Kabanata 54: Ang Labanan sa Bahay na Walang Hagdan part 2.
Sa loob ng dimensyon na tinuturing na Bahay na Walang Hagdan, nagpapatuloy ang matinding sagupaan. Ang kwarto ay nanginginig sa bawat pagsabog ng enerhiya mula sa labanan nina Romeo at Cris, na parang dalawang puwersang hindi magpapatalo.
Ang mga balisong ni Romeo ay patuloy na lumilipad sa hangin, mabilis at tumpak, habang ang mga kadena ni Cris, na may mga talim na parang buhay na ahas, ay sumasalag sa bawat atake.
Dahil sa labanan, ang sahig ng kwarto ay puno na ng mga bitak, ang mga kagamitan sa paligid ay wasak, at ang kisame ay halos gumuho sa lakas ng kanilang sagupaan.
Bagamat bihasa sa labanan si Romeo, ay unti-unting napapansin sa kanya ang mga sugat sa kanyang katawan. Ang bawat hampas ng mga kadena ni Cris ay tumatagos sa kanyang diwata barrier, isang proteksyong na nagmula sa kanyang diwata.
Nakakaramdam na rin sya ng hapdi dahil sa mga sugat, ngunit ang kanyang mga mata ay puno pa rin ng determinasyon at mababakas na hindi siya magpapatalo, kahit na ang kanyang kalaban ay may kakayahang basagin ang kanyang depensa.
Sa bawat pag-atake nila ay mas lalong nagiging agresibo na parang isang mangangaso na tiyak sa kanyang biktima.
"Magaling ka, Heneral," sabi ni Cris, ang boses ay puno ng paghanga ngunit may halong panunuya.
"Ngunit kahit gaano ka kabilis, hindi mo maiiwasan ang aking mga kadena. Alam ko ang bawat kilos mo."
Hindi sumagot si Romeo, habang ang kanyang mga balisong ay muling sumusugod, bumubuo ng isang mapaminsalang bagyo ng mga talim.
Sumalubonng naman ang mga kadena ni Cris para sumalag at ang tunog ng metal laban sa metal ay umalingawngaw sa kwarto, na parang isang orkestra ng digmaan.
Sa isang iglap, isang kadena ang tumama sa balikat ni Romeo na sumugat sa kanya dahilan para dumaloy ang dugo sa kanyang braso.
Napangiwi siya ng maramdaman ang sakit ng pagkakasaksak, ngunit mabilis lang sya na gumanti, hinintay ang tamang pagkakataon upang makalapit.
Sa kabilang bahagi ng kwarto, habanh abala si peter sa kanyang sariling labanan, laban sa mga hayop na nilikha ni Clara gamit ang kanyang enerhiya.
Isang gorilla ang sumusunggab sa kanya, habang isang elepante ay bumubundol sa kanyang dambuhalang katawan ng buhangin. Isang tigre at rhino ang walang tigil sa pag-atake sa kanyang harapan, at kahit na napapatumba niya ang mga ito, mabilis silang napapalitan ng mga bagong hayop na lumilitaw mula sa mga magic circle na nilikha ni Clara sa bawat pagkumpas ng kanyang pamaypay.
"Nakakainis!" bulong ni Peter sa sarili, habang ang kanyang enerhiya ay unti-unting nauubos.
"Gumagawa lang siya ng mga bagong hayop nang paulit-ulit na para bang hindi sya nauubusan ng lakas. Paano ko siya matatalo kung hindi ko siya matamaan?"
Alam ni Peter na ang kanyang kakayahang kontrolin ang buhangin ay nangangailangan ng malaking enerhiya, lalo na kapag binabalot niya ang kanyang katawan upang gawing dambuhala.
Ang bawat atake ng mga hayop ay sumisira sa kanyang anyo, at kahit mabilis niyang naibabalik ang mga nasirang bahagi, ramdam niya ang pagod na unti-unting bumabalot sa kanyang katawan.
"2nd Sand Art: Sand Spike!" sigaw ni Peter, habang ang buhangin sa kanyang paligid ay bumuo ng mga limang-metrong spike na mabilis na sumugod kay Clara.
Ngunit nabigla siya dahil ang mga spike ay dumaan lamang sa katawan ng dalaga, na biglang naging mga talulot ng bulaklak at paruparo na ngayon ay kumalat sa hangin, at muling nagbalik sa kanyang orihinal na anyo sa ibang bahagi ng kwarto.
"Kaya niya ring iwasan ang mga atake ko!" bulong ni Peter habang ang kanyang kamao ay nakakuyom sa galit.
