Kabanata 56: Ang paglilibang bilang binata.
Isang linggo na ang lumipas mula nang bumisita sina Romeo sa bahay na walang hagdan sa Calamba, dahil sa isang lihim na pagpupulong kasama ang sugo na si Laguna.
Patuloy parin ang misyon nilang tugisin ang mga kuta ng Katipunan sa luzon ngunit bawat hakbang nila ay parang laging may nakakaalam, na parang may kumakalat na impormasyon sa bawat pagpaplano nila na mahuli ang katipunan.
Ang bigat ng kanyang tungkulin bilang Heneral ay parang bakal na nakadagan sa kanyang balikat, ngunit alam nya na hindi siya kailanman pwedeng sumuko.
Sa isang tahimik na bayan sa Zambales, isang lumang bodega ang naging sentro ng isang malawakang operasyon ng militar.
Ang paligid ay napalibutan ng mga armadong sasakyan, ang mga ilaw ng mga ito ay nagpapaliwanag sa dilim ng gabi. Daan-daang sundalo ang nakabantay, ang kanilang mga yapak ay gumagawa ng ingay sa graba, at ang bawat galaw ay maingat, handang-handa sa anumang pagsalakay.
Dahil sa operasyon napuno ng tensyon ang lugar at kahit ang mga residente ng bayan ay nagtago sa kanilang mga tahanan, natatakot sa maaaring mangyari.
Pumasok si Romeo sa bodega, kasama ang kanyang mga tauhan. Nakasuot ng maayos na uniporme habang ang kanyang mukha ay puno ng seryosong determinasyon.
Ang loob ng bodega ay madilim, puno ng mga kahon ng bala, lumang baril, at mga dokumentong nagkalat.
Sinalubong siya agad ni Peter, ang kanyang pinagkakatiwalaang sundalo, na ang mukha ay nagpapakita ng pagkabigo.
"Heneral," sabi ni Peter, ang boses ay mababa ngunit malinaw, "mukhang nalaman nila ang plano natin paglusob. Walang naabutan ang mga tauhan natin dito na mga rebelde ."
Bagamat puno ng mga kagamitan ang bodega—mga sandata, mapa, at mga tala ng Katipunan—walang ni isang rebelde ang nahuli. Isang malaking palaisipan ito para sa grupo ni Romeo.
"Ang nakakapagtaka, Heneral," dagdag ni Peter, habang iniinspeksyon ang mga kahon sa paligid, "ayon sa mga sundalo natin, magdamag nilang binantayan ang lugar na ito. Wala silang nakitang lumabas mula pa kahapon. Kaya paano sila nakatakas?"
Tahimik lang na nag iisip si romeo at agad nagbigay ng sagot. "malamang dahil kay Martin," sabi niya, ang boses ay kalmado ngunit puno ng kumpiyansa. "Alam natin na may kakayahan siyang gumawa ng mga portal patungo sa ibang dimensyon. Kaya nila tayong matakasan gamit ito. Mas nagiging mailap ang Katipunan dahil sa kanya."
Napabuntong-hininga siya, ang kanyang mga mata ay pinagmamadan ang mga anino ng bodega.
"Lawakan ang paghahanap sa buong bayan. Kumpiskahin ang lahat ng gamit ng mga rebelde. Alamin kung sino ang nagmamay-ari ng bodegang ito at kung paano nila napuslit ang mga baril."
Kahit nabigo silang mahuli si Martin, ang pagkakatuklas sa isa sa mga hideout ng Katipunan ay isa paring tagumpay. Ngunit para kay Romeo, ang pagkabigo ay parang lason na unti-unting kumakalat sa kanyang sistema at nagbibigay sa kanya ng pangamba.
Isang oras pagkatapos ng operasyon, habang nasa loob ng kanyang sasakyan, bakas pa rin sa kanyang mukha ang bigat ng pagkadismaya. Ang katahimikan sa loob ng sasakyan ay naputol nang magsalita si Abby, ang kanyang matapat na kapatid na kilala sa kanyang masiglang espiritu.
"Heneral, wag kayong malungkot," sabi ni Abby, ang boses ay puno ng pag-asa, na parang sinusubukang buhatin ang mabigat na damdamin ng kanyang pinuno.
"Kahit hindi natin nahuli si Martin, nabawasan naman natin ang mga hideout ng Katipunan. Mahuhuli rin natin sila, makikita mo."
Napabuntong-hininga si Romeo, ang kanyang mga mata ay nakatuon sa mga punong nadadaanan ng sasakyan. " sana nga ate Abby, halos isang linggo nating minanmanan ang lugar na iyon. Alam natin ang bawat pasikot-sikot ng plano, pero nakatakas pa rin si Martin. Para tayong nakikipagtaguan sa kalaban na kayang tumakas gamit ang portal. Paano natin sila mahuhuli kung ganito?"
"Ano ang balita sa ibang mga lugar na pinagtataguan nila?" tanong niya kay Peter, ang kanyang tono ay naghahalo ng pagkabigo at pag-asa.
Inulat ni Peter na maayos ang sitwasyon sa Ilagan, Isabela, at Pampanga, kung saan patuloy na binabantayan ng kanilang mga tauhan ang mga pinaghihinalaang kuta ng Katipunan.
"Heneral, nakadepende sa galaw ng mga rebelde ang ating susunod na aksyon. Sa ngayon, kailangan muna nating maghintay," sabi ni Peter, ang kanyang boses ay praktikal ngunit may bahid ng pag-aalala.
Nakapangalumbaba si Romeo, ang kanyang isip ay puno ng mga plano at posibilidad. Ang ideya ng paghihintay ay parang dagok sa kanyang pagkatao bilang sundalo—sanay siya sa aksyon, sa mabilis na desisyon.
Napabuntong hininga sya at upang maibsan ang bigat ng sandali, nagdesisyon siyang magpalit ng usapan.
