Pagdating ko sa address, may babae agad akong natanaw. She looked relieved to see me. "Salamat sa pagdating mo," sabi niya.
It was like she was really expecting me to come.
"Walang problema, gusto ko lang kumita ng pera," tugon ko.
Pinapasok niya ako sa loob ng bahay niya, at inalok niya ako ng juice at biscuits. "Salamat, masarap ata 'to," sabi ko habang kumakain.
Tumango si Ellaine, saka niya ako tinignan ng seryoso.
"By the way, my name is Ellaine." Pagpapakilala nito sakin. "Im Marsha, pero pwede mo naman ako tawaging Sha para mas madali nalang".
Pinatapos muna ako ni Ellaine mag snacks bago nagsalita ulit ."So, about sa trabaho..."
Pero hindi ko siya pinatapos. "Excuse me, how much is the salary?" tanong ko, hindi ko mapigilan ang curiosity ko.
Napangiti si Ellaine. "Ah, high salary nga pala. 500,000 pesos, one-time payment. After this job, wala na tayong gagawin sa isa't isa."
"WHAT?! That's a lot of money! Ano ba talaga yung trabaho?" tanong ko, hindi makapaniwala.
Natawa si Ellaine. "Okay, let me explain. You see, I have a friend, her name is Triz. We were best friends 10 years ago, noong ako ay 7 years old pa lang, at siya ay 5 years old pa lang. But then I had to move to another country for my studies. Hindi ko na alam kung ano na ang nangyari sa kanya."
Tumingin siya sa malayo, parang may mga luha na nagbabadyang tumulo sa kanyang mga mata. "Nalaman ko lang after 10 years na... na isa na siyang wanted criminal. Ang sakit isipin na ganon ang nangyari sa kanya. Alam mo ba na noong 10 years ago, pinasok ng unknown killer ang bahay nila Triz? Pinatay ang parents niya sa harap niya, walang awang pinagsasaksak. Labis na Trauma ang dinanas nya noon, at hindi na siya naging okay."
Napahinto siya, parang may hinahabol na hininga. "Kinuha siya ng tita at tito niya, pero hindi sila naging mabuti sa kanya. Ginawa nila siyang alipin, pinapahirapan siya, at pinapalabas na siya ang may kasalanan sa lahat. Hanggang sa hindi na kinaya ni Triz, at nagawa niyang patayin ang tita at tito niya. At ngayon, isa na siya sa pinakawanted na kriminal sa bansa."
Napatanga ako, hindi makapaniwala sa mga narinig ko. "Gosh, that's so sad. Ano ba ang gusto mong gawin para sa kanya?"
"Gusto kong bumawi kay Triz. Gusto kong gamitin ang time machine ko para baguhin ang nangyari sa kanya 10 years ago. Gusto kong iligtas siya sa lahat ng sakit at trauma na pinagdaanan niya. Kailangan ko ng tulong mo para dito. Kailangan ko ng isang taong may alam sa mahika para matulungan ako sa pag-aayos ng time machine ko. One job lang, pagkatapos, wala na tayong gagawin sa isa't isa."
Tumingin ako sa kanya ng seryoso. "Okay, I'm in. Pero paano ba gagawin 'to?"
"Wala ka naman masyadong gagawin. Kailangan ko lang ng makakasama sa pagbalik sa nakaraan, kung ano man ang mangyari doon, paniguradong kakailanganin ko ang tulong mo."
Saglit akong natahimik.
"Makikipag laban ba tayo?"tanong ko sa kanya.
"Hindi naman, ako lang incase na may mangyari. Pero bago yun, gusto kong ipagpaalam sayo na hihiramin ko ang kapangyarihan mo."
Sabi na.