Cherreads

Chapter 238 - Chapter 67

Dumaloy at lumabas ang enerhiyang nagmumula sa katawan ni Rain at nagkaroon ng mabilisang paggalaw ng kamay nito.

Biglang namuo ang mga maliliit na simbolo sa kamay nito hanggang sa lumipad ito sa iba't-ibang direksyon.

Agad namang tiningnan ni Loon ang direksyon ni Rain na may kung anong klaseng galit ang makikitaan sa ekspresyon ng mukha nito.

Bigla naman niyang tiningnan ang kaniyang kapatid na si Nova Celestine at nagwika.

"Hmmmp! Talagang makikisawsaw sa labanan natin ang isang hamak mong personal na bantay mo aking kapatid?! Ang isang hamak na Martial Monarch Expert na katulad niya ay walang binatbat sa akin hehe... Hindi ko maipapangakong hindi siya mapupuruhan sa aking gagawing atake hehehe...!" Sambit ni Loon habang makikita ang inis sa mukha niya at panghahamak sa personal na bantay ng kaniyang kapatid na si Nova Celestine.

"Yan ang 'wag mong gagawin kuya. Ako ang kalaban mo. Natural ay naniniguro lamang ako na hindi mo ko tatakasan hehehe..." Sambit ni Nova Celestine habang mabilis na lumitaw sa kamay nito ang isang panang napakaordinaryo lamang ng itsura. Parang gawa lamang ito sa isang ordinaryong baging na pinupormang pana.

"Hehehe... Hindi ko aakalaing mayroon kang lakas na sabihin sa akin ang bagay na iyan. Kung sinuman ang may balak na tumakas sa atin ay ikaw yun aking kapatid. Siya nga pala, hindi ko aakalaing ibibigay sa iyo ni ina ang Black Neon Bow na siyang ipinamana niya pala sa isang taksil na anak niya, Isang family Heirloom ni ina na dapat na bawiin sa pangangalaga ng mahinang katulad mo hahahaha..." Sambit ni Loon sa marahas na tono ng pagkakasabi nito. Makikita ang kakaibang kislap sa mata nito habang sinusuri ang kabuuang anyo ng nasabing pana. Medyo kagulat-gulat ito para sa kaniya sapagkat isa itong Low Mystic-Step Treasure.

"Talaga lang ha?! Sino ka para bawiin ang kaisa-isang bagay na ibinigay sa akin ni Ina?! Wala kang karapatan!" Galit na sambit ni Nova Celestine. Sino ba naman kasi ang gugustuhing ibigay ang kahuli-hulihang bagay na ibinigay sa iyo ng iyong magulang. Masakit para kay Nova Celestine na hindi totoong ugali ng pagiging panganay at kuya ang nakuha at ipinamalas sa kaniya ng kaniyang tumatayong kuya. Ganito na ba ang tingin niya sa kaniya ng kaniyang kapatid, nang dahil lang sa pesteng trono ay nagawa siyang manipulahin at pagtaksilan ng hindi niya nalalaman na siyang kinagat niya naman. Ngunit ang lahat ng mga nangyari ay hindi niya pinagsisihan. Panahon lamang ang makakapagsabi kung mapapatawad niya pa ang kuya niyang ginawang miserable ang buhay at imahe niya sa lahat ng bumubuo sa kaharian kahit sa kanilang mga magulang. Kahit magsisi man siya sa desisyon niya ay wala na siyang magagawa pa sapagkat nangyari na ang dapat na mangyari.

"Sino ako?! Ako lang naman ang magiging tagapagmana ng trono sa hinaharap. Sisiguraduhin kong wala kang babalikan pa. Umalis ka ayon lamang sa pagiging makasarili mo, umaasa kang babalik ka na lamang na parang wala lang? Wala ka ng babalikan pa hahahaha!!!!!" Sambit ni Loon habang nanlilisik ang mata nito. Humalakhak pa ito na animo'y parang isang baliw. Nakakatakot ang enerhiyang bumabalot sa katawan nito.

"Papalit sa trono?! Sigurado ka ba?! Isa ka lang hamak na napakahinang martial artists na walang binatbat sa isang katulad ko na mas matatawag na pinakamalakas na Saint Level Talents sa kasulukang panahon. Hindi ko aakalaing nangangarap ka ata ng gising kuya. Sa tingin mo ay makakaya mo kong labanan dahil nasa iyong panig ang konseho?! Tandaan mong ang basura at huwad na pag-uugali niyo ang siyang tatapos sa inyo!" Galit na sambit ni Nova Celestine habang makikita ang mapanghamak na tingin nito sa kaniyang kuya Loon na animo'y hindi niya na kilala pa. Maging ang kaniyang sarili ay hindi niya mapigilang makaramdam ng galit at sama ng loob rito.

