Kabanata 55: Ang Pag-asa sa Likod ng Pinto Sa loob ng Bahay na Walang Hagdan,
ilang minuto matapos ang matinding labanan, nagkaroon ng katahimikan sa loob ng kwarto at napayapa ang buong silid.
Ang tensyon ng sagupaan ay unti-unting nawala, ang dalawang sundalo sina Abby, at Peter ay pinayagang makapasok sa silid kung nasaan sina Romeo at laguna.
Si laguna ang kasalukuyang kinikilalang pinakamakapangyarihang sugo ng diwata ng mga pilipino ayon sa mga kastila. Nakaupo ang tatlo sa mga silyang kahoy na pinalamutian ng masining na ukit, sa harap ng isang mahabang hapag-kainan.
Sa kabilang dulo ng mesa ay naroon nakaupo rin si Laguna, kasama ang kanyang limang tauhan: sina Maria Clara, Cris, Basilio, Elias, at Juli. Ang silid ay puno ng katahimikan at mararamdaman ang tensyon sa paligid.
Nananatiling nakabantay ang mga tauhan ni Laguna habang nakatayo sa kanyang likuran, mga mata'y alerto ngunit puno parin ng respeto sa kanilang amo.
Naghain ng mga mangkok ng sariwang fruit salad si clara na may mga prutas na mansanas, pinya, at singkamas, na sinaluhan ng matamis na fruit cocktails at crema.
Maaamoy sa paligid ang matamis at nakakaengganyong amoy ng sariwang prutas, ngunit ang tatlong sundalo bisita nila ay halos hindi gumagalaw sa kanilang upuan.
Sa kabilang banda, mababakas ky laguna ang ngiti na tila ineenjoy ang pag kain habang sumusubo ng fruit salad, ang kanyang mga mata'y kumikinang sa simpleng kasiyahan ng pagkain.
Napansin ni Laguna ang seryosong mukha ni Romeo, na hindi man lang hinahawakan ang kubyertos sa kanyang harap. "Heneral, bakit hindi mo tikman ang salad? Natitiyak ko, magugustuhan mo ito," sabi niya, ang boses ay magaan ngunit may bahid ng pang-aasar.
Inangat niya ang kanyang kutsara, na may dalang piraso ng mansanas, at ngumiti nang malawak. "Wala ako sa mood para kumain," sagot ni Romeo, ang kanyang boses ay seryoso at puno ng diin.
"Mahalaga ang pinunta ko rito, Laguna. Bawat minuto na lumilipas, maraming buhay ang nanganganib na mawala. Hindi ko kayang mag-aksaya ng oras dito para kumain lang."
Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Laguna, na parang isang inang napapagod sa katigasan ng ulo ng kanyang anak. "Napakabata mo pa, Romeo, para mastress sa mga bagay na wala ka namang kontrol," sabi niya, habang inilapag ang kutsara sa gilid ng kanyang plato.
"Ang ibig kong sabihin, normal sa tao ang kamatayan. Araw-araw, may namamatay sa bansang ito—sa digmaan, sa gutom, sa sakit. Lahat tayo, sa huli, ay mamamatay din."
Biglang tumayo si Romeo mula sa kanyang upuan, ang kanyang kamao'y humampas sa mesa, dahilan para magtunogan ang mga kubyertos na nakapatong sa mesa. Ang kanyang mga mata'y nag-aalab sa galit at determinasyon. "Kahit normal sa tao ang kamatayan, walang sinuman ang may karapatang magdikta kung kailan at paano ito mangyayari!" sigaw niya habang ang boses ay puno ng pait.
"Hindi ko hahayaang magpatuloy ang kaguluhang ito habang may mga inosenteng buhay ang basta na lang mawawala sa hindi makatarungang bagay!"
Ang silid ay napuno ng katahimikan, ang bigat ng mga salita ni Romeo ay parang bato na bumagsak sa kanilang lahat. Habang tahimik ang kwarto, nagkatinginan sina Abby at Peter , pareho silang nag-aalala sa galit ng kanilang heneral habang kausap si laguna.
Nanatiling kalmado lang si laguna sa kanyang kinauupuan, bagamat ang kanyang mga mata'y nagpapakita ng kaunting pag-aalala.
Yumuko siya at muling sumubo ng salad, na parang nag hihintay ang tamang sandali upang magsalita.
"Hindi ko na patatagalin pa ang usapan natin," sabi ni Romeo, ang kanyang boses ay mas kalmado ngunit puno pa rin ng intensidad. "Nandito ako para humingi ng tulong. Alam mo ang tungkol sa Katipunan, ang mga rebelde na pinamumunuan ni Martin. Higit limang daang tao na ang namatay dahil sa kanila, at hindi ko hahayaang magpatuloy ito. Kailangan ko ang tulong mo, Laguna, para pigilan sila."
Muling naghari ang katahimikan sa silid. Habang nagpapatuloy lang sa pagkain si Laguna, ang kanyang kutsara'y dahan-dahang gumagalaw para sumubo ng pagkain habang ang kanyang mga tauhan ay nanatiling tahimik sa likuran niya.
Sa kabila ng kanyang galit napayuko si romeo sa harap ni Laguna, ang kanyang ulo'y halos dumampi sa mesa bilang tanda ng paggalang at desperasyon.
"Limang daang buhay, Laguna. Limang daang Pilipino. Hindi ba sapat iyon para kumilos ka?"
Nabalot ng katahimikan ang kwarto sa loob ng halos sampung segundong pagyuko ni romeo.
Ilang segundo pa ang lumipas, inilapag ni Laguna ang kanyang kutsara at tinitigan ng deretso si Romeo.