"May gagawin ba kayo bukas? Gusto n'yo bang sumama sa akin na mamasyal?" tanong niya sa dalawa, ang boses ay bahagyang magaan, sinusubukang itago ang kanyang tunay na nararamdaman.
Napakamot ng ulo si Abby, ngumiti ngunit may bahid ng pag-aalangan. "Gusto ko sanang sumama, Heneral, pero kailangan kong mag-report sa aking superior. Kahit nasa team mo ako, may tungkulin pa rin ako sa teritoryo ng aking diwata at nangako ako sa superior ko na mag duty bukas," sabi niya, ang tono ay puno ng pagsisikap na maging positibo.
"May lakad din ako bukas sa Pampanga," sabi naman ni Peter, habang iniinspeksyon ang kanyang tablet para sa mga ulat.
"Kailangan kong asikasuhin ang mga tauhan natin doon. Mahirap kausap ang ibang opisyal sa bayan na iyon, hindi pa nila pinipirmahan ang permit natin na gumawa ng operasyon sa ibang lugar kaya kailangan na personal ko silang puntahan."
Napabuntong-hininga si Romeo, ang kanyang mga balikat ay bahagyang bumagsak. "Mukhang mag-isa na lang akong lalabas bukas," sabi niya, ang tono ay may bahid ng pagkabigo.
Ngunit agad siyang tinukso ni Abby, na hindi napigilan ang kanyang sarili. "Heneral, bakit hindi ka na lang lumuwas sa Maynila ngayon? Para kasama mo si Flora bukas."
"Magsisimula ka na naman, ate Abby," sagot ni Romeo, ang kanyang mukha ay nakasimangot, ngunit ang kanyang mga mata ay nagpapakita ng sakit na pilit niyang itinago.
"Pero bakit naman hindi, Heneral?" giit ni Abby, ang kanyang mga mata ay puno ng malasakit. "Dati, palagi mong kasama si Flora kapag may day off ka. Wala akong nakikitang masama kung pupuntahan mo siya. Alam ko kung gaano siya kahalaga sayo."
Napatingin si Romeo sa labas ng bintana, ang kanyang mukha ay nagpapakita ng malalim na emosyon. Ang mga puno sa labas ay parang mga anino ng kanyang nakaraan, lumilipas ngunit hindi nawawala.
"Iba na ang sitwasyon natin, ate Abby," sabi niya, ang boses ay mahina, puno ng hinanakit. "Nagsisimula na siyang makahanap ng bagong makakasama sa buhay at Hindi na ako kasali doon, hayaan na natin sya."
Bakas ang kalungkutan sa mga mata ni Abby at Peter. Alam nila ang lalim ng damdamin ni Romeo para kay Flora, ngunit iginagalang nila ang kanyang desisyon. Alam nila na ginagawa ito ni Romeo hindi lamang para sa kanyang sarili, kundi para rin kay Flora, upang bigyan siya ng kalayaan na humanap ng bagong buhay niya.
Kinabukasan, walang bagong ulat mula sa kanyang mga tauhan, kaya naisipan ni Romeo na lumabas mag-isa. Ang buhay bilang sundalo ay puno ng problema—walang pahinga, walang tiyak na oras. Ang bawat araw ay isang laban, at ang bawat pagtulog sa gabi ay isang pagkakataon upang huminga.
Kaya naman, kapag may pagkakataon, naghahanap sya ng oras upang makahanap ng kapayapaan ng isip. Alam niya na bilang Heneral, hindi maaaring maging magulo ang kanyang isipan.
Ang negatibong pag iisip at damdamin ay parang kaaway na kailangang labanan nya. Sa edad na sampung taong gulang, pumasok na si Romeo sa militar. Isang henyo sa maraming bagay—estratehiya, labanan, at pamumuno—ngunit kahit gaano siya kagaling, hindi niya kayang labanan ang kalungkutan na dulot ng nangyari sa kanyang buhay.
Minsan naiinggit siya sa mga batang kasing-edad niya na malayang namumuhay—naglalaro sa mga parke, tumatawa kasama ang mga kaibigan, at walang mabibigat na responsibilidad.
Kaya naman, sa kanyang mga libreng oras, sinusubukan niyang maranasan ang mga simpleng bagay na ginagawa ng mga normal na kabataan: Kahit na isa syang opisyal ng gobyerno ay naglalaro sya ng video games nang palihim, nanonood ng mga palabas, at paminsan-minsan ay nangangarap na maging ordinaryo.
Noon, madalas niyang isama ang kanyang mga kapatid sa kampo para lumabas tuwing ikasampung araw. Magkakasama silang tumatawa, nagkukuwentuhan, at nag-eenjoy sa mga simpleng bagay.
Ngunit pagkatapos ng kanilang limang taong pagsasanay, ay gumawa sya ng mabigat na desisyon pinauwi nya ang mga itinuring nyang kapatid sa kani-kanilang bayan, at siya lamang ang natira sa Batangas.
Sa kasalukuyan, habang day off nyan, nagdesisyon siyang maglagi sa Batangas, ang kanyang bayan, upang magpalipas ng oras. Sa Batangas, naghanap siya ng libangan.
Nagtanong siya sa mga kabataang nakatambay sa kanto, ang kanyang boses ay may bahid ng pag-aalangan. "Saan ba may arcade center dito?" tanong niya, at ang mga kabataan ay agad nagbigay ng direksyon.
Matapos ang ilang oras ng paglalakad, natagpuan niya ang hinahanap niya sa isang mall. Pumasok siya sa arcade center, at doon, ay malaya syang naglaro, naramdaman niya ang magaan ng pakiramdam tuwing nakakapaglaro ng games kagaya ng iba.
Buong maghapon siyang naglaro—mula sa mga claw machine hanggang sa mga fighting games—nasisiyahan sa simpleng kaligayahan ng pagiging mag-isa.
