Isang hindi inaasahang pangyayari ang nangyari sa oras na ito.
Ang dalawang Water Blades na papasugod ay bigla na lamang pinuluputan ng Blue Sea Serpent. Isang kakaibang ekspresyon ang biglang gumuhit sa mukha ni Nova Celestine.
"Hindi maaari, pa-paanong?!" Sambit na lamang ni Nova Celestine sa kaniyang sarili habang bigla siyang napakuyom.
Pinuluputan at pumulupot ng mahigpit ang anyo ng Blue Sea Serpent sa dalawang Water Blades na animo'y hindi ito nasasaktan kahit konti bagkus ay gusto nitong wasakin at sirain ito.
BAANNNNNGGGGGGGGG!!!!!!!
Isang napakalakas na pagsabog ang nangyari sa himpapawid. Ang nakakapagtaka nga lang ay ni walang makakapansin nito dahil masyadong makapal ang kaulapan at napakabigat ng hangin rito na siyang isang misteryo ng lugar na ito.
Matagumpay na nasira ng Blue .Sea Serpent ang tatlong water Blades. Maya-maya pa ay kinontrol ni Loon ang Blue Sea Serpent papasugod sa kinatatayuan mismo ni Nova Celestine. Makikitang mas nagliliwanag ang pares ng mata ng Blue Sea Serpent.
"Masama ito Saintess, kahit ano'ng gawin mo o natin ay wala tayong laban sa kaniya. Tumakas na tayo!" Nahintatakutang sambit ni Rain gamit ang kaniyang divine sense. Kahit ano'ng gawin niya ay alam niyang nakakatakot talaga ang nakakatandang kapatid ng Saintess. Alam niyang nasa ibayong panganib sila at kung magpapatuloy pa ang labanan nila ay alam niyang dito na malalaman kung mabubuhay pa ba siya o silang dalawa. Ngayon niya lamang nakita ang ganitong kabagsik na ekspresyon at totoong pag-uugali ng kuya ng Saintess.
Ilang metro na lamang ang layo ng Blue Sea Serpent sa kinaroroonan ng dalagang si Nova Celestine ngunit nakatayo lamang ang dalaga.
"Hahaha... Kung sumuko ka na lamang sana aking kapatid at maging tagasunod ko lamang ay siguradong patatawarin kita. Hindi mo ba gusto ang maging malaya kapalit ng pagsunod at paglingkuran ako?!" Sambit ni Loon sa mababang tono at mistulang umamo ang ekspresyon nito sa kaniyang mukha.
"Sino ka para pagsabihan ako niyan. Sa oras na ito ay pinuputol ko na ang ugnayan natin. Magkapatid man tayo sa magulang ngunit ugaling demonyo at makasarili ka kung kaya't hindi ka nararapat sa anumang bagay na pagmamay-ari kong talaga!!!!!" Galit na galit na sambit ni Nova Celestine kay Loon. Hindi niya lubos aakalaing siya mismo ang puputol sa magandang samahan nila ngunit alam niyang hindi siya iyon. Matagal na pala siyang itinuring na kakompetinsya o kalaban sa trono ng kanilang mga magulang kung kaya't hindi niya magagawang maging bulag-bulagan na lamang. Alam niyang balang-araw ay maibabalik sa kaniya ang nararapat na para sa kaniya.
Ang maamong mukha na ipinapakita kanina ni Loon ay bumalik naman sa nakakakilabot nitong ekspresyon sa mukha. Mistulang ang maamong tupa ay naging mabagsik na lobong muli.
"Talagang ginagalit at inuubos mo ang aking pasensya kapatid kaya pagsisihan mo ang bagay na sinabi mo hahaha ngunit hayaan mong kitilan kita ng buhay para maging malaya kang tuluyan hehehe!!!!" Sambit ni Loon habang nanlilisik ang pares na mata nito. Namumula ito na animo'y gigil na gigil na kitlan na ng buhay ang nakababatang kapatid nito na si Nova Celestine.
Kinontrol nito ang Blue Sea Serpent at mabilis nitong sumusugod papunta sa kinaroroonan ni Nova Celestine.
"Hahaha... Ipapaalam ko sayo kung bakit ako ang nararapat sa trono. Ako ang pinakatalentadong anak ng amang hari at ng inang reyna kumpara sa'yo na nagpapanggap lamang upang ako ng kamuhian ng lahat!" Sambit ni Nova Celestine habang may diin. Makahulugang ngumisi ang magandang dalaga habang hinubad nito ang kaniyang gloves sa dalawang kamay.
Agad nitong tinungo ang kinaroroonan ng Blue Sea Serpent at mabilis nitong hinawakan ang nasabing halimaw at isang nakakakilabot na pangyayari ang biglang nangyari.