"Oh, ang Katipunan? Tama, ang grupong pinamumunuan ni Martin, ang sugo ng Quezon City," sabi niya, ang boses ay kalmado ngunit puno ng kaalaman.
Nagulat si Abby, ang kanyang mga mata'y nanlaki. "Kilala mo si Martin?" tanong niya habang hindi makapaniwala.
Hindi itinanggi ito ni Laguna. Sa halip, ngumiti siya nang bahagya at sinabi, "Alam ko ang lahat tungkol sa mga sugo ng diwata sa Pilipinas—ang kanilang mga pangalan, kakayahan, tirahan, personalidad, at maging ang enerhiyang taglay nila. Nagpapasalamat ako aa tauhan kong si Elias tungkol sa bagay na yun," sabi niya, sabay tingin sa lalaking nasa kanyang tabi.
Biglang lumutang sa paligid ang mga bilog na parang mga mata, na kumikislap sa liwanag ng silid. "Ang mga ito ang ginagamit ni Elias para magmasid, gaano man kalayo ang distansya," paliwanag ni Laguna.
"Sa pamamagitan nito, nalalaman ko ang mga galaw ng mga sugo sa buong bansa."
"Kung gayon, alam mo rin ang nangyayari sa Pilipinas?" tanong ni Romeo.
"marami akong nalalaman pero hindi lahat," sagot ni Laguna, ang kanyang ngiti ay nagpapakita ng kaunting pag-iingat.
"Nakadepende ito sa pagkakataon at sitwasyon. Hindi ko kayang makita ang lahat ng nangyayari, ngunit sapat ang nalalaman ko para maging maingat."
"totoo ba ang sinasabi mo?" tanong ni Abby, ang kanyang boses ay puno ng kuryosidad. "Sinasabi mo bang alam mo kung nasaan ang mga sugo ng diwata?"
"Hindi lahat," sagot ni Laguna. "Ngunit kayang makita ni Elias ang presensya ng isang sugo sa oras na gumamit sila ng kapangyarihan, kaya madali para sa kanya na sundan ang mga ito. Sa ngayon, may higit isang daan at dalawampung sugo ng diwata sa Pilipinas, at tatlompu sa kanila ang nagtatrabaho bilang sundalo ng mga Kastila."
Nagulat sina Peter at Abby sa nalaman nila. "Isang daan at dalawampu?" bulalas ni Peter. "Hindi ko ina akalang ganoon karami ang mga sugo sa pilipinas!"
"Nakakagulat, pero kung ikaw ang nagsabi niyan, naniniwala ako," sabi ni Romeo, ang kanyang boses ay puno ng paggalang.
Ngumiti si Laguna, ang kanyang mga mata'y kumikinang sa kaalaman. "Gusto mo bang sabihin ko kung nasaan ang mga sugo?" tanong niya, na may bahid ng pang-aasar.
"Marami sa kanila ang ayaw ilantad ang kanilang sarili. Iilan lamang ang may tapang na gamitin ang kanilang kapangyarihan para gampanan ang kanilang misyon bilang sugo."
Ipinaliwanag ni Laguna na iba-iba ang paraan ng mga diwata sa pagbibigay ng kapangyarihan sa kanilang mga sugo. "Hindi nila pinipilit ang mga sugo na sundin ang isang itinakdang landas. Tulad natin noon, malaya silang gawin ang gusto nila sa kanilang kapangyarihan. At sa tingin ko kahit lumabag sila sa kagustuhan ng diwata, mananatili pa rin ang kanilang kapangyarihan dahil na rin matagal na itong itinakdang mapasakanila.."
"Kapag nakuha mo ang ibang mga sugo at nakumbinsi silang sumama sa'yo, mas lalakas ang puwersa ng gobyerno ng mga Kastila," dagdag ni Laguna.
"Mas makokontrol ninyo ang bansa."
"Hindi ko sila kinukumbinsi para gamitin," sagot ni Romeo, ang kanyang boses ay puno ng katapatan. "Tinutulungan ko sila para magkaroon ng maayos na buhay at magampanan ang kanilang tungkulin bilang mga sugo."
Ngumiti si Laguna, ngunit ang kanyang ngiti ay may bahid ng pagdududa. Inilapag niya ang kutsara at seryosong tinitigan si Romeo.
"Walang pinagkaiba ang ginagawa mo sa sinasabi mong 'paggamit' ng mga sugo, Romeo. Inaalok mo sila ng kayamanan at pribilehiyo kapalit ng pagiging sundalo—mga sundalong sumusunod sa utos ng mga Kastila, mga utos na hindi nila maaaring labagin, kahit na humantong ito sa kamatayan ng mga Pilipino."
Biglang sumabat si Romeo, ang kanyang boses ay puno ng galit. "Alam ko na madalas na nauwi sa kamatayan ng mga rebelde ang mga misyon namin, pero ginagawa namin ito para protektahan ang mga inosenteng Pilipino na nadadamay sa rebelyon!" sambit niya.
"Ang tanging hangad ko ay mabuhay nang mapayapa ang mga Pilipino at ayusin ang sistema mula sa loob ng pamahalaan. Pero paano iyon mangyayari kung patuloy na gagawa ng kaguluhan ang mga rebelde?"
"Kailangan nating magkaisa sa iisang layunin bago magkaroon ng kapayapaan," sagot ni Romeo, ang kanyang mga mata'y nag-aalab.