Kinabukasan, pagkatapos niyang magtungo sa mga opisina ng mga mayor upang asikasuhin ang mga ulat tungkol sa seguridad ng mga bayan sa Batangas, nagpasya siyang mananghalian. Mag-isa siyang nakaupo sa isang restaurant, hawak nya ang kanyang cellphone, nakikipag-usap sa kanyang mga tauhan sa pamamagitan ng text.
Ang mga mensahe ay tungkol sa mga update sa kanilang mga operasyon, ngunit ang kanyang isip ay madalas na umilipad sa ibang lugar.
Matapos ang pag-uusap, napabuntong-hininga siya. Sa harap niya, nakahanda ang isang plato ng leche flan at nakapatong sa mesa, ang matamis na amoy nito ay nagpapaalala sa kanya ng isang tao—si Flora. Naimagine niya si Flora, ang kanyang ngiti habang kumakain ng matatamis na pagkain tulad ng leche flan.
Alam niya kung gaano ito kagusto ng dalaga at ang alaala ay parang dagok sa kanyang dibdib dahil tila gusto nya itong makasamang kumain at makinig ng mga kwento nito. Napagtanto nya na napakatahimik ng kanyang buhay at wala syang pwedeng gawing ibang bagay.
Kinuha niya ang kanyang cellphone at tinitigan ang wallpaper nito—isang larawan ng kanyang team, kung saan magkatabi sila ni Flora, parehong nakangiti. Ang mga ngiti nila noon ay puno ng pag-asa at saya, ngunit alam nya na ang mga ngiti ng dalaga na iyon ay para na sa ibang tao..
"Kailangan ko nang masanay na hindi na sya isama at kalimutan na lang," bulong niya sa sarili, nasaisio nya parin na mas magiging ligtas ang dalaga kung malayo ito sa kanya.
Ngunit sa kabila ng kanyang mga salita, ang sakit sa kanyang puso ay hindi nawawala. Labis siyang nalulungkot sa pagiging mag isa pero alam nya na ang kanyang pag iwas kay flora ay hindi lamang para sa kanya, kundi para rin sa kalayaan ng dalaga.
Kinabukasan, nagkaroon siya ng pulong kasama ang ilang sundalo upang magbigay ng mga tagubilin para sa pagpapatrolya sa buong probinsya ng Batangas.
Bilang Gobernador Heneral, siya ang humahawak sa pinakamalaking pwersa ng militar sa probinsya, at ang bawat mayor ay sumusunod sa kanyang mga utos pag dating sa seguridad.
Ang kanyang boses ay puno ng awtoridad habang nagbibigay ng mga direksyon, ngunit sa likod ng kanyang matigas na anyo, ang kanyang puso ay puno ng kalungkutan.
Matapos ang mahabang araw ng trabaho, umuwi siya sa kanyang tinutuluyang condo sa Batangas. Pumasok siya sa unit, binuksan ang mga ilaw, at agad naramdaman ang katahimikan ng lugar.
Umupo siya sa sofa sa sala, inilapag ang kanyang bag, at tila naghihntay na balutin sya ng katahimikan ng lugar.
Sa mga sandaling ito, ang kanyang isip ay naglalakbay kakaisip sa maraming bagay—sa mga laban, sa mga responsibilidad, at sa mga alaala ng nakaraan.
Nagtungo siya sa banyo upang maligo upang gumaan ang pakiramdam nya, at pagkatapos, nagluto ng hapunan sa kusina.
Ilang sandali pa habang kumakain mag-isa sa mesa, napagtanto niya kung gaano katahimik ang paligid. Ang bawat kagat sa pagkain ay parang paalala ng kanyang pag-iisa.
Hindi niya maiwasang maalaala ang kanyang mga kasamahan sa kampo, ang kanilang tawanan, at ang mga sandaling magkakasama sila.
Habang kumakain, tumunog ang kanyang cellphone. Isang notification mula sa isang social media platform ang lumitaw.
Naalala niya na isinama siya ni Reign, isa sa kanyang mga tauhan, sa isang gaming community gamit ang kanyang dummy account. Dahil mahilig siya sa mga laro, binigyan siya ni Reign ng sikat na online arcade battle game na tinututukan din ng mga kabataan, ang *Real Fighter*.
Gamit ang dummy account, malaya siyang nakikisalamuha bilang ordinaryong tao, walang nakakaalam na siya ang Heneral ng Batangas.
Ang Real Fighter game ay isang online battle game kung saan naglalaban ang dalawang manlalaro, nangongolekta ng mga panalo at tinutupad ang mga quest.
Bukod sa laban para sa leaderboard, maaari ring mangolekta ng mga item ang mga manlalaro. Dahil mayaman si Romeo, madali niyang nakukumpleto ang mga bagong item, na naging dahilan upang maging kilala siya sa gaming community.
Sa isang group post ng admin, nalaman niya na magkakaroon ng gaming convention sa Pasay, at hinikayat ang lahat na dumalo. Bilang isang gamer, nais ni Romeo na maranasan ang isang gaming convention, kahit isang beses lamang.
Ngunit bilang Heneral, alam niya na mahirap itong gawin dahil sa kanyang trabaho. Gayunpaman, dahil dummy account ang gamit niya, wala namang makakaalam ng kanyang tunay na pagkatao.
"Wala namang masama kung minsan ay subukan ko," bulong niya sa sarili, ang kanyang puso ay puno ng pananabik sa isang bagay na simple ngunit makabuluhan.
--- Kinabukasan, maaga siyang naghanda para sa event. Nagdesisyon siyang iwanan ang kanyang sasakyan para hindi na sya samahan ng driver nya at sumakay na lang ng pampublikong sasakyan upang maranasan na rin ang simpleng pamumuhay.
