Kabanata 30: Dilim sa Bayan, Liwanag sa Puso
Unti-unting sumikat ang araw sa bayan ng Plaridel, ngunit ang ginintuang sinag nito ay tila napakahina para tuluyang magtaboy sa kadiliman at takot na bumabalot sa bayan.
Habang naglalakad sina Georgia at Erik patungo sa simbahan, napansin nila ang mga tao sa kanilang paligid—nakatutok sa lupa ang mga mata na tila natatakot, ang bulungan sa paligid ay puno ng pangamba, at ang kanilang mga hakbang ay mabillis at nagmamadali na tila may panganib na nagkukubli sa bawat sulok ng bayan .
Habang ang mga pulis naman ay naglalakad sa daan at nililibot ang bawat kanto, ang tunog ng kanilang bota ay maingay na tumutunog sa paglalakad sa kalye na bato, habang ang kanilang mga riple ay nakasabit sa balikat na tila ba handang gamitin anumang oras.
Sa pader ng isang tindahan, nakapaskil ang mga wanted poster ni Hustisya na may kasamang pabuya at babala.
"Hustisya: Wanted Dead or Alive," ang nakasaad sa poster, kasama ng isang babala ng matinding parusa para sa sinumang tumulong o magtatanggol sa kanya.
Isang pulis ang nakatayo malapit sa poster na sumisigaw sa mga tao na mga dumadaan. "Ang sinumang kumupkop sa kriminal na indyo na ito ay haharap sa galit ng batas ng bayan ng plaridel! Makikipagtulungan kayo sa amin upang hulihin si Hustisya, sapagkat siya ang nagdadala ng panganib saating lahat dito sa ating payapang bayan!" Ang kanyang boses ay puno ng pananakot, habang ang mga tao ay nakayuko dahil sa takot na salubungin ang kanyang tingin.
Napansin ni Georgia si Aling Linda, isang matandang babae, na nanginginig habang mahigpit na hawak ang kanyang basket ng gulay. "Maawa po kayo, señor, wala po akong alam tungkol kay Hustisya," pakiusap ng matanda nang lumapit ang isang pulis.
"Huwag kang magsinungaling, indyo!" sigaw ng pulis, at itinulak si Aling Linda. Tumumba ang basket nito, at nagkalat ang mga gulay sa lupa. "Kung may alam ka, magsalita, kundi ay kakaladkarin kita papunta sa presinto!"
Umiyak si Aling Linda, nanginginig ang mga kamay. "Sinusumpa ko po, wala akong alam sa sinasabi nyo, pakiusap!" sigaw niya, hanggang sa umalis na lang ang pulis na tila walang nangyari, habang ang mga nanonood ay nanatiling tahimik, masyadong takot upang mamagitan.
"Wala silang puso, nakita mo ba ang ginawa nila sa kawawang babae na iyon?" bulong ni Georgia, ang kanyang mga mata ay nagliliyab sa galit.
"Paano nila magawang tratuhin ng ganito ang mga taga-Plaridel?"
Hindi nagawang makasagot si Erik dahil sa pagkabagabag, ngunit nakita ni Georgia na kinuyom nito ang kanyang kamao dahil sa galit. Alam niyang pareho sila ng nadaramang pagkamuhi sa mga kastila, ngunit ang pananahimik nito ay lalo lamang nagpainit sa galit ni Georgia. Alam nya na mabait na tao si erik at hindi nito kayang tiisin ang mga nakikitang kalupitan.
Habang naglalakad sila, napansin nilang halos wala nang nagtitinda sa kalye at ilang tao na lang ang naglalakad dahil na rin sa takot.
"Bawal na magtinda sa labas ng palengke," bulong ng isang tindero, mabilis na inaayos ang kanyang kariton.
"Kapag nahuli kami, ikukulong kami ng mga Kastila."
Puno ng pagkadismaya sina erik at Georgia sa narinig habang pinagmamasdan ang kanilang paninda.
"Ano na ngayon, Erik? Hindi tayo makakapagbenta ng isda," sabi ni Georgia, ang kanyang boses ay nababalutan ng pagkadismaya. Kahit na malungkot ay napangiti na lang sa kanya si erik at inaya na lang syang umuwi para magluto ng pananghalian.
"Ano ba ang gustong gawin ng mga Kastilang ito? Sila ang tunay na panganib dito sa plaridel, hindi si Hustisya!" matapang na sambit ng dalaga.