SPLASHHHHH!!!!
Bigla na lamang nawasak at naging ordinaryong tubig na lamang ang nasabing nakakatakot na halimaw.
"An-ano'ng klaseng ha-halimaw ka N-nova C-celestine?! Bakit ganon na lamang ang nangyari sa aking pambihirang Soul Skill! AHHHHHHHHHHH!!!" Gulantang na pagkakasabi ni Loon habang makikitang sobra itong dumaing sa huli. Napasuka ito ng napakaraming dugo at dumudugo rin ang ilong nito.
"Hindi ba ikinuwento ng Konseho at ng ating magulang ang bagay na ito?! Hindi ako masasaktan ng kahit na anong Water Skill sapagkat isa akong Vessel Cultivator. Nananalaytay sa mga ugat ko ang curse blood ng Blue Luan. Sa oras na mahanap ko pa ang tatlong Vessel Cultivators siguradong mababago namin ang magulong mundong ito sa paraang gusto namin hahahahahahahahahaha!!!!!" Sambit ni Nova Celestine habang tumatawa ng malakas.
Nakatingin lamang sina Rain at Loon sa dalagang humahalakhak sa ngayon. Hindi nila lubos aakalaing nakakatakot pala ang abilidad na nakakubli sa dalaga.
...
"Isang Vessel Cultivators? So totoo nga ang nakasaad sa libro ngunit hindi ko aakalaing nasa Main Branch ang dalagang Martial God Realm Expert na ito. Kung hindi ako nagkakamali ay hahanapin rin nito si Aljiro na siyang matalik kong kaibigan. Hindi ko alam kung ano ang pagbabagong gusto ng babaeng to ngunit kailangan na maunahan ko siya." Sambit ng binatang si Van Grego sa kaniyang sarili lamang. Hindi siya nagtitiwala sa babaeng ito o sa alalay nitong isang Martial Monarch Realm Expert maging sa kalaban nitong sinasabi niyang Kuya Loon.
Maya-maya pa ay nakaramdam si Van Grego nang kakaibang pagbabago sa hangin.
Whooossshhhh!!!!!
Nakita niya kung paano nagbago ang airflow kung saan ay makikita niyang medyo nagkaroon ng pagbigat ng enerhiya sa kapaligiran.
"Hmmm... Base sa aking nasasagap na emerhiya ay sampong mabibigat na enerhiya ng sampong nilalang ang papunta rito. Siyam na Martial Monarch Realm Expert at isang Martial God Realm Expert???!" Halos mapasinghap si Van Grego sa kaniyang natuklasang ito. Hindi man ito ganoon kalakas sa dalawang Martial God Realm Expert na nasa harapan niya ay siguradong alam niyang makikisawsaw ang sampong nilalang na darating.
Walang alinlangang ginamit ni Van Grego ang kaniyang divine sense upang ikonekta ang kaniyang isipan sa Martial Monarch Realm Expert na nagbigay sa kaniya ng Monarch's Gift.
Mistulang nagulat naman ang Martial Monarch Realm Expert habang bigla nitong tiningnan ang direksyong pinagukublian ng binatang tinulungan nito na walang iba kundi si Van Grego.
"Hmmm... Bakit ka naririto totoy?! Hindi mo ba alam na delikado ang sundan kami at ayaw ng Saintess sa mga ganoong klaseng mga nilalang." Sambit ng Martial Monarch Realm Expert na si Rain habang may pagbababala sa tono ng boses nito. Hindi lang naman kasi ito ang unang beses na may sumunod sa kanila ngunit ito ang unang beses na may sumunod sa kaniya na isang Martial Ancestor Realm Expert lamang. Karamihan kasi ay matataas ang mga Cultivation Level at gustong sundan ang magandang dalagang Saintess.
"Wala akong intensyon na sundan kayo. Nagkataon lamang na parehas tayo ng rutang tinatahak. Gusto kong pumunta sa Martial Beast Cultivators Territory ngunit imposibleng makadaan ako. O siya nga pala ako po pala si Van Grego" Sambit ni Van Grego habang makikitang may sinseridad sa boses nito.
"Ganon ba?! Pwede ka namang dumaan sa gilid dahil ako lang naman ang nandito at nandoon sila sa itaas. Maging maingat ka na lamang. Tawagin mo na lamang ako sa aking bansag, Monarch Rain nga pala" Sambit ni Rain sa pormal na tono. Hindi naman siya naiinis sa mga mababang lebel na Martial Artists. Naniniwala siyang hindi dapat patulan o hamakin ang mga nilalang na ito sapagkat nakakaawa sila para sa kaniya. Kumpara sa kaniya ay alam niyang mas mapalad siya kumpara sa mga ito lalo na sa materyal na mga bagay. Cultivation Resources, Pambihirang Martial Pills, Martial Arts Techniques at iba pa.
