Cherreads

Chapter 105 - chapter 53 (TAGALOG)

 Kabanata 53: Ang bahay na walang hagdan

Lumipas ang mga araw, ang samahan nina Flora at Andoy ay lalong lumalim bilang magkaibigan. Tatlong beses sa isang linggo, sinusundo ni Andoy si Flora sa unibersidad, at magkasama silang kumakain sa mga simpleng kainan o nagpapalipas ng oras sa mga pasyalan tuwing Linggo. 

Mula sa mga masasayang pagbisita sa amusement park hanggang sa mga tahimik na paglalakad sa Ocean Park, puno ng tawa at kwento ang kanilang mga sandali. Sa bawat pagkikita, lalong nadaragdagan ang saya sa puso ni Flora, at kahit alam niyang pansamantala lang ang mga ito dahil sa kanyang tungkulin bilang sugo ng diwata, hindi niya maipagkaila ang kakaibang init na nadarama kapag kasama si Andoy.

Dalawang buwan pagkatapos ipakilala ni Flora si Andoy bilang kaibigan kay Romeo, napansin ni Romeo ang madalas na pagsasama ng dalawa. Bagamat abala sa kanyang misyon laban sa mga rebelde, hindi niya maiwasang hindi bantayan si Flora mula sa malayo.

 Sakay ng kanyang itim na sasakyan, palihim niyang sinusundan ang dalawa, tinitiyak na ligtas si Flora at komportable sa kanyang kasama. 

Sa kabila ng kanyang mataas na posisyon bilang heneral, may bahagi sa kanya na hindi mapalagay. 

Hindi niya gusto ang nakikita si Flora na masaya at malaya kasama si Andoy—ngunit wala siyang maipapakita na dahilan upang pigilan ito. 

Nakikita niyang tunay ang mga ngiti ni Flora, at walang bahid ng masamang intensyon si Andoy. Sa kanyang puso, alam niyang hindi niya maaaring diktahan ang buhay ni Flora, kahit gaano kalakas ang kanyang pagnanais na protektahan ang dalaga.

Gayunpaman, dahil sa pag-aalala kay Flora ay hindi nawawala sa isip ni Romeo ang puntahan ito. Minsan, kapag wala siyang oras na bantayan ang dalaga, ipinapapunta niya ang kanyang mga tauhan upang siguraduhing ligtas ito. 

Isang umaga, habang nasa loob ng kanyang sasakyan kasama sina Abby at Peter, muling nakita ni Romeo sina Flora at Andoy na magkasama, naglalakad habang hawak ni Andoy ang kamay ni Flora at puno ng tawa ang kanilang usapan.

Nagulat sina Abby at Peter sa eksenang nasaksihan. "Teka, totoo ba 'to? May kasamang ibang lalaki si bunso?" tanong ni Abby, ang boses ay puno ng pagkabigla at kaunting inggit.

"Sino naman 'yung lalaking 'yun? Bakit parang sobrang close nila?" dagdag ni Peter, na halatang hindi rin makapaniwala.

Tahimik na sumagot si Romeo, "Kaibigan sya ni Flora. Isa syang ordinaryong Pilipino. Wala naman siyang ginagawang masama kay Flora, kaya 'wag kayong mag-alala."

Nagtaka si Abby sa kalmado at walang-pakialam na tono ni Romeo. 

Para sa kanya, imposibleng basta na lang hayaan ni Romeo na may ibang lalaking palaging kasama si Flora.

 "Heneral, seryoso? Okay lang sa'yo na may ibang lalaking kasama si bunso? Hindi ba dapat ikaw ang kasama niya? Baka maagaw siya sa'yo!" sabi ni Abby, ang boses ay may halong pag-aalala at pagpapalagay.

Biglang nagdabog si Peter, ang mga mata ay puno ng determinasyon.

 "Heneral, sabihin mo lang! Kaya ko siyang alisin sa landas ni Flora kung iutos mo!" aniya, halatang handang-handa na gumawa ng aksyon.

Napabuntong-hininga si Romeo, bahagyang nairita sa reaksyon ng dalawa. 

"Itigil n'yo nga 'yang mga kalokohan n'yo. Hangga't masaya at ligtas si Flora kasama ng lalaking 'yan, wala akong nakikitang dahilan para gumawa ng hakbang laban sa kanya."

Ngunit hindi natinag si Abby. Tinitigan niya si Romeo, ang mga mata ay puno ng panunukso. 

"Pero Heneral, tignan mo nga sila! Ang saya-saya nila, parang magkasintahan na! Hindi ka ba nagseselos kahit kaunti?"

Napailing si Romeo, ang mukha ay nagpapakita ng bahagyang pagkairita. "Abby, bakit ba ang kulit mo? Bakit mo naman iniisip na magseselos ako? Malaki na si flora at normal lang na may manligaw sa kanya ."

Ngunit hindi pa rin tumigil si Abby. Lumapit siya kay Romeo, halos magkadikit na ang kanilang mga mukha. 

"Heneral, kapag hinayaan mo silang palaging magkasama sa pamamasyal, panunood ng sine, at mamili ng damit, hindi malabong magkatuluyan 'yang dalawa! Paano na kung maagaw si bunso? Mawawalan ka na ng tsansang maging kayo!" sabi ni Abby, ang boses ay puno ng intensidad.

Hinawakan ni Romeo ang mukha ni Abby at dahan dahang itinulak ito palayo. 

"Pwede ba, umupo ka ng maayos? Bakit ba pinipilit mo 'ko kay Flora? Ilang beses ko bang sasabihin na magkapatid lang ang turingan namin!"

Biglang sumigaw si Abby, hindi na napigilan ang emosyon. 

"Heneral, ikaw lang ang nagsasabi nyan! Noon pa man, may gusto na si Flora sa'yo! Bata pa lang tayo ay halata na ang paghanga niya sa'yo. Pero dahil ikaw ang heneral namin, pinili niya na lang humanga sa'yo bilang sundalo at sumunod sa'yo!"