"Georgia, hinaan mo ang boses mo," bulong ni Erik, kinakabahan habang lumingon sa paligid. "Baka marinig ka ng pulis at madamay ka sa gulo."
Ang mga mata ni Georgia ay nagliyab sa matinding galit. "Bakit ako mananahimik? totoo naman ang sinasabi ko! Matagal ng inaapi ng mga Kastila ang mga Pilipino, Erik! Kung wala si Hustisya, sino ang lalaban para sa atin? Siya ang tunay na bayani ng Plaridel!"
"Georgia, pakiusap, kumalma ka muna," pag-udyok ni Erik, ang kanyang tono ay puno ng pag-aalala. "Sumasang-ayon naman ako na marangal ang layunin ni Hustisya, ngunit ang pamamaraan niya…sa tingin ko....hindi yun tama."
Natigilan si Georgia sa narinig at parang hindi makapaniwala, ang kanyang galit ay lumipat kay Erik. "Ano? Kumakampi ka ba sa mga Kastila? Gusto mo bang mahuli rin nila si Hustisya?" sigaw niya habang tumataas ang boses.
Nasaktan ang kalooban ni Georgia sa mga nririnig kay erik dahil pakiramdam nya na nais nito na mahuli sya ng mga kastila at nag gagalit dahil hindi sya kayang unawain ng binata.
"Hindi iyon ang ibig kong sabihin!" paglilinaw ni Erik, ang kanyang mukha ay nabalot ng kalungkutan. "Alam ko naman ang sitwasyon ng mga Pilipino sa plaridel, Georgia. Nakita ko rin kung paano nila inabuso ang ating mga kababayan. Pero narinig ko rin na pumapatay si Hustisya ng mga Kastila, at… parang hindi iyon tama."
"Karapat-dapat silang mamatay, dahil mga demonyo ang mga kastila iyon. " pagputol ni Georgia, hindi nya nakontrol ang kanyang galit. Bago pa siya makapagsalita ng mas maraming mapanumpang salita, hinawakan siya ni Erik at tinatakpan ang bibig ng dalaga habang bakas sa mga mata ang takot.
"Georgia, tumahimik ka! Baka may makarinig sa iyo!" bulong niya habang hinihila ang dalaga sa loob ng isang lumang gusali sa tabi ng kalsada. Nagpumiglas si Georgia, at itinulak si Erik para makawala sa pagkakahawak nito, ngunit nanatili itong matapang.
"Bitawan mo nga ako, Erik!" sigaw niya, ang kanyang boses ay bahagyang naapula ngunit nagngingitngit.
"Bakit mo ako pinatatahimik? Hindi ko matatanggap na inaabuso ang mga Pilipino at hinuhuli sa sarili nilang bayan na parang mga kriminal! Kung walang lalaban tulad ni Hustisya, sino ang tutulong saatin? Hanggang kailan ba natin ito titiisin?"
Naunawaan ni Erik ang galit ni Georgia at hinintay siyang kumalma bago magsalita. "Alam ko, Georgia, galit din ako. Pero wala tayong kapangyarihan laban sa mga Kastila. Kapag nahuli ka nila, paparusahan ka nila."
Tumingin si Georgia sa kanya nang may katapangan. "Wala akong pakialam! Hindi ako natatakot sa mga Kastilang iyon!"
Ngunit ang sumunod na salita ni Erik ang nagpatigil sa kanya, Nagsalita ito na may takot at pag-aalala para sa dalaga. "Pero may paki ako.... natatakot ako, Georgia. Ayokong masaktan ka o pahirapan ng mga Kastila." malungkot nitong sambit.
Tumahimik bigla si Georgia habang namumula ang kanyang pisngi sa mga salitang narinig mula kay erik. Ngunit sa halip na pasasalamat, nagalit siya sa binata. "Nakakainis ka, Erik! Pinipigilan mo akong sabihin gusto kong sabihin, alam mo ba kung ano ang pakiramdam ng hindi makalaban? Pati ba ang magsabi ng nararamdamang galit ay ipagbabawal nila saatin?!"
Humakbang palapit si erik sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay bikang pagdamay sa nararamdamang kalungkutan ng dalaga.
"Alam ko, at humihingi ako ng tawad para doon. Magalit ka sa akin, ngunit pakiusap, pakinggan mo muna ako sa ngayon," pakiusap ni Erik, hinila nya ang kanyang kamay habang palabas sila sa gusali. "Umuwi na tayo bago pa tayo madamay dito."
