"Oo na kasalanan ko na... Masaya ka na?!" Sarkastikong sambit ni Lily Ciro habang makikitaan ng pait sa tono ng boses nito. Halatang hindi niya gustong sabihin ito pero yun naman talaga gustong ipamukha sa kaniya ng manyak at hambog na si Biyu Narxuz. Kaya ayaw na ayaw niya itong kasama palagi dahil pakiramdam niya kasi ay pinagtutulungan siya ng dalawang kolokoy na to lalo na ng kapatid niya. Sa tingin niya ay may sa demonyo ang kaniyang kapatid na nag-anyong tao lang at amo nito ang balasubas na Biyu Narxuz na to.
"Hmmp! May araw rin kayo sakin dalawang demonyo kayo hmmp!" Tanging nasambit lamang ni Lily Ciro sa kaniyang isipan habang kinikimkim niya lang ang sobrang inis at galit sa mga ito. Tiningnan niya ng masakit ang dambuhalang Titan Frost Boa.
Napatahimik na lamang si Biyu Narxuz sa isang tabi at mabilis nitong inilabas ang kaniyang malaking espadang kulay itim na nakasabit sa kaniyang likuran.
"Hahaha... Akala ko eh gagawin mo lang display yang espada mong yan eh... Ang tanong, kaya mo bang mapaslang yang Titan Frost Boa na yan?!" Sambit ni Lily Ciro habang naniningkit ang pares na mata nito na tiningnan si Biyu Narxuz.
"Minamaliit mo ba ko Binibining Lily?! Hindi mo nga mapapatumba ang halimaw na Titan Frost Boa ay ako naman ata ang pagtitripan mo ngayon?!" Sambit ni Biyu Narxuz sa kalmadong boses. Halatang gusto niyang galitin o inisin ang dalaga.
Hindi nga siya nagkamali at mabilis na yumukot at bumusangot ang mukha ni Lily Ciro.
"Ikaw... Hmmp! Sa tono ng pagsasalita mo ay parang confident ka ata na mapapaslang mo ang dambuhalang halimaw na to noh hahahaha nakakatawa ka!" Sambit ni Lily Ciro habang makikita ang pagkasarkastiko sa boses nito. Hindi siya naniniwalang makakaya ito ng hambog at manyak na si Biyu Narxuz. Kumukulo talaga dugo niya rito dahil kahit anong pang-iinsulto at pang-iinis ang gawin niya rito ay parang wala lang sa binatang si Biyu Narxuz ang mga masasakit na salita nito bagkus ay siya pa ang mas lalong naiinis rito. Naniniwala siyang maiinis niya rin ito at magtatagumpay siya balang-araw.
...
Sa kabilang parte ng masukal na kagubatang sakop ng Twin Black Mountains ay piniling dito pumunta ng binatang si Van Grego. Sa edad niyang ito ay nasanay na siya at komportable siya sa masusukal na gubat at karaniwang makikita niya sa pang-araw-araw na pamumuhay.
Marami na siyang napaslang na mga mababangis na Martial Beasts sa parteng ito na maaabot sa isang daan ang bang ng mga ito ngunit alam niyang kukulangin pa rin ito. Gusto niya sanang makahanap ng malalakas na mga Demonic Beasts na karaniwang nag-iisa lamang ang mga ito at bihira lang mahanap. Marami siyang napaslang na Demonic Beasts kaso lamang ay nasa Martial Lord Realm pababa pero hindi naman kasi basehan ang rank nito pero sa kalidad ng bloodline ng Martial Spirits. Yun nga ang problema dahil wala siyang mahanap na malalakas na Martial Beasts na mayroong malakas na bloodline ng uri ng mga Demonic Beasts. Kung ganito lamang ay paano ang mga kinatawan ng mga Human Sect maging ang tagaprotekta o protektor nito?! Kung sakaling lusubin sila ng malalakas na mga pwersa ng kalaban ay siguradong hindi tatagal ang kontinenteng ito lalo pa't nalaman niyang open boarder pala ang kontinenteng ito at may mga puwersa mula sa labas ng isla na malaking banta para sa mga nilalang na naririto halimbawa na lamang ay ang mga piratang naninirahan sa karagatan. Para manirahan sa ibabaw ng karagatan na walang lupang tinatapakan kundi purong tubig ay masasabing isang nakakatakot at nakakamangha na pangyayaring hindi lubos na maisip ng ilan. Kung sinuman ang makakapanirahan rito ay hindi basta-bastang nilalang lamang at masaaabi niyang hindi pangkaraniwang mga grupo ng tao ito ngunit wala itong sinusunod na batas ng iba kundi ang pansarili lamang nilang layunin ito.
