Cherreads

Chapter 2 - CHAPTER 2: THE CONCERT

1 month ago...

Rhyven's POV:

Naghahanda na kami ngayon for our concert tomorrow, na gaganapin sa MOA, ang bilis rin maubos ng tickets kahit ka lalabas palang kahapon kaya alam na namin na marami talagang manonood.

"Guys ready na kayo?"- mahinang tanong ni max, na may halong kaba. Lagi siyang ganyan kaya nasanay na kami.

"Oo naman kakayanin natin yan" - masiglang sagot naman ni Jake, para hindi kabahan si max

"Alam mo max tama si Jake kakayanin natin lalo na mag kasama tayo, right guys?"- dugtong pa ni lucas sa sinabi ni Jake.

"Yes kaya tara na at mag ready kaya natin to"- sabay sabi ko naman sa kanila dahil kakaunti nalang ang oras para sa aming pag prapractice kaya nag si ayos na rin sila ng pwesto para magsimula sa pagtugtog.

***

"Tara na muna guys, snack na muna tayo nagugutom nako"- paganyaya ni Jake kaya huminto na rin muna kami sa pagprapractice at pumunta sa table para kumain ng snack.

"Wow sarap naman nyan"- sabay sabi ni max habang tumatakbo papunta sa table kung saan naroon ang pagkain.

"Syempre—" Hindi natapos na sasabihin ni Jake.

"Syempre ka diyan. Hindi naman ikaw ang nagluto, Jake" pang-aasar ni Lucas, sabay tawa.

"Syempre masarap yan kasi binili ko yan sa favorite nating bilihan di mo muna kasi ako pinatapos ay" -pagtatangol ni Jake sa sarili niya, habang hawak ang pagkain na nasa plato at natatawang nakatingin kay Lucas.

"Tumigil na kayo dyan at kumain na muna para makapag practice ulit tayo, sarap kaya nito"- wika naman ni max na punong puno ang bibig ng pagkain.

"Max hinayhinay lang ha"- pabirong sabi ni Jake kay max habang tinatapik ang likod nito.

Kinabukasan...

Nasa backstage na kami ngayon 12pm palang nandito na kami dahil dito na rin kami aayusan, si Jake naman at si Lucas subrang excited kaya sila nauna dito habang si max hindi namin malaman kung naeexcite ba ito o kinakabahan.

"Guys ito na yun, let's go"- masiglang sambit ni Jake habang hawak ang cellphone niya at nakatingin sa oras.

"Subrang excited naman nito ni Jake 3pm palang oh" - natatawang sabi ko kay jake dahil 7pm pa naman ang simula ng concert namin, pero sa totoo lang excited na rin ako dahil makikita ko na rin ulit yung mga fans namin na nag support na samin simula nung nag uumpisa palang kaming apat.

"Si Rhyven hindi lang nag papahalata pero baka mas excited pa yan satin" - pangbibiro naman ni Lucas habang tawang tawa sa sinabi niya.

Pinabayaan ko nalang muna sila at nag patugtog muna ako ng aking gitara.

JULIANNA POV:

Nasa kubo Kubo ako ngayon sa tapat ng bahay namin dahil favorite place ko itong tambayan dahil sa sariwang hangin, at dahil na rin may napakagandang tanawin dito sa amin. At dahil walang pasok ngayon naisipan ko nalang muna na magbasa, marami rin akong mga babasahin dito kaya dito ko ginugugol ang oras ko tuwing sabado.

"Yanna!, Yanna!" - sigaw ni Mae sa labas, kaya tumakbo na muna ako papunta sa kanya.

"Oh bakit andito kayong tatlo, katanghalian na ah, init na init ng paglalakad niyo"- wika ko sa kanila habang papalapit.

"Kaboring kasi sa bahay walang magawa, kaya pwede dito muna kami sa inyo? Please" sagot naman ni Mae habang nag papacute na parang bata.

"Sige na pumasok na kayo" - sagot ko naman dahil kilala narin naman sila ng buong family ko

"Tingnan nyo si Mae oh parang bahay niya lang" biglang sabi ni Eliza habang nag lalakad at nakatingin kay Mae na nauuna samin.

Pagpasok nila sa bahay sila mama at papa agad ang bumingad sa kanila.

"Hello po tita, Tito"- pagbati nung dalawa habang nag mamano kila mama at papa, si Mae naman na kaupo na sa sala na parang bang bahay niya ito.

"Kaawaan kayo ng Diyos"- wika ni papa pagkamano nung dalawa

"Anong meron?" - tanong naman ni mama sa kanila

"Ah nag bisita lang po kami tita kasi wala rin po kaming magawa sa bahay kaya dito nalang po muna sana kami ngayon if okay lang po sa inyo" - sagot naman ni Eliza na parang kinakabahan. Ewan ko sa mga ito, hindi naman na sila ibang tao kila mama at papa pero nahihiya parin, pero si Mae walang hiya hiya.

