Cherreads

Chapter 181 - Chapter 11

Maya-maya pa ay naramdaman ni Van Grego na parang pumasok siya sa isang separate dimension kakaibnag dimensyon. Dito ay nakita niya ang kaniyang sariling parang nasa isa siyang malawak na space channel kung saan ay parang kusang binubuhat o nililipad ang kanuyang sariling katawan sa mabilis na paraan.

"Hindi ko aakalaing mayroong space channel rito pero paano ito nangyari?! Talagang nakakamangha at napakamisteryoso talaga ng pangyayari noon. Ano kaya ang nangyari dati?!" Sambit ni Van Grego sa kaniyang isipan habang iniisip kung ano ba ang nangyari o pangyayaring nagaganap noong nagdaang siglo o era kung saan ay mayaman sa cultivation techniques at mga Cultivation resources ang mga nilalang na naninirahan sa mundong ito. Kung ikukumpara niya nga ang kasalukuyang mga Formation Master kaysa noon ay masasabi niyang isang pitik at insekto lamang kung maihahambing ang mga ito. Ngayon ay nalaman niyang mas higit na malakas ang mga Formation Arrays na nagagawa ng mga Formation Master noon kumpara ngayon. Tanging mga pira-piraso lamang ng mga formation Arrays ang kanilang nakalap at nagagamit sa kasalukuyan pero kung sakaling makakuha siya ng kahit isang kompletong Formation Arrays Manual ay masasabi niyang mayroon na siyang basehan kung paano palakasin at pag-aralan ang mga hindi kompleto o mahihinang mga Formation Arrays o Formation Techniques. Wala namang libre dito sa mundong ito at kailangan paghurapan kung gusto mong lumakas at maging makapangyarihan. Walang shortcut kung kaya't bawat oportunidad na makikita niya o makakasalubong niya ay agad niya itong kinukuha.

Maya-maya pa ay nakita lamang ni Van Grego ang kaniyang sarili na nasa hangganan na siya ng space channel kaya mabilis niyang inihanda ang kaniyang sarili.

Phew!

Isang malakas na tunog ang maririnig rito ng nang bigla siyang iniluwa ng Space Channel at nakita na lamang ni Van Grego ang kaniyang sarili na nahuhulog mula sa himpapawid.

AHHHHHHHH!!!!!!!!

sigaw niya dahil sino ba naman kasi ang aasahang babagsak ka sa kalangitan matapos ka maglakbay gamit ang Space Channel idagdag pang hindi pa siya marunong lumipad. Tanging ang mga Martial God Realm expert lang ang may kakayahan nun.

Agad namang ginamit ni Van Grego ang natutunan niya sa konsepto ng hangin. Mabilis siyang nagpadala sa hangin hanggang sa ligtas siyang nakatapak sa kalupaan. Tanging ang mga Martial God Realm lamang ang makakalipad dahil tinatawag itong False God Realm. Para sa mga mortal, ang Martial God Realm ay isang ranggo na hindi kailanman makakamit ng mga ordinayong nilalang lamang ngunit ang totoo'y isa lamang itong ranggo na limitasyon ng ordinaryong martial artists. Kung hanggang dito na lamang ang kakayahan ng tao ay isa itong napakasakit na katotohanan sa mga taong gusto pang mas maging malakas ngunit dahil sa limitasyong ito ay unti-unti na ding magde-decline ang kanilang talento at kakayahan.

Agad na inilibot ni Van Grego ang kaniyang pares na mata sa kaniyang kapaligiran at ng humarap siya likuran niya hindi kalayuan ay nakita niya ang isang napakalaki at napakataas na pagoda. Ang Giant Pagoda na ito ay masasabi ni Van Grego na halos humalik na ito sa kaulapan. Hindi niya aakalaing mayroong ganitong klaseng kataas na Pagoda na makikita niya. Napakaantigo ng disenyo ngunit nababalutan ng kakaibang awra at enerhiyang hindi niya tukoy kung ano ito.