Wala nang nagawa si Georgia kundi sumunod habang hinihila sya ng binata, bagama't nanatili ang kanyang galit. Habang naglalakad sila sa kalye, na daanan nila ang isang kaguluhan.
Sa malayo, may isang grupo ng pulis ang sapilitang umaaresto ng mga lalaki, habang ang kanilang mga asawa at anak ay humaharang sa daan, umiiyak at nagmamakaawa.
"Maawa po kayo, señor! Wala pong ginagawang masama ang asawa ko!" sigaw ng isang babae, kumakapit sa braso ng kanyang asawa, ngunit itinulak siya ng isang pulis, at bumagsak siya sa lupa.
"Tatay!" sigaw ng isang pitong taong gulang na bata, hinawakan ang binti ng kanyang ama, ngunit sinipa siya ng isang pulis, at bumagsak ang bata sa lapag.
Kumulo ang dugo ni Georgia sa nakita. "Mga walanghiyang kastila!" bulong niya, ngunit sapat ang lakas ng kanyang boses para marinig ng isang pulis na malapit sa kanilang kinatatayuan.
"Anong sabi mo, indyo?" sigaw ng pulis, lumapit kay Georgia. "Ulitin mo nga ang sinabi mo!"
Hindi natinag ang dalaga at matapang na sinalubong ni Georgia ang kanyang tingin. "Huwag mo akong hawakan, demonyo ka!" sigaw niya, at sinampal ang kamay ng pulis nang akmang aabutin siya. Nagalit ang pulis, itinaas ang kanyang kamay upang sumuntok, ngunit humarang si Erik sa pagitan nila.
"Señor, pakiusap, huwag ninyo siyang saktan!" pakiusap ni Erik, nanginginig ang boses sa pag-aalala. "Hindi niya iyon sinasadya, pakiusap hayaan na lang po ito!"
Sinampal ng pulis si Erik na syang nagpabagsak dito, ang tunog ng sampal ay umalingawngaw sa boung lugar. "Huwag kang makialam, indyo!" singhal niya.
Sumiklab ang galit ni Georgia sa nakitang pananakit kay erik at napasigaw,
"Wala kayong karapatang saktan kami! Mga abusadong kastila, magaling lang kayo sa pag-inom at pambu-bully, mga wala naman kayong silbi sa bayan na ito!" Ang kanyang mga mata ay nagliliyab sa galit.
"Ikaw na walang-galang na indyo, kailangan mong disiplinahin!" sigaw ng pulis, itinaas muli ng pulis ang kanyang kamay, ngunit hinawakan ni Erik ang braso nito upang pigilan.
"Señor, huwag! Ako na ang magbabayad para sa kanyang ginawang pagkakamali!" sabi ni Erik, agad na kinakapa ang kanyang pitaka at naglabas ng pera.
Bago pa niya maabot ang pera, hinila ni Georgia ang kanyang damit. "Erik, huwag! Hindi ako papayag na magbayad ka sa mga Kastilang buwaya na iyan!" galit na sambit nito.
Napainsulto ang pulis at kwinelyuhan ang binata pero agad nya rin inagaw ang pera mula sa kamay ni Erik. "Matalas ang bibig ng babaeng kasama mo," ngisi niya kay Erik. "Dapat turuan mo ng magandang asal ang girlfriend mo!"
"Hindi ko siya girlfriend," mabilis na sagot ni Erik. "Kaibigan ko lang siya."
Tumawa ang pulis, nagulat. "Kaibigan mo lang sya? Napakabait mo naman para ipagtanggol siya ng ganyan, pwede kitang parusahan at dalhin sa presinto sa ginawa nyo ng kaibigan mo!"
"Paki usap, nag mamakaawa ako. Palagpasin nyo na po ang ginawa nya. Importante sya saakin dahil para ko na siyang nakababatang kapatid," kalmado na sabi ni Erik.
"Hindi na alam ng kapatid ko minsan ang ginagawa nya kaya sana patawarin nyo na sya" Nakayukong paki usap ng binata.
Natigilan si Georgia sa narinig na tika hindi nya inaasahan ang mga sinabi ni erik, ang kanyang galit ay tila naglaho at napalitan ng pagkabigla at pagkirot ng dibdib.