Sumang-ayon si Peter, ang boses ay puno ng suporta kay Abby. "Tama si Abby, Heneral. Mahal na mahal ka ni Flora, lalo na dahil ikaw ang nag-aalaga sa kanya bilang guardian. Kahit magkapatid ang turingan n'yo, hindi naman kayo totoong magkadugo. Hindi man ngayon ay balang-araw, hahanap ikaw o si Flora ng mapapangasawa, at mas gugustuhin namin na ikaw ang makasama niya habang buhay!"

Napailing si Romeo, halatang naiinis na sa usapan. "Pati ba naman ikaw, Peter? Saan n'yo ba nakuha 'yang ideya na maaari ko siyang maging asawa? "

"Mahalaga saakin si Flora pero alam ko na iba yun sa paghahangad na makasama sya bilang asawa. "

Ngunit hindi pa rin tumigil si Abby. "Heneral, ikaw lang ang makakapagbigay ng magandang buhay kay Flora! Wala ka bang nararamdaman para sa kanya, kahit kaunti?"

Tumingin si Romeo sa labas ng sasakyan, ang mga mata ay sinusundan ang masayang tawa ni Flora habang kasama si Andoy. 

Sa kaibuturan ng kanyang puso, may nararamdaman siyang kirot—isang inis na hindi niya maipaliwanag. 

"Ang totoo, naiirita ako kapag nakikita ko silang magkasama. Ewan ko, pero naiinis ako dahil dapat ako ang kasama ni Flora ngayon. Nasanay akong kasama siya, at dahil komportable ako sa kanya, naiinis ako kapag mas pinipili niya ang lalaking 'yan."

Ngunit agad niyang idinagdag, "Pero wala akong karapatang pigilan si Flora. Nasa edad na siya para magdesisyon para sa sarili niya. Balang-araw, iiwan niya tayo at gagawa ng sariling buhay. Hindi ko siya mapipilit na manatili sa tabi ko."

Hindi sumang-ayon si Abby. "Heneral, hindi totoo na hindi mo kayang bigyan si Flora ng masayang buhay! Noon pa man, ginagawa mo na ang lahat para sa kanya. Alam ko na mas gugustuhin ni Flora na ikaw ang kasama niya, hindi ang lalaking 'yan!"

Napayuko si Romeo habang ang mga mata ay puno ng kalungkutan. "Hindi ko sinasabing ayaw ko kay Flora bilang babae. Pero sa tingin ko, hindi ako ang nababagay sa kanya. Hindi ako ang makakapagbigay ng masayang buhay na ninanais niya."

Biglang kontra si Abby. "Heneral, nakikita na namin noon pa man kung gaano mo inaalagaan si Flora. Nangako ka sa harap naming lahat na gagawin mo ang lahat para sa kapayapaan ng bansa, at nagtitiwala kami sa'yo na magagawa mo ito at gusto ko kapag natupad na ang kapayapaang hinihintay natin, kasama mo pa rin si Flora, inaalagaan at pinapasaya kagaya ng palagi mong ginagawa."

Napabuntong-hininga si Romeo. "Handa akong alagaan si Flora kahit hindi ako ang maging asawa niya. Pero ate Abby, may tatlong dahilan kung bakit hindi ko siya pwedeng piliin bilang asawa sa hinaharap."

"Una, mas gusto ko siyang ituring na nakababatang kapatid. Pangalawa, masyado siyang mabait at malambing, at alam n'yo na hindi siya nababagay bilang sundalo at sa trabaho ko. At pangatlo, dahil mas matanda siya sa'kin, at palagi niyang ipinapamukha 'yon sa'kin!" sabi ni Romeo, na may bahid ng pagbibiro sa kanyang tono.

Pinitik niya ang noo ni Abby, senyales na tapos na ang usapan. "Itigil mo na 'yang pag-iisip na 'yan. Kahit anong mangyari, hindi ko kukunin si Flora bilang asawa."

Tumingin si Romeo sa labas ng sasakyan, ang mga mata ay muling sumunod kay Flora. Sa kanyang puso, alam niyang nangako siyang bibigyan si Flora ng masayang buhay, ngunit para sa kanya hindi na sya makakasama ng matagal ng dalaga. 

Ayaw niyang maranasan ni Flora ang sakit na naranasan niya. Alam niyang maikli ang buhay niya bilang sundalo, at hindi siya sigurado kung hanggang kailan siya mabubuhay. 

Kahit masakit ang makita si Flora kasama si Andoy, mas minabuti niyang tiisin ito, para makahanap si Flora ng ibang mamahalin—isang taong magbibigay sa kanya ng lakas at dahilan para ipagpatuloy ang buhay, kahit wala na si Romeo.

Bakas ang kalungkutan sa mukha ni Romeo habang iniisip ang mga bagay na gustong-gusto niyang gawin kasama si Flora bilang pamilya. Ngunit nararamdaman niya ang limitasyon ng kanyang oras.

 Ilang saglit pa, inutusan niya ang kanyang tauhan na paandarin ang sasakyan at umalis. Nagreklamo naman si Abby, na umaasang makakasama nila si Flora sa pamamasyal.

"Hayaan mo na siya. Makakapaglibang naman tayo kahit wala siya," sabi ni Romeo, ang boses ay puno ng pagtanggap. Umalis sila at hinayaan si Flora na maging masaya kasama ng lalaking si Andoy.

---

Ilang araw ang lumipas, at nagpatuloy ang misyon ni Romeo laban sa Katipunan, ang rebeldeng grupo na pinamumunuan ni Martin. Matagumpay nilang natunton ang ilang bodega ng mga armas ng mga rebelde at nahuli ang labinlimang Pilipino na kasabwat nito.

 Ngunit apat lamang sa kanila ang may dalang armas, na nagdulot ng pag-aalinlangan kung sila nga ba ay tunay na rebelde.

"Heneral, labinlimang Pilipino ang nahuli natin, pero apat lang ang may armas. Sa tingin ko, hindi lahat sila rebelde," ulat ni Peter.

"Sumasali sila sa mga rebelde para sa pera, kaya may pananagutan pa rin sila," sagot ni Romeo, ang boses ay puno ng awtoridad.