Maya-maya pa ay nakita niya lamang ang kaniyang sariling naglalakad patungo sa Giant Pagoda. Ewan ba niya pero parang napuno siya ng kuryusidad sa lugar na ito dahil pakiramdam niya nasa iba siyang lugar na siyang totoo naman talaga. Isang bagong lugar na hindi niya inaasahan.

Ilang minuto lamang ang nakalipas at nasa tapat na siya ng malaking pintuan.

Crrreaakkkkkkkk!!!!!

Biglang bumukas ang pintuan at doon ay mistulang kinabahan si Van Grego ngunit nang mapansin niyang walang sinumang nilalang na naririto ay agad siyang pumasok rito habang tahimik na nagmamasid sa paligid. Hindi niya ibinaba ang depensa bagkus ay itinaas niya pa ito maging ang kaniyang 6th Senses.

Tanging ang kaniyang paglakad lamang ang maririnig niyang tunog sa loob ng Giant Pagoda.

Maya-maya pa ay nakita niya ang isang napakalaking Boulder sa sentrong bahagi ng unang palapag na ito na siyang kinaroroonan niya.

"Hmmm... Isang boulder?! Hindi ko alam kung ano'ng trip meron ang ganitong klaseng Pagoda haha..." Sambit ni Van Grego hanggang sa makarating siya rito. Ang boulder na ito ay masasabing napakaluma na ngunit mayroong kakaibang enerhiyang bumabalot rito. Napakamisteryoso ngunit nakakakilabot ang enerhiyang nagmumula rito.

Nang itaas niya ang kaniyang paningin ay doon niya nakita ang isang nakakamanghang mga letra kung saan nakasulat sa lengguwahe ng mga sinaunang Martial Artists o ang Ancient Languages. Ngunit nang makita ni Van Grego at mabasa niya ang mga mensaheng nakapaloob rito ay doon siya nangilabot.

Ancient Human Rankings

Human Rank

Mystic Rank

Earthen Rank

Heaven Rank

Divine Rank

Asura Rank

"Huh?! May ganitong klaseng Ranking?! Paano nangyari ito?! Kung hindi ako nagkakamali ay ito ang sinaunang pagtukoy ng Martial Talent hindi ba?!" Sambit ni Van Grego sa kaniyang isipan habang makikita sa kaniyang mata ang pagkamangha. Sino ba naman kasi siya para maranasang maeksamin ang kaniyang talento mula sa Ancient Boulder.

Nakita niyang halos maraming pangalan ang nakalista sa Human Rank List ngunit papaliit ng papaliit ang mga pangalang nakalista habang tumataas ang Rankings.

Napansin niya ang isang parte kung saan may isang clay tablet na naglalaman ng mga instructions.

Sinunod niya ang mga nakalagay sa instructions at mabilis niyang inilagay ang kaniyang kamay sa malaking Boulder. Agad niyang pinadaloy ang kaniyang sariling enerhiya rito hanggang siya biglang lumiwanag ang Boulder at doon ay nakita niya ang paglitaw ng kaniyang sariling Rank.

< Van Grego, Human Rank >

Sa hindi inaasahang pangyayari ay mayroong kakaibang enerhiya ang biglang dumaloy sa katawan niya papunta sa boulder na hindi niya nalalaman.

Agad namang nahintatakutan so Van Grego ng mawala o nabura ang pangalan niya sa Human Rank List at nakita niya na lamang ito sa Earthen Rank List.

"Huh?! Bakit ang mga accumulations ko sa mga Martial Arts Techniques maging ang aking mga skills ay kusang inilabas ng aking katawan?!" Sambit ni Van Grego nang bigla niyang napansin na ang kaniyang martial skills at techniques ay kusang nababasa at nalalaman ng Ancient Boulder na ito. Kung hindi siya nagkakamali ay hindi ito ordinaryong boulder bagkus ay gawa ito sa na napakatibay na materyales at halos perpekto itong na-forge ng isang forger at espesyal na ginawa ng isang crafter. Alinman sa dalawang ito ay masasabing malalakas silang mga Martial Artists. Kung hindi siya nagkakamali ay nasa matataas na ranking lists ang mga ito at mga hindi pangkaraniwang mga Martial Artists. Sa palagay niya ay mga Human Race ang mga ito patunay ang disenyo ng lugar na ito at ang mga ukit at simbolong nakapaloob ang mga tao.

