---
Chapter 1: First Day, First Impress)
First day of school.
Section Callia.
Bagong simula, bagong classmates, at bagong adviser na mukhang ready sa kalat na mangyayari buong taon.
---
Pagpasok ng teacher, agad natahimik ang buong klase.
"Good morning, class," bati ni Sir Ramirez habang inaayos ang attendance sheet.
"Since first day natin, magpakilala muna tayo isa-isa. Sabihin niyo pangalan niyo, hobbies niyo, at kahit anong gusto niyong ishare."
Ang ingay agad ng section.
---
Pierce Chanriel Amonte ang unang tumayo.
Pierce: "Good morning. Pierce Amonte. P.A na lang para madali. Mahilig ako sa basketball… at sa mga taong mabait sa'kin." sabay kindat sa likod.
(May narinig agad na "ayiiieee" sa gilid ng room.)
---
Sunod si Kell Brynn Selis.
Kell: "Kell Selis. Wala akong hobby… bukod sa mang-asar."
Sir Ramirez: "Mukhang marami ka ngang aasar dito."
Kell: "Depende, sir. Kung boring po ang lesson…"
(Tawanan ang buong class.)
---
Si Zian Devren Bonayta naman, tamad ang dating.
Zian: "Zian. Wala akong sasabihin."
Sir Ramirez: "Mahiyain ka ba o wala ka lang talagang balak magsalita?"
Zian: "Both." sabay upo.
(Class laughs, Anne bulong kay Daniela: "Mystery guy ohhh.")
---
Mga girls na sunod:
Aira Cleo Beltranes: "Hi! Ako si Aira. Ako ang magiging source ng lahat ng chika dito."
(Nagsimulang magbulungan ang girls sa likod.)
Dreya Xianel Talisan: "Ako si Dreya. Adviser ng love life ni Daniela—"
Daniela: "Anne!"
Class: "Ooooohhhh~"
Kysha Ferlyn: "Kysha. Chill lang ako. Wag lang akong awayin."
Shaine Catalino: "Shaine. Wala akong hobby, gusto ko lang makapasa."
---
Iba pang classmates:
Jessa Migno: "Ako si Jessa. Mahilig ako kumanta kahit wala sa tono."
(Tawanan ulit ang class.)
Julianne Lampas: "Julie. Tahimik lang ako pero mabait ako, promise."
Teya Trivino: "Teya. Host niyo ako pag may games."
Lexa Ocante: "Lexa. Fashion is life."
Hania Tadeo: "Hania. May jowa ako sa section— hi Kylen!"
---
Kylen Primo: "Kylen. Boyfriend ni Hania. Simple lang ako."
Rico Dela Peña: "Rico. Class clown niyo buong taon."
Marko Villarante: "Marko. Ka-barkada nina Kell at Pierce, minsan wingman."
Adrian Tolosa: "Adrian. Tahimik lang pero may alam ako sa lahat ng chika."
Noel Gavino: "Noel. Maglalaro ako ng basketball kahit walang bola."
Brent Alonzo: "Brent. Self-proclaimed campus crush."
Elyas Monteverde: "Elyas. Class artist. Pag may project ako bahala sa cover."
Luis Cardenas: "Luis. Mahilig ako sa math… at magpahiram ng answer."
---
Huli si Daniela Sulvene.
Daniela: "Uh… Daniela Sulvene. Wala akong masyadong sasabihin. Gusto ko lang tahimik na taon."
(Class laughs — Dreya sumigaw: "Good luck jan!")
---
Chapter 2: Seating Plan & First Bonding (Updated
"Good luck jan!" sigaw ni Dreya habang tinitingnan si Daniela na parang bida sa teleserye.
Biglang may sumingit na boses mula sa harapan — si Kell Brynn Selis (Kent).
Kell: "Good luck talaga… kasi sa harap ako."
(Boom. Ilang girls agad napatingin kay Daniela.)
Daniela: "Ano daw?!" bulong niya kay Dreya.
Dreya: "Uy Dani, confirmed, may pasok agad love life mo!"
Daniela: "Anne, please wag kang maingay."