"Abay oo naman kayo pa, tagal nyo ng kaibigan ng anak ko para ko na rin nga kayong mga anak, tingnan nyo si Mae oh walang hiya hiya"- sabi ni mama na nakangiti sa kanila

"Oo nga naman, gayahin nyo si Mae oh feel at home, welcome na welcome naman kayo dito, kayo pa"- masayang pagdagdag ko naman sa sinabi ni mama.

"Ah sige ma dun na po muna kami sa kubo magtambay" - Sabi ko naman kay mama, at pumunta na rin kami sa kubo.

"Uy tara na Mae"- pagaakit naman ni Eliza kay mae.

"Guys btw ngayon yung concert nila Rhyven" malakas na pagkasabi ni Mae sa amin habang papasok sa kubo.

"ayan nanaman sila sa rhyven na yun" mahinang sambit ni Camille saakin.

"Mamaya pa naman 7pm pa start" masayang sabi ni Eliza habang nag aayus sa pagupo.

"Wow updated kana ngayon Eliza ah" pabirong sabi ni Mae kay Eliza

"Syempre ako pa" proud na tugon ni Eliza.

"Edi Ikaw na" sabi naman ni mae Kay Eliza habang tumatawa.

"Guys tulog muna tayo dito, sarap ng hangin oh" pag interrupt naman ni Camille sa usapan nung dalwa

"Sige, tara. Ikaw yana hindi ka ba matutulog?" pang-aakit ni Eliza sa'kin habang abala na ang dalawa sa pag-aayos ng hihigaan nila.

"Hindi na muna, sige na matulog na muna kayo dyan" Sabi ko sakanila bago ako bumalik sa pagbabasa

Makalipas ang ilang Oras nagising na rin si Eliza at lumakad ito papunta sakin.

"Yanna anong oras na?" mahinang tanong nito habang nakapatong ang kamay sa lamesa.

"6:50na" sagot ko naman sa kanya habang nakatingin sa cellphone ko.

"gabi na pala, guys gising na dyan, diba 7pm yung kila Rhyven?" panggigising ni Eliza kay mae at Camille habang yung dalwa ang himbing himbing ng tulog.

"Hala oo nga" mabilis na pag bangon ni Mae at sabay tingin sa Oras. "6:55 na, 5 minutes nalang" dagdag pa nito.

"Tara abangan na natin" sabay sabi ni Eliza. Kapag talaga about sa mga idol nila ang bibilis dinaig pa si flash.

"Naito na oh guys masimula na" masayang pinakita naman ni Mae ang live concert sa kanyang cellphone, at sabay nilagay sa phone holder para makita nilang tatlo, habang ako nakatingin sa aklat na hawak ko ngunit pinapakinggan ko rin ang mga paguusap nila.

"Wow ayan na, ayan oh si rhyven" masayang sabi ni Eliza, sabay turo sa screen.

"Yan pala yung Rhyven na sinasabi nyo" Mahinang bangit ni Camille dahil kagigising palang nito.

"Yan nga yun pogi no" Nakangiting bigkas ni Mae na tutok na tutok sa pinapanood.

"Pero sino yun oh, yung naka white" tanong ni Camille habang nakaturo sa lalaking naka white na may hawak ng isapang gitara.

"Ah si Jake yan" sagot naman kaagad ni Mae

"Uy si Camille mukhang interested, kala ko ba wala kang pakialam sa band na yan bakit parang mas kinikilig kana samin ah"pangaasar ni Eliza kay Camille.

"Uy tigilan nyo nga si Camille inaasar nyo nanaman" pagsama ko sa usapan nila, kaya nagsitinginan naman sila

"teh sumama ka kaya samin dito, malay mo magandahan ka sa mga music nila" pag-aakit naman sakin ni Mae habang yung dalwa nag agree sa kanya.

"hindi na kayo nalang muna tatapusin ko pa itong book na to "pagtutol ko sakanila habang nakatingin parin sa aklat na hawak ko

" kaya hindi ka mag kakalovelife ay " pambibiro ni Eliza

"Wow parang may mga bf kayo ah" pangaasar ko sa kanila habang natatawa.

"Wala, pero at least may crush, diba Mae" natatawang sabi ni Eliza.

"Yes pero may bago na akong gusto" pagmamalaki ni Mae habang nakatingin sa live concert na pinapanood nila.

"Sino naman 'yan?" tanong ni Eliza kay Mae, bahagyang nakakunot ang noo.

"Ito oh si Lucas beh" kinikilig na sagot ni mae habang nakaturo sa cellphone niya.

Habang abala sa panonood ang tatlo ako naman ay nakatuon sa pagbabasa ng aklat na aking inaaral.

"Wow, ang ganda ng boses nila" namamanghang sabi ni Camille habang nakatutok sa pinapanood nila.

Nagsimulang kumanta ang banda at tutok na tutok sa panonood ang tatlo, habang ako bahagyang pinapakinggan yung mga kumakanta ngunit nakatingin parin ang aking mga mata sa aklat na hawak ko.

🎶 Nang aking masilayan ang iyong kagandahan

Ako ay nabighani...

Hindi ko alam kung paano

Puso ko'y tumibok sayo...

Namangha ako ng makinig ang boses ng isang lalaki, hindi ko man siya kilala pero ang gaan ng boses niya.

More Chapters