"At bago iyon mangyari, kailangang mawala ang mga kumokontra sa kapayapaang dapat nangyayari. "
Hinintay ni Laguna na matapos si Romeo sa pagpapaliwanag bago muling magsalita. "Sinasabi mo bang ang pagpatay sa mga rebelde ang tanging paraan para makamit ang kapayapaang hinahangad mo?" tanong niya, ang kanyang boses ay kalmado ngunit puno ng hamon.
"Sa tingin mo, magtatagumpay ka sa ganoong paraan?" tanong ni Laguna, ang kanyang mga mata'y puno ng pag-aalala. "Hindi lahat ng Pilipino ay sang-ayon sa mga paniniwala mo, Romeo. Kailangan mo yun tanggapin. "
Napayukom ng kamao si romeo sa inis pagkatapos marinig si laguna gayunpaman, alam nya na hindi maganda sa iba ang kanyang nais na makamit.
" Para sa iba, sinakop tayo ng mga Kastila, at kinakailangan ng kalayaan ng bansang ito. Gusto nilang mabawi ang kanilang dangal at karapatan na inalis sa kanina sa mismong lupaing na kanilang sinilangan."
Nakayuko si Laguna, ang kanyang boses ay biglang naging seryoso. "Talaga bang gusto mong manatiling alipin ang mga Pilipino, Romeo? Mabuhay bilang mga tuta ng mga dayuhan?" Ang mga salita ni Laguna ay parang punyal na tumusok sa puso ni Romeo.
Muli naman niyang hinampas ang mesa, ang kanyang kamao'y nanginginig sa galit, ngunit pinipigilan niya ang sarili na magalit ng tuluyan o magmalabis sa harap ng pinakamakapangyarihang sugo.
"Hindi ako nandito para tumanggap ng pang-iinsulto muka sayo !" sigaw niya.
"Alam mo na kahit naglilingkod ako sa mga Kastila, ang puso at isip ko'y nasa mga kababayan ko, kapakanan ng pilipinas pa rin ang gusto ko!"
Muling naghari ang katahimikan sa loob ng kwarto. Huminga nang malalim si romeo upang pakalmahin ang kanyang damdamin. "Nang iligtas mo ako noon, Laguna, wala kang sinabing anumang tungkulin o layunin. Iniwan mo akong magdesisyon mag-isa. At ang tanging desisyon na naisip ko para makatulong sa bayan ay ang maging sundalo. Alam ko ang mga pagkukulang ng mga Kastila at masakit saakin na utosan nila na paslangin ang mga kababayan natin. Pero ano ba ang magagawa ko?"
"kung wala akong gagawin ay paano ako makakatulong sa iba? " Dagdag nito.
Muli niyang hinampas ang mesa, ang kanyang boses ay puno ng pait. "Gusto ko nang matapos ang lahat ng ito! Ayoko nang madagdagan pa ang mga kasalanan ko, pero hindi ko alam kung paano matitigil ang kaguluhang ito!" Ang kanyang mga mata'y puno ng desperasyon habang tinititigan si Laguna.
"Sabihin mo sa akin, Laguna, ikaw na kinikilalang pinakamatalino at pinakamakapangyarihan sa Pilipinas. Kung sa tingin mo ang rebelyon ang tamang paraan, handa akong sumunod sa'yo. " Seryosong sambit nito.
"Sabihin mo lang, at sasama ako sa'yo para wasakin ang pamahalaan ng mga Kastila dito sa Pilipinas!"dagdag nito.
Nagulat sina Abby at Peter sa mga binitiwang salita ni Romeo, ang kanilang mga bibig ay bahagyang nakabuka. "Heneral, seryoso ka ba?" bulong ni Abby, ang kanyang boses ay puno ng pag-aalala.
Muling naghari ang katahimikan sa kwarto.,ang tensyon sa silid ay parang bubog na anumang oras ay maaaring mabasag. Lahat sila ay naghintay sa sagot ni Laguna, ngunit sa halip na sumagot, ngumiti lamang siya, ang kanyang mga mata'y kumikinang sa paghanga.
"Matalino ka, Romeo, at mapangahas. Hinahangaan ko ang tapang at puso mo," sabi niya, ang kanyang boses ay malambot ngunit puno ng awtoridad.
"Tulad mo, nais ko rin mapalaya ang Pilipinas," dagdag niya. "Pero ang problema, hindi ako mahilig sa pakikipaglaban. Kaya ko ginawa ang mga tauhan ko—sina Clara, Cris, Basilio, Elias, at Juli—para sila ang lumaban para sa akin."
Tahimik na nakinig si Romeo, ang kanyang mga mata'y hindi umaalis kay Laguna. "Alam mo na hindi ako naniniwala na kaya ng mga Pilipino na maging malaya sa ngayon," sabi ni Laguna, ang kanyang boses ay puno ng pait.
"Kaya hindi ko kayang pamunuan ang rebelyong sinasabi mo."
Nagbigay siya ng impormasyon kay Romeo, na parang isang pabor mula sa isang kaibigan. "Kung magsisimula ang rebelyon ng lahat ng sugo laban sa mga Kastila, dalawampu lamang ang may kakayahang lumaban talaga sa mga Espada ng Espanya. At lima lamang ang kayang tumapat sa kanila, ngunit kailangan pa rin ng mahabang paghahanda."
"Lima?" tanong ni Abby, ang kanyang boses ay puno ng pagtataka. Ngumiti si Laguna.
"Hindi eksakto ang bilang, syempre. Nakadepende ito sa sitwasyon at pagkakataon. Kahit kayang tumapat ng lima sa mga Espada, walang katiyakan ang kanilang panalo. Ang aking pagsusuri ay batay sa mga datos mula kay Elias— sa personalidad ng sugo, ang kanilang mga kakayahan, at ang potensyal nilang makipaglaban."