Nalaman niya rin noon lamang na mayroong mga Water Tribe rito pero ang kilos ng mga ito ay patago at hindi nakikihalubilo sa sinuman liban na lamang sa mga piling mga nilalang at lalong-lalo na ang malalakas na mga nilalang na kasundo ng mga ito. Liban rito ay wala ng sinuman ang nanghihimasok sa mga ito dahil kung mangyari man ito ay siguradong papaslangin ka ng mga ito ng walang alinlangan. Halos masasama ang mga ito alinsunod na rin sa kanilang masamang kapaligiran at maguling sistema ng pamumuhay rito, magulo at mapanganib.
Sa paglalakad ng binatang si Van Grego ay bigla siyang napahinto at pinakiramdaman ang kaniyang paligid. Hmmm... Bakit para ata akong pabalik-balik sa lugar na ito?!" Sambit ni Van Grego dahil kanina niya pa ito napansin dahil magkapareho lamang ang dinadaan niya patunay na ang punong kinaroroonan niya ay mismong nakita niya kanina.
"Hmmm... Ejecting Array Formation?! Bakit mayroong uri ng Trapping Array Formation dito?! Kung ganon ay mayroong Fomation Master liban sa akin na kayang lituhin ang sinuman. Kanina ay hindi pala siya nakakapasok sa lugar na pinoprotektahan ng Array Formation kundi ay iniluluwa lamang siya nito na siyang masasabi niyang namamangha siya ngunit agad na lamang napangisi ang binatang si Van Grego dahil dito.
"Kung siguro'y kagaya lamang ako noon na musmos pa ko noong nakaraang taon ay sigurado akong hindi ko alam ang Ejecting Array Formation pero dahil sa aking pagpupursigi ay nalaman ko rin ang konsepto at gamit nito hehe kung sinuswerte ka nga naman hahahaha..." Sambit ni Van Grego habang malakas itong napatawa. Alam niya kasing merong kakaiba rito. Para magkaroon ng Ejecting Array Formation rito ay nangangahulugan lamang na ginawa ito upang walang sinuman ang makakapasok rito at aakalain lamang na wala silang nakita o napaglaruan lamang sila ng mga kakaibang nilalang. Kung hindi nga matalas ang iyong divine sense o mahina ang persepsyon mo ay aakalain mo lamang na napadaan ka lang rito ngunit hindi ito nakatakas sa mata ni Van Grego.
