Cherreads

Chapter 62 - chapter 31 (TAGALOG)

 Kabanata 31: Ang Puso ng Sugo sa Dilim ng Plaridel

Sa gilid ng Plaridel kung saan makikita ang pook ng mga iskwater, makikita doon ang mga tagpi-tagping tahanan na sumasalamin sa kanilang kahirapan. Habang nagaganap ang malawakang man hunt sa plaridel, sumugod ang mga pulis sa mga tahanan ng mga pilipino at walang habas na kinaladkad ang mga tao palabas ng kanilang bahay, sapilitang inaresto ang mga Pilipinong pinaghihinalaang tumutulong sa Hustisya.

​Sinasaktan nila ang marami sa mga ito uoang hindi na lumaban pa sa oanikang pang aaresto, ang mga mukha ng ilan sa mga pilipino ay duguan at puro pasa habang umiiyak naman ang mga bata, kumakapit nang mahigpit sa kanilang mga magulang.

​"Ka-awaan nyo po kami, Senyor! Wala pong ginagawang masama ang aking ama!" sigaw ng isang siyam na taong gulang na batang babae, habang hinahatak ng isang pulis ang kanyang ama, si Mang Tonio.

" Senior, maaari naman nating pag usapan ito, magbibigay na lang kami ng bayad basta wag nyo lang akong ikulong. " Pagmamakaawa nito. 

​Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ng lalaki na nagpadugo sa kanyang labi.

​"Tigilan mo ang pagmamatigas at sumama ka nang tahimik, indyo!" sigaw ng pulis, at itinulak si Mang Tonio pahiga sa lupa. Sumigaw ang kanyang asawa, ngunit maging siya rin ay itinulak at bumagsak sa putik.

​Sa kabilang dulo ng lugar, nakatayo si Aling Rosa, isang matandang tindera, na nanginginig dahil sa takot. "Wala akong alam tungkol kay Hustisya, nakikiusap ako, wag nyo kaming itrato ng ganito!" pagmamakaawa niya, ngunit sinampal siya ng isang pulis, at napaupo siya sa dumi. Sumigaw ang kanyang apo ng makita ang pang aabuso ng mga pulis sa kanyang lola, "Huwag po! Maawa na po kayo sa lola ko, may sakit po siya!" ngunit sinipa siya ng pulis, kaya tumilapon ang bata at namilipit sa sakit. 

​Nagpatuloy ang mga pulis sa ginagawang kalupitan, kinukuha ang mga kalalakihan at kababaihan, kasama na ang mga kabataan tulad nina Isabela, isang estudyante, at Pedro, isang magsasaka. 

Sinira rin nila ang mga barung-barong at hinika ang mga tolda, nagkalat ang mga gamit ng mga pilipino sa lupa. Nabalot sa kaguluhan kabahayan ng mga pilipino sa lugar na iyon ngunit wala silang magawa kundi umiyak at magmakaawa.

​"Kung hindi ninyo isusuko si Hustisya, dadalhin namin kayong lahat sa bilangguan!" sigaw ng pinuno ng pulis, isang Kastila na may matalim na tingin sa mga babae.

Hinila nya ang dalaga at hinwakan ang mukha nito habang tinitignan mula ulo hanggang, "Maliban sayo, hindi parusa ang ibibigay ko sayo kundi kaligayahan. "

Hunatak nya ang babae papunta sa kanyang sasakyan at dahil sa nagpupumiglas ang babae at sumisigaw ay sinapak nya ito sa tyan dahilan para mapaluhod ang dalaga. 

Sinabunutan ng pulis ito at kinaladkad papunta sa sasakyan. Inutos nya sa mga tauhan nya na hulihin ang lahat ng mga naroon at kasuhan dahil sa pag tulong sa isang terorista. 

Nagsigawan ang mga tao at tahasan inaresto ng mga pulis ang lahat ng naroon, maging bata man o matanda. 

​Sa gitna ng kaguluhan, isang babae ang lumitaw sa itaas ng poste sa gilid ng kalsada. Kumikinang ang kanyang puting buhok habang sumasayaw sa hangin, at nag-aalab ang kanyang mga mata sa matinding galit.

Tumalon si ifugao sa bubong ng isang barung-barong, hawak ang kanyang mahiwagang pamaypay.