Mabilis na hinawakang mabuti ni Nova Celestine ang pambihirang Black Neon Bow. Naglalabas ng kakaibang enerhiya ang pambihirang pana na ito na masasabing isa talaga itong kamangha-manghang bagay na maituturing na kayamanan.

"Hmmmp! Akala mo ay hindi ko pinaghandaan ang mga bagay na ito?! Tingnan mo ang sandatang iniregalo sa akin ng konseho hehehe!!!" Makumpiyansang sambit ni Loon habang mabilis na lumitaw sa kamay nito ang isang sibat. Kung titingnan ng ilan ay paramg ordinaryo lamang ito ngunit kapag sinuring mabuti ng malalakas na eksperto ay masasabing mas malakas pa ito sa isang Top Human-Step Treasure.

"Hi-hindi ma-maaari ito?! Paanong binigyan ka nila ng isang Low-Grade Mystic-Step Treasure? Sisiguraduhin kong malalaman to ni Ina at Ama! Pinagkaisahan niyo ako!" Sambit ni Nova Celestine habang makikita ang pagguhit ng sakit sa kaniyang mukha. Sobrang pangingialam na kasi ang ginagawa ng mga Konseho animo'y pati ang labanan sa posisyon ng susunod na uupo sa trono ay pinapakialaman nila. Talaga bang iniinsulto siya ng mga ito dahil lamang sa isa siyang babae?! Ganon na ba kaliit ang tingin ng mga ito sa kanya. Nakaramdam siya ng galit sa mga ito. Puro mga kalalakihan sila at napakarami nila ngunit gusto ba nilang umabot sa puntong kaniya-kaniyang gusto na lamang sila sa paglabag ng kanilang sinumpaang tungkulin ng kaharian?! Hindi niya mapigilang makaramdam ng pagkaawa sa kaniyang sarili.

"At bakit naman hindi?! Binigyan ka nga ni Ina kaya wala kang karapatan magreklamo. Isa rin ito sa dahilan kung bakit gusto kitamg makita ngayon. Ngunit gusto ko munang unahin ang pesteng alalay mo hehehe!!!" Sambit ni Loon habang nakangisi ng makahulugan.

Maya-maya pa ay biglang bumukas ang isang dambuhalang bagay sa likod ni Rain.

Lumaki naman ang mata ni Nova Celestine sa kaniyang nasaksihan.

"Rain, sa likod mo!!!!!!" Sigaw ni Nova Celestine ng malakas habang nakatingin sa direksyon ni Rain ngunit alam niyang huli na siya.

Nanlalaki ang mata ni Rain habang nakita niya lamang ang kaniyang sariling mabilis na hinihigop ng kakaibang suction force sa kaniyang likuran. Ang kaniyang protective essence ay mabilis na nabasag at paatras siyang nilamon papunta sa kawalan. Unti-unting naging malabo ang lahat ng kaniyang nakikita sa kaniyang paningin.

Nang mawala na ang pigura ni Rain kung saan ito mabilis na hinigop ay tuluyan na ring naglaho ang kaniyang presensya at enerhiya. Mistulang binura lahat ng nasabing portal ang kaniyang sariling bakas.

Mistulang namangha naman si Van Grego sa kakaibang bagay na ito. Ngunit nangangamba rin siya dahil hindi niya aakalaing walang naging laban ang isang Martial Monarch Realm Expert sa nasabing suction force ng nasabing portal. Napakadilim kasi ng portal kaya nasasabi niyang nakakatakot tingnan ang nasabing portal. Hindi niya alam ngunit nakaramdam siya ng takot dito.

Samantala...

Si Nova Celestine ay nasa kaniya pa ring pwestong nakatuod na nakatayo lamang. Maya-maya pa ay mabilis nitong nilingon ang kinaroroonan ni Loon at tiningnan ng masakit. Sino ba naman kasi ang hindi magagalit rito, ang kaisa-isang taong sumama sa kaniya ay pinaglayo sila.

"Paano mo nagawa yun Kuya, wala kang kasing sama!!!!" Sambit ni Nova Celestine habang makikitang masakit pa rin nitong tinitingnan si Loon.

"Bakit hindi ko gagawin?! Pakialamero kasi siya. Kung hindi ba naman tanga hahaha!!!!" Sambit ni Loon habang makikita na walang pakialam ito sa sinasabi ng kaniyang kapatid.

"Talaga ba kuya?! Alam mong hindi mo ko mapapaslang kaya gusto mong mawala ang mga bagay at taong meron ako hindi ba?! Tsaka alam ko ring binabalak mong hulihin ako at mayroon pang isang bagay ang gusto mong mangyari at yun ay hintaying makarating ang mga grupo ng mga ipinadala ng konseho papunta rito hindi ba?!" Seryosong sambit ni Nova Celestine.

