Kabanata 33: Ang Puso ng Labanan sa Kadiliman ng Kaluluwa
POV ni Georgia
Mainit at maalikabok ang hapon sa Plaridel, kasalukuyan akong nasa maliit na tindahan ng mani ng lolo ko upang tumulong. Nakaupo ako sa isang lumang silya na gawa sa kawayan, nakatitig sa isang simpleng kwintas na bigay ni Erik. Isang abang kuwintas iyon na gawa sa kahoy na butil-butil, subalit para sa akin, higit pa iyon sa simpleng kwintas— dahil para itong tanikala na humihila sa puso ko at nagpapa aalala sa kanya.
Sa bawat pagpilipit ng butil ng mga kahoy sa kwintas sa pagitan ng aking mga daliri, muling sumasagi sa isip ko ang mga tanong: Babalik pa ba si Erik? Galit ba siya sa akin? Umalis ba siya dahil nasaktan ko siya?
Ang isip ko ay hindi matahimik, walang tigil at hindi mapakali. Natatakot ako na baka bumalik nga siya saamin pero kasama namn nya ang babaeng iyon. Ang babaeng nakita ko na kasama niya sa harap ng duyan.
Ano ang gagawin ko kung mangyari nga iyon? Magagalit ba ako sa kanya? Iiyak ba ako? O tatanggapin ko na lang na hindi ako ang babaeng gusto niya? Ang mga tanong na ito ay sumasaksak sa dibdib ko na parang punyal, at hindi ko alam kung paano sila patitigilin.
"Lola, bakit ba kailangan ko pang mag-isip ng ganito?" bulong ko sa sarili, habang humihigpit ang hawak ko sa pulseras. Hindi ako ganito dati. Simple lang ang buhay ko—nagbebenta ng bulaklak, tumutulong sa pamilya, walang inaalala tungkol sa mga lalaki. Pero ngayon, bawat araw ay parang nakikipagkaban ako sa sarili kong emosyon. Bakit kailangan ko pang maging ganito, ganun ba kaimportante si Erik para sa akin?
Sa gitna ng pagdadalamhati ko, narinig ko ang mga boses ng mga tindera sa kalapit na bangketa. Maingay ang kanilang usapan, puno ng emosyon, at may mabigat sa pag-aalala tungkol sa nangyari kahapon sa lugar ng mga iskwater.
"Nabalitaan mo ba? Dumami na naman ang hinuli ng mga pulis kagabi," sabi ng isang babae na may kupas na duster. "Inaresto nila lahat ng pinaghihinalaan nilang kasabwat ni Hustisya. Walang pinatawad—bata, matanda, babae, lalaki!"
"Natatakot na nga ako para saamin ng pamilya ko," sagot ng isa pang tindera, nanginginig ang boses sa takot. "pilipino rin tayo, kaya paano kung madamay tayo? Ligtas pa ba itong Plaridel para saatin?"
Umiling ang isa pang babae na may bitbit na basket ng gulay. "Bakit kailangan tayong magdusa dahil sa ginawa ni Hustisya? Kung hindi dahil sa kanya, hindi sana magiging magulo ang bayan natin!" May halong galit ang tono niya, at ang kanyang mga salita ay humampas sa puso ko na parang latigo.
Pero may isang hindi sumang-ayon sa mga naroon. "Huwag kang magsalita ng ganyan," sabi ng isang babaeng may mahinhing mukha. "Si Hustisya lang ang kayang tumulong sa atin laban sa pang-aabuso ng mga kastila. Alam mo ba kung gaano karaming Pilipino na ang nailigtas niya sa mga malulupit na kastilang iyon? Siya ang nagbibigay ng pag-asa sa mga tulad natin!"
"Pag-asa?" muling sumagot ang isa, may bahid ng paghamak ang boses. "Anong pag-asa ang ibinibigay niya? Lahat ng tinulungan niya, naaresto! Nasa kulungan na ngayon! Paano na sila? Paano na ang mga pamilya nila?" Ang kanyang mga salita ay lalong na nagbigay sakit sa dibdib ko, naramdaman kong tila dinudurog ako dahil sa pagkakonsensya.
Bilang si Hustisya, ang mga masasakit na salitang iyon ay tumatatak sa puso ko na parang sibat. Napuno ako ng kalungkutan, at sa kauna-unahang pagkakataon, nakaramdam ako ng galit—hindi lang sa mga kastila, kundi pati na rin sa sarili ko.