​Mabigat ang kanyang dibdib sa pang-aaping nasasaksihan niya, hindi sya makapaniwala sa nakikita, walang ibang nasa isip nya ngayon kundi ang iligtas ang mga inosenteng tao.

​"Itigil ninyo 'yan!" Umalingawngaw ang sigaw niya sa buong lugar na nagpatahimik sa mga tao.

​napahinto rin sa pag iyak ang mga bihag, nakatuon ang kanilang mga mata kay Ifugao, ang kanyang puting buhok ay tila tanglaw ng pag-asa sa dilim na bumabalot sa lugar.

​Bumulong ang isang lalaki, "Si Ifugao! Ang nakipaglaban sa mga terorista sa Pangasinan!" Kumalat ang bulungan sa karamihan, puno ng pagkamangha at pag-asa.

​"Ang bayani ng Pangasinan, nandito ba siya para iligtas tayo?" tanong ng isa.

​"Ikaw ang nasa balita, nakikipaglaban sa mga rebelde sa bundok, hindi ba?" tanong ng isang pulis. "Bakit ka nandito, Ifugao?"

​Tiningnan sila ni Ifugao, kalmado ngunit may awtoridad ang kanyang boses. "Nandito ako para bigyan kayo ng babala na tigilan na ang pang-aapi sa mga tao ng Plaridel."

​Ngunit tumawa ang pinuno ng pulis, isang Kastila na may mayabang na ngiti. "Sino ka para magpakita ng kayabangan dito, indyo? Ang mga taong ito ay mga kriminal, nakikipagsabwatan para patayin ang mga Kastila! Nilalabag nila ang batas ng gobyerno!"

​Hindi naniwala si Ifugao sa mga sinadabi ng pulis at patuloy na tinitigan ang mga bihag—mga magsasaka, tindera, mga bata—mga mukha ng inosente. 

"Hindi ninyo sila maaaring pagbintangan bilang mga kriminal nang walang sapat na patunay," sabi niya ng may matatag na boses. "Nakikiusap ako sa inyo, palayain nyo na sila o bigyan ng nararapat na proseso at may pagrespeto bilang mga mamamayan ng bansang ito."

​"Ang kapal ng mukha mong utusan kami, indyo!" singhal ng pulis, nawala ang ngiti nito at napalitan ng galit. 

"Hindi kami makikinig sa kagaya mo! Isa ka rin naman kriminal kagaya nila, sumasalungat ka rin sa panamalakad ng Kastila. Kaya natural lang na kakampi ka sa kapwa mo kriminal!"

​"Hindi ako kriminal," sagot ni Ifugao, hindi nagbabago ang kanyang matapang na tingin. "Kinamumuhian ko ang karahasan, at naniniwala akong hindi ko na kailangan pang makipag laban sa inyo kung makatarungan ang pakikitungo ninyo sa aking mga kababayan."

​Ngunit muling tumawa ang pulis na sinabayan ng kanyang mga tauhan. "Kailangan naming disiplinahin ang mga indyo na tulad mo para turuan kayo ng leksyon at matutong sumunod sa batas!" sigaw niya, itinuro ang mga kaawa awang bihag. "Kung hindi kayo lumabag sa batas, hindi kayo magdurusa nang ganito!"

​Nakita ni Ifugao ang duguan na mukha ng mga kalalakihan, ang mga pasa sa braso ng babae, at ang isang batang umiiyak habang yakap ang kanyang anak.

 Narinig niya ang mga batang nagmamakaawa, "Tulongan nyo po ang nanay ko! Nakikiusap po ako!" nakaramdam sya ng kirot sa dibdib dahil sa awa na lalong nag patindi sa kanyang galit ngunit huminga siya nang malalim upang pakalmahin ang sarili.

​"Bibigyan ko kayo ng huling pagkakataon," kalmado nyang sambit na may seryosong tono ng boses. "Tratuhin nyo sila nang maayos at bigyan ng nararapat na proseso ng paglilitis. Kung nagkamali man sila sa inyong batas ay kailangan na patunayan ninyo ito ng hindi gumagamit ng karahasan."

​Humalakhak lang ang pinuno ng pulis na tika ba binabale wala ang sinasabi ni Ifugao. "Kami ang batas dito, indyo! Nasa Plaridel ka, teritoryo ng Kastila! Wala kang karapatang magyabang dito at utusan kami sa dapat naming gawin."