---
Sir Ramirez:
"Okay class, seating arrangement tayo. Boys at girls alternate. Ready na."
Pagkatapos ng ilang minuto ng paglipat-lipat ng upuan, eto ang final:
Zian naupo sa tabi ni Daniela (right side).
Kell (Kent) nasa harap ni Daniela.
Pierce (P.A.) nakatabi sa first crush niya dati (si Kysha).
Anne (bulong kay Daniela habang nakaupo sa kaliwa niya): "Oh my gosh… tatlong pusong nakapalibot sa'yo."
Daniela: "Anne, promise gusto ko lang tahimik na taon."
(Pero deep inside… alam niyang wala nang tahimik mula ngayon.)
---
📖hapter 3: First Bonding,
First period pa lang, pero ang ingay na ng Section Callia.
Bagong seating arrangement = bagong simula ng gulo.
Sa gitna ng klase…
Daniela nasa gitna ng bagyo:
Sa kanan niya, Zian tahimik lang pero paminsan-minsan sumusulyap.
Sa harap niya, Kell nakasandal, minsan lumilingon para mag-comment ng random things.
Sa gilid, Anne parang live commentator sa love life ni Daniela.
---
Biglang pumasok si Sir Ramirez bitbit ang isang papel.
Sir Ramirez: "Since first day, walang quiz. Pero… magka-activity tayo para magkakilala."
Class: "Yeheeeey!" (Sabay bulungan at halakhakan.)
Sir Ramirez: "Group game. Kahit anong question pwede. Getting-to-know but with a twist — kapag hindi ka sumagot, may dare ka."
---
Nagsimula ang laro.
Rico: "Okay! First question kay Zian. Crush mo ba si katabi mo?"
Zian: (tingin kay Daniela… then biglang upo ulit) "Pass."
Class: "OHHHHHHHH!"
Anne: "OMG Dani may red flag naaaa~"
Zian, may dare: "Sige. Dare accepted." (Smile lang, parang wala lang sa kanya.)
---
Next si Kell.
Pierce: "Kent—este Kell—kung pipili ka ng muse ng section, sino?"
Kell: (lingon kay Daniela saglit) "Secret."
Class: "OHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!"
---
Si Daniela na ang tinira ni Anne.
Anne: "Kung gusto mo ng peaceful life… bakit puro pogi nasa paligid mo?"
Daniela: "Hindi ko kasalanan 'to!"
Class: "BOOOO! Dare na yan!
Chapter 4: The Question that Stopped the Room
Nasa kalagitnaan pa rin ng getting-to-know game nang biglang may nagtaas ng kamay.
Walang iba kundi ang certified kalat queen… Anne.
Anne: "Okay, ako naman! Simple lang ang tanong ko… Sino ang crush ng bawat isa sa room na 'to?"
(Class: "OHHHHHHHH!")
Daniela: "Anne, seryoso ka ba?!"
Anne: "Of course, girl. First day special 'to."
Unang tinira ni Anne si Pierce (P.A.).
Anne: "O P.A., sino?"
Pierce: (medyo napangiti, sabay lingon saglit kay Kysha)
Class: "OHHHHHHHHHHH!"
Kysha: (nagulat, napangiti pero umiwas ng tingin)
Daniela (sa isip): "Okay… so confirmed, first crush niya si Kysha dati. Noted."
Anne (bulong kay Daniela): "Uy Dani, awkward kaya yung tingin niya kanina."
---
Sunod tinira ni Anne si Kell (Kent).
Anne: "Kent—este Kell. Your turn."
Kell: (lumilingon ng mabagal sa paligid, bago ngumisi at tumingin saglit sa likod… kung nasaan si Daniela)
Kell: "Secret. May thrill pag hindi sinasabi."
Class: "OHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!"
Daniela: "Anne, tumahimik ka!"
Anne: "Wala pa akong sinasabi~"
---
Si Zian tinira rin.
Anne: "Ikaw Zian?"
Zian: (tingin kay Daniela, then biglang iwas) "Pass."
Class: "Dareeee!"
---
Atmosphere?
Pure kalat.
Daniela?
Literal na nasa gitna ng tatlong tingin.