Cherreads

The Killer in Plain Sight

Ree_Chan_Gin
7
chs / week
The average realized release rate over the past 30 days is 7 chs / week.
--
NOT RATINGS
1k
Views
Synopsis
"Ano ba ang lihim na nakatago sa likod ng mga mata ni Triz? Ito ang tanong na patuloy na bumabagabag kay Ellaine habang siya ay nagpaplano na baguhin ang nakaraan. Kinuha niya si Marsha para tumulong sa kanya sa paggamit ng time machine, na iligtas si Triz sa kapalaran na humantong sa kanya sa pagkakabilanggo sa listahan ng mga wanted criminal. Ang mga alaala ng gabing iyon ay patuloy na kumukulit sa isipan ni Ellaine, ang mga tanong na walang sagot, ang mga luha na hindi mapigilan. Isang gabing puno ng takot at pangamba na nagbago ng buhay ni Triz magpakailanman. Ang kanyang kaibigan sa pagkabata, si Triz, ay may nakaraan na puno ng dugo at luha. Sa likod ng nakangiting mukha ni Ellaine ay may lihim na sakit na hindi mawala-wala. "Ang plano ni Ellaine ay simple: baguhin ang nakaraan, iligtas si Triz sa kapalaran na humantong sa kanya sa pagkakabilanggo. Pero ano ang mangyayari kung ang nakaraan ay hindi basta mababago? Kung ang katotohanan ay mas kahindik-hindik kaysa sa inaakala? Si Ellaine ay hindi sigurado, pero siya ay handang maglakad sa gitna ng kadiliman para sa kanyang kaibigan. "Si Marsha ay isang eksperto sa paggamit ng time machine. Siya ang pinakamahusay na pagpipilian ni Ellaine para sa trabahong ito. Pero kahit gaano siya kagaling, hindi niya alam kung ano ang mangyayari kung sakaling mabago ang nakaraan. Ang mga posibilidad ay walang hanggan, at ang mga kahihinatnan ay hindi mahuhulaan. "Habang sila ay nagpaplano, ang mga tanong ay patuloy na bumabagabag kay Ellaine. Ano ang mangyayari kay Triz kung mabago ang nakaraan? Magiging okay ba siya? O magiging mas malala ang kanyang sitwasyon? At ano ang mangyayari sa kanya mismo? Makakalimutan ba niya ang mga alaala ng gabing iyon? "Ang mga tanong na ito ay patuloy na kumukulit sa isipan ni Ellaine habang siya ay naghihintay ng tamang oras para simulan ang plano. At kapag nagsimula na sila, wala nang pagbabalik. Ang mga kahihinatnan ay hindi mahuhulaan, at ang mga posibilidad ay walang hanggan. At ano ang lihim na nakatago sa likod ng mga mata ni Triz?"
VIEW MORE

Chapter 1 - CHAPTER 1: 10 Years Ago...

ELLAINE'S POV

" Hi Triz, sorry ngayon lang ako nakadalaw ha. Nabusy ako sa pagtapos nang ginagawa ko na time machine. Until now nasasaktan pa rin ako sa pagkawala mo. Sorry, sorry sa mga panahon na wala ako sa tabi mo. Pero I promise na gagawa ako ng paraan para mabago ang nangyari sayo." Nilapag ko ang bulaklak na hawak ko sa puntod ng kaibigan ko.

Sandali ko itong tinignan bago tumalikod at dahan dahang lumakad papalayo.

Kasabay ng pag alis ko ang pagbuhos ng malakas na ulan ng hapon na yon.

Napapaisip ako na kung siguro hindi nangyari yun sa magulang nya, hindi ganon ang sasapitin nya. Naaawa ako sa kaibigan ko dahil sa hirap na dinanas nya, what's worse? Wala ako sa tabi nya. Mag isa nyang hinarap lahat.

Babaguhin ko, babaguhin ko ang nakaraan para man lang makabawi sayo...

Fast Forward....

Konti nalang... Kailangan ko pang subukan ng isang beses kung gagana naba nga ito.

Kinuha ko ang huling metal na kailangan ikabit sa machine bago sinubukan na paandarin ito.

"SA WAKAS! Hhahaha sa wakas gumana na!"

Napapaiyak nalang ako sa tuwa na nararamdaman ko. Dahil alam ko, alam ko na makakabawi na ako sa kaibigan ko.

Isa nalang ang kulang, kailangan ko ng isang tao. Hindi isang simpleng tao kundi isang taong may alam sa mahika. Tama yun nalang ang kulang.

___________________________

A/N's POV

Buong araw naghanap si Ellaine, gumawa pa sya ng wanted poster na kailangan nya ng isang trabahador.

Hindi naman mahirap humanap ng taong may mahika, lalo na at hindi na yun bago pa sa kanilang bansa.

Sa sobrang pagod ay napagdesisyonan ni Ellaine na umuwi nalang muna.

____________________________

MARSHA'S POV

"Haystt.. wala na akong pera.. nagugutom na rin ako. Ako lang siguro ang traveller na walang pera. I need a temporary job. Just for my needs lang ngayon bago ako umalis at maglibot sa ibang lugar ulit."

Umupo si Marsha sa isang park bench para magpahinga muna sana saglit. Sa pag upo nya may napansin syang papel na naipit sa may bandang hita nya.

Eh? "Wanted: Job seeker_high salary_

Naks napaka timing naman! Hindi na ako nagdalawang isip pa ang agad na pinuntahan ang address na nakalagay sa papel.