​Pumikit si Ifugao habang patuloy na pinapakalma ang sarili, mabigat ang kanyang puso dahil kahit gustuhin nya matapos ang lahat sa payapang paraan ay alam nyang hindi ito mangyayari dahil sa kahambugan ng mga kastilang nasa harapan nya. "Kung ganyan katigas ang mga ulo nyo ay wala akong pagpipilian," sabi niya. "Maaaring hindi ako taga rito, ngunit hindi ako mananahimik habang inaabuso ang kapwa ko pilipino."

​Naglabas ng asul na enerhiya ang katawan ni ifugao at sa pagkumpas lang ng mapaypay ay napalitan ito ng dalawang arnis, na sinalo niya nang may kumpiyansa. "Pagsisisihan ninyo ang inyong kayabangan," deklara niya, nag-aalab ang mga mata sa determinasyon.

​Tumawa ang pinuno ng pulis na may paghahamon na tono, kinukutya ang arnis na hawak nito. " maliit na kahiy lang ang sandata mo, indyo? Ano 'yan, mga laruan?" pang-iinis niya, at humagikgik ang kanyang mga tauhan. Itinaas ng pulis ang kanilang mga baril at itinutok sa kanya. 

 Napapalibutan si Ifugao ng labindalawang pulis habang nakatutok ang kanilang mga riple. "Nasa teritoryo ka namin, Ifugao! Wala kang laban sa amin!"

​Matapang silang hinamon ni Ifugao. "Subukan ninyo ako," buo ang loob niyang sinabi sa mga ito.

​Sumiklab ang laban nang magpaputok ang unang pulis. Sa isang kisap-mata, lumundag si Ifugao patagilid, nagmintis ang bala at tumama sa isang poste.

Umikot ang kanyang arnis sa kanyang mga kamay na parang kambal na buhawi, at sa isang mabilis na pag atake, pinatumba niya ang unang pulis, bumagsak ang riple nito sa putik. " Anong nangyari? Napaka bilis nya gumalaw. " 

Natigilan sa pagkilos ang kanyang mga kasamahan dahil sa pagkabigla ngunit mabilis na sumugod ng sigawan sila ng kanilang pinuno. 

Nagoatuloy ang labanan, matapang na nakipagsabayan si ifugao sa mga ito. Isa sa mga pulis ang sinubukan hiwain ito ng espada, ngunit pinaikot ni Ifugao ang isang arnis, sinunggaban ang pulso ng lalaki, nagawang masipa nito ang pulis kaya tumilapon ito sa isang kariton ng gulay.

 Sumugod ang isa pa mula sa kanan, nakahanda ang riple, ngunit sa mabilis na pag-ikot, hinampas ni Ifugao ang tuhod nito dahilan para bumagsak ang pulis sa lupa at humahagulhol sa sakit. 

Wala silang magawa laban sa kanya, itinapon sila na parang mga laruan sa bawat hampas. Kahit anong gawin nila ay kayang iwasan ni ifugao ang mga bala ng baril kahit sa napakalapit na distansya. 

​habang ang mga pilipino na nanonood sa gilid, ay natutuwa sa nasasaksihan nagniningning ang kanilang mga mata sa pag-asa, bagamat hindi sila naglalakas-loob na magsalita. Sumigaw ang mga bata, "Kaya mo 'yan, Ifugao!"

​"Patayin ang halimaw na indyo na 'yan!" sigaw ng pinuno, at tatlong pulis ang sabay-sabay na sumugod, nagpaputok ng kanilang mga riple. Tumalon naman si Ifugao sa bubong ng isang barung-barong para umiiwas habang binabasag ng mga bala ang mga dingding na kahoy sa ilalim.

​Nang makita niyang nagkakarga ulit ang mga pulis ng mga bala, inihagis ni Ifugao ang kanyang arnis at tinamaan ang dalawang pulis sa ulo dahilan pra mawalan sila ng malay. 

Lumundag siya pababa, sinipa ang isa pa sa kabilang kalye, ngunit paglingon nya ay sumalubong ang bala sa kanyang noo, na nagpatigil sa kanya sandali. 

"Natamaan sya!" sigaw ng bumaril, ngunit ang kanyang tuwa ay mabilis napalitan ng pagkagulat nang humarap si Ifugao, walang galos, kahit isang gasgas. "A-al-alam ko na tinamaan ko siya sa ulo!" nauutal na sabi ng pulis.