Maya-maya pa ay napansin niya ang isang nakasulat sa maliit na pader. Kahit medyo may kalayuan ay malinaw niya pa ring nababasa ang simbolo na naglalaman ng kahulugan pero mas lalo niyang napansin ang mensahe sa ilalim nito.

"I am not willing to give up everything I have. Even if I go, May my Successor will come and set this world free. I failed but someday he will." - Stardust Envoy Silent Walker

Nangilabot naman si Van Grego sa kaniyang nabasang ito. Kung hindi siya nagkakamali ay itong tao na ito ang gumawa ng Giant Pagoda. At ang sinasabi nito na siyang pagkakaintindi ni Van Grego ay lubos niyang ikinagimbal.

"Totoo ba ang sinasabi nito?! Kung gayon ay nilisan niya ang mundong ito?! Pero bakit?! Diba dapat ay masaya siya ngunit bakit parang ang lungkot ng mensaheng iniwan niya maging ang sinasabi nitong gusto niyang palayain ang mundong ito?! Saan?!" Sambit ni Van Grego na halatang naguguluhan sa kaniyang nabasa at natuklasan. Sino ba naman ang hindi diba? Kung nakaalis siya sa mundong ito patungo sa mataas na mundo ay patunay lamang na hindi ito pangkaraniwang tao lamang o ordinaryong martial artist bagkus ay nagpapatunay lamang na mayroon itong lakas na hindi mapapantayan. Pero ang lubos na ipinagtataka niya lang ay kung bakit sinabi nitong gusto nitong palayain ang mundong ito?! Mayroon bang malakas na puwersa ang kumokontrol sa mundong ito o sa daloy ng buhay at pamumuhay rito?! Pero bakit parang ipinapahiwatig nitong natalo ito at piniling lisanin ang lugar na ito.

Maya-maya pa ay nagising si Van Grego mula sa malalim na pag-iisip nang may biglang nagsalita ang isang boses na animo'y naglalaman ng kakaibang pakiramdam.

"Van Grego, Mystic Rank... Binabati kita dahil nakapasa ka sa unang pagsubok upang makapagpatuloy ka sa pangalawang pagsubok. Goodluck sa iyong pagpasok sa susunod na trial kung saan susubukin ang iyong lakas, abilidad persepsyon at iba pa.." Sambit ng isang Ancient voice habang walang mababakas na emosyon rito. Patunay lamang na isa itong Recorded lamang na tinig.

Mabilis namang nagkaroon ng paggalaw ng sahig sa dulong bahagi ng palapag na ito. Maya-maya pa ay nakita ni Van Grego na mayroong lumitaw ang isang hanggan kung saan ay awtomatikong umaayos hanggang sa kumunekta ito sa palapag ng unang palapag.

Agad na ring naglakad papunta rito si Van Grego. Nagmamasid at nagbabasa siya ng mga nakasulat sa mga makakapal at nagtataasan pader kung saan nakikita niya ang mga larawan ng iba't-ibang vicious beast maging ang imahe ng mga Human Martial Artists na nakikipaglaban sa mga ito. Kung gayon, ito pala ay mga clues na maaaaring masagupa niya. Marami pa siyang nakikita kung saan ay halos hindi niya lubos maisip na mayroong ganitong mga halimaw pero gusto niyang subukan ito dahil alam niyang hindi lahat ng bagay ay makukuha lamang sa simpleng mga paraan lamang kundi dapat paghirapan ito.

Maya-maya pa ay nasa malaking pintuan siya kung saan ay kulay itim ito na mayroong nakapaloob na kakaibang enerhiya sa loob.