Kung siguro ay kagaya lamang siya noong noong labindalawang taon siya ay sigurado siyang hindi niya mahahalata ito dahil komplikado rin ang ganitong klaseng Ejecting Array Formation. Halos naningkit ang mata ni Van Grego dahil nagkakaroon siya ng interes at kuryusidad sa pangyayaring ito. Sa pagkakaalam niya ay walang Formation Master ang naririto sa kontinenteng ito dahil matagal ng nabura rito. Ayon sa kaniyang assumption ay hindi bago ang Ejecting Array Formation kundi napakaluma na to the point na hindi na nako-conceal ang mga patterns kapag tiningnan mo itong maigi. Sa kaniyang kasalukuyang lakas ay masasabi niyang kung bago itong gawa ay siguradong kahit anong gawin niya ay hindi niya malalaman o matutuklasan ang Ejecting Array Formation liban doon ay napansin niyang mas komplikado ito kumpara sa Ejecting Array Formation na alam niya. Bilang isang baguhan lamang o totoy pa sa pagiging Formation Master ay masasabi niyang humahanga siya sa nilalang o mga nilalang na ito noong unang panahon. Ang mga sinaunang Human Martial Artists at mga martial artists na mayroong mga propesyon ay tunay na kahanga-hanga. Sila talaga ang mga tunay na mga martial artists kumpara sa kasalukuyang mga martial artists na lubos na humina ang pwersa, kakayahan at sa lahat ng aspeto ay masasabi niyang isa itong nakakalungkot na pangyayari. Isa pa ring malaking katanungan sa kaniya kung ano ba talaga ang nangyari sa mundong ito noon at kung paano naging ganito kahina ang mga Martial Artists sa kasalukuyan. Sino ba ang tunay na kalaban rito o kung bakit nangyari ito sa kanilang mundo?
"Siguro ay kailangan kong muling sumuong sa mga delikadong sitwasyon. Hindi ko hahayaang mabulag lamang o magbulag-bulagan lamang kami sa buong pangyayaring ito. Gusto kong baguhin ang mundong ito mula sa pagiging magulo. Tutuklasin at malalaman ko rin ang buong pangyayaring noon at kung paano naging ganito katindi ang naging resulta noon sa kasalukuyan." Sambit ni Vna Grego sa kaniyang isipan. Hindi niya hahayaang maging bulag sila sa katotohanan habambuhay. Gusto niyang baguhin ang mundong ito. Mundong ginawang karima-rimarim ng hindi pa tukoy na pwersa. Kung magharap-harap sila ay sisiguraduhin niyang magiging malakas siya kumpara sa mga ito. Hindi kagaya noon na naging sobrang hina niya o kaya ay umaasa lamang siya sa sinuman. Sa ngayon ay kailangan niyang lumakas, masasabi niyang isa itong magandang oportunidad para sa kaniya.
Mabilis niyang nilapitan ang lugar kung saan ay nararamdaman niya at nakikita niya ang bukana ng Ejecting Array Formation. Doon ay mabilis niyang iginalaw ang kaniyang kamay na animo'y naglalabas ng kakaibang enerhiya. Maya-maya pa ay mabilis niyang itinuon ito at ipinadaloy sa dulo ng kaniyang daliri. Parang inilagay niya ito sa iba't-ibang parte ng Ejecting Array Formation na hindi nakikita ng ordinaryong mata at tanging si Van Grego lamang ang nakakakita at nakakaunawa.
Sa bawat pagtapik niya o paglapat ng daliri niya ay naiiwan ang kakaibang enerhiyang gawa mismo sa kaniyang Qi na taglay mismo ng kaniyang sariling katawan. Kaibahan nga lang dahil kulay puti ang Qi na taglay ni Van Grego at maya-maya ay lumitaw sa kaniyang likod ang kaniyang Martial Soul na puting ibon na hindi niya pa tukoy kung ano ito. Hanggang ngayon ay makikita ang limag kakaibang sinag na indikasyon na nasa 5th Level Huang Rank pa lamang ito dahil kahit anong gawin niya ay hindi pa rin ito tumataas o nagbe-breakthrough sa 6th Level Huang Rank. Baka nga nag-iilusyon siyang mas mataas pa ngunit hindi siya susuko.
Ipinukos ni Van Grego ang kaniyang sariling enerhiya papasok sa mga core holes ng Ejecting Array Formation kung saan ay tanging ang mga Formation Master lamang ang may kakayahan. Maya-maya pa ay naramdaman ni Van Grego ang pagkawala ng enerhiya niya o Qi niya sa katawan papunta sa loob ng mga core holes. Tanging ito lang paraan kasi kung paano ka makakapasok sa lugar na ito dahil nagsisilbi itong susi para makapasok ka sa loob o sa kabilang parte nito na siyang hindi niya alam kung ano ang itsura o anyo nito.