​Ang arnis na ibinato nya kanina ay mag isang bumalik sa kamay ni Ifugao, at agad syang tumalon, sinipa niya sa ulo ang pulis na bumaril sa kanya na agad na nawalan ng malay. 

Hindi makapaniwala ang mga pulis ng mapagtanto na hindi rin tinatablan ng baka ng baril si ifugao, galit na galit naman ang pinuno ng mga pulis atsumigaw, "Gamitin ang shotgun!" Naglabas ang isang pulis ng isang malaking baril, nakatutok ang dulo nito kay Ifugao.

​Habang nakikipaglaban si Ifugao sa dalawa pa ng pulis na parang mga bata na pinaglalaruan ay hindi niya napansin ang shotgun na nakatutok sa kanya. 

Nagpaputok ang pulis at umalingawngaw ang nakakabinging putok nito habang tumilapon naman bigla si ifugao sa pagtama nito sa katawan nya at bumagsak sa lupa. Nakaramdam ng takoy ang mga bihag, nabalot ng pangamba habang namayani ang katahimikan sa paligid dahil ang bayaning inaasahan nila ay walang kibo na nakahiga sa putik.

​Naghiyawan ang mga pulis, sumisigaw ng tagumpay "Patay na ang indyo!" Ngunit ilang segundo lang ay tumayo si Ifugao na parang walang nangyari, tanging galos lang ang meron sa kanyang balat. 

"Walang bala o talim ang makakapatay sa isang sugong tulad ko," deklara niya, puno ng matinding pasya ang kanyang boses.

​Nanamlay sa takot ang mga mukha ng pulis dahil kahit ang shotgun ay walang nagawa para mapatay ang kanilang kalaban. "Imposible!" sigaw ng pinuno ng mga pulis ngunit hindi na binigyan ni Ifugao ng pagkakataon ito na kumilos. Inatake niya ang pinuno, ang kanyang arnis ay umiikot na parang buhawi.

​Hinampas niya ang balikat ng isang pulis dahilan para matumba ito, at hinatak ang riple nito gamit ang kanyang kaliwang kamay para maihagis ito nang malayo, kung saan tumama ito sa isang puno.

​Sinubukan ng isa pa na sasaksakin si Ifugao sa likod, ngunit sinalag niya ang talim gamit ang isang arnis, umikot sya at sinipa ang likod nito, kaya nawalan ito ng malay at bumagsak sa lupa.

​Naghiyawan ang mga pilipino, ang mga bata ay sumisigaw na tila umaawit, "Ifugao! Ifugao!" Dalawang pulis ang nagtangkang tumakas papunta sa kanilang sasakyan, ngunit lumundag si Ifugao agad na sinuntok ang isa sa mukha at sinipa ang isa pa na humampas sa dingding sa sobrang lakas ay agad na nawalan ito ng malay. 

Sumigaw ang pinuno sa sobrang galit, "Huwag nyo akong iwan dito, mga duwag !" sa sobrang taranta ay tumakbo ito sa ibang dereksyon, nagtago sa likod ng isang barung-barong sa gitna ng mga basurahan.

​Agad syang hinabol ni Ifugao, kalmado ngunit may layunin ang kanyang mga hakbang. Sa isang pag kumpas ng kanyang arnis, pinatumba niya ang mga kahon para ilantad ang nagtatagong pulis. 

"Dito na matatapos ang iyong kayabangan," sabi ni Ifugao, sinubukan pang humawak ng espada ng pulis at umakmang aatake pero sa isang mabilis na hampas sa ulo ay bumagsak ang pinuno at agad nawalan ng malay sa putik.

​Natapos ang labanan nang walang dumanak na dugo. Pinalaya ni Ifugao ang mga bihag mula sa kanilang tali at tinulungan ang mga matatanda tulad ni Aling Rosa na makatayo. Tumakbo ang mga bata upang yakapin ang kanilang mga magulang. "Umuwi na kayo," sabi niya, "at magpahinga. Huwag na kayong lumabas ngayong gabi."

​Tiniyak ni Ifugao na makakaalis ang lahat, nakatayo sa gitna ng lugar ng mga bahay sa iskwater habang nakatanim ang kanyang arnis sa lupa. Nagpasalamat sa kanya ang mga tao habang umaalis sila, ang kanilang mga mata ay puno ng pag-asa. 