Tinanong ni Romeo kung may paraan ba silang malaman kung sino sa mga nahuli ang hindi tunay na rebelde. Napabuntong-hininga si Peter. "Mahirap malaman, Heneral. Lahat sila nagmamakaawa na pakawalan, at hindi natin masigurado kung sino ang napilitan lang sumama para sa pera."

"Anong gagawin natin? Kapag itinurn-over natin sila sa Maynila, tiyak na mabigat ang parusang ipapataw sa kanila," sabi ni Abby, ang boses ay puno ng pag-aalala.

Napatingin si Romeo sa labas ng bintana, ang isip ay malalim. "Tawagan ang gobernador-heneral ng Laguna. Humingi ng appointment para makausap ko siya," utos niya.

Nag-alala si Abby. "Heneral, hindi magandang ideya na dalhin natin ang mga nahuling rebelde sa Laguna. Malinaw ang utos na lahat ng mahuhuli mula sa Katipunan ay dadalhin sa Maynila. Kapag nalaman ito ng viceroy, baka ituring niyang paglabag ito."

"Gusto ng viceroy na patayin ang mga ito sa public execution para maging babala sa iba," dagdag ni Peter.

Alam ni Romeo ang bigat ng desisyong kailangan niyang gawin. Gusto niyang sugpuin ang mga rebelde, ngunit naaawa rin siya sa mga Pilipinong maaaring nadamay lamang dahil sa kahirapan.

 Tinitigan niya ang asul na kalangitan sa labas, at pagkatapos ng ilang sandali, inutusan niya ang kanyang mga tauhan na ihanda ang sasakyan.

"Saan tayo pupunta?" tanong ni Abby, na halatang nagtaka.

"Dadalaw tayo sa isang kaibigan," sagot ni Romeo, ang boses ay puno ng misteryo.

Habang naglalakad, tinanong ni Romeo kung natunton na ba ang mga Katipunan sa Pampanga.

 Ipinaliwanag ni Peter na nawala ang signal ng GPS, posibleng gumagamit na ng bagong teknolohiya ang mga rebelde para harangin ang signal nito o natuklasan na nila ang mga tracking device sa mga kahon ng armas na inilagay nila.

"Nagiging mahirap na silang hulihin. Kumalat na sila sa buong Luzon," sabi ni Peter.

"Matalino ang pinuno nila. Ginagamit niya ang pera mula sa pagnanakaw para bayaran ang iba't ibang grupo na sumali sa kanila," dagdag ni Romeo.

Alam ni Romeo na ang tanging solusyon na lang para tapusin ng problema nila ay hulihin si Martin, ang pinuno ng Katipunan na syang nagdudulot ng kaguluhan. 

ilang oras ang lumipas, at dumating sila sa isang bayan sa Laguna. Huminto sila sa harap ng isang malaking mansyon, ilang minuto silang naghintay sa labas ng gate.

Ilang saglit pa ay nagtanong si Abby kung ano ang ginagawa nila roon, ngunit hindi sumagot si Romeo at mag-isa na lumabas ng sasakyan. 

Sumunod naman sina Abby at Peter, kahit naguguluhan sa ginagawa ng kanilang heneral.

"Heneral, may nararamdaman akong presensya ng sugo ng diwata sa loob," sabi ni Abby, ang boses ay puno ng pag-aalala.

Ilang sandali pa, lumabas mula sa mansyon ang isang babaeng nakasuot ng eleganteng Filipiniana dress. Si maria clara, isa sa mga sandata at tauhan ng sugo ng diwata,

Lumapit sa kanila si clara na may ngiti ngunit may awtoridad sa kanyang tindig. Nagulat sina Abby at Peter ng makita ang presensya ng babaeng kaharap nila, alam na alam nilang hindi ordinaryong tao ang babaeng ito.

"Natutuwa akong makita ka muli, maria clara," bati ni Romeo, ang boses ay puno ng paggalang. 

"Nais kong makausap ang iyong master."

Tumawa si Clara, ang pamaypay ay dahan-dahang tiniklop. "Natutuwa akong naaalala mo pa rin ako, Romeo, kahit limang taon na ang nakalipas. "

Tinignan nya ang mga sundalong kasama ni romeo. " Kinalungkot kong sabihin pero hindi interesado ang aking master na makipag-usap sa mga sundalong Kastila."

Tumahimik ang paligid ng ilang sandali. Napabuntong-hininga si Romeo habang sinasabi na. "Hindi ako narito para makipagnegosasyon para sa Espanya. Narito ako para humingi ng tulong para sa mga Pilipino."

Ngumiti si clara, ngunit may babala sa kanyang mga mata. "Hindi kailanman tumutulong ang aking master nang walang sapat na dahilan. Mapanganib para sa kanya ang tumulong sa mga Pilipino kaya hindi kita kayang pagbigyan na makausap sya."

Yumuko si Magdalena, ang boses ay puno ng paggalang ngunit may diin. "Walang responsibilidad ang aking master na tulungan kayo, kaya paki usap Heneral, na 'wag n'yong idamay ang aming master sa inyong mga problema."

Napapikit si Romeo habang tumitingala sa asul na kalangitan, at biglang ngumiti. "Walang responsibilidad? ha! " tanong niya, ang boses ay may bahid ng pait.

 Biglang naglabas siya ng malakas na enerhiya mula sa kanyang katawan, na nagpagulat kina Abby at Peter. Ang presensyang pinakawalan nua ay napakalakas na halos magpanginig sa mga sundalo sa kanyang likuran.

"Nakahanda na akong mamatay noon, pero dumating siya para iligtas ako,at itinulak ako sa landas na ito. " sabi ni Romeo, ang boses ay puno ng determinasyon. 

"Pinasan ko ang responsibilidad na ito hanggang ngayon dahil sa isang pakikalamerong taong umastang bayani sa harap ko." sambit nya habang naaalala ang nakaraan kung saan nasa harap nya sila laguna habang nakahiga sya sa lupa. 

Humakbang siya pasulong, determinado na pumasok sa gate, ngunit biglang nagsalita si clara. "Kapag itinuloy mo ang pagpasok, ituturing ito ng aking master na isang kapangahasan laban sa kanya."