Sumakay siya ng jeepney, ang ingay ng makina at ang amoy ng usok sa kalsada ay nagbigay sa kanya ng kakaibang pakiramdam ng kalayaan.
Bumaba siya sa isang bus station patungong Pasay, Habang naglalakad, nakaramdam siya ng gutom.
Sa di kalayuan, nakita niya ang isang booth ng pagkain na nagbebenta ng mga nakakahong kanin at ulam—adobo, pritong hotdog, at iba pang paboritong pagkain ng mga Pilipino.
Napagdesisyunan niyang bumili para may makain ngunit napansin niyang maraming nakapila dahil breaktime ng tindera. Kahit na ganun ay nagtyaga parin siyang pumila, ang kanyang pasensya ay sinubok ng init ng araw at pag hihintay sa pag-usad ng linya.
Habang nakapila, napansin niya ang isang plastic bag sa harap niya, na parang iniwan ng may-ari.
Nang damputin niya ito upang tignan ay bigla na lang may sumigaw. "Teka, akin yan!"
Isang babae na maikli ang buhok na halos kasing-ikli ng sa lalaki, ang nagsalita. Nakasuot ito ng itim na jacket, maong na pantalon, at sneakers, pormado na parang lalaki ang dating.
Ang kanyang mga mata ay matalim, ngunit may bahid ng pagkataranta. "Pasensya na," sabi niya habang kinukuha ang plastic bag, ngunit pagkuha niya nito, bigla siyang humarang kay Romeo at pumila sa harap ng binata.
Nagtaka si Romeo, ang kanyang kilay ay bahagyang kumunot. "Teka, miss, bakit ka sumisingit sa pila? Hindi ba dapat sa likod ka pumila?" tanong niya na ang tono ay kalmado ngunit may bahid ng pagtataka.
Ngumiti ang babae at nagpaliwanag. "inilagay ko plastic bag na ito dito. Naka pila na kasi ako dito bago ka pa dumating pero dahil kailangan kong magpunta sa CR kaya iniwan ko ang gamit ko sa pila. " paliwanag niya, na parang iniisip nya na sapat na ang dahilan na iyon para mauna sya sa pila.
Hindi kumbinsido si Romeo sa sinabi ng babae. "Kahit na iniwan mo ang gamit mo, umalis ka parin sa pila. Dapat bumalik ka sa dulo. Wala naman batas na pwede kang mag-iwan ng gamit para ireserba ang pwesto mo," sagot niya.
Napakunot-noo ang babae, halata na rin ang pagkairita. "Teka, bakit ba parang pinapaalis mo ako? Sinabi ko na, nauna ako dito, at yang gamit ko ang katunayan na nauna ako sayo!" giit niya habang ang boses ay tumataas, na para bang handa nang makipagtalo.
"Para saakin ay hindi makatwiran ang ginagawa mo," sagot ni Romeo, ang kanyang mga mata ay nakatingin nang diretso sa babae. "Kung lahat ng tao gagaya sayo, magkakagulo ang pila. Maraming tao ang maaapektuhan kaya dapat pinapairal ang disiplina sa mga ganitong klaseng lugar."
Minaliit ni romeo ang pagkakaroon ng disiplina ng babae at sinabi na dapat irespeto nito ang karapatan ng bawat isa, ipinaalala nya na kahit sa eskwelahan ay itinuturo ang pagiging tapat at may disiplina.
Nairita lalo ang babae dahil sa sermon ni romeo sa kanya, ang kanyang mga kamay ay nakakuyom. "Hindi ko maunawaan kung bakit ginagawa mong big deal ang maliit na bagay na ito!"
"Kung hindi malaking bagay ang pagpila ng maayos ay dapat lang na pumunta ka sa likod ng pila at irespeto kaming mga nakapila. " Matapang na sagot ni romeo.
Dahil sa pag kainis ay hinatak niya ang kwelyo ni Romeo, habang ang mga mata ay nag-aapoy sa inis. "Kaya ayoko sa mga Hilaw! Napakayabang ninyo dahil lang mayaman kayo at nakapag-aral sa magagandang paaralan!"
Kalmado lang si Romeo kahit na naging agresibo ang babae na nasa harap nya, hinawakan nya ang kamay ng babae at dahan-dahang inalis ito sa kanyang damit.
"Hindi nakakatulong ang ginagawa mong pananakot sa kausap mo lalo na sa sitwasyon mo." sabi niya habang ang tono ay malamig ngunit kontrolado.
"Wala akong intensyon na makipagtalo. Ang gusto ko lang ay maging disiplinado ka. Kung nauna ka talaga, hindi ka dapat umalis sa pila. Pero kung gusto mo matapos ito ng maayos ay pumila ka na lang sa likod ko."
Ang mga tao sa paligid ay nagsimula nang mapansin ang pagtatalo nila. Kahit galit na galit ang babae, wala siyang nagawa kundi pumila sa likod ni Romeo, nanatiling matalim ang mga mata nya na nakatingin kay romeo.
Kalmado namang naglakad pasulong si Romeo, nagsimula na rin umusad ang pila at magbenta ng pagkain ang tindahan.
Ang kanyang isip ay mabigat pa rin dulot ng mga problema ngunit ang maliit na insidenteng ito ay nagbigay sa kanya ng kakaibang enerhiya—isang paalala na kahit sa simpleng bagay tulad ng pagpila, ay kailangan parin nyang bantayan ang mga tao.
Matapos makabili, kumain si Romeo sa food court, nagmamadali na rin sya dahil alam niyang malapit nang dumating ang bus patungong Pasay.
Ang kanyang biniling adobo at kanin ay mabilis niyang inubos, habang kumakain ay patuloy syang nag-iisip sa kanyang mga plano sa araw na iyon.
