Cherreads

Chapter 3 - Tatlong Pusong Nahuli

Chapter 8: Announcement at Bagong Kilig Mission ni Daniela

Lunch break halos tapos na, pero imbes na matahimik, may bago nanamang kalokohan si Daniela.

Habang nagliligpit ng tray, napansin niya si Anne na kausap si Zian sa gilid ng canteen.

Anne: "Uy Zian, thanks sa notes ah."

Zian: "Wala 'yun. Next time ulit."

(Daniela sa malayo, nakangisi na parang may naisip.)

Daniela (bulong sa sarili): "Anne x Zian… hmm, bagay."

Anne (bumalik sa table): "Bakit ganyan ka tumingin?"

Daniela: "Wala, kinikilig lang ako."

Anne: "Hoy wag mo ako ganyanin Dani—"

---

Biglang pumasok si Mr. Ramirez sa canteen.

Mr. Ramirez: "Section Callia! May announcement ako. May upcoming class presentation para sa acquaintance party. Kailangan ng groups at performance."

Class: "YEHEEEY!"

Anne: "Oh my gosh, performance! Dani, same group tayo!"

Daniela: "Sige, basta isama natin si Zian." (sabay ngiti na parang may balak)

Anne: "Dani! Ano na naman iniisip mo?"

---

Habang nag-uusap sila, napatingin si Kell mula sa kabilang mesa, at si Pierce mukhang busy pa rin kay Kysha.

(Pero hindi nila alam… sa likod ng utak ni Daniela, busy siyang nag-iisip ng bagong ship mission.)

Chapter 9: Operation Matchmaking

Pagkatapos ng lunch break, bumalik na ang Section Callia sa classroom.

Si Mr. Ramirez nasa harap na may hawak na folder.

Mr. Ramirez: "Okay class, for the acquaintance party presentation, kayo ang bahalang mag-form ng groups. Minimum 5, maximum 7 members."

Class: "Yessss!"

---

Daniela agad lumapit kay Anne.

Daniela: "Anne, dito ka sa group namin."

Anne: "Siyempre! Sino pa kukunin natin?"

Daniela: "Hmm… si Aira, Dreya, tapos…"

(Sabay sulyap kay Zian na tahimik lang sa gilid.)

Daniela: "…si Zian."

Anne: "Ha?!"

Daniela: "Para complete ang talents. Trust me."

(Sa isip ni Daniela: "And para complete din ang ship.")

---

Nagkatinginan si Zian at Anne nang magkasabay silang lumapit sa group.

Daniela: "Oh ayan Anne, katabi mo si Zian sa upuan."

Anne: "Dani, bakit ako?"

Daniela: "Para mas mabilis kayong mag-usap sa steps."

(Pero deep inside: Mission Matchmaking Phase 1: Success.)

---

Sa kabilang banda, nakikita ni Daniela sina Kell at Pierce na magkaibang grupo pero parehong paminsan-minsan lumilingon sa kanya.

Daniela: "Hala Lord, ang dami kong side mission."

---

 Chapter 10: Practice Kilig sa Loob ng Classroom

Hapon na at nagsimula na ang group practice para sa acquaintance party.

Sa classroom ng Section Callia, hati-hati na ang mga grupo — may sumasayaw, may kumakanta, may nag-eenjoy lang sa ingay.

Sa isang sulok, grupo nina Daniela, Anne, at Zian.

Daniela: "Okay guys, mag-decide na tayo sa steps."

Anne: "Sige, ako na sa lyrics."

Daniela: "Good, Zian ikaw sa… dance moves."

Zian: "Ako?!"

Daniela: "Oo, ikaw may rhythm. Perfect ka dyan."

*(Sa isip ni Dani: "At perfect kayong dalawa ni Anne magkasama.")

Habang nagpa-practice, may mga pagkakataon na magkahawak ng papel sina Anne at Zian habang nagche-check ng lyrics at timing.

Anne: "Uy Zian, mali ata yung timing mo—"

Zian: "Ikaw kasi nagmamadali sa kanta—"

(Pareho silang tumawa. Daniela sa gilid, ngiting tagumpay.)

---

Sa kabilang banda ng classroom…

Si Kell nakatingin sa kanila mula sa kabilang group.

Kell (bulong sa kasama): "Tingnan mo si Daniela, ang saya niya pag busy siya sa iba. Interesting."

Si Pierce (P.A.) naman, kahit kasama si Kysha sa practice, paminsan-minsan napapatingin din sa grupo ni Daniela.

Pierce (sa isip): "Hindi pwedeng ganun lang… kailangan may entrance ako mamaya."

---

Anne: "Dani, bakit parang mas excited ka sa practice namin ni Zian kaysa sayo?"

Daniela: "Wala, supportive lang ako sa inyo." (Pero sa isip: "Ship successfully sailing.")

-

More Chapters