"Salamat Ginoo. Siya nga pala, mayroong mga paparating na mga nilalang papunta sa direksyong ito. Hindi ko alam kung sino ang mga ito at ano ang intensyon nila. Mauna na po ako hehe!" Sambit ni Van Grego at mabilis na naputol ang kanilang pag-uusap.
...
Gumuhit naman ang kaba sa mukha ni Rain. Hindi nito aakalaing nalaman ito ng isang Martial Ancestor Realm Expert. Ang pagkakaalam niya ay lalawak lamang ang iyong divine sense kapag nasa Martial Sacred Realm Expert ka na.
"Nakakamangha, isang binatang Martial Ancestor Realm Expert ay mayroong kakayahang maikukumpara sa Martial Sacred Realm hmmm... Masyado ko atang minamaliit ang mga martial artists sa lugar na ito hehehe..." Tugon na lamang ni Rain sa kaniyang sarili. Hindi niya aakalaing makakatagpo siya ng ganitong klaseng nilalang na masasabi niyang talentado rin.
Agad na ginamit ni Rain ang kaniyang isang abilidad noong isa pa lamang siyang Martial Precognitor Realm Expert.
Mistulang nagliwanag ang pares na mata ni Rain at doon ay mistulang nakita niya ang mga bagay na nasa kaniyang direksyong tinitingnan. Mistulang nakita niya ang lahat ng bagay na hindi nakikita ng ordinaryong mata lamang. Nakita niya ang mga nilalang na may buhay na nakakubli at mga kakaibang mga bagay ngunit ng pinalawak niya pa ang kaniyang paningin ay doon niya nga napansin ang sampong nilalang. Ang mas nakakagimbal pa rito ay siyam na Martial Monarch Realm Expert at isang Martial God Realm Expert. Sa mga roba nila ay alam na alam niya kung sino ang mga ito.
Halos manginig siya sa takot dahil sa kaniyang natuklasan. Napakalapit na ng mga ito sa kanilang kinaroroonan at mas lumalapit pa habang tumatakbo pa ang oras.
Walang ano-ano pa'y biglang itinigil niya ang kaniyang abilidad at mabilis na ginamit ang kaniyang divine sense.
"Saintess, masamang balita po. Papalapit na ang mga Royal Guards sa direksyon natin. " Mahinahong sambit ni Rain ngunit mababakasan pa rin ng pagkatakot at kaba sa tono ng boses nito. Halatang hindi siya komportableng sabihin ang bagay na ito.
"Ano?! Bakit ngayon mo lang sinabi?! Hindi ko aakalaing napakatuso at napakadesperado na ng mga konseho na paslangin at patahimikin na ako ngunit hindi ako makakapayag!" Sambit ni Nova Celestine habang mahihimigan sa boses nito ang stubbornness. Hindi kasi ito pumapayag na pinapakialaman siya ng konseho.
"Ano po ang gagawin natin Saintess?!" Sambit ni Rain habang pinipilit nitong magsalita ng diretso. Kinakabahan rin siya sapagkat isa lang naman siyang talentado ngunit nasa above-average lamang at malayo sa tinatawag na Saint Level Talents. Kaya niyang labanan ang tatlong Royal Guards na mayroong Cultivation na Martial Monarch Realm ngunit Siyam na Martial Monarch Realm Expert ay sobra namang imposible iyon para sa kaniya unless ay kusang magpatalo ang mga ito sa kaniya ngunit imposibleng mangyaro iyon.
"Paano kaya kung handaan mo sila ng mga patinong na siyang babawas sa bilang ng mga Martial Monarch na kagaya mo. Sogurado akong nakakatuwa iyon bago ko pinsalain ng malala ang kapatid kong ito hehehe..." Makahulugang sambit ni Nova Celestine habang makikita sa tono ng boses nito na may gagawin itong kakaiba.
" Ano'ng gagawin mo Saintess sa kan-------!" Tanong ni Rain sa Saintess ngunit bigla na lamang naputol ang kanilang komunikasyon.
"Kung minamalas ka nga naman oh, Talagang pagkatapos ko kayong tulungan huhu..." Ang sambit na lamang ni Rain habang makikitang hindi nito alam kung matatawa siya o maiiyak sa asal ng dalawang nilalang na nakausap niya lamang ngayong araw. Ikaw ba naman na iwan sa ere habang nagsasalita.
Agad namang sinunod na lamang ni Rain ang inuutos sa kaniya ng Saintess. Isa siyang Grandmaster Level sa larangan ng paggawa ng Formation Arrays at masasabi niyang kahit ang kalebel niya sa Cultivation ay kaya niyang paslangin gamit ang kaniyang natutunang propesyon na ito.