" Aaminin ko sainyo kaya ng limang iyon patayin ang mga espada, gayunpaman, hindi nila yun gagawin. At kung bakit? Dahil ayaw nila ng gulo at makisawsaw sa mga bagay na magtutulak sa kanila sa walang katapusang labanan sa isang makapangyarihang bansa gaya ng espanya. " Serysong sambit ni laguna.
"Marami sa mga sugo ay ayaw makipaglaban," dagdag ni Laguna. "Kahit may potensyal sila, hindi natin sila maaasahan kung ayaw nilang sumali sa digmaan."
Sumabat si Romeo, ang kanyang boses ay puno ng pait. "Inaral ng mga Kastila ang ikatlong antas ng sugo state Napakalayo ng kaalaman nila sa pakikipaglaban kumpara sa atin. Dahil doon, halos imposible na manalo tayo sa digmaan."
Tumango si Laguna. "Tama ka. Malaki ang agwat ng kaalaman ng mga Kastila sa atin pagdating sa paggamit ng kapangyarihan ng diwata.
Nakipaglaban na ako sa mga Espada ng Espanya sa kanilang sariling teritoryo, at hindi sila basta-basta kalaban."
Nagulat sina Abby at Peter sa nalaman. "Nakipaglaban ka sa Espanya?" tanong ni Abby habang hindi makapaniwala. "Paano ka hindi nahuli?"
Ngumiti si Laguna, ang kanyang ngiti ay puno ng kumpiyansa. "Bagamat tinutugis ako ng mga Kastila rito sa Pilipinas, hindi naman ako masyadong pinapansin sa Espanya. Nang tugisin ako ng mga heneral dito, kusa akong pumunta sa Espanya para harapin ang opisyal nila para makipagkasundo. Alam mo, Romeo, pulitika ang nagpapatakbo sa mundo. Kung may mga bansang sumusuporta sa'yo at bahagi ka ng kanilang alyansa, may kapangyarihan ka."
Muli siyang sumubo ng salad, ang kanyang mga mata'y kumikinang na parang isang batang natutuwa sa tamis nito.habang tahimik na nanonuod sa kanya sina romeo at naghihintay sa susunod na sasabihin ni Laguna.
"Sinusubukan kong kumbinsihin ang mga maimpluwensyang tao sa ibang bansa na tulungan ang mga Pilipino sa madilim na sistemang umiiral dito," sabi ni Laguna.
"Pero mukhang malabo pa nila akong matulungan dahil sa nagaganap na pandaigdigang digmaan." Nagbuntong-hininga siya, ang kanyang boses ay puno ng pait.
"Wala akong karapatang kwestyunin ang paniniwala ng iba, gayong ako mismo ay duwag na nagtatago at umiiwas sa responsibilidad."
Sinabihan niya si Romeo na hangga't may oras pa, gawin niya ang lahat ng kaya niya kung iyon ang tingin niyang tama.
"Nang iligtas kita noon, hindi ko sinabi kung ano ang dapat mong gawin dahil kahit ako, hindi ko alam kung ano ang tamang landas para sayo. Tinutulungan ko ang mga Pilipino sa aking sariling paraan, pero alam ko rin na bawat araw na lumilipas, maraming nagdurusa at namamatay. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko ito gagawin, o kung may katiyakan ba ang aking pamamaraan."
"Romeo," dagdag niya, ang kanyang boses ay puno ng habag, "hindi ito matatapos sa pamamagitan lamang ng pagdanak ng dugo. Ang karahasan ay magdudulot lamang ng galit at poot, na hahantong sa walang katapusang paghihiganti.".
"Alam ko," sagot ni Romeo, ang kanyang boses ay puno ng determinasyon. "Pero sagad na ang ginawa ng mga rebelde. Kailangan ko nang kumilos para pigilan sila. "
Biglang napaisip si Laguna. Inilapag niya ang kutsara at tinitigan si Romeo. "Kung seryoso kang patayin ang mga rebelde ng Katipunan, kailangan kong sabihin na hindi kita matutulungan," sabi niya, ang kanyang boses ay puno ng pait.
Inamin niya na kilala niya si Martin at dalawang beses na niya itong nakita, nagpasalamat sya sa pagsubaybay ng kanyang tauhan. "Noong nakaraang buwan, kusa siyang pumunta sa akin para kumbinsihin din ako para palayain ang bansa," dagdag niya.
Nagulat si Abby sa narinig kay laguna. "Alam mo kung nasaan si Martin?" tanong niya, ang kanyang boses ay puno ng pag-asa.
Hindi naman itinanggi ni Laguna na may alam siya sa mga pinagtataguan nito. "Sabihin mo sa akin kung nasaan siya, at ako na ang bahala sa lahat," sabi ni Romeo, ang kanyang boses ay puno ng tapang.
Ngumiti lang si Laguna , ngunit ang ngiti niya ay may bahid ng pag-aalinlangan. "Nagkakamali ka kung inaakala mong basta-basta ko ibibigay ang impormasyong iyon, Romeo," sabi niya. "Hindi ganoon kadali ang mga bagay bagay."
Tumaas ang boses ni Romeo, ang kanyang kamao'y muling humampas sa mesa. "Limang daang tao ang namatay dahil kay Martin! Hindi pa ba sapat iyon para tulungan mo akong mahuli siya?"
Napapikit si Laguna, ang kanyang mukha'y nagpapakita ng pagkadismaya. Ilang sandali syang nanahimik bago muling mag salita
"Nang pumunta si Martin sa akin, lumuhod sya at ibinaba ang ulo sa lupa upang humingi ng tulong para sa mga Pilipino. Nais niyang palayain ang Pilipinas, at handa siyang magsakripisyo para doon."