"Mayroong nilalang sa loob ng malaking pintuan ito?! Paano nangyari ito eh hindi naman siguro mabubuhay ng ganito katagal ang mga halimaw hindi ba?! Pwera na lamang kung napakalakas nito." Sambit ni Van Grego sa kaniyang isipan lamang iniisip ang mga posibleng maging una niyang kalaban.

Dahan-dahan niyang binuksan ang malaking pintuan at mabilis itong nabuksan.

"Crrreeeeekkkkkk...!"

Isang mahabang tunog ng paglagitnit ng pintuan habang bumubukas ito. Maingat na naglakad si Van Grego kung saan ay maliwanag niyang nakikita ang buong lugar.

Biglang sumara ng malakas ang pinto kung saan tandang naka-lock na ito.

Nang tiningnan ni Van Grego ang pintuan ay doon siya biglang nabahala.

Ito ang pangalang nakaukit sa itaas ng malaking pintuang pinasukan ni Van Grego.

"Naloko na, isa palang trap ito kung saan ay kusang bubukas lamang o makakalabas lamang kung matatapos mo ang Trial sa bawat palapag na ito ng Pagoda. Sa pagkakaalam ko ay may siyam na palapag ito hmmm..." Sambit ni Van Grego sa kaniyang isipan. Hindi niya aakalaing isa palang trap o bitag ito. Ngayon niya lamang napagtanto na isa pala itong training ground ng mga sinaunang mandirigma. Kaya pala naka-lock ito o nakatago ito sa ekstraordinaryong Array Formation na inaakala niyang Ejecting Array Formation.

Tutal ay nandito na siya ay naisip niya lamang na tapusin ang nasabing trial na ito para makalabas na siya rito ng tuluyan.

Yun nga lang ay nakita niya kung paano nakakagimbal sa paningin ang nakikita niya sa kasalukuyan. Kitang-kita niya kasi ang mga nakakalat na mga bangkay ng mga iba't-ibang nilalang pero karamihan sa mga ito ay mga labi ng mga Human Race. Napakasakit. isipin na dito natapos ang kanilang buhay. Ang mga bungo o mga nangahiwalay na mga buto sa paligid ay mayroong mga bakas ng malalaking hiwa ng hindi malamang bagay o nilalang na gumawa nito. Kaya ngayon ay alam niya kung bakit patuloy na nabubuhay sa loob ng Giant Pagoda na ito ang mga mababangis na mga nilalang o halimaw na ito dahil ang mga participants mismong tumapak rito ang

"Hmmm... Parang may mali. Bakit hindi ko makita ang nilalang na naririto sa pangalawang palapag. Bakit naman kasi pumasok-pasok pa 'ko rito eh isa lang pala itong bitag at isang Life and Death Trial o training ng mga sinaunang mandirigma ng kontinenteng ito." Sambit ni Van Grego sa kaniyang isipan.

Maya-maya pa ay nagulat siya ng makaramdam siya ng basang likido sa kaniyang buhok.

Agad namang kinapa ito ni Van Grego ito at masasabi niyang para itong malapot na tubig.

"Ano ba naman to?! Hindi ba uso ang bubong rito para magkaroon pa ng tagaktak ng ulan?!" Sambit ni Van Grego nang may kalakasan na mabilis na umalingawngaw ito sa buong palapag.

Agad na inamoy ni Van Grego ang likidong kumapit sa kaniyang buhok at nasng maamoy niya ay halos masuka siya.

"Pweeehhh, bakit ganito ang amoy ng ulan dito -------" nandidiring sambit ni Van Grego na animo'y nasusuka habang mabilis siyang tumingala sa kaniyang uluhan.

Doon niya napansin ang naglalakihang mga pangil ng isang dambuhalang bunganga ng halimaw na hindi niya pa tukoy kung ano ito.

Tumutulo pa ang laway nito na animo'y natatakam sa pirasong karneng kaniyang malapit nang matikman.

More Chapters