na talaga dugo niya. Yung malayo palang ramdam niya na. Isa pa tong kupal na kapatid niya. Halos hindi alam ang gagawin niya rito para tumino lang dahil magiging Leader ito ng kanilang pamilya eh sa tingin niya ay hindi ito karapat-dapat na siyang alam rin ng kaniyang buong pamilya. At ang masakit pa sa lahat ay siya pa ang ginawang watcher ng galaw o kilos ng kaniyang pinakamamahal na kapatid na sa sobrang mahal niya ito sy gusto niyang sakalin ito hanggang sa tumino ito na alam niyang imposible rin itong mangyari.
"Umayos ka ng pananalita mo Miss Ciro. Wala akong kinakampihan sa inyo at kahit kaibigan ko yang kapatid ay it doesn't mean na kinakampihan ko or I tolerate his behavior and actions. Wag mong paganahin yang pagiging amasona mo rito at magsiga-sigaan. Tandaan niyo Lily Ciro at lahat kayong naririto, hindi tayo pumunta rito para magsayang lang ng oras. Wag niyong hahayaang ma-disappoint si Sect Master Soaring Light dahil gusto niyang magtagumpay tayo rito sa pagkuha ng maraming martial spirits na siyang pangunahin nating layunin. Mas malakas na Martial Beasts ay mas malakas na Martial Spirits ang makukuha natin." Sambit ni Biyu Narxuz sa malakas na baritonong boses.
"Ahahaha... Hayaan mo yang Ate kong Amasona Biyu. Masyado lang kasing hyper ito sa..." Sambit ni Hanz Ciro ngunit mabilis siyang pinaningkitan ni Biyu Narxuz habang dahan-dahan nitong hinawakan ang hawakan ng kaniyang mahabang espadang nakalagay sa kaniyang likod na bitbit-bitbit niya kahit saan siya mapunta.
"Chill pare... Alam mong nagbibiro lang ako pre... Alam mo namang palabiro ako noon pa man eh..." Sambit ni Hanz Ciro habang makikitang nahawakan na ni Biyu Narxuz ang sandata nito.
"Shhhh... Kayong lahat, magsitago kayo ngayon din! At kayong dalawa Ciro Siblings ay magpaiwan kayo. Kung hindi ba naman kayo tanga at napili niyo pang mag-away sa napakadelikadong lugar na ito edit sana ay hindi natin nagambala ang dambuhalang halimaw!" Sambit ni Biyu Narxuz habang masakit na tiningnan ng salit-salitan ang magkapatid na Ciro.
"Hmmmp! Ano'ng dambuhalang halimaw yan ha?! Nagbibiro ka lang ata eh at---------" sambit ni Lily Ciro habang masakit na tiningnan rin si Biyu Narxuz mata sa mata ngunit maya-maya pa ay doon lamang niya napansin niya ang kakaibang tunog.
"Krrriiikk! Krriikkk! Krrriikkk!"
Malakas na tunog ng animo'y nangabaling mga sanga ng mga puno.
"Ano ba ang nangyayari?? Anong klaseng halimaw iyan?!" Sambit ni Lily Ciro na animo'y naguguluhan sa kakaibang pangyayaring ito. Agad niyang hinawakan ng mahigpit ang kaniyang malaking at mahabang espada na animo'y handa siyang makipagbuno muli sa kalaban niyang malapit niya ng masilayan.
Woosh! Woosh! Woosh!
Mabilis namang nilisan ng mga grupo ng mga Martial Artists ang lugar na ito upang magkubli sa ligtas na lugar pansamantala.
Phew! Phew! Phew!
Mabilis na nagliparan ang mga Sound Transmitting Talisman sa himpapawid na siyang pumunta sa iisang direksyon kung saan patungo mismo sa Soaring Light Sect.
Ano'ng nangyayari?! Hindi na ba natin kontrolado ang sitwasyong ito?!" Naguguluhang sambit ni Hanz Ciro habang matiim na nakatingin kay Biyu Narxuz na may komplikadong ekspresyon sa mukha nito.
"Tanga ka talaga Hanz, paano bang naging kapatid kitang batugan ka. Palibhasa kasi hindi mo sineryoso ang personal training mo noon. Pakiramdaman mo ng maayos ang nakakalat na magulong enerhiya sa paligid hindi yung satsat ka ng satsat diyan!" Sambit ni Lily Ciro na animo'y sobrang naiinis na siya sa kawalan ng obserbasyon ng kapatid niya. Although talentado ito at madali lamang itong magbreakthrough na siyang hinahangaan ng karamihan lalong-lalo na ang mga kababaihan o mga kadalagahan pero tinatamad naman ito kapag nasa seklusyon ito. Saksi ang kanilang pamilya lalo na ang kanilang mga magulang sa katarantaduhan ng kapatid niya.
Napakamot na lamang si Hanz Ciro sa hiya dulot ng pagpapahiya sa kaniya ng kaniyang Ate. Nakalimutan niya sigurong isa na siyang 5th Star Martial Ancestor Realm kaya ganito ang inasta nito.
Agad nan niyang pinagana at pinalakas ang kaniyang senses at obserbahan ang nakakalat na enerhiya sa paligid at doon siya nabahala sa kaniyang nalamang impormasyon patungkol rito.
"Isang demonic Beasts?! Pero bakit kakaiba ang enerhiya nito lalo na ang Frost Qi na nakakalat sa paligid?!" sambit ni Hanz Ciro ng makilatis niya ng maigi ang mga enerhiyang nakakalat at magulo na siyang naglalaman pala ng mga frost Qi's. Kung hindi siya nagkakamali ay ang frost Qi's ay karaniwang taglay ng mga makamandag na mga halimaw. Rinig na rinig niya rin ang mga nangangabaling puno na siyang alam niyang papalapit ng papalit ang mga halimaw sa kanila.
Sasagot pa sana si Biyu Narxuz ngunit nagulat na lamang sila nang biglang lumitaw sa kanilang harapan ang higanteng anyo ng isang kay bughaw na kulay ng dambuhalang ahas.
"Ano'ng klaseng halimaw iyan?!" Gulantang na sambit ni Lily Ciro habang hinahawakan nito ng mahigpit ang kaniyang mababang espada habang nakatingin sa dambuhalang halimaw sa kanyang harapan habang nakabukas ang bibig nito na animo'y di makapaniwala.