Halos mahigit isang oras na ang nagtagal ngunit parang animo'y balon ang core holes ng Ejecting Array Formation. Hindi niya alam kung bakit ganito na lamang ang kaniyang panghihina maging ang enerhiya niya ay malapit ng masaid. Halos sumuko na lamang siya ngunit ayaw niya. Gusto niyang matuklasan ang bagay na tinatago sa loob ng Ejecting Array Formation dahil hindi niya hahayaang masayang lamang ang pagpunta niya rito. Isa pa ay malapit na siyang umalis sa kontinente ng Arnigon at baka sa susunod ay hindi na dumating ang oportunidad na kagaya nito.
Dahil sa sobrang hirap mabuksan ng Ejecting Array Formation o ma-activate ito ay masasabi niyang layunin talaga ng gumawa ng Ejecting Array Formation na ito na walang sinuman ang makakapagbukas nito o walang sinuman ang makakatuklas at makakagalugad sa kabilang parte nito kung anuman ang hiwagang tinatago nito.
Lumipas pa ang dalawang oras... tatlong oras hanggang sa limang oras na ang nakakalipas ngunit dito na nakaramdam ng labis na panghihina si Van Grego. Nakakain na rin siya ng iba't-ibang Martial Pills upang masustentuhan ang kaniyang sariling lakas at manumbalik ang kaniyang enerhiya sa katawan ngunit hanggang sa kasalukuyan ay bigo pa rin siyang mabuksan ang Ejecting Array Formation na labis niyang ikinamangha at sa gayun ay labis rin niyang ikinabahala.
"Kapag nagpatuloy ito ay baka magkaroon ng komplikasyon ang aking katawan na makakaapekto mismo sa aking cultivation. Ilang minuto na lamang ang itatagal ko kapag hindi pa ma-activate ang Array Formation na ito ay wala na kong magagawa pa. Kailangan ko ring isalba ang natitira pang enerhiya ko at makapagpahinga dahil hindi ligtas ang lugar na ito kung mawalan ako ng lakas upang protektahan ang aking sarili." Sambit ni Van Grego sa kaniyang isipan lamang habang tinatantiya kung saan lang ang kaniyang limitasyon. Bilang isang Martial Artists ay kailangan niya ring alamin kung hanggang saan lamang ang kaya niya maging ang kaniyang kaligtasan dahil dapat mas matimbang ang benepisyong mKukuha niya kumpara sa losses niya.
Halos masaid na ang lakas ni Van Grego ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay biglang nagkaroon ng paggalaw o kilos ang sarili nitong Martial Soul na walang iba kundi ang hindi pa tukoy na kulay puting ibon na mahahambing lamang sa laki ng ordinaryong agila. Ang nakatiklop nitong pakpak ay unti-unting gumalaw at bumuka ang mga ito at maya-maya pa makikita mo ang unti-unting paglitaw ng kakaibang kulay puting mata ng kakaibang puting ibon na ito na animo'y mayroon itong sariling pag-iisip. Kapag tiningnan mo ng maigi ang mata nito ay pang malulunod sa walang hanggang kailaliman o misteryong bumabalot rito. Maya-maya pa ay unti-unting naglabas ito ng kakaibang puting enerhiya sa katawan patungo sa katawan ni Van Grego nang hindi nito nalalaman man lang. Maya-maya pa ay tumiklop rin ang pakpak ng kakakibang ibon at mabilis na binalot ang buong sarili nito ng sarili nitong pakpak at nakatago rin ang mata nito. Mistulang tulog ito dahil hindi na ito nagkaroon pa ng anumnag kakaibang reaksyon o galaw.