"Kapatid? "Ang salitang iyon ay tumusok sa kanyang puso na parang balaraw. Tinitigan niya si Erik habang nakayuko ito sa harap ng pulis, ang kanyang mga mata ay puno ng kalungkutan habang nararamdaman ang sakit ng kalooban.
Pumayag naman ang pulis na palampasin ang insidente, habang binibilang ang pera. "Mapalad ang kapatid mo at may nagbabayad para sa kanya," sabi niya, at umalis na tila walang nangyari.
nang makalayi ang pulis ay doon palang naka pag bumuntong-hininga si Erik na tila nabunutan ng tinik sa dibdib, lumingon sya kay Georgia na may ngiti. "Umuwi na tayo," sabi niya, ngunit sinalubong sya ng matalim na tingin ng dalaga.
"Bakit ganyan ka makatingin sa akin?" tanong niya habang nagtataka.
Hindi sumagot si Georgia sa tanong nito, ang kanyang mga mata ay matapang lang na nakatitig. Ilang sandali pa tinalikuran niya ito at naunanh umalis,
Bakas sa dalaga ang pagkayamot habang itinatago ang sakit ang kanyang puso. Hindi nya inaasahan na marinig sa binata na tatawagin syang Kapatid na ngayon ay patuloy na Umalingawngaw sa kanyang isip.
Nagtaka naman ang binata kung bakit tila nagagalit nanaman si Georgia at tinawag ang kaibigan, "Georgia, hintayin mo ako! Teka galit ka ba?"
🚶♂️ POV ni Erik
Makalipas ang ilang oras, dahil nga sa hindi kami makapagtinda ay umuwi na lang kami sa bahay. Nakaupo ako sa isang duyan sa likod ng bahay, sinusubukang magpahinga mula sa kaguluhan ng araw na iyon.
Ang takot sa mga mata ng mga taga-bayan, ang nagliliyab na galit ni Georgia, ang pagtatalo sa pulis ay patuloy na naglalaro sa aking isip, nag-iiwan sa akin ng pangamba lalo na hindi ko alam kung hanggang kelan ito mangyayari.
Hindi ko na alam kung ano ang maaari kong gawin. Pero habang nag-iisip, nagulat ako ng may biglang pumalo sa aking ulo. Napaharap ako bigla at lumingon upang makita kung sino ang humampas saakin. Doon ko nkita si Hiyas na nakatayo sa harap ko na may matalim ang mga mata.
"Anong ginagawa mo rito, Hiyas?" tanong ko, kinukusot ang ulo ko na hinampas nya.
Pinalo niya ulit ako ng kanyang payat na patpat. " Humahanga ako sayo dahil may oras ka pa na magpahinga sa oras na ito, Erik" sabi niya, ang kanyang boses ay may bahid ng pang-aasar.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko, naguguluhan.
"Lumalala ang sitwasyon sa bayan ng Plaridel, Erik. Kailangan mo ng kumilos!" Sabi ni Hiyas na may pag uutos na tono.
"Alam ko naman, Hiyas," sagot ko habang bumuntong-hininga. "Hinuhuli nila si Hustisya,m at inaaresto ang sinumang pinaghihinalaang tumutulong sa kanya. Ngunit ano ang magagawa ko? Wala akong kapangyarihan sa bayang ito."
Napabunting hininga si Hiyas, ngunit ang kanyang tingin ay nanatiling matalas. "Kung wala kang gagawin, muling aatake si Hustisya—at patuloy siyang papatay ng mga Kastila."
"Alam ko," sabi ko habang may pag aalinlangan saakin isipan. "Hiyas, tama ba na pigilan ko si Hustisya? Paano kung tama siya, at ako ang mali? Nakita ko kung paano tinatrato ng mga Kastila ang ating mga kababayan. "
Napailing ako kay hiyas habang sinsabi na. "Galit na galit din ako sa kanila!"
Sandaling nanahimik ang lugar habang tinitignan lang ako ni Hiyas, ang kanyang ekspresyon ay may bahid ng kalungkutan na tila nadidismaya.
"Dahil ba sa nagagalit ka tulad ni Hustisya, gusto mo ring pumatay ng Kastila para iligtas ang mga Pilipino?"
Umiling ako agad at itinanggi ito. "Hindi! Ayokong may mamatay na sino man!"
"Ngunit nagdududa ka pa rin kung dapat nga bang pigilan si hustiya, hindi ba?" tanong ni Hiyas. Hindi ako nakasagot sa tanong nyang iyon at nanatiling nakayuko.