Alam niya na ang tanging paraan upang matapos ang laban ay ang direktang tamaan si Clara, ngunit ang kanyang buhangin ay parang hindi kayang tamaan ang dalaga.
Biglang sumunggab ang isang gorilla sa kanyang likuran, pinipihit ang kanyang leeg, habang ang tigre ay kinagat ang kanyang kanang braso upang pigilan syang makakilos.
Sinubukan niyang tanggalin ang mga ito, ngunit isang elepante ang biglang bumundol, na nagpatumba sa kanya sa sahig.
Dahil sa pagbagsak ay kumalat ang buhangin sa kanyang katawan, ngunit mabilis itong nagbalik sa katawan ni peter, bumuo ng isang napakalaking ahas na may sampung metrong haba.
"3rd Sand Art: Anaconda!" sigaw ni Peter, habang ang ahas ay mabilis na sumugod kay Clara at kinagat ito.
Ngunit tulad ng inaasahan, ang katawan ng dalaga ay muling naging mga talulot at paruparo, na naglaho at nagbalik sa ibang pwesto sa loob ng kwarto.
"Nakakabwisit! Hindi ko siya matatalo kung hindi ko siya matatamaan!" sabi ni Peter, habang ang boses ay puno ng pagkabigo.
Habang nag-iisip ng paraan, bigla syang sinunggaban ng gorilla at humawak sa ulo ng ahas, sinusubukan nitong sirain ang buhangin nito.
Ilang sandali pa ay sumali ang iba pang hayop, pinagtulung-tulungan ang ahas hanggang sa halos madurog ito.
Alam ni Peter na masyadong malaki ang enerhiyang nawawala sa kanya sa pagbabalik ng kanyang anyo, kaya't napilitan siyang umalis sa katawan ng ahas.
Tumalon siya palayo, muling binabalot ng buhangin ang kanyang katawan upang gawing baluti.
"Kailangan kong makaisip ng paraan," bulong niya, ang pawis ay tumutulo mula sa kanyang noo.
"4th Sand Art: Sand Scorpion!" sigaw niya, habang ang buhangin ay bumuo ng isang limang-metrong alakdan, na mabilis na sumugod sa mga hayop ni Clara.
Isa-isang winasak ng alakdan ang mga hayop, ngunit ang pagod ay kita na sa mukha ni Peter. Ang bawat galaw ay parang hinuhugot ang kanyang lakas, at ramdam niya ang bigat ng laban.
"Napakaraming enerhiya ang kinukuha nito," sabi niya sa sarili, habang ang kanyang mga mata ay puno ng pag-aalala.
Alam niya na gumagamit din ng enerhiya si Clara sa pag atake sa kanya, ngunit walang bahid ng pagkapagod sa mukha ng dalaga, na parang walang epekto ang paulit-ulit na paggawa ng mga hayop.
Muling lumusob ang alakdan, at sa bawat pag tama ng atake nya sa dalaga, ang katawan ni Clara ay nagiging mga talulot at paruparo, lumilipat sa ibat ibang pwesto sa loob ng kwarto.
Napabuntong-hininga si Clara habang isinasara ang kanyang pamaypay, at tinitigan si Peter.
"Hindi ko gustong makipaglaban o manakit, major Peter o mas kilala bilang sugo ng Marinduque na si wanso ," sabi ni Clara, ang boses ay malambot ngunit may diin.
"Kinalulungkot kong sabihin pero hindi sapat ang ginagawa mo para matalo ako. Mas maganda kung ititigil mo na ang pag atake saakin at huwag kang makialam sa laban nina Cris at ni heneral Romeo."
"Tsk, minamaliit mo ba ako?" sagot ni Peter, ang kanyang mga mata ay nag-aalab sa galit..
"Sa tingin mo ba mahina ako para sumuko na lang?"
Yumuko si Clara habang humihingi ng tawad. "Patawad kung nasaktan ko ang iyong pride. Wala akong masamang intensyon, at nirerespeto ko ang iyong kakayahan. Ngunit kung napapansin mo ang aking abilidad ay lumikha ng mga bagay mula sa wala, kabilang na ang aking katawan.
Hangga't may enerhiya ako, kaya kong ibalik ang sarili kong anyo kahit ilang beses mo ako tamaan. "
Nagulat si Peter sa nalaman nya ngunit ang kanyang determinasyon ay hindi natinag.
"Hindi ko hahayaan ang aking heneral na mag-isa sa laban! Lalaban ako hanggang kamatayan kasama siya!"
Muling lumusob ang alakdan, ang mga paa nito ay mabilis na sumusugod kay Clara. Napabuntong-hininga si Clara, na parang nadidismaya.