Maya-maya pa ay nagulat na lamang si Van Grego nang makaramdam siya ng nag-uumapaw na enerhiya na hindi niya tukoy kung saan nagmula. Wala siyang inaksayang oras at mabilis niyang ipinadaloy ang nag-uumapaw na enerhiyang ngayon niya lamang nararamdaman dahil parang animo'y nawala ang kaniyang pagod at exhaustion sa enerhiya bagkus ay mas lumakas pa siya ng tuluyan.
Maya-maya pa ay unti-unting nagkaroon ng kakaibang tunog ang mga core holes.
Psssskkkkk! Pssskkkk! Psssskkkk!
"Hmmm?! Ano ito hindi maaari?! Talagang itinago talaga ng gumawa ng Ejecting Array Formation ang kaniyang totoong layunin. Tunay na mapangahas at nakakakilabot na abilidad nito pagdating sa formation Arrays. Isang malakas at tunay na Formation Master ba talaga ito o isang Formation Grandmaster dahil ang abilidad nito at nakakamangha para sa ordinaryong Formation Master!" Sambit ni Van Grego sa kaniyang isipan habang namamangha. Eh sino ba naman ang hindi mamamangha sa kakaibang natuklasan ni Van Grego patungkol sa Ejecting Array Formation na mayroong kakaibang espesyalidad patungkol sa core holes nito o ang mga pangunahing butas nito kung saan ay ilalagay mo ipapadaloy mismo ang enerhiya. Halimbawa lamang sa nalaman niyang Ejecting Array Formation dahil mayroon itong anim na pangunahing butas at ang isa na siyang pinakasentro nito ay masasabing ito ang pinakamalaki at pangunahing core holes. Usually kasi ay kapag napuno mo itong pinakasentro nito ay kusang dadaloy ang enerhiya na ito papunta sa anim na menor na core holes kung saan ay kusang mawawasak o mapapawalang-bisa ang Ejecting Array Formation na siyang indikasyon na naactivate na ang nasabing Array Formation ngunit sa nakikita niya ngayon ay mali pala ang inaakala niya. Dahil hindi lamang ang pinakasentrong core holes ang napuno kundi maging ang anim na core holes na ito at mayroon pang lumitaw na labing-anim na mumunting core holes.
"Ano'ng klaseng Ejecting Array Formation ito?! Kailanman ay hindi ako nagkamaling magbasa o tumukoy ng Array Formation!" Sambit ni Van Grego sa kaniyang isipan habang gulong-gulo siya sa pangyayaring ito.
Pinanood niya kung paano lumitaw ang mga kakaibang pattern ng Ejecting Array Formation na sa pagkakaalam niya ay hindi naman ganito ang dapat mangyari. Ngunit isa muling nakakagimbal na pangyayari ang kaniyang natuklasan ng makita niyang umaaapaw ang enerhiyang inilalabas ng kaniyang sariling katawan na tinatawag na Qi.
"Huh?! Hindi maaari ito... Ganito karami ang naubos na enerhiya ng Ejecting Array Formation mula sa aking katawan?! Pero paanong nagkaroon ako ng ganito karaming enerhiya sa katawan eh alam ko ay marami naman akong Qi sa katawan pero paanong nangyari ito eh hindi naman ako nagkaroon ng breakthrough o pagtaas ng aking mga konsepto." Sambit ni Van Grego habang pinapanood ang nangyayari sa Ejecting Array Formation na kung saan ay mistulang nagkakaroon ng pagdaloy ng enerhiya sa mga nakakubling enerhiya.
Ilang minuto pa ang nakalipas ay biglang lumiwanag ng malakas ang kapaligiran kung saan ay biglang binalot ng puting liwanag si Van Grego.
"AHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!"
Isang malakas na sigaw ang pinakawalan ni Van Grego bago siya siya tuluyang binalot o nilamon ng puting liwanag hanggang sa nawala ang nakakasilaw na puting liwanag ay ang pagkawala rin ng binatang si Van Grego.
