Cherreads

Chapter 1 - Part I

Akala ko dati, ang katahimikan ay kapayapaan. 'Yung mga umagang tahimik lang habang nangingibabaw ang amoy ng kape, at sa labas ng bintana, maririnig mo lang 'yung mahinang ugong ng mga sasakyan, akala ko, iyon na 'yung contentment. Pero nitong mga huling araw, iba na ang tunog ng katahimikan sa bahay namin.

Mabigat.

Sugatan.

Parang may dugo na dahan-dahang tumatagas sa ilalim ng mga salitang hindi masabi. Hindi naman ganito si Daniel dati. Ang asawa kong si Daniel, siya 'yung tipo ng tao na kayang punuin ng tawa ang buong bahay. 'Yung tawang nakakagaan ng araw.

Lagi niya akong inaasar sa kakaadik ko sa scented candles, o kung paano ako nagagalit kapag iniiwan niya 'yung medyas niya sa ilalim ng kama. Hindi kami 'yung tipo ng mag-asawang punong-puno ng drama, pero steady kami.

Safe.

O siguro, akala ko lang pala.

Doon nagsimulang lumayo ang mundo namin, hindi sa pagitan ng katawan, kundi sa pagitan ng mga puso. Palagi na siyang late umuwi, laging may dahilan.

Project daw.

Client daw.

At gaya ng laging ginagawa ng isang asawa na nagmamahal, naniwala ako. O siguro, pinili kong maniwala. Pero dumating din 'yung mga maliliit na senyales, amoy ng cologne na hindi akin, at kung paano niya dalang-dala 'yung phone niya kahit sa banyo.

At doon pumasok si Anna.

Si Anna, ang kasambahay namin.

Dalawang taon na siya sa amin. Tahimik, magalang, masipag. Nasa mga 20's at para ko na siyang nakababatang kapatid. Mabait, maasikaso, at walang reklamo. Pero nitong mga nakaraang buwan, nag-iba siya. Hindi na siya tumitingin diretso sa'kin. Iwas magsalita. At minsan, sa mga mata niya, may nakatagong bigat. Parang lihim na gustong kumawala pero natatakot.

Hanggang isang umaga, ramdam kong may mali talaga. Sabado noon. Sabi ni Daniel, magjo-jogging daw siya. Nasa kusina ako, nagbabasa ng dyaryo, nang marinig ko ang mahihinang boses sa likod ng bahay.

Pabulong.

Mabilis.

Parang may halong kaba at emosyon. Hindi ko marinig nang buo, pero kilala ko ang mga tinig.Si Daniel. At si Anna.

Paglapit ko, bigla silang natahimik. Lumabas si Anna, may dalang basket ng labada, nanginginig ang kamay.

"Nasaan si Daniel?" tanong ko.

"Umalis na po, ma'am," sagot niya, hindi ako matingnan.

Sinabi ko sa sarili kong baka nag-iisip lang ako nang sobra. Pero 'yung instinct ko, hindi mapakali. Parang may multong hindi mo makita, pero alam mong nando'n.

Lumipas ang mga araw, lumamig si Daniel. Parang magka-boardmate na lang kami. Laging nakatutok sa phone, bihirang kausapin ako. At gabi-gabi, magkalayo kami sa kama, parang may pader na hindi ko mabuwag. Hanggang sa isang gabi, hindi ko na kinaya.

"Daniel, may iba ka ba?" tanong ko.

Ngumiti lang siya, 'yung ngiting hindi nakakatawa, kundi nakakainsulto."Ano bang pinagsasabi mo? Wala, Claire. Huwag kang magpaka-drama."

"E 'yung phone mo? Laging hawak mo. Laging late ka umuuwi. Hindi mo na nga ako kinakausap."

Napabuntong-hininga siya."Overthinking ka na naman. Siguro kailangan mo lang magpahinga. Pumunta ka muna sa kapatid mo."

Kalma siya. Palaging kalma. At doon siya magaling, 'yung gawing parang ako 'yung mali. Kaya naniwala ako. Pero nang gabing 'yon, umiyak ako sa shower, tinatago ng tubig 'yung luha ko. Hanggang isang hapon, nakita ko 'yung resibo. Nanginginig ang kamay ko habang binabasa ko. Galing sa isang jewelry store sa Greenbelt.

Gold bracelet.

May note: "To my sunshine โ€” always."

Hindi niya ako tinawag na sunshine kahit kailan. At doon ko naramdaman ang unang punit ng tiwala. Mula noon, tahimik akong nagmasid.

Tuwing papasok si Daniel, nanginginig si Anna. Tuwing aalis si Anna, sinusundan siya ng tingin ni Daniel. Mga sulyap na may kasalanan. Mga ngiting hindi dapat makita.Hanggang isang gabi, may narinig akong tatlong mahihinang katok sa likod ng bahay.

Pagdungaw ko sa bintana...

Si Daniel.

At si Anna.

Magkalapit.

Pabulong na may sinasabi sa isa't-isa.

At sa dilim ng gabing 'yon, napanood ko kung paanong unti-unting gumuho ang buhay ko.Kinabukasan, ngumiti pa rin ako. Nagprito ng itlog. Nagsabing, "Good morning."

Pero sa loob-loob ko, isa lang ang tanong:๐˜๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ข๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฌ๐˜ฐ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฎ๐˜ช๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ณ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ช๐˜จ?

More Chapters