Hindi pinansin ni Romeo ang babala at nagpatuloy sa paglalakad hangang sa lumampas na sya kay clara. 

"Matapang ka talaga, munting Heneral," sabi ni clara, ang boses ay may bahid ng paghanga.

Kasabay ng kanyang muling paghakbang, biglang lumitaw ang mga magic circle sa lupa. 

Napuno ng takot ang mga sundalo sa pag ilaw ng mga tatak sa lupang tinatapakan nila, ngunit bago pa sila makakilos, nahulog sila sa mga butas na nilikha ng mga magic circle.

 "Heneral!" sigaw ni Abby.

Nahanap nila ang kanilang mga sarili na bumabagsak sa isang dimensyon na puno ng libo-libong pinto, isang walang katapusang espasyo na nagpapalito sa isipan nila.

 "Magic cube!" sigaw ni Abby habang nagbabago ng anyo bilang sugo na si tatag. 

Lumitaw agad ang mga magic circle sa paligid, at nabuo ang mga magic cube na sumalo sa mga kasamahan niya.

Lumulutang ang mga magic cube na inilabas nya na nagsisilbi ngayong plataporma para tapakan nilang lahat. "Ayos lang ba kayo?" tanong ni Abby, ang boses ay puno ng pag-aalala.

" Nasaan ba tayo? Anong lugar ito.? " Tanong ni peter. 

Seryoso lang ang mukha ni Romeo habang pinagmamasdan ang paligid. Naglakad siya patungo sa isang pinto at dahan-dahang binuksan ito. "Ito ang kapangyarihan ng alagad ng sugo ng Laguna na si Juli. Ang bahay na walang hagdan."

Pumasok sila sa isang malaking sala ng mansyon, puno ng magagarang kasangkapan. Na may pitong metro ang taas ng kisame, at may tatlong daang square meter ang sukat ng kwarto. Sa bawat gilid, may mga pinto sa gilid, at nakasulat sa kisame ang numerong 9999.

"Bahay na walang hagdan? Dimensyon ba ito tulad ng kay Sasha?" tanong ni Peter.

"Tama, pero hindi lang basta ikinukulong ng dimensyon na ito ang mga tao. Ito ay isang maze na may libo-libong daanan," paliwanag ni Romeo. 

"Ang bawat pinto ay patungo sa ibang kwarto. Kailangan nating hanapin ang tamang kwarto kung nasaan si Juli para makalabas."

Napansin ni peter na mayroong malaking tatak sa itaas ng kisame na nakalagay na room 9999 at naisip na napakaraming kwarto ang meron sa maze. 

"Ano? Kung ito ang pang-9999 na kwarto, ibig sabihin, maghahanap tayo sa libo-libong kwarto?" gulat na tanong ni Abby.

Naalala ni Peter ang mga kwento ng mga Kastila tungkol sa sugo ng Laguna, ayon sa mga kastila ito ang pinakamalakas na sugo sa Pilipinas.

 "Hindi siya madalas magpakita, at kahit natunton siya ng mga Kastila, walang heneral ang nagtagumpay na hulihin siya dahil sa lugar na ito."

Binunyag ni Romeo na tatlong araw na nakulong ang huling mga sundalong nagtangkang hulihin si Juli, pero nabigo dahil sa gutom at pagod. Hindi naman nya pinapatay ang mga sundalo pero hinahayaan nya itong magdusa sa loob. 

"Habang nakakulong tayo rito, malaya ang mga tauhan ni Laguna na umatake sa atin, kaya mag-ingat kayo."

Binuksan ng mga tauhan ni Romeo ang mga pinto sa gilid, ngunit walang laman ang mga kwarto. Natakot si Abby na baka makulong sila roon ng matagal nang walang pagkain o inumin.

 "Heneral, paano tayo makakalabas? Hindi natin kaya manatili dito ng tatlong araw!" sabi niya, ang boses ay puno ng pag-aalala.

"Anong plano nyo para makalabas tayo dito heneral? " Tanong ni peter. 

Napangiti si Romeo. "Hindi ko planong hanapin ang labasan. Narito ako para hanapin si Laguna." determinadong sagot ni romeo. 

Nagduda si Abby sa plano, ngunit nagpatuloy sila sa paglalakad, pumasok at lumabas sa mga pinto. Sa ikasampung kwarto, napansin ni Abby ang pagbabago ng numero sa kisame—7690. 

"Heneral, iba-iba ang numero ng mga kwarto!"

" Kanina nasa pang 3367 na kwarto tayo. "

Pagkatapos ng isang oras, tumigil sila para magpahinga. Alam nilang hindi sapat ang basta-basta na pagpasok sa mga pinto.

 "Heneral, kung magpapatuloy ito, mapapagod lang tayo at magugutom," sabi ni Peter.

Ilang segundong natahimik si romeo at tumayo sa kinauupuan para pumunta sa harap ng pinto. 

Biglang naglabas ng enerhiya si Romeo habang nagbabago ng anyo bilang sugo ng diwata. 

"Tama na ang laro! Hindi kami narito para magsayang ng oras. Kung gusto mong subukan ang kakayahan namin, bakit mo hinintay pang mapagod kami bago ka lumaban?" sigaw niya, ang boses ay puno ng galit.

Galit na binuksan ni Romeo ang isang pinto, at doon, napatigil siya. Nararamdaman nina Abby at Peter ang malakas na presensya mula sa kabilang kwarto. 

Sinunandan nila ang kanilang heneral at pumasok at dito nakita nila ang isang mahabang lamesa, kung saan nakaupo sina Maria Clara, isang lalaking nakasuot ng amerikana na si Cris, at isang binatilyong nakasimpleng damit, si Basilio.

Humakbang si Romeo pasulong. "Nagpapasalamat ako na pinakinggan mo ang paki usap ko na magpakita na," sabi niya kay Maria Clara.

Ngumiti si Cris. "Kahit nagpakita kami, hindi ibig sabihin na dadalhin ka namin sa kwarto ng aming master. Kasalukuyang kumakain ng tanghalian ang master, kaya hindi ka niya mahaharap."