Alam kong wala akong magagawa ngayon. Limitado ang kapangyarihan ko bilang sugo, at hindi sapat ang natitira kong enerhiya para labanan ang maraming kalaban. Kapag ginamit ko ang kapangyarihan ko na kontrolin ang mga bagay bagay, mabilis na nauubos ang enerhiya ng katawan ko sa loob lang ng labinlimang minuto, at alam kong hindi iyon sapat na oras para iligtas ang napakaraming tao sa boung plaridel.
Natatakot ako na baka maabot ko ang limitasyon ko sa kalagitnaan ng laban at baka mabigo ako sa misyon ko. Ano ang mangyayari kung mahuli ako ng mga kastila? Ang natitira kong enerhiya ay inilaan ko para sa mga kritikal na laban na inaasahan kong mangyayari sa mga darating na araw.
Kahit gustung-gusto kong tulungan ang mga Pilipino sa siyudad, wala akong magawa sa ngayon. Ang pagpapalit-anyo bilang si Hustisya ay nangangailangan ng napakalaking enerhiya, at kung gagamitin ko ito nang maaga, baka wala na akong matira para harapin ang gobernador heneral na may taglay na kapangyarihan din kagaya ko.
Habang nagpapatuloy ang usapan ng mga tindera, narinig ko sa mga ito ang pasasalamat kay ifugao "Salamat na lang at nagpakita si Ifugao kagabi," sabi niya, punung-puno ng pag-asa ang boses. "Kung hindi dahil sa kanya, mas marami pa sanang naaresto."
Napako ako sa kinauupuan ko. Ifugao? Nabigla ako ng mabanggit nila ang pangalan nito. Alam kong nasa Plaridel pa rin si Ifugao, pero hindi ko inaasahan na makikipaglaban siya sa mga Kastila para protektahan ang mga tao dito.
Narinig ko rin ang papuri ng mga tindera sa kanya. "Teka, hindi ba't si Ifugao 'yung nasa balita online? 'Yung lumaban sa mga terorista sa Pangasinan! Kahit taga-malayo siyang lugar, mas marami siyang naitulong sa atin kaysa kay Hustisya na parang iniwan nalang tayo basta!"
"Huwag kang magsalita ng ganyan," tutol ng isa pang tindera. "Malaki ang utang na loob natin kay Hustisya. Hindi ako naniniwalang iniwan niya tayo. Baka naghahanda lang siya ng plano para iligtas ang mga naaresto!"
Pero umiling ang isa pa. "Huwag na kayong umasa na magpapakita pa si Hustisya. Malmang nagtatago na sya. Handang handa na ang buong Plaridel na hanapin siya. Sabi ng pulis, hindi nila pakakawalan ang mga naarestong Pilipino hangga't hindi nahuhuli si Hustisya. Kaya, kung may alam kayo, isuko na siya sa mga kasatila para matapos na ito!"
Nag-init ang ulo ng isang tindera. "Paano mo naisip na traydurin si Hustisya? Wala ka bang utang na loob? Kahit anong mangyari, dapat suportahan natin ang kapwa natin Pilipino!"
"Suporta?" singhal ng isa na may bahid ng hinanakit ang boses. "Kung may pakialam si Hustisya sa atin, sumuko na siya! Nagdurusa na ang mga tao na nasa kulungan! Ang daming bata at babae ang naaresto, at alam nating maaaring gahasain ng mga pulis ang mga babaeng nahuli nila. Nakakaawa ang kalagayan nila!"
Ang mga salitang iyon ay nagpaalab sa puso ko. Tumayo ako, nanginginig ang mga kamay sa sobrang galit. Alam kong hindi ako pwedeng magtago nang matagal. Kahit kulang ang enerhiya ko, kailangan kong kumilos. Kailangan kong iligtas ang mga Pilipinong naaresto dahil sa akin, lalo na ang mga babae. Sa puso ko, isinusumpa ko na Hindi ko sila pababayaan. Palalayain ko ang mga bihag.
POV ni Erik
Sa loob ng lumang bodega, limang oras matapos ang usapan namin ni Apyong, patuloy ang matinding labanan namin ni Jana. Bawat segundo ay parang nakataya ang buhay ko, at bawat pagtumba ko ay tila pagsubok sa tatag ko.
Ang gumagalaw na mga galamay ni Jana, parang buhay na galamay ng pugita, mabilis silang umaatake sa akin, at kahit gaano pa ako kabilis tumakbo hindi ko pa rin maiwasan ang lahat.
Mabilis akong kumilos, tumakbo sa mga sirang kawayan at kinakalawang na makina, pero parang may sariling buhay ang