"Akala ko pa naman isa kang maginoong lalaki na pagbibigyan ang hiling ng isang babae."
Binuksan niya ulit ang kanyang pamaypay at winiwas ito sa hangin. Isang malaking magic circle ang lumitaw, at mula rito, lumabas ang mga napakalaking mammoth.
Ang mga ito ay bumundol sa alakdan na gawa sa buhangin, nagawa pang madurog ng alakdan ang ilang mammoth, ngunit dahil sa dami ng mga ito, napigilan ang alakdan sa pag atake at dinaganan. Unti unting nadurog sa bigat ng mga hayop.
"Imposible!" sigaw ni Peter habang hindi makapaniwala.
"Natalo niya ng ganoon kadali ang aking alakdan!"
Tinitigan niya si Clara, na muling isinara ang kanyang pamaypay. "Ngayon, matapang na sundalo, pwede na ba nating itigil ito?" tanong ni Clara, ang boses ay kalmado ngunit may awtoridad.
Napaluhod si Peter habang hingal na hingal, ang kanyang katawan nakaramdam ng pagkapagod. Alam niya na hindi niya pwedeng buuin ang alakdan, dahil tiyak na madudurog lang ito ulit.
Sa galit, sinuntok niya ang sahig, ang kanyang mukha ay puno ng pagkadismaya. " Bakit hindi ko kayang tulungan ang heneral. "
"Hindi mo kailangang madismaya," sabi ni Clara, ang boses ay puno ng habag. "Maganda ang ipinakita mo sa laban, Major Peter. Tiyak na pinagmamalaki ka ng iyong heneral."
"Tsk, hindi pa ako tapos!" sigaw ni Peter, ang kanyang mga mata ay nag-aalab. "Inaakala mo ba na iyon lang ang kaya ko?"
Napapikit si Clara, halatang pagod na sa pakiki pag usap. "Hindi ko alam kung bakit mo pa gustong lumaban gayong wala namang saysay ito. Ang laban na ito ay sa pagitan lang nina Cris at ng iyong heneral. Kahit lumabag kayo sa batas ng bahay na ito, hindi namin maaaring patayin ang mga sugo na katulad ninyo."
Binuksan niya ulit ang kanyang pamaypay at winiwas ito sa direksyon nina Romeo. "Nakasalalay sa inyong heneral kung magtatagumpay kayo o hindi."
"Hindi! magmumukha akong mahina kung hahayaan ko lang na lumaban ng mag isa ang aking heneral! "
Napilitan si Peter na baguhin ang kanyang anyo. "5th Sand Art: Sand Golem!" sigaw niya, habang ang buhangin sa paligid nya ay bumuo ng isang napakalaking golem, sampung metro ang taas, na may mga brasong parang martilyo.
Lumusob ito kay Clara, kalmado naman itong nakatayo at iwinasiwas ang kanyang pamaypay upang lumikha ng isang malaking buwitre na lumilipad sa paligid ng golem.
Mabilis na sumugod ito at kinakagat ang mga braso ng golem, habang isang leon ang lumitaw mula sa isa pang magic circle at agad na tumalon sa likod ng golem, sinubukan nitong sinirain ang ulo nito.
Napaatras naman si Peter sa pag atake nito, ramdam ang lakas ng bawat atake ng mga hayop. Muling naman nyang binuo ang golem, ngunit nagpatuloy ang buwitre at leon na walang humpay na sumisira sa katawan nya,
Sa pag takbo pasulong ay nagawa naman makalapit ni peter kay clara at dinakma ito ngunit ang katawan ni Clara ay muling naging mga paruparo sa kanyang ginawang pag-atake.
"Hindi ko siya matatamaan!" bulong ni Peter, ang kanyang kamao ay nakakuyom sa galit.
Sa desperasyon, sinubukan ni Peter ang isa pang diskarte. "6th Sand Art: Sand Storm!" sigaw niya, habang ang buhangin ay bumuo ng isang malaking bagyo, na pumuno sa kwarto ng makapal na alikabok at buhangin.
Ang bagyo ng buhangin ay sumugod kay Clara, ngunit isang malaking agila ang lumitaw mula sa kanyang pamaypay, na lumilipad sa gitna ng bagyo na tila hindi naapektuhan ng buhangin.
Nagawa ng agila na sumugod kay Peter mula sa itaas, na napilitang magtago sa loob ng kanyang baluti ng buhangin.
Ngunit ang katawan ni Clara ay muling naglaho bikang mga taluyot at kumalat sa paligid, lumilipat sa ibang pwesto sa loob ng kwarto.