Mistulang nagulat naman si Loon sa sinabi ng kaniyang kapatid na si Nova Celestine. Hindi niya aakalaing naging magaling na observer ito at mataas ang pag-analisa nito sa mga bagay-bagay lalo na sa sitwasyong kinahahantungan niya.

Ang gulat na ekspresyon ni Loon ay mabilis ring napalitan ng pagngisi.

"Ano naman kung ganon ang nais kong mangyari?! Tsaka kung gusto mong tumakas at pumasok sa portal upang sundan ang alalay mo ay mahihirapan kang hanapin siya at hindi mo ba alam na kahit ang Martial Monarch Realm Expert ay maaaring mamatay sa loob ng lugar na iyon hahahahaha!!!!" Sambit ni Loon habang malademonyo itong ngumisi.

Gumuhit naman ang pagkabigla sa mukha ni Nova Celestine. Hindi nito alam kung ano ang tumatakbo sa utak ng kaniyang traydor na kapatid. Ngunit hindi siya mangmang kung ano ang dalawang maaaring lugar na kinaroroonan ngayon ng kaniyang alalay na si Rain. Base sa kaalaman niya ay hindi ganoon kalayo ang lugar na kinaroroonan ni Rain ngayon ngunit hindi niya rin matukoy kung saan ito pero base sa sinabi ng kaniyang kapatid ay malawak at mahihirapan siyang halughugin ito ay isa lamang ang maaari niyang gawing konklusyon rito.

"Kaya pala ang lakas ng kumpiyansa mo, hindi ko aakalaing sa napakagulong lugar mo pa siya inilagay. Sa isa sa mga Battlefields sa Central Region hindi ba" Sambit ni Nova Celestine na animo'y hindi patanong na tono.

"Hahaha... Hindi ko aakalaing mayroon kang kaalaman sa nasabing battlefields ngunit kawawa naman ang alalay mo dahil mamamatay siya doon at ikaw ay mamamatay rin dito hehehe!!!!" Sambit ni Loon habang mabilis na lumitaw sa kamay nito ang isang maliit na patalim at nawala ang sibat sa kamay nito. Ang patalim ay mayroong itim na likidong tumutulo rito.

"Human Demon Knife?! Paanong mayroon ka ng forbidden Weapon ng isang Human Demon Race Kuya?!" Sambit ni Nova Celestine na nahintatakutan. Hindi niya alam kung bakit mayroon itong ipinagbabawal na armas ng isang Human Demon Race na siyang kalaban rin ng kanilang lahi. Kung di siya nagkakamali ay ang kutsilyong ito ay tinatawag na Black Curse Knife na nagpo-produce ng kakaibang maitim na likidong isa sa pinakamisteryoso at kakaibang lason.

"Talagang napakatalino mo na Nova Celestine at marami ka ng nalalaman. Hindi ko aakalaing ang isang katulad mo ay paghihirapan ako sa pagkuha ng pabor ni Ama pati ni Inang Reyna. Ang pambihirang kutsilyong ito ang magwawakas ng buhay mo hehehe!!!!!!" malademonyong sambit ni Loon habang nanlilisik ang mata nito habang itinaas ng bahagya ang kaniyang kamay habang nakaturo ang talim nito kay Nova Celestine.

Agad namang inihanda ni Nova Celestine ang kaniyang sarili habang nakahanda rin ang kaniyang pana. Pagkahawak niya sa bow string ng Black Neon Bow ay mabilis na lumitaw rito ang tatlong mga palaso. Hindi niya aakalaing nagmamay-ari ang kaniyang Kuya Loon ng dalawang malalakas at pambihirang mga armas. Ang nakakaalarma pa para sa kaniya ay ang Black Curse Knife na masasabi niyang isang Middle Grade Mystic-Step Treasure na mas mataas kunpara sa kaniyang sandata na isang Black Neon Bow ngunit hindi niya hahayaang matalo siya ng kaniyang kapatid sapagkat kamatayan ang naghihintay sa kaniya sa oras na matalo at maging mahina siya.

...

Ang binatang si Van Grego ay hindi mapakali na wala man lang gagawin, ramdam niyang habang tumatagal ay mas lalong nanganganib ang buhay ng Saintess na siyang pinoprotektahan ni Rain. Hindi man alam ni Van Grego ngunit nakaramdam siya ng awa sa mga ito kahit pa hindi niya alam ang buong istorya.

Upang makabawi sa kabutihang ibinigay sa kaniya ng Martial Monarch Realm Expert na si Rain ay tutulungan niyang makaligtas ang Saintess sa sitwasyong kinalalagyan nito.

Mabilis siyang nag-isip at nagsagawa ng dalawang malalakas na Array Formation upang mabigyan pa sila ng malaking tsansa na makaligtas sa kasulukang sitwasyong ito.

More Chapters