Ipinaliwanag ni Cris na ang bahay na walang hagdan ay may higit sa sampung libong kwarto, at nagbabago ang mga pinto kada limang minuto. "Maaaring bumalik kayo sa mga kwartong napasukan na ninyo at magpaikot-ikot lang sa maze," dagdag niya.

"Narito ako para sa kapakanan ng mga Pilipino, hindi ako kalaban ni laguna," sabi ni Romeo, ang boses ay puno ng determinasyon.

Ngumiti si Cris, ngunit may pait sa kanyang mga mata. "Hindi mo kailangang sabihing hindi ka naming kalaban. Pumatay ka ng libo-libong Pilipinong rebelde na ang tanging gusto ay kanilang kalayaan. Dahil sa katapatan mo sa mga Kastila, hindi ka matuturing na kakampi ng aming master."

Bakas kay romeo ang pagkairita sa mga narinig kay cris pero pinilit nyang pakalmahin. 

"Anong gusto mong gawin ko para hayaan akong makausap siya?" seryosong tanong ni Romeo.

"Bilang mga tauhan ng master, tungkulin naming protektahan siya. Dahil binalewala mo ang paki usap ni Clara, malinaw na lumabag ka sa patakaran ng bahay na ito," sagot ni Cris.

Kasabay ng pagtayo ni Cris, nararamdaman nila ang mabigat na presensya sa paligid.

 Lumitaw ang mga kadena mula sa kanyang damit, ang mga dulo nito ay may talim ng kutsilyo na parang buhay na ahas.

"Bibigyan kita ng pagkakataon, batang Heneral," sabi ni Cris, tinuro ang pinto sa likuran. 

"Nasa kabilang kwarto ang aming master. Papayagan ka naming makausap siya kung makakapasok ka sa pintong iyan."

Tinignan ni romeo ang pinto na tinutukoy nito. 

"Kung gano'n, kailangan lang naming makadaan doon?" tanong ni Romeo.

"Oo, pero hindi gano'n kasimple ito. Kailangan naming gampanan ang tungkulin namin bilang tagapagbantay ng aming master," sagot ni Cris.

Napabuntong-hininga si Romeo at tinignan sina Abby at Peter. "Ayoko sanang makipaglaban pero mas maigi na ito kaysa maghanap sa libo-libong kwarto."

Biglang nagulat si Romeo nang maramdaman ang biglang pagbabago ng presensya. 

Nawala si Basilio sa paningin nila. "Nasaan ang isa sa kasama niya?" tanong ni Romeo.

Bago pa siya makatugon, sumigaw ang isa sa kanyang sundalo. Sa isang iglap, napabagsak ni Basilio ang tatlong sundalo ni Romeo sa loob lang ng limang segundo, ang bilis ng kanyang galaw ay parang hangin. Bago pa makakilos si Romeo, biglang lumitaw si Basilio sa kanyang likuran, hawak ang kanyang balikat.

" Kuya, wag kang magagalit pero hindi ka uubra laban saamin. "

Hindi makapaniwala si Romeo na hindi niya napansin ang mga galaw nito. Mabilis niyang hinugot ang kanyang balisong at sinubukang saksakin si Basilio, ngunit parang hangin lang itong naglaho sa harap nya bago nya pa ito tamaan. 

Biglang lumitaw si Basilio sa kanyang itaas, habang nakaamba ang mga paa para sipain siya sa ulo. 

Maswerte naman na nasalag ito ni Romeo, ngunit napaatras siya sa lakas ng atake.

 " Malakas din sya. " Bulong ni romeo sa isip

Habang umaatras, mabilis na umatake ang mga lumulutang na balisong ni Romeo, ngunit muling lang naglaho si Basilio.

 Biglang namang sumulpot ang isang tigre mula sa isang magic circle at kinagat ang braso ni Romeo. Mabilis na tumarak ang mga balisong sa tigre, ngunit naglaho ito, nag-iwan ng mga maliliit na enerhiyang nagkalat sa hangin.

Napatingin si Romeo sa sugat sa kanyang braso, nagulat sya ng masugatan siya ng kalaban nya kahit protektado ng kapangyarihan ng diwata.

"Kami ay gawa mula sa kapangyarihan ng diwata at kaya namin balewalain ang anumang proteksyon ng ibang diwata kung mas mahina ito kesa saamin," paliwanag ni Clara.

Ipinaliwanag niya na epektibo sila laban sa mga sugo dahil kayang tumagos ng kanilang atake sa barrier na gawa sa enerhiya ng diwata. 

"Mag-ingat kayo, kung nais nyo kaming pigilan ay kailangan nyong gumamit ng ibang bagay o kapangyarihan para salagin ang aming atake," babala ni Clara.

"Teka, Clara, bakit mo sinasabi 'yan sa mga kalaban natin?" protesta ni Cris.

"Pasensya na, pero sa tingin ko, hindi dapat mamatay ang mga sugo na katulad nila. Dapat nilang pangalagaan ang sarili nila," sagot ni Clara, ang boses ay puno ng habag.

Muling umatake ang mga kadena ni Cris, mabilis na bumulusok patungo kay Romeo. Ngunit dahil alerto si Romeo, iniharang niya ang mga balisong, na sumalag sa mga talim ng kutsilyo na nasa kadena. 

Nabalot naman ng enerhiya ang katawan ni Cris, at mabilis siyang lumusob, gamit parin ang mga kadena para atakehin si Romeo.

Nasasalag ng mga balisong ang mga kadena, ngunit dahil sa bilis ni Cris, nakalapit siya kay Romeo. Isang malakas na suntok ang tumama kay Romeo, na nagpatalsik sa kanya hanggang sa tumama siya sa dingding ng kwarto.

 "Heneral!" sigaw ni Abby, ang boses ay puno ng pag-aalala.

 

Galit na galit si Peter sa nakitang pag-atake kay Romeo. Nabalot ng enerhiya ang kanyang katawan, at unti-unting nagbago ang kanyang anyo bilang sugo. 

Lumitaw ang mga buhangin mula sa kanyang katawan, na bumuo ng isang malaking kamao.

 "1st Sand Art: Hand of Wrath!" sigaw niya.