Ilang sandali pa ay lumapit siya saakin, dahan-dahang hinawakan ang aking pisngi gamit ang dalawang kamay at tinitigan niya ang mukha ko.
Noong hawakan nya ako sa pinsgi ay naramdaman ko ang isang mainit na enerhiya na dumaloy mula sa kanya patungo sa akin, parang isang mainit na enerhiyang mula sa kalikasan ang sumasama sa aking kaluluwa.
"Normal lang ang magduda, Erik. Normal lang ang mag-alinlangan. Sadyang mahina ang kagaya mong tao, at kailangan mong tanggapin ang mga kahinaan na iyon."
Bigla nyang inilapit pa ang mukha nya saakin, ang kanyang noo ay dumikit sa aking noo na halos magdikit ang aming mga ilong, at naramdaman ko muli ang kanyang enerhiya na muling umaagos sa akin katawan, magaan at nakakakalma, pinapawi ang kaguluhan ng aking isip.
Napakadalisay at pakiramdam ko ay nasa isa akong maaliwakas na lugar, isang paraiso. Ang kanyang mga salita ay umalingawngaw sa aking tainga sa bawat bigkas.
"Sa sandaling ito, Erik, nagkakaugnay tayo. Malalaman natin kung ano ang ating mga nasa puso, kung naiintindihan natin ang isa't isa," sabi niya, ang kanyang boses ay mahinahon at mapayapa. "Nagtitiwala ako sa iyo, dahil alam kong kaya mong baguhin ang nangyayari mali sa bansang ito."
Tumahimik ako, ang kanyang mga salita ay tumagos sa aking puso. "Ang pagiging bayani ay isang mabigat na pasanin," patuloy ni Hiyas.
"Minsan, hindi ito tungkol sa kung ano ang tama o mali para sa lahat. Kung patuloy na papatay si Hustisya ng mga Kastila, lalong lalaki ang galit ng gobyerno sa mga Pilipino at maaari nilang saktan ang mga inosenteng tao. Hindi lang si Hustisya ang kailangan mong iligtas, Erik. Kailangan mong protektahan ang buong Plaridel."
Wakas ng POV ni Erik
POV ni Georgia
Dahil sa hindi kami maaaring mag benta ay umuwi na lng kami ni erik sa bahay, ilang oras lang ang nakakalipas pagkatapos ko maglinis ng kusina ay hinano ko si erik para makita kung ok lang ba ito pero nabigla ako sa aking nakita sa labas ng bintana. May kasama si erik na isang babaeng nakaputing dress na ngayon ko lang nakita at tila may ginagawa silang kakaiba.
Ang kanilang mga mukha ay napakalapit sa isat isa habang nasa harap ng duyan. Hindi ako makapaniwala sa nakikita. Nakabuka ang aking bibig at tila huminto ang aking mundo habang nararamdaman ang isang matalim na kirot na tumutusok sa aking dibdib.
Napaatras ako ng paglalakad hanggang natumba sa lapag dahil sa aking pagkabigla. Hindi ko maintindihan kung bakit, ngunit patunoy kong nararamdaman ang kirot sa aking puso.
Gusto kong maniwala na nagkakamali lang ako ng iniisip, ngunit malinaw saakin na nandoon si Erik, tila may matalik na ugnayan sa ibang babae. Tumalikod ako at hinahawakan ang aking ulo habang naguguluhan ang aking isip.
Napagtanto ko na pagkatapos akong pakitaan ng mabuti ni Erik, inanyayahan sa date, at ipinagtanggol mula sa pulis, sa huli ay tinawag niya lang akong kapatid? At ngayon, nakita ko siyang my kasamang ibang babae?
Napuno ako ng pagkalito, at ang sakit sa aking dibdib ay napalitan ng pagkairita dahil tila ba pinagtaksilan ako.
Hindi ko alam kung pinaglalaruan lang ni Erik ang aking damdamin. Sumiklab ang galit sa loob ko at sumilip akong muli sa bintana, ngunit wala na sila doon. Nagmadali akong lumabas ng bahay, tumakbo patungo sa duyan, ngunit wala na akong naabutan.
Natulala ako, at nanatiling nakatayo roon, ang aking puso ay lalong napuno ng pagdududa at hinanakit. Sino ang babaeng iyon? At bakit ganito kasakit ang epekto nito sa aking puso?
Wakas ng kabanata.