"Nakakabaliw! Paano ko siya matatalo kung patuloy lang syang maglalaho?" sigaw ni Peter, ang kanyang boses ay puno ng pagkabigo.
Kahit na nahihirapan ay hindi nya parin gustong sumuko, sinubukan nya ang mas agresibong atake.
"7th Sand Art: Sand Blades!" sigaw niya, habang ang buhangin ay bumuo ng dose-dosenang talim na lumilipad patungo kay Clara.
Mabilis itong umatake ngunit isang malaking kobra ang lumitaw mula sa magic circle ni Clara, na sinalubong ang mga talim at sinira ang mga ito gamit ang kanyang buntot.
Ang katawan ni Clara ay muling naging mga paruparo, at sa bawat pag-atake ni Peter, patuloy siya na lumilipat lamang sa ibang pwesto sa loob ng kwarto.
"Nakakainis! Parang wala itong katapusan!" sabi ni Peter, ang kanyang mga mata ay puno ng galit at dahil sa pagod ay napaluhod sya sa sahig, ang kanyang tuhod ay hindi na nakakaramdam na ng panghihina sa sobrang pagod.
Ang kanyang mga mata ay puno ng pagkabigo habang ang kanyang kamao ay mahigpit na nakakuyom. "Nakaka asar! Bakit wala akong magawa..." bulong niya, ang boses ay puno ng pait.
Alam niya na wala na siyang laban kay Clara, na parang isang ilusyon na hindi niya kayang maabot.
Sa gitna naman ng labanan nila cris at romeo, muling nagpakawala si Romeo ng isang bagong atake.
"3rd blade of freedom, Blade Tempest!" sigaw niya, habang ang mga balisong ay bumuo ng isang malaking bagyo ng mga talim, na umiikot sa paligid ni Cris. Ang mga talim ay parang isang buhawi, na sumusugod mula sa lahat ng direksyon. Ngunit muling sinalubong ito ng mga kadena ni Cris, na parang mga ahas na humahatak sa bawat balisong.
"Magaling, Heneral, ngunit hindi pa rin sapat ang ginagawa mo!" sigaw ni Cris, habang ang kanyang mga kadena ay bumuo ng isang malaking kalasag, na sumalag sa buhawi ng mga talim.
Sa isang iglap, isang kadena ang sumugod mula sa likuran ni Romeo, na tumama sa kanyang likod, ang talim ng patalim ay nagdulot ng isa malalim na sugat sa kanya.
Kahit na matatag ang kanilang katawan bilang sugo ay nakakaramdam parin sila ng sakit.
Napangiwi si Romeo ng mardaman ang kirot ngunit hindi ito naging dahilan para sumuko sya. Muli syang nagpakawala ng mga balisong, na parang pag ulan ng mga talim na sumusugod kay Cris.
Ngunit madali lang na iniiwasan ni cris lahat ng balisong, at nagagawa rin masalag ng mga kadena nya ang mga ito na parang my buhay, na sumasalag sa bawat atake
"Hangang kailan mo gagawin ang paulit ulit na atake? " Tanong ni cris.
"Hanggang sa magsawa ka na sumalag at umayaw sa ating laban. " Sagot ni romoe.
Nagpakawala si Romeo ng napakaraming balisong mula sa isang malaking pabo na gawa sa mga balisong na nasa itaas niya.
Ang mga balisong sa itaas nya parang isang ulan ng mga talim na sumusugod kay Cris. Ngunit pareho sa nangyari kanina, mabilis na sumalubong ang mga kadena pra salagin ang mga ito
Ang mga talim na nasa kadena ay sumasalag sa bawat balisong na parang isang sayaw. "Heneral, mahusay ang iyong teknik sa opensa at depensa, ngunit balewala ito sa amin," sabi ni Cris habang ang kanyang mga mata ay nag-aalab sa kumpiyansa.
Sa isang iglap, inihampas ni Cris ang kanyang kamay sa sahig, at isang malaking magic circle ang lumitaw sa ilalim ni Romeo. Mula rito, daan-daang kadena ang lumabas, at gumapos sa pabo na nasa itaas ni romeo kasama na ang katawan ni Romeo.
" Nahuli nya ako " Bulong nya sa isip.
Nagulat si Romeo ng magawa syang magapos ni cros, hindi nya inaasahan na makakapasok ang mga kadena sa kanyang depensa sa pamamagitan ng pagdaan sa sahig.