Pagkatapos ng ilang minuto, sumakay na siya ng bus at umupo. Ngunit hindi nya inaasahan ang madadatnan sa taas ng bus, nagulat at natahimik ang dalawa ng makita ang isat isa sa iisang bus,
Hindi inaasahan ni romeo na ang babaeng na nakipagtalo sa kanya ang magiging katabi niya sa upuan.
Agad siyang tinitigan nito ng masama. "Bakit ka umupo diyan? Sinusundan mo ba ako?" tanong ng babae habang ang boses ay puno ng hinala, ang kanyang mga kilay ay nakataas na puno ng pagdududa.
Tinitigan siya ni Romeo mula ulo hanggang paa, na parang sinusuri. "Hindi kita sinusundan, miss. Wala akong interes sa mga taong hindi man lang marunong maki bagay sa ibang tao. ," sagot niya, ang tono ay diretso at walang emosyon.
Nainsulto ang babae sa mga narinig nya mula kay romeo, ang kanyang mukha ay namula sa inis. "Huh? Wala kang modo. Maraming upuan sa bus, pwede ba lumipat ka na lang dahil ayaw kitang makatabi. " Pagsusungit nito.
"Maliban sa wala kang disiplina, maarte ka rin! Kung ayaw mo akong katabi, bakit hindi ikaw ang umalis?" sabi ni Romeo, ang boses ay may bahid ng pang-aasar.
"Nauna ako dito!" giit ng babae, ang kanyang mga kamay ay muling nakakuyom. "Teka, sinusubukan mo bang utusan ako dahil isa kang Hilaw (honorary Spaniard) ? Ugali nyo talagang maging mapagmataas sa mga pilipino, akala nyo na lahat ng pilipino ay kailangang sumunod sa inyo!"
Napabuntong-hininga si Romeo para kumalma halata sa kanya na unti-unting nauubos ang kanyang pasensya. "Hindi ko alam kung bakit laging *Hilaw* ang tawag mo sa akin. Gayunpaman, ang bus na ito ay para sa lahat. Nagbabayad din ako para makasakay katulad mo, kaya karapatan ko ring pumili ng upuan," sabi niya, ang kanyang mga mata ay nakatingin sa babae, na parang sinusubukang intindihin ang galit nito.
Alam ni romeo na may ilang tao na hindi kayang makibagay sa iba at dahil sa pagiging magkakaiba nila ay palaging nagkakaroon ng alitan ang mga pilipino at kastila. Sinubukan nya parin maging makatwiran at kalmado sa gitna ng pagiging asal kalye ng kausap.
Dahil dumadami na rin ang tao sa bus ay hindi na nakipagtalo ang babae, bagamat halatang iritable. Kinuha niya ang kanyang earphones at isinuot ito, nakinig na lang ng musika upang pakalmahin ang sarili.
Habang si Romeo naman ay tumingin sa labas ng bintana, ang kanyang isip ay nahati sa kanyang misyon at sa kakaibang pagtatagpo na ito.
Hindi nya kailanman naisip na makikioagtalo sya sa isang public place, napapaisip sya sa pinapakitang ugali ng babae, matapang ito na tila may galit na hindi niya lubos na maunawaan.
--- Ilang oras ang lumipas, habang binabagtas ng bus ang daan patungong Pasay. Ang bus ay unti-unting napuno, at dahil doon marami nang pasahero ang nakatayo sa gitna.
Ang ingay ng makina at ang mga bulungan ng mga pasahero ay lumikha ng isang pamilyar na kapaligiran para kay Romeo.
Nang huminto ang bus sa isang istasyon, sumakay ang ilang estudyanteng Kastila, mahahalata dito ang mga gintong bracelet sa kanilang mga braso na nagpapakita ng kanilang yaman at katayuan.
Agad silang naghanap ng mauupuan, at nang makita ang mga nakaupong Pilipino, nagsimula silang magmalaki. "Umalis kayo diyan! Kami ang uupo sa pwesto na yan! " sigaw ng isang estudyante, ang boses ay puno ng arogansya.
Nang hindi agad sumunod ang mga Pilipino, nagbanta sila. "Kung hindi kayo aalis, sisiguraduhin naming pagsisisihan niyo ito!"
Natakot ang ilang Pilipino, lalo na nang makita ang mga gintong bracelet na simbolo ng makapangyarihang pamilya. Walang nagawa ang mga ito kundi magbigay-daan, ang kanilang mga mukha ay puno ng takot at pagkabigo.
Isa sa mga Kastila ang napansin ang babaeng katabi ni Romeo. Hinatak nito ang earphones ng babae at sinigawan siya.
"Bingi ka ba? Sinabi ko, uupo ako! Umalis ka diyan at uupo ako. !"
Hindi nagustuhan ng babae ang ginawa ng estudyante. "Sino ka para paalisin ako? Wala kang karapatang utusan ako!" sagot niya habang ang boses ay matapang at walang takot, kahit na alam niyang delikado ang pagkontra sa isang Kastila.
Ang kanyang mga mata ay nag-aapoy sa inis, at ang kanyang postura ay handa makipag talo sa mga ito.
"Aba, matapang kang indiyo ka!" sigaw ng estudyante, ang kanyang tawa ay puno ng pang-iinsulto.
"Dapat turuan ng leksyon ang mga basurang tulad mo!" Tinangka nitong suntukin ang babae, ngunit bago pa makarating ang kamao nito, hinawakan ni Romeo ang braso ng estudyante,
Nagulat ang mga nakakita sa bilis ng pag galaw nito na parang sanay na sanay na makipaglaban.
Nagulat ang lahat sa bus at nanahimik. Pero dahil sa ginawa nya ang galit ng estudyante ay nabaling kay Romeo.
"Ano'ng problema mo? Wag kang makialam! Pinagtatanggol mo ba ang basurang indiyo na yan?" sigaw niya, ang kanyang mukha ay namumula sa galit.