Ang kamaong gawa sa buhangin, lumusob ang dalawang metro ang laki kay Cris. Ngunit mabilis itong nailagan nito ng walang kahirap hirap at agad na tumalon patungo kay Peter.

 Nabalot ng buhangin ang katawan ni Peter at unto unting nagiging dambuhala ang kanyang anyo. Muling nagpakawala siya ng mga kamaong buhangin, ngunit muli itong nailagan ni Cris.

"Napakabilis niya!" bulong ni Peter, na halatang nahihirapan.alam nya na dahil sa bigat ng buhagin ay mabagal ito lumusob sa kalaban. 

Biglang iginapos ni Cris ang mga braso ni Peter gamit ang mga kadena para pigilan ang kanyang paggalaw. Habang nakagapos ay agad na tumalon si Cris patungo sa ulo ni Peter at sinuntok ito ng malakas, na nagpadurog sa ulo ng dambuhalang buhangin. 

"Peter!" sigaw ni Abby, ang boses ay puno ng takot.

Nabalot ng enerhiya ang katawan ni Abby habang nag cast . "First Cube Art: Super Cube!" sigaw niya. 

Lumitaw ang mga magic cube sa paligid, at apat doon ay nagsanib, nagkulay pula. Ang mga pulang super cube ay mabilis na gumalaw, umatake kay Cris.

Sinubukan ni Cris na salagin ang mga ito gamit ang kanyang mga kadena, ngunit walang epekto ang mga talim sa matitibay na magic cube.

Walang nagawa si Cris kundi umatras at dahil sa napakabilis na galaw ay madali nya lang naiwasan ang pulang magic cube.

Alam ni Abby na hindi kaya ng kanyang super cube na sabayan ang bilis ni Cris, ngunit nagpatuloy siya sa pag kontrol dito para itaboy si cris palayo kay peter. 

Habang lumalayo si cris at unti unting nabubuo muli ng ulo ng dambuhalang katawan ni peter pero bigla namang winasiwas ni Clara ang kanyang pamaypay, at lumitaw ang isang napakalaking elepante mula sa isang magic circle.

 Bumanga ito kay Peter, na napaatras sa lakas ng dambuhalang hayop. "Napakalakas." Sambit ni peter. 

Muling gumalaw ang mga super cube ni Abby at binangga ang elepante dahilan para mapahiga ito hanggang sa naglaho ito, nag-iwan ng mga nagkalat na enerhiya sa paligid. 

 "Kakaiba ang mga abilidad nila," bulong ni Abby, ang isip ay naguguluhan.

Habang iniisip ang pag atake muli kay clara ay hindi niya napansin na nakalapit na si Basilio sa kanyang likuran. Naramdaman nya na may kamay na humahawak sa likod nya. 

"Hindi, imposible ito. Napakabilis niya, halos hindi ko naramdamang dumaan sya sa harap ko!" bulong niya, ang puso ay kumakabog sa takot.

Kahit na takot na takot ay sinubukan nyang sipain si basilio pero bago pa tumama ang kanyang binti ay naglaho muli ang batang lalaki kasabay ng hangin. 

Muli syang tumalikod para hanapin sa paligid si basilio.

Nagulat na lamang sya ng mapansin na nasa gilid nya lang ito at hawak hawak ng batang lalaki ang kanang braso nya. 

"Sobrang bilis ng pagkilos nya, paano nya iyon nagagawa? " Bulong nya sa isip. 

Sinubukan nyang sipain muli si basilyo pero muli lang itong naglaho at lumitaw sa kanyang itaas hawak ang kanyang ulo. 

"Hindi, imposible. Kung kaya nyang basagin ang proteksyon ko sa katawan tiyak mamamatay ako kapag tinamaan nya ako. " Bulong nya sa isip. 

Dahil nasa itaas nya si basilyo at hawak sya ay hindi nya magagamit ang magic cube para protektahan ang sarili. Pinagpapawisan ng malamig si abby dahil sa takot na nararamdaman at hindi na alam ang gagawin.

 "Kulang ang oras ko para pangalagaan ang sarili ko,"

Pero bago pa tumama ang suntok ni basilyo ay bigla ng tumama sa kanya ang napakaraming balisong. Gayunpaman tumagos lang ito sa katawan ng batang lalaki na parang tumama sa hangin. 

Tumalon si romeo papunta kay abby at sinabihan ito na wag hayaan na maatake sila ng direkta ng kalaban. Agad naman na bumulusok si romeo at umatake hawak ang balisong. 

Napangiti naman si cris ng makita na muling lumulusob ang heneral at agad na sinabayan lang ito sa pag atake. 

Nabalot ang dalawa ng malakas na enerhiya at nakipagsabayan sa isat isa.

 Nagagawang masalag ng mga lumulutang na balisong ang atake ng mga kadena ni cris dahil doon nagawang makalapit ni romeo dito. 

Kahit na nakalapit ay nagawang masalag ni cris ang balisong ni Romeo gamit ang patalim sa kanyang kadena na hawak. 

"Ipakita mo saakin ang husay mo sa pakikipaglaban, munting Heneral. "

Muling umatake si romeo gamit ang kanan nyang kamay at sinubukan laslasin si cris pero sinalag lang muli ito ni cris. 

Gumawa ng malakas na pwersa ang bangaan ng kanilang mga atake. 

"Siguruhin mo lang na kaya mo akong sabayan. " Seryosong sambit ni Romeo. 

Nagsimula silang magsabayan, parehong mabilis at malalakas ang kanilang mga atake na halos wasakin ang bawat matamaan.

 Magmula sa sahig, kisame at mga kagamitan sa kwarto ay nawawasak sa bawat pagtama ng kanilang mga atake. 

" Napaka bilis nila, hindi ako makapaniwalang ganito na kahusay ang heneral."sambit ni abby. 

Nagugulat si abby sa tindi ng sagupaan nila Romeo. Alam nya na hindi nya kayang lumaban kagaya ni Romeo at kung kaya ng mga kalaban nila na sabayan ang lakas ng heneral nya ay ibigsabihin ay wala syang kalaban laban sa mga ito. 