Lumapit ang batang lalaki sa kanya, nagniningning ang kanyang mga mata. "Salamat po, ate Ifugao! Mabuti at dumating po kayo!" sabi niya, napangimiti si Ifugao habang ginugulo ang buhok ng bata.

​Ngunit bigla, isang nakakakilabot na presensya ang bumalot sa lugar. Lumamig ang hangin sa paligid na nag panginig sa kanyang katawan. Alam niya agad na isang makapangyarihang nilalang ang malapit lang sa kanya, ngunit hindi nya ito kayang makita.

 Nagpalipat-lipat ang kanyang mga mata, sinuri ang paligid para hanapin kung saan nagmumula ang presensya, ngunit tahimik lang ang lugar at walang bakas ng mga kalaban, maliban sa mahinang kaluskos ng hangin.

​"Umalis na kayo rito,dalian nyo!" udyok niya sa ilang nananatiling residente.

​Lumundag siya sa isang poste, mahigpit na hinawakan ang kanyang arnis, hinahanap ang pinagmulan ng presensya. Minsan nya ng naramdaman ang napakalakas na presensya na iyon nung makaharap nya ang isang heneral sa pangasinan. 

"Sino ka? Magpakita ka!" sigaw niya, ngunit hindi ito sumagot. Bumilis ang tibok ng kanyang puso dahil nararamdaman na hindi ito ordinaryong kalaban.

​Pagkatapos lang ng ilang segundo, isang presensya ang sumalubong sa kanyang likuran. Bago siya makalingon, isang napakalaking kamao ang lumitaw mula sa dilim, tinamaan ang kanyang likod na parang kidlat. Ang puwersa ng pag atake nito ay nagpatilapon sa kanya sa isang barung-barong, nagkalat ang kahoy habang lumipad ang alikabok sa paligid.

​Naramdaman niya ang sakit ng katawan—isang bagay na hindi niya inaasahan na makuha. Alam nya na tanging kapangyarihan lamang na nag mula sa kalikasan ang maaaring makasakit ng labis sa isang sugong tulad niya. 

Naisip niya agad na Isang sugo rin ang may gawa ng pag atake. Naramdaman nya muli ang papalapit na ang isa pang atake, kaya mabilis siyang tumayo at lumundag sa bubong ng isa pang barung-barong.

​Hinanap niya ang higanteng kamao sa paligid, matalim ang kanyang mga mata nagmamasid sa dilim. 

Naglabas si Ifugao ng enerhiya kung saan nagliwanag ang kanyang arnis ng asul na liwanag at unti unting naging isang pulang espada na may built-in na baril, handang sumalubong sa susunod na pag atake. 

Sa katahimikan ng paligid lalong lumalakas ang presensya, tila humahamon sa kanya. Bigla, napansin niya ang isang anino na tumatakip sa kanyang posisyon, na tila isang malaking nilalang ang nakatayo sa itaas nya mismo.

​Tumingala siya sa itaas, lumaki ang kanyang mga mata at hindi paniniwala nangakita ang isang dambuhalang kamao na gawa mula sa mga ugat at bato na kasinglaki ng isang bus, mabilis ito na bumabagsak sa kanya uoang durugin.

 Sinubukan niya namang salagin ang pag atake gamit ang kanyang espada, na pumipintig sa kanyang kapangyarihan, ngunit sadyang napakalakas ng puwersa ng kamao. Lumubog ang kanyang mga paa sa bubong at gumuho ang tinatapakan nya dahilan upang mapatilapon sya pabalik sa loob ng barung-barong. 

Sumunod ulit ang kamao at pumasok para durugin siya, umalingawngaw ang tunog ng bawat suntok na syang gumawa ng pagkawasak sa buong bahay. 

​ilang saglit pa muling lumipad palayo ang kamao, mahigpit na hinawakan si Ifugao at iniipit ng mga daliri. Nagpumiglas makawala si ifugao, ngunit inihagis siya nito sa lupa, ang kanyang katawan ay umukit ng butas sa lupa. 

Sa unang pagkakataon, umubo siya ng dugo, dahilan para mapatigil dahil sa sakit na naramdaman. Ngunit alam niyang hindi siya maaaring magpahinga, nararamdaman nya na nasa pligid nya parin ang higantengkamao. 