Nainis ang babae sa pagtawag sa kanya na "indiyo" at sumagot. "Huwag mo akong tawaging indiyo! Hindi ako natatakot sayo!" binalaan niya ang lalaki habang ang kanyang boses ay puno ng tapang at may bahid ng panginginig na nagpapakita ng kanyang galit.
Lalo pang nagmalaki ang estudyante. "Ang mga indyo ay mga alipin lang sa lugar na ito! Dapat lang kayo na sumunod sa gusto namin!" sabi niya, ang kanyang tawa ay puno ng pang-iinsulto, na parang hinahamak ang lahat ng nasa paligid.
"Sumusobra ka na," sabi ng babae, handang-handang sumugod, ang kanyang mga kamao ay nakakuyom.
Ngunit bago pa siya makagalaw, biglang sinikmuraan ni Romeo ang estudyante, dahilan para mapamilipit ito sa sakit.
Ang mga pasahero ay bahagyang natakot dahil alam nila na may sisiklab na gulo. "Bwisit kang Hilaw ka! Kilala mo ba kung sino ang sinaktan mo?" sigaw ng estudyante, ang mukha ay namumula sa galit at sakit, ngunit ang kanyang boses ay may bahid ng takot.
Kalmado lang si Romeo, nanatiling nakaupo, ang kanyang mga mata ay matalim. "Nag-aral ako ng iba't ibang uri ng self-defense. Kaya kitang gulpihin dito kung hindi ka titigil sa paggawa ng gulo," sabi ni romeo habang ang boses ay malamig ngunit puno ng awtoridad.
"May batas laban sa pag gawa ng kaguluhan sa pampublikong lugar. Maraming saksi sa ginawa mo, at may camera din ang bus. Makikita ng awtoridad kung sino ang nagsimula ng kaguluhan at tiyak mapaparusahan ka." sambit ni Romeo.
"Bwisit ka! Anak ako ng isang opisyal ng gobyerno! Mula ako sa angkan ng Dela Paz " sigaw ng estudyante, ang pagmamalaki ay halata sa kanyang boses, ngunit ang kanyang mga mata ay nagpapakita ng takot ng tumitig si romeo sa kanya ng matalim na parang leon.
Napabuntong-hininga si Romeo para pakalmahin ang sarili, sinubukan nyang manatiling mahinahon habang nakiki pag usap.
"Mayabang talaga kayong mga Kastila at lagi nyong ipinagmamalaki ang kapangyarihan ng pamilya nyo. Pero wala kang magagawa dahil hindi ka maipagtatanggol ng pamilya mo dito," sabi niya, ang kanyang mga mata ay nakatingin nang diretso sa estudyante, na parang hinihintay ang susunod nitong galaw.
Kinuha ni Romeo ang kanyang ID at ipinakita ito.
"Kung gusto mo, picturan mo ito gamit ang cellphone mo. Ipakita mo ito sa pinagmamalaki mong pamilya. Sabihin mo na dinisplina kita sa harap ng marami, at kung gusto mong gumanti, alam ko na kaya ng pamilya mong ipahanap ako gamit ang ID ko.," sabi niya, ang kanyang boses ay puno ng kumpiyansa.
" Ipakulong mo ako, kasuhan o ano pa basta manahimik ka habang nakasakay ka sa bus na ito. " Dagdag ni romeo.
"Mayabang kang Hilaw ka!" sigaw ng estudyante, ngunit halata ang takot sa kanyang mga mata. Kinuha niya ang kanyang cellphone, kinunan ang ID ni Romeo, at galit na galit na inutusan ang driver na ibaba siya.
"Pagbabayaran mo ito ng malaki! Hambog!! "
Umalis ang estudyante kasama ang kanyang mga kasama, bumaba sila sa bus, na ngayon ay puno ng bulungan mula sa mga pasahero.
Habang ang babaeng katabi ni Romeo ay umupo muli, ang mukha nya ay puno ng pagkalito. Hindi niya alam kung magpapasalamat ba siya o hahayaan na lamang ang pangyayari.
"Hindi mo naman kailangang gawin yun. Kaya ko ang sarili ko," sabi niya, ang tono ay masungit at may bahid ng pag-aalangan, na parang sinusubukang panindigan ang kanyang tapang.
"Teka, miss, iniisip mo bang ginawa ko yun para sayo ? Wala akong interes maki elam sa gulo ng iba. Ayaw ko lang ng kaguluhan sa pampublikong lugar na makakasakit sa mga sibilyan," sagot ni Romeo,
Nairita ang babae sa mga sinabi ni romeo, ngunit alam niyang wala siyang dapat iprotesta.
"Napakayabang mo talaga," bulong niya, bago muling isinuot ang kanyang earphones upang pakalmahin ang sarili.
Sinubukan nyang maging kalmado ngunit sa kanyang isip, may bahid sya ng pagtataka kung sino ang lalaking ito na handang ipagtanggol ang isang estranghero, kahit na kanina lamang ay sya ang kaaway nito?
--- Ilang oras pa, nakarating na ang bus na sinasakyan nila sa Pasay. Agad na umaba si Romeo, ang kanyang mga hakbang ay patungo sa mall kung saan gaganapin ang gaming convention.
Nagulat na lamang siya dahil nakita nya ang babaeng nakipagtalo sa kanya na bumaba rin sa parehong istasyon. Habang naglalakad patungo sa mall, napansin ng babae na kasunod siya ni Romeo.
Kaya naman hindi na siya nakapagpigil at tumigil sya sa paglalakad. "Hoy! Sinusundan mo ba talaga ako? Stalker ka ba?" sigaw niya, ang kanyang mga mata ay muling nag-aapoy.
Napabuntong-hininga si Romeo at sinisikap na maging kalmado. "Hindi kita sinusundan. Papunta ako sa mall, at hindi lang ikaw ang may karapatan na dumaan dito," sabi niya, ang tono ay kalmado ngunit may diin.