Ang magic cube lang ang natatangi nyang sandata at dahil hindi sya ganun kabilis kumilos at kalakas sumuntok ay nawawalan sya ng pag asa na makatulong sa laban. Ginagamit nya ang enerhiya nya para lang gumawa ng matibay na harang bilang proteksyon pero sa nakikita nya ngayon ay hindi ito makakatulong sa laban. 

Iniisip nya kung paano naman nya mapapangalagaan ang sarili nya kung napakabilis ng mga kalaban. Mabagal ang pagkilos ng mga magic cube at kailangan ng ng halos dalawang segundo bago makumpleto ang pag gawa ng mga ito. 

Pero habang nag iisip ay hinanap nya sa paligid si balisio at nakita ito sa gilid habang nakatingin sa kanya, nakaramdam sya ng takot pero alam nya na kailangan nyang lumaban. 

Muli nyang nakitang naglaho si basilio at dahil doon ay gumawa sya ng harang sa harapan nya, sampung matitibay na magic cube para protektahan sya sa atake ng kalaban nya pero laking gulat nya ng muli may humawak sa kanyang likod. 

"Ate, alam nyo ba kaya kong butasin ang katawan nyo?"Sambit ni basilio. 

Agad na tumalon si abby habang nababalot ng enerhiya kasabay nun ay ang paglitaw ng apat na magic cube at nagsanib.

 " Super cube! "

Tumama ang pulang cube kay basilio pero para syang hangin na naglaho ulit.

 "Anong klaseng kapangyarihan ang meron sya? Paano ko sya mahuhuli? "

Habang natataranta sa takot ay bigla syang nagulat ng may humawak sa kanyang leeg at natulala ng makita na nasa harap nya ang batang lalaki habang nakatingin ito na tila ba handa na itong patayin sya. 

"Naranasan mo na ba, Ate, na mawalan ng ulo?" tanong ni Basilio habang ang boses ay malamig at may bahid ng panunuya.

Nanlaki ang mga mata ni Abby, ang takot nya ay halos lumamon sa kanya. Alam niyang kaya ni Basilio na basagin ang kanyang proteksyon, at kung tumama ang atake nito, tiyak na mamamatay siya. "Hindi, imposible. Kung kaya niyang basagin ang proteksyon ko sa katawan, mamamatay ako!" bulong niya sa sarili.

Maging ang mga tuhod nya ay nakakaramdam ng panginginig dahil sa sobrang takot at iniisip na maaari syang mamatay kung hindi sya kayang protektahan ng kapangyarihan ng diwata. Alam nya na kapag nagkamali sya ay buhay nya ang magiging kapalit at dahil sa nagpahuli sya sa kanilang kalaban ay natatakot sya na mamatay. 

Bigla pumasok sa alaala nya ang kanyang heneral. "Paki usap heneral tulungan nyo ako. " Bulong nya sa sarili. 

Habang nagaganap iyon ay tumingin sya kay romeo na ngayon ay nakikipaglaban ng seryoso sa kalaban nila at alam nya na hindi kaya ni romeo na tulungan sya sa pag kakataon na iyon. 

Hindi rin sya matutulungan ni peter na abala sa pakikipag laban sa mga gorilya at rhino. 

Alam nya na walang makakatulong sa kanya sa mga oras ma iyon. 

" Paki usap, kahit sino, tulungan nyo ako. "Bulong nya sa isip. 

Habang hawak si abby sa leeg ay nagpakawala ng napakalakas na awra si basilio na lalong nagpatindig sa balahibo ni abby. Kumakabog ng malakas ang dibdib nya at napapalunok sa sobrang takot. 

"Alam nyo ba ate na kaya kong gumawa ng bomba sa mga bagay na nahahawakan ko at ilang beses ko na kayong hinawakan mula pa kanina kaya naman sa tingin ko mamamatay kayo kapag pinagsabog ko ito. "

Binantaan nya si abby na pasasabugin sya sa oras na gumawa ng maling pag kilos, ipinaalam nya na walang paki elam si basilio kung sino man sya pero ayaw nya na maki elam pa si abby sa laban ng kuya nyang si cris sa heneral. 

"Nag eenjoy ang kuya cris ko sa laban kaya ayoko na lang na guluhin nyo sya sa pakikipaglaro sa heneral nyo. "

"Bakit ganito ang pakiramdam ko? Kailangan kong gumawa ng paraan, tama, kailangan kong lumaban pero... Ayaw kumilos ng katawan ko. " Bulong nito sa sarili. 

Halos manginig sa takot ang dalaga at hindi maka pag isip ng maayos, gusto nyang pakalmahin ang sarili at gumawa ng paraan para makatakas pero para bang hindi nya na kayang igalaw pa ang katawan nya. 

"Bakit hindi ko maigalaw ang mga kamay ko? Ayaw sumunod ng katawan ko sa gusto ko. Anong gagawin ko? ito na ba ang katapusan ko? "Bulong nya sa sarili habang nagpapanik. 

Pakiramdam nya may kung anong bagay ang nasa katawan nya na maaaring pumatay sa kanya. Naimagin nya na may mga bomba sa mga parte ng katawan nya na hinawakan ni basilio at malapit ng sumabog. 

" Wala kang abilidad na pangalagaan ang sarili mo laban sa atake ko kagaya ng kasama mo na gumagamit ng buhangin, sa tingin ko ikaw ang pinaka mahina sa inyong grupo kaya mabuti pa manahimik ka na lang at magpakabait sa isang tabi."

"Tutal kahit na anong gawin mo ay wala ka ng maitutulong sa mga kasama mo. " Dagdag ni basilio. 

Nagulat si abby sa narinig nito na pag insulto sa kanyang kakayahan. "Pinaka mahina sa grupo? "

Biglang naalala niya ang kanyang nakaraan—ang mga gabing ginugol niya sa pagsasanay, kahit pagod na pagod at may sugat ay nagpapatuloy parin syang nagsusumikap. 

Labingwalo siya noon, at determinado siyang maging kapaki-pakinabang sa grupo. Isang gabi, nakita siya ng batang Romeo na labintatlo anyos lamang sa mga panahon na iyon. Nakita nya ang dalaga habang sinisipa ang punching bag.