Tumayo siya, mahigpit na hinawakan ang kanyang espada, ang talim nito ay nagliliwanag sa enerhiya, handang harapin ang pag atake nito. 

​Habang sumusugod muli ang kamao, nagpakawala si Ifugao ng isang atake, ang kanyang espada ay naglabas ng nag-aapoy na enerhiya na humati sa kamao sa dalawa.

 Ang mga parte ng kamao ay bumagsak sa kanyang gilid, at muling namayani ang katahimikan sa paligid. Hindi niya alam kung tapos na ang labanan, ngunit nanatili ang presensya ng sugo na nag uutos sa higanteng kamao. 

​Sumigaw siya, "Sino ka? Magpakita ka! Ano ang gusto mo?" Walang sagot sa kanyang mga tanong kundi ang nakakabingi ang katahimikan. Pagkatapos ng ilang segundo narinig niya ang kaluskos ng mga gulong sa kanyang kaliwa at lumingon.

​Doon, nakita niya ang isang pigura ng tao na nakasakay sa isang wheelchair na nagpakaba sa kanyang puso. Hindi niya alam kung bakit, ngunit ang presensya ng taong iyon ay nagmul sa enerhiya ng isang sugo. 

Nakasuot ang matandang lalaking ito ng magarang puting damit, na nagpapahiwatig ng yaman nito. "Sino ka? Ikaw ba ang umatake sa akin? Isa ka bang sugo ng mga diwata?" tanong ni Ifugao.

​Ngumiti lamang ang matandang lalaki habang tahimik na nakatingin. Bahagyang naibaba ni Ifugao ang kanyang espada para sana kausapin pa ito ngunit natigilan sya nang mapansin niya ang insignia sa damit nito. "Ang mga markang nya… tulad ng heneral sa Pangasinan," naisip niya, nakilala nya ang badge ng isang opisyal ng Kastila. Napagtanto nya na ang sugong kaharao nya ay maaaring kaalyado ng mga Kastila.

​Hinawakan niya ang kanyang espada, agad na inihanda ang sarili para lumaban, ngunit natigilan sya habang napansin ang pag atake ng kanyang kalaban. Hindi nya inasahan ang bilis ng pag atake nito at tila ba bumagal ang oras sa mundo habang nakikita nya na papalapit sa kanya ang dalawang higanteng kamao, na lumabas mula sa magkabilang gilid nya. 

​"Hindi ko sila maiiwasan," naisip niya. Sa isang iglap, nagbanggaan ang mga kamao na tila pumalakpak na kamay, dinurog siya sa pagitan ng mga palad nito. Binalot ng katahimikan ang lugar habang nananatili siyang nakulong sa loob.

​Nang maghiwalay ang mga kamao, bumagsak si Ifugao na hinang hina ang katawan, napasuka sya ng dugo habang nanginginig ang mga braso. Gayunpaman pinilit nya na bumangon.

 Habang dahan dahang tumatauo ay biglang sinunggaban siya ng isang kamao, dinakma sya at inihagis siya sa isang barung-barong. Habang lumulubog ang araw at nababalot ng dilim ang gabi, isang kamao ang dumakma sa katawan nito at ibinato sya sa dingding upang siguraduhin na hindi na ito muling lalaban pa. 

​Ang mga residente, na nagtatago sa loob, ay nakadapa sa sahig sa takot na madamay, nagdarasal dahil sa takot at walang magawa sa mga nagaganap. 

​Bumalot ang alikabok paligid at nang lumabas ang lumulutang na kamao paitaas ay hawak na nito ang walang malay na si Ifugao, duguan habang ang kanyang puting buhok ay umiindayog sa hangin .

​Umakyat pa ang kamao paitaas, dala-dala siya patungo sa dilim ng gabi. Ang mga nakasaksing pilipino sa paligid ay hindi makapaniwala sa nangyari kay ifugao, mabigat ang kanilang mga puso sa takot at puno ng mga tanong. Sino ang nasa likod ng pag-atakeng ito? Saan dinala si Ifugao?

" Ifugao.. Sana ok ka lang. " Bulong ng bata habang nag aalala sa kanyang bayani

​Ang Plaridel ay muling nababalutan ng anino ng kawalan ng katiyakan at pag asa habang bumubulong ang mga tao ng pagmamakaawa at pagdarasal para sa bayaning nagligtas sa kanila.

​Wakas ng Kabanata

More Chapters