"Maraming daan papuntang mall! Bakit kailangang sumabay ka saakin, may balak ka bang masama saakin? " sigaw ng babae, ang kanyang galit ay muling sumiklab, na parang hindi niya matanggap ang ideya na nagkakasabay sila.
"Wala akong oras makipagtalo sayo," sagot ni Romeo, humakbang pasulong at nilagpasan ang babae. "At saka, hindi ako stalker. Wala akong interes sa isang babaeng hindi man lang marunong magsuot ng tamang damit," dagdag niya, ang tono ay may bahid ng pang-aasar.
"Weirdo." Sambit ni romeo.
"Weirdo? Teka tinawag mo ba akong weirdo?!" sigaw ng babae habang ang mukha ay pulang-pula sa galit.
Tiningnan niya ang kanyang suot na jacket, pantalon, at sneakers—at lalong nainis sa binata. "Maayos naman ang damit ko!" sigaw niya, bago lumiko sa ibang direksyon upang makahanap ng ibang daan patungo sa mall.
--- Sa loob ng mall, ginaganap ang gaming convention sa isang malaking hall, puno ng mga gaming booth, makukulay na ilaw, at masiglang musika.
Ang buong paligid ng event hall ay puno ng enerhiya—mga kabataang gamer na tumatawa, mga propesyonal na manlalaro na nagpapakita ng kanilang galing, at mga booth na nag-aalok ng mga bagong laro.
naglibot, si romeo sa lugar, ang kanyang mga mata ay puno ng pananabik dahil unang beses nyang masusubukan ang ganung bagay.
"Kung ganun, ganito pala ang gaming event," bulong niya sa sarili, ang kanyang puso ay puno ng kagalakan sa simpleng karanasan.
Natagpuan niya ang booth ng *Real Fighter*, ang larong madalas na laruin niya. Ang mga booth ay gumagamit ng tokens, ngunit dahil aktibo siya sa gaming community, bumili siya ng VIP card na may 1000 token credits.
Gamit ito, hindi na niya kailangang bumili ng mga token para makapaglaro. Umupo siya sa isang booth, ang kanyang mga daliri ay inihanda nya na sa controller, at agad na itinuon ang isip sa laro.
Bawat kalaban na umupo sa kabilang upuan ay agad nyang natalo. Maraming humanga sa kanya dahil sa bilis ang kanyang mga daliri sa pag gamit ng controller, at ang kanyang diskarte ay perpekto, na parang ang laro ay isang laban sa larangan ng digmaan.
Sa loob ng ilang minuto, labintatlong manlalaro na ang kanyang natalo, at wala pa siyang naipatalong laban.
Ang mga nanood sa kanyang likuran ay namamangha, ang kanilang mga bulungan ay puno ng paghanga.
"Grabe, sino ba yan? Baka professional player!" sabi ng isa. "Hindi ko siya kilala, pero ang galing niya!" dagdag ng isa pa.
Sa gitna ng kanyang sunod-sunod na panalo, biglang umupo sa kabilang upuan ang babaeng nakipagtalo sa kanya.
Naghulog ito ng token habang tinitigan siya muka sa kanyang upuan, ang kanyang mga mata ay puno ng pag hamon.
"Hindi ko inaasahan na dito ka rin pupunta," sabi niya, ang boses ay puno ng kompetisyon.
Tiningnan niya ang record ni Romeo sa screen. "Labintatlong panalo? Hindi masama para sa baguhan." pang aasar ng babae
"Tumahimik ka na lang at maglaro," sagot ni Romeo, ang tono ay may bahid ng pang-aasar, ngunit ang kanyang mga mata ay nagpapakita ng kumpiyansa.
Nairita ang babae sa isinagot ng binata, ngunit seryoso siyang tumingin sa screen. "Humanda ka, paiiyakin kita," sabi niya, ang kanyang mga daliri ay mabilis na gumalaw sa controller habang nag hahanda sa laban.
Ngunit pagkatapos ng ilang minuto, natalo siya ni Romeo sa laro. Napatingin siya sa kanya, at nakita ang nakangising ngiti ng binata na parang iniinsulto siya.
"Hindi, hindi pa tapos to!" sambit ng babae habang naghulog muli ng token. Ngunit kagaya ng naunang subok ay muli siyang natalo, at paulit-ulit itong nangyari, hanggang sa limang beses siyang natalo ni Romeo.
Hindi sya makapaniwala sa nangyari pero nagpatuloy parin sya na lumaban bilang pag bawi sa kanyang pride bilang player at sa ikaanim na laban, nagawa niyang talunin si Romeo sa laro.
Napatayo siya sa kanyang upuan habang ang kanyang kanang kamay ay nakataas para ipagmalak ang tagumpay habang nakangiti.
"Hahaha! Ano ka ngayon? Akala mo ba palagi kang mananalo?" sabi niya, ang boses ay puno ng kagalakan, na parang isang batang nagtagumpay sa isang laro.
"Pinagbigyan lang kita," sagot ni Romeo, ngunit halata sa kanyang ngiti ang pagkairita. "Hindi ko pa kabisado ang character na ginamit ko. Isa pang laban," hamon niya, ang kanyang mga mata ay nag-aapoy sa kompetisyon.
Natawa ang babae sa sinabi ni romeo, ang kanyang pagtawa ay puno ng pagmamayabang. "Gumagawa ka lang ng dahilan! Sige, maglaban ulit tayo. Ilalampaso kita para hindi ka na makapagyabang!" sagot niya, ang kanyang mga daliri ay muling handa sa controller.
Muli silang naglaban sila, at ilang sandali pa ay muling nanalo si Romeo sa sumunod na laban.
"Tsk, marami ka pang dapat matutunan bago mo ako matalo sa larong ito," sabi niya, ang tono ay puno ng pang-aasar, ngunit may bahid ng respeto sa tapang ng kanyang kalaban.