"Nahuhulaan mo na ba, Heneral?" sabi ni Cris, ang boses ay puno ng panunuya. "Alam namin ang lahat tungkol sa'yo—ang iyong mga kakayahan sa pakikipaglaban, ang sampung Blade of Freedom na ipinagmamalaki mo, at syempre, ang iyong mga kahinaan."
Kalmado lang si Romeo na nakatayo, kahit nakagapos ng mga kadena. "Kahanga-hanga," sagot niya, ang boses ay puno ng respeto.
" Naniniwaka ako na totoo ang sinasabi mo, dahil nagagawa mong hulaan ang bawat galaw ko kanina."
Kahit nakagapos ay hindi natitinag si Romeo sa kanyang posisyon.
"Kung gano'n, tinatanggap mo na ba ang iyong pagkatalo?" tanong ni Cris, ngunit sa halip na sumuko, ngumiti si Romeo, ang kanyang mga mata ay puno ng pagmamalaki.
"Hindi ako tumatanggap ng pagkatalo," sabi niya, habang isang kakaibang enerhiya ang naramdaman ni Cris sa kanyang likuran.
Mabilis siyang humarap sa pinto, at nagulat nang makita ang isang maliit na butas sa tabi ng mga balisong na nakatarak sa pinto. "Imposible!" sambit ni Cris.
"Hindi ko inaasahan na gagawin mo iyon!" Unti-unting naglaho ang mga balisong sa paligid, kasabay ng paglaho ng malaking pabo na nilikha ni Romeo.
Ang katawan ni Romeo, na nakagapos ng mga kadena, ay naging mga piraso ng balisong, na unti unting nahuhulog sa sahig.
Napangiti si Cris habang nakikita ito at humahanga sa diskarte ng kanyang kalaban. "Hindi ko man lang naramdaman na nagawa niyang maipasok ang balisong sa pinto," bulong ni Cris habang humanga sa talino ni Romeo.
Napagtanto niya na sadyang nagpapahuli si Romeo upang hindi nya mapansin ang kanyang plano—ang paglipat ng kanyang katawan sa mga balisong na ibinato niya sa pinto.
Alam ni cris na nakapasok na si romeo sa kabilang kwarto kaya naman wala na syang nagawa kundi magbuntong hininga at patigilin na ang mga kasama nya.
"Tapos na ang laro, pwede nyo ng itigil iyan. "
--- Sa kabilang kwarto, sa likod ng pinto kung nasaan si Laguna, naglalakad si Romeo patungo sa isang lamesa. Ang kwarto ay mas maliit kaysa sa iba, isang simpleng hapag-kainan sa isang masyon, na may mga magagarang kagamitan ngunit mas mababa ang kisame.
Sa dulo ng lamesa, nakaupo ang isang magandang babae na may berdeng mahahabang buhok, sya si Laguna, na kasalukuyan na tahimik na kumakain.
Sa kanyang tabi ay nakatayo ang isang batang babae at matangkad na lalaki, parehong nakasuot ng simpleng damit na ginagamit ng mga pilipino..
Ang dalawang ito ay sina elias at juli na tauhan at sandata ng sugo ng Laguna.
Hinawakan ni Romeo ang silya at umupo sa harap ni Laguna. "Sa wakas, nagkita ulit tayo," sabi niya habang ang boses ay puno ng respeto ngunit may bahid ng pagod.
Ngumiti si Laguna, ang kanyang mga mata ay malambot ngunit matalim. "Natutuwa rin akong makita ka muli, munting Heneral," sagot niya dito.
Patuloy siyang kumain, na parang hindi naapektuhan ng kaguluhan sa labas ng kwarto. "Matagal ko nang hinintay ang pagkakataong ito," sabi ni Romeo, ang kanyang mga mata ay puno ng determinasyon.
" Uunahan na kita, hindi ako narito para sa mga Kastila, kundi para sa mga kababayan natin. Alam ko na ikaw ang tanging makakatulong sa akin tungkol sa bagay na ito"
Tinitigan siya ni Laguna, ang kanyang ngiti ay hindi nawawala sa kanyang mukha. "Matapang ka pa rin kagaya noon, Romeo. Ngunit alam mo na hindi ako tumutulong ng walang kapalit. Handa ka ba sa bigat ng responsibilidad na papasanin mo?" Ang mga salita ni Laguna ay parang hangin na dumaan sa kwarto na nagpatahimik sa kanila, nagsimulang maging tensyundo ang loob nito.
Nanatiling nakapikit si Romeo at ilang sandali pa ay tumango, senyales na nakahanda syang harapin ang anumang hamon para sa kanyang iisang layunin. Ang tapusin na ang kaguluhan sa bansa na idinudulot ng mga rebelde.
End of chapter.