Muling hinampas ni romeo ang mesa, ang kanyang boses ay puno ng galit. "Hindi para sa kapakanan ng mga Pilipino ang pinaglalaban ni Martin! Ginagamit nya ang mga tao para sa sarili niyang kapakanan! Hindi deserve ng mga namatay ang nangyari sa kanila! Hanggang ngayon, umiiyak ang mga naulila dahil sa makasarili niyang hangarin!" sigaw niya, ang kanyang mga mata'y puno ng sakit.
Habang nagagalit si Romeo, nanatiling tahimik lang si laguna na parang hindi naapektuhan ng bigat ng damdamin ng binata.
"Ang tanging gusto ko lang ay sabihin mo kung saan ko siya makikita," sabi ni Romeo, ang kanyang boses ay matapang ngunit may bahid ng desperasyon.
Nagbuntong-hininga si Laguna at diniin na wala siyang maibibigay na impormasyon sa binata.
Dahil doon lalong nagalit si romeo at napasigaw "Laguna!" sigaw ni Romeo, ang kanyang boses ay puno ng galit.
Ang kanyang sigaw ay nagpatahimik sa silid. Ilang segundong nagkatitigan lang sina Laguna at Romeo , ang kanilang mga mata'y puno ng hindi pagkakasundo. Alam ni Laguna na seryoso si Romeo at desperado na siyang matapos ang kaguluhan na idinudulot ng mga rebelde.
"Romeo, naiintindihan ko ang mga pinaglalaban mo, at alam ko rin ang hirap ng pinagdaanan mo," sabi ni Laguna, ang kanyang boses ay puno ng habag.
"Gusto kitang suportahan, pero alam mo ang katotohanan."
Gayunpaman, ipinaliwanag niya na si Martin ay biktima rin ng madilim na sistema ng bansa.
"Sinunog ang kanyang pamilya sa harap niya. Pinatay ang kanyang mga kasamahan, at ikinulong siya para maging alipin ng ilang taon. Kaya hindi siya kailanman titigil sa laban na ito lalo pa ngayon may pagkakataon na syang gawin ang paghihiganti nya."
Naniniwala si Laguna na hindi makatwiran ang pagpatay ni Martin, ngunit nauunawaan niya ang galit at poot nito laban sa mga Kastila. Kinasusuklman nya ang gawain nito pero wala syang karapatan pigilan ito dahil hindi nya ito responsibilidad. Inilarawan nya ang sarili bilng ordinaryong bata na hindi pwedeng pakielaman ang bagay na wala naman syang responsibilidad.
"Kung ikaw ang nasa posisyon ni Martin, Romeo, ano ang gagawin mo? Kung ang mga minamahal mo sa buhay, ang karapatan, kalayaan, at masayang buhay—ay inagaw sa'yo ng mga kastila, hindi mo ba hahangarin rin ang paghihiganti?"
Natahimik ang silid ng marinig nila ito ky laguna. Napayuko na lang si romeo habang puno ng pagpipigil at pagkalito, ang kanyang kamao'y nanginginig sa galit, ngunit alam niya na may katotohanan sa sinabi ni Laguna. "Walang kasalanan ang mga Pilipinong nadamay sa pagkamatay ng pamilya ni Martin," sabi niya, ang kanyang boses ay puno ng pait.
"Hindi nila deserve mamatay." malungkot na sambit ni romeo.
"Ang dakilang layunin ay nangangailangan ng malaking sakripisyo," sagot ni Laguna. "Para kay Martin, hindi maiiwasan ang sakripisyo sa digmaan."
Napapikit si Romeo habang pinipigilan ang galit. "Kung patuloy na panghahawakan ng mga tao ang kanilang baluktot nilang paniniwala at prinsipyo, walang magaganap na kapayapaan sa bansang ito," sabi niya.
"Mauuwi lang ito sa madugong labanan, at unti-unti tayong magpapapatayan. Hanggang kailan pa ba natin ito titiisin?"
Naramdaman ni Laguna ang bigat ng damdamin ni Romeo, ang pagod at sakit na nararamdaman ng binata sa walang katapusang labang hinaharap nya. Nakaramdam siya ng awa dito ngunit alam niya na hindi niya kayang tulungan si Romeo sa paraang ninanais nito.
"Kinakailangan kong pangalagaan ang aking pangalan, Romeo," sabi niya. "sumumpa ako na hindi ako makikialam sa labanan na nagaganap sa bansa dahil kailangan kong panatilihing malinis ang aking reputasyon para sa aking mga plano sa ibang bansa."
"lumuhod sa harap ko si Martin para humingi ng tulong, tulad ng ginagawa mo ngayon," dagdag niya. "Ngunit hindi ko siya pinagbigyan, at kagaya niya, hindi rin kita mapagbibigyan."
Nagulat si Romeo, ngunit alam niya na wala na siyang magagawa para kumbinsihin si Laguna. Yumuko siya, ang kanyang mga mata'y puno ng pagkabigo. "Lubos kitang ginagalang at pinasasalamatan sa lahat ng nagawa mo," sabi niya, ang kanyang boses ay kalmado na.
"Naiintindihan ko na kailangan mong pangalagaan ang pangalan mo. Kahit hindi mo mapagbigyan ang hiling ko, nagpapasalamat pa rin ako sa oras na ibinigay mo."
Tumayo si Romeo at yumuko bilang paalam. "Aalis na kami. Maraming salamat."