"Alas-diyes na ng gabi, bakit ka pa nandito?" tanong ni Romeo.

Nagulat si abby ng makita si romeo at natataranta sa pagsasalita dahil baka pagalitan sya nito. " Heneral, gusto ko lang magsanay para lumakas tulad ng iba," sagot ni Abby, ang boses ay puno ng kahihiyan.

"Magsanay? Sa pagkakaalam ko kanina pang alas singko ng hapon natapos ang training nyo dito. " Sambit ni romeo. 

Napayuko na lang si abby habang humihingi ng tawad at sinasabi na gusto nya pa na magsanay hangat kaya pa ng katawan nya. Inamin nya sa sarili na sya lang sa grupo ang hindi makagawa ng ilang bagay. 

Ayaw nya na palaging napag iiwanan habang ang iba ay lumalakas at patuloy na nag iimprove. 

Naiingit sya na kahit si flora na mas bata sa kanya ay kayang sumuntok ng malakas na kayang sumira ng bato. Nagtatanong sya sa sarili dahil pareho naman silang babae pero bakit hindi nya magawa ang kayang gawin ng kapatid. 

Pinagmasdan nya ang kamay nya habang sinasabi na nahihirapan syang palakasin ang kanyang mga suntok at atake dahil sa mahina nyang tinataglay na enerhiya. 

Alam nya na sa oras na may makalaban silang malalakas na kalaban ay wala syang maitutulong. 

"Gusto kong maging kapakinapakinabang sa inyo heneral kaya kailangan kong gawin ang lahat para lumakas katulad ng iba."

Habang nagsasalita si abby ay lumapit si romeo sa kanya at hinarap sya. 

Nakipagtitigan ito habang sinasabi na importante sa kanya na maging malakas at handa sila pero mahalaga parin kay romeo ang kalusugan ng lahat.

Pinagmamasdan sya ni romeo at napabuntong hininga habang pinatitigil siya sa pag iisip ng negatibo tungkol sa kanyang kakayahan. 

"Hindi ko hiniling na magpakamatay ka sa pagsasanay para lumakas. Syempre importante saakin na maging malakas kayo pero ayokong makita na masyado nyong pinarurusahan ang sarili nyo sa pagsasanay dito sa camp. "

"Ayos lang ako heneral, gusto kong gawin ito dahil ayokong manatiling mahina, gusto ko maging malakas para kahit papaano hindi ako magiging pabigat. " Sambit ni abby. 

Hinawakan ni romeo ang kamay nya at pinagmasdan ang puro galos na kamay, nagulat si abby ng hawakan nito ang mga kamay nya pinagmamasdan.

"Hindi ka mahina ate abby, siguro nga hindi ka kasing lakas ng iba na kayang sumuntok ng malakas o dumepensa. Pero hindi iyon nangangahulugang mahina ka. "

"Ang kapangyarihan mo ay nasa magic cube, at may magagawa kang maganda para makatulong sa team gamit ang sarili mong paraan." dagdag ni romeo. 

Sa kasalukuyan, habang hawak ni Basilio ang kanyang leeg, naglabas si Abby ng malakas na enerhiya.

 Biglang nag bago ang ekspresyon ng mukha nya, ang takot ay napalitan ng nag aalab na determinasyon.

 "Mahina man ako kesa sa iba, handa akong gawin ang lahat para kay Heneral!" sigaw niya habang hinahawakan ang braso ni Basilio.

Nagulat si Basilio sa biglang pagbabago ng aura ni Abby. "Sinabi ko, manahimik ka, kung ayaw mong sumabog ang katawan mo!" banta niya.

Ngunit walang bakas ng pag-aalinlangan sa mga mata ni Abby na tila ba nawala ang takot nito. Inilapit niya ang ulo nya at iniumpog ito kay Basilio.

 "Pasabugin mo ako kung kaya mo, pero hindi kita pakakawalan!" sigaw niya.

"2nd Cube Art: Cage of Cube!" sigaw ni Abby. Isang malaking super cube ang nagkulong kina Abby at Basilio, sinundan ng apat pang super cube na nagsanib, nag bago ang cube at nagkulay itim.

 "Sige, isasama kita sa pagsabog ko!" matapang nyang sigaw. 

Nagulat si basilio sa biglaang pagpapalit nito ng reaksyon, nagtaka sya ng biglang naging agresibo si abby na kanina lang ay halos manginig ang mga tuhod dahil sa takot sa kamatayan. 

Naramdaman ni Basilio ang takot habang hinila niya palayo ang braso mula kay Abby. Alam niyang hindi siya makakalabas sa itim na magic cube. 

"Bitawan mo ako!" sigaw niya, ngunit ang determinasyon ni Abby ay hindi natinag.

Umamba si basilio gamit ang kaliwang kamay nya at binalak suntukin si abby pero bigla syang natigilan ng makita ang matapang na reaksyon ng mukha nito. 

Isang determinadong tao na handang gawin ang lahat. 

"Bakit ganito? Pakiramdam ko nanganganib ng buhay ko sa kanya. " Bulong ni basilio sa isip.

Habang nagaganap ang laban, patuloy ang sagupaan nina Romeo at Cris. 

Ang kanilang mga atake ay mabilis at malakas, na halos sumisirasa sahig, kisame, at mga kagamitan sa kwarto. 

Ang mga balisong ni Romeo ay patuloy na sumasalag sa mga kadena ni Cris, at ang bawat pagtama ay lumilikha ng malakas na enerhiya na nagpapanginig sa paligid.

"Kailangan kong maging kapakipakinabang kay heneral romeo, gagawin ko ang lahat para tulungan syang manalo, kahit ikamatay ko pa! " Bulong ni abby sa sarili habang patuloy na kumakapit kay basilio. 

Sa kabila ng kanyang takot, alam ni Abby na kailangan niyang maging matatag. Sa kaibuturan ng kanyang puso, determinado siyang patunayan na hindi siya basta susuko at makakatulong gamit ang sariling paraan.

End of chapter. 

More Chapters