"Napakayabang mo! Isa pa!" hamon ng babae, ang kanyang mga mata ay puno ng determinasyon. Ngunit nang kapain niya ang mga token sa kanyang bulsa, napansin niyang wala na siyang token na natitira.
Nanigas siya sa kinauupuan dahil sa pagkabigla, ang mukha ay puno ng pagkabigo. "Hindi… naubos na ang sampung token ko? Hindi ko pa nalalaro ang ibang laro…" bulong niya, ang kanyang boses ay puno ng pagsisisi.
Napabuntong-hininga si Romeo habang ang kanyang mga mata ay nakatingin sa babae, na ngayon ay parang isang batang nawalan ng laruan.
Kinuha ni romeo ang kanyang pitaka at bumunot ng isa pang VIP card, at inilapag ito sa harap ng babae.
"Gamitin mo muna," sabi niya habang ang tono ay walang emosyon,
Agad na nagtaka amg dalaga sa sinabi nito at iniaabot sa kanya.
"Huh? Ibibigay mo sa akin ang VIP card mo?" tanong ng babae, ang kanyang mga mata ay puno ng pagtataka, na parang hindi makapaniwala sa kanyang narinig.
"Pahihiramin lang kita ng vip card," sagot ni Romeo, ang kanyang ngiti ay bahagyang lumitaw.
"Ayokong natatalo sa laban, at gusto kong durugin ka sa ginawa mong pagtalo sa akin kanina."
Ilang segundong hindi aumagot ang babae kaya naman tinanong sya ni romeo kung maglalaro pa ba sya o hindi.
Agad naman syang singot ng dalaga at sinabi na nagdududa sya sa alok nito na oahihiramin sya ng Vip card oara libreng makapaglaro lalo na nagkaroon sila ng away kanina.
Inamin naman ni Romeo na hindi nya nagustuhan ang pag uugali ng dalaga sa labas kanina pero nilinae nya na hindi sya mababaw na tao para magtanim ng galit sa ibang tao. Para sa kanya pag aaksaya ng oras at pagod ang pag iisip ng mga bgay na wala naman halaga.
" Nandito ako para maglaro at makipaglaro sa ibang tao. Wala namang problema kung tumanggi ka. Pwede naman akong maghanap ng ibang pahihiramin ng vip card. " Sagot ni romeo.
Saglit na napaisip ang dalaga, nakakaramdam sya ng pag aalinlangan pero sumasagi sa isip nya na hindi naman masamang tao talaga ang lalaking kaharap nya lalo pa tinulungan sya nito laban sa kastilang estudyante sa bus, gusto nya rin naman maglaro lalo na gumastos pa sya para lang makapunta doon at masubukan sa unang pag kakataon na maka attend sa isang gaming convention.
Napangiti ang babae, ang unang tunay na ngiti na nakita ni Romeo mula sa kanya. "Sige, tutal sinabi mo naman na ayos lang sayo na magoahiram eh hindi ko tatanggihan yan. Pero wag kang magmalaki—hindi ako magpapatalo!" sabi niya, ang boses ay puno ng pananabik.
Muling naglaban sila sa laro at sa tatlong sunod-sunod na laban, muling nanalo si Romeo. Halos manlumo naman ang babae, halata sa kanyanh mukha ang galit dahil sa pagkabigo. "Hindi ko matatanggap to!" sigaw niya, ang kanyang mga kamao ay bahagyang tumama sa lamesa, na parang isang batang hindi matanggap ang pagkatalo.
Biglang tumayo si Romeo, ang kanyang mga mata ay puno ng kumpiyansa. "Humanap tayo sa ibang laro," sabi niya, ang tono ay puno ng hamon.
"Hahayaan kitang gamitin ang VIP card ko, at dahil good mood ako bibigyan kita ng pagkakataon, kung matatalo mo ako ng sampung beses sa mga laro dito, ibibigay ko sayo ang card ng libre."
"Huh? Seryoso ka?" tanong ng babae, ang kanyang mga mata ay puno ng pagdududa, ngunit may bahid ng kagalakan.
"sabihin na lang natin na mayaman ang pamilya ko. Maliit na bagay lang sa akin mamigay ng VIP card," sagot ni Romeo, ang tono ay parang walang pakialam, ngunit ang kanyang mga mata ay nagpapakita ng isang kakaibang interes.
" Alam ko wala ka ng token at kung hindi mo tatanggapin ang alok ko ay hindi mo na masusubukan ang ibang laro."
Kahit nagdududa sa magandang alok sa kanya, gusto ng babae na magpatuloy sa paglalaro upang hindi masayang ang araw nya. "Sige, payag ako!" sabi niya, ang kanyang boses ay puno ng determinasyon.
"Pero wag kang umasa na pagbibigyan kita sa mga laro dahil hindi ako magpapatalo ulit!" nakangiti nyang sambit.
Hindi na sumagot si romeo at nagsimulang maglakad para maghanap ng ibang laro.
Naglibot silang dalawa sa event, sinubukan ang bawat gaming booth na bakante—mula sa racing games hanggang sa shooting games.
Ang kanilang tawanan at asaran ay unti-unting napalitan ng saya, na parang dalawang batang nawala sa mundo ng laro.
Hindi nila napansin ang oras, at sa pagkakataon na iyon, naramdaman ni Romeo ang kalayaan mula sa bigat ng kanyang tungkulin bilang Heneral. Sa mga sandaling iyon, naramdaman nya kahit saglit ang pagiging isang ordinaryong kabataan na nag-eenjoy sa simpleng kaligayahan sa paglalaro kasama ang isang kakaibang babaeng na minsan syang nakipagtalo.
Ang kanilang laban sa mga laro ay pagsisimulan ng hindi lamang pagkakaibigan, kundi isang simula ng isang bagay na hindi nila inaasahan.
End of chapter.