Ngunit bago siya makahakbang paalis, biglang nagsalita si Laguna. "Kahit malaman mo kung nasaan si Martin, wala kang laban sa kanya," sabi niya, ang kanyang boses ay puno ng babala.
Napatigil si Romeo at muling humarap. "Ano ang ibig mong sabihin?"
Nagbuntong-hininga si Laguna at ibinunyag ang kapangyarihan ni Martin. "Ang kanyang Ursarion ay isa sa pinakakakaibang kakayahan na nakita ko. Kapag kinain ng Ursarion ang isang bagay, kaya nitong kunin ang enerhiya nito—hindi lamang iyon, kundi pati ang mga kakayahan ng mga sugo ng diwata na makakain nito."
Nagulat sina Romeo sa nalaman tungkol sa pagkakaroon ng maraming abilidad. Naalala nila ang napakaraming kakayahan ni Martin sa laban, na parang walang limitasyon.
"Kaya pala napakarami niyang kakayahan," bulong ni Abby.
"Ang Katipunan ay may limang sugo ng diwata, at patuloy itong dumadami dahil sa panghihikayat ni Martin," dagdag ni Laguna.
"Marami sa mga sugo ay duwag at walang alam sa pakikipaglaban , ngunit inalok sila ni Martin ng kakaibang kasunduan—ang kusang pagsanib sa Ursarion."
"Hindi lamang enerhiya ang kinukuha niya, kundi pati ang kanilang mga kakayahan," paliwanag ni Laguna.
"Sa taglay niyang kapangyarihan, kapag nakakuha sya ng mas maraming sugo na paoayag na ipagamit ang knikang kakayahan at enerhiya ay makakaya niyang makipaglaban sa mga Espada ng Espanya."
Nagulat sina Abby at Peter sa nalaman. "pero kung galing sa Ursarion ang kapangyarihan niya, madali siyang matatalo kung mawawasak ito," sabi ni Abby.
Ngumiti si Laguna, ngunit ang kanyang ngiti ay puno ng babala. "May punto ka, Abby, pero kahit mawasak ninyo ang Ursarion, walang katiyakan na mahuhuli ninyo si Martin. At isa pa, walang paraan para mailabas ang mga tao sa loob nito. Nakakonekta ang isip at espiritu nila sa Ursarion—kung wasakin ninyo ito, mamamatay rin ang mga nasa loob."
Nagulat sina Romeo at ang kanyang mga kasama. Ngumiti si laguna sa harap ng binata habang nakapangalong baba, ang kanyang mga mata'y puno ng tanong.
" Minsan ba naisip mo, Romeo, na baka si Martin ang bayaning matagal ng hinihintay ng mga Pilipino? Ang taong magdadala ng kalayaan sa bansang ito?"
Natahimik ang silid. hindi sumagot si romeo, ang kanyang mga mata'y puno ng pag-aalinlangan. Biglang pumalakpak si Laguna, na parang sinisira ang tensyon.
"Kalimutan mo na ang sinabi ko," sabi niya, ang kanyang boses ay magaan na ulit. "Walang makakapagsabi kung ano ang mangyayari sa hinaharap."
Napahawak siya sa kanyang baba, na parang may naalala. "teka, maalala ko lang romeo. Higit apat na taon na mula nang sabihin ko sa'yo na kung nais mong magtagumpay sa digmaang ito, kailangan mong gamitin siya na laban mo."
"gamitin sya?" tanong ni Romeo, ang kanyang boses ay puno ng pagtataka.
"Ang sugo ng La Trinidad—si Jasmine," sagot ni Laguna, ang kanyang boses ay puno ng kumpiyansa.
"Siya ang isa sa pinakamakapangyarihan, at masasabi kong may malaking potensyal siyang makipaglaban kahit sa mga Espada ng Espanya sa isang digmaan."
- Lumipas ang ilang minuto pagkatapos ng kanilang pagbisita kay Laguna. Sa loob ng sasakyan, habang naglalakbay patungo sa kanilang susunod na destinasyon, walang nagsasalita sa tatlo.
Nakatingin lang si Romeo sa labas ng bintana, ang kanyang mga mata'y puno ng pangamba at malalim na iniisip. Ang katahimikan ay lalong naging mabigat. Hindi na nakapagpigil si Abby sa kanyang pananahimik.
"Heneral, ano ang ibig sabihin ni Laguna tungkol kay Flora?" tanong niya, ang kanyang boses ay puno ng pag-aalala.
Sumabat si Peter, ang kanyang mga mata'y puno ng pagtataka. "Alam ko ang tungkol sa kakayahan ni Flora na kumuha ng enerhiya mula sa paligid, pero puno ito ng limitasyon lalo na hindi naman ito maaaring gamitin ng matagal. Hindi ko maunawaan kung bakit sinabi ni Laguna na kaya niyang makipaglaban kahit sa mga Espada ng Espanya."
Nagbuntong-hininga si Romeo, ang kanyang boses ay puno ng pait. "Malakas si Flora kumpara sa ibang sundalo, at may kakayahan siya. Pero masyado siyang mabait… at duwag."
Ipinaliwanag niya na dahil sa mahina ang loob ni Flora, madalas siyang nanginginig sa takot, kahit alam niyang may kapangyarihan siyang pwedeng magamit. "Magagalit ang lahat sa akin kapag nalaman nila na masyado ko siyang pinapaboran, kahit nakikita ng lahat na wala siyang tapang para maging sundalo."
"Heneral, alam namin ang tungkol diyan," sabi ni Abby, ang kanyang boses ay puno ng suporta. Inamin ni Romeo na simula pa noon, nakita nya na ang kaduwagan ni Flora. Kahit masipag siyang magsanay, pagdating sa totoong misyon, hindi siya maaasahan sa malalaking laban.
"Alam ko sa sarili ko na nasa kampo si Flora dahil iyon lang ang paraan para maalagaan at maprotektahan ko siya laban sa mga kastilang nais syang gamitin. Kung hinayaan ko siyang mapunta sa ibang kampo, magiging malaking problema iyon para sa kanya. Hindi kailanman kayang pumatay ng tao si Flora, at hindi ko alam kung tatagal siya bilang sundalo."
"Nararamdaman ko rin noon pa na ayaw niya ang ginagawa niya," dagdag niya, ang kanyang boses ay puno ng pagsisisi. "Takot siya sa dugo at sugat at halos masuka sa takot kapag nakakakita ng madugong krimen. Nandyan lang siya dahil inutusan ko siya, at naaawa ako sa kanya dahil doon."
Inamin niya na marami siyang maling desisyon, at isa na rito ang pagpilit kay Flora na maging sundalo ng mga Kastila.
"Alam ko na hindi para sa pagsusundalo si Flora, pero naniniwala ako na hindi pagkakamali ang pagkopkop nyo sa kanya," sabi ni Abby, ang kanyang boses ay puno ng pag-asa.
"Naging maayos ang buhay niya sa pangangalaga mo, Heneral." dagdag nito.
Napangiti si Romeo, ngunit ang kanyang ngiti ay puno ng pait at napabuntong hininga. "Ang kapangyarihan ni Flora ay kayang kumuha ng enerhiya mula sa paligid o sa kalaban, pero kailangan niyang mahawakan ito nang matagal o balutin ng mga halamang gawa ng kanyang kapangyarihan. Ngunit may isang misyon noon na nagpatunay sa sinasabi ni Laguna na kaya niyang tumapat sa mga Espada ng Espanya."
"Ang misyon sa Pampanga," sabi niya, ang kanyang boses ay puno ng lungkot. "Ang trahedya na ikinasawi ng isang libong rebelde at sundalong Kastila." Nagulat sina Abby at Peter, naalala ang misyong iyon. "Isinisi iyon sa sugo ng Angeles, pero ang totoo, si Flora ang may kagagawan ng pagkamatay ng mga naroon," sabi ni Romeo.
"Hindi kayang kontrolin ni Flora ang kanyang emosyon—ang takot, galit, at desperasyon," paliwanag niya. "Kapag nalilito siya, nagwawala siya, at winawasak niya ang lahat sa paligid niya." Malungkot na ngumiti si Romeo.
"Nanatili ang trauma kay Flora pagkatapos noon. Natatakot siyang maulit ang trahedya, na pumatay hindi lamang ng mga rebelde kundi pati ng mga kasamahan niya."
Ikwinento nya dahil sa pagsisisi at takot ay isang araw habang nasa hospital ay bigla na lang nawalan ng malay si flora at pag gising nya ay wala na syang maalala sa mga naganap. Sobrang natakot si romeo sa kalagayan ni flora pero ikinatuwa nya na nawala ang bangungit na iyon sa alaala ng dalaga.
Nagulat sina Abby at Peter sa nalaman. "Isang buwan siyang comatose pagkatapos ng misyon diba? ," sabi ni Abby. "Inireport na ang pagsabog ay gawa ng mga rebelde."
" Dahik doon ay nagdesisyon ako na hangga't maaari, hindi ko na muling ipapadala si Flora sa laban," sabi ni Romeo.
"Hayaan natin siyang magdesisyon kung iiwan niya ang pagsusundalo para magkaroon ng masayang buhay kahit na ang kapalit nito ay ang pagkahiwalay saatin."
Natahimik ang loob ng sasakyan, napagtanto ng dalawa ang dahilan kung bakit pilit inilalayo ni romeo ang sarili kay flora at gumawa ito ng sariling buhay.
Pagkatapos ng ilang sandali, muling nagsalita si Abby. "Heneral, ano ang balak mo sa bagong sugo na sinasabi ni Laguna?"
"Napakahalaga na makumbinsi natin siya," sabi ni Abby. "Kung sinabi ni Laguna na siya ang isa sa pinakamakapangyarihan sugo, kailangan nating gawin ang lahat para makuha siya."
"Kung totoo na may potensyal siya, kailangan natin siyang gawing kapanalig laban kay Martin," dagdag ni Peter.
"Kapanalig?" sabi ni Romeo, ang kanyang boses ay puno ng pait. "Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko o kung tama ba ang gagawin ko."
Ipinaliwanag niya na parang ginagawa niya rin ang ginagawa ni Martin, kung saan naghahanap ng mga sugo at paggamit sa kanila para sa kanyang layunin. "Inaalok sila ni Martin ng pera at kalayaan—mga bagay na hindi matatanggihan ng mga Pilipino. At naiisip ko, wala akong pinagkaiba sa kanya."
Komontra agad si Abby sa nasabi ni romeo. "Heneral, magkaiba kayo ni Martin! Hinahangad mo ang kapayapaan, at may puso ka para sa mga tao, hindi tulad ni Martin na walang awang pumapatay ng tao!"
Ngumiti si Romeo, ngunit ang kanyang ngiti ay puno ng pagdududa. "Walang pinagkaiba ang pagpatay ni Martin sa mga Kastila at ang pagpatay ko sa mga rebeldeng pilipino. Kahit sabihin natin na para ito sa kapakanan ng bansa, hindi maitatago na may namamatay pa rin na tao." Nagbuntong-hininga siya.
"Sa ngayon, kailangan nating pigilan ang Katipunan at si Martin."
"Nahihirapan akong magdesisyon dahil napakakomplikado ng misyong binibigay ni Laguna. Paano ko makukumbinsi ang sugo kung galit siya sa mga sundalong tulad ko?"
Naalala niya ang sinabi ni Laguna bago sila umalis sa Bahay na Walang Hagdan. Inabutan siya ni Laguna ng litrato ng isang sugo na minsan nyang sinanay.
"Dahil maganda ang mood ko, bibigyan kita ng pabor na makakatulong sa pagtalo kay Martin," sabi ni Laguna. "Sino ito?" tanong ni Romeo.
Ipinakilala ni Laguna ang dalaga na nasa litrato bilang si Indang, ang sugo ng Kawit, labing-apat na taong gulang. Sa edad na pito, lumabas ang kanyang kapangyarihan, at tinutugis na siya ng mga Kastila para ikulong.
Dahil doon kinuha siya ni Laguna para alagaan, ngunit hindi niya kayang panatilihin ito nang matagal sa poder nya dahil sa panganib ng kanyang trabaho.Nagkaroon din sila ng hindi pagkakasunduan ng bata na sisira sa mga plano ni laguna.
Dahil din sa pagkalaban nya sa simbahan ay malaki ang posibilidad na ipapatay sya sa isang espada ng espanya.
Ang simbahan ang komokontrol at nag uutos sa mga espada ng espanya kung sino ang dapat mamatay at mabuhay.
"Kahit matigas ang ulo nya ay napamahal na sa akin si Indang," sabi ni Laguna, ang kanyang boses ay puno ng pag-aalala. "Gusto kong iligtas mo siya sa malupit na mundong ito."
Tinitigan ni Romeo ang litrato, ang kanyang mga mata'y puno ng pag-aalinlangan. "Hindi ko nauunawaan kung paano ko siya ililigtas habang gusto mong kumbinsihin sya na kumampi saakin bilang sundalo," sabi niya.
Sinabi naman ni laguna na duda sya kung papayag ito na maging sundalo at sa tingin nya hindi sya magiging tuta ng mga Kastila pero binanggit nya hindi mahirap makipagkasundo kay indang kung idadaan sa magandang usapan lalo na kung may magandang dahilan.
Nilinaw nya na hindi nya gustong mapahamak si Indang at nagtitiwala si laguna na aalagaan at hindi ipapahamak ng binata ang kanyang itinuturing na anak.
"Makakatulong ba talaga siya laban kay Martin?"
"Walang duda," sagot ni Laguna, ang kanyang boses ay puno ng kumpiyansa.
"Isa siya sa pinakamakapangyarihan kong estudyante. Ang totoo hindi nyo siya kayang talunin kung magsaseryoso siya sa laban."
Sumang-ayon naman si Cris, na nagsabing natuto si Indang ng tatlong antas ng sugo state at iba't ibang teknik mula sa ibang bansa.
"Sinasabi ko sa'yo, Romeo, sabay-sabay niyang nilalabanan ang lima kong tauhan noong nagsasanay pa sya dito sa bahay na walang hagdan," dagdag ni Laguna.
Ngunit biglang kumamot siya sa ulo. "May konting problema lang sa ugali nya —isa syang mapangahas na tomboy at galit sa mga sundalo, at ang pinaka malaking problema mo tungkol sa kanya ay gusto rin niyang maging malaya ang Pilipinas, tulad ng inaalok ni Martin."
"Mahihirapan kang kumbinsihin siya kung hihikayatin mo sya maging sundalo," sabi ni Laguna.
"Pero mas pagsisisihan mo kung maunahan ka ni Martin na makuha siya. Sa ngayon, kulang pa siya sa karanasan, pero darating ang araw na siya ang magiging pinakamakapangyarihang mandirigma sa bansa."
Napabuntong hininga si romeo at bahagyang nagbiro, tinanong nya kay laguna kung totoong may intensyon syang bigyan sya ng pabor ay bakit hindi nya na lang tawagan ang dalaga at kausapin ito para kay romeo.
"Naku, mukhang komplikado yang hinihiling mo. " Sambit ni laguna habang napapakamot ng ulo.
Sumabat namn si clara sa usapan at ipinaalam na nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan sina laguna at indang bago ito palayasin ni laguna sa poder nya.
" Pinalayas mo sya? "
Napangiti na lang si laguna at hindi na gustong magsalita. Sinagot naman ni clara ang tanong na iyon at ipinaliwanag na ayaw ni indang na makinig kay laguna kaya ito nag away.
" Dahil dumadalas na ang pakiki elam ni indang sa mga nangyayari sa bansa na humahantong sa pananakit nya sa mga kastilang pulis ay pinarusahan sya ni master at hindi nagtagal nagrerebelde na sya sa utos ni master. "
Ipinagtanggol naman ni laguna ang dalaga at sinabi na nauunawaan nya ang ginagawa nitong pag tatanggol sa mga Pilipino pero para kay laguna ay mapanganib ang ginagawa nito para sa dalaga at kay laguna.
Napabuntong hininga si laguna habang nagpapaalam. "Hanggang dito na lang ang kaya kong itulong sa'yo," dagdag niya.
"Ipagdarasal ko ang tagumpay mo." nakangiting sambit ni laguna.
Habang naglalakbay ang sasakyan, tahimik lang si romeo na nakatingin sa litrato ni Indang, ang kanyang isip ay puno ng mga tanong.
Ang bigat ng mga responsibilidad ay parang bundok sa kanyang balikat, ngunit alam niya na kailangan niyang magpatuloy—para sa bayan, para sa mga nagtitiwala sa kanya, at para sa pag-asa ng isang mas magandang bukas.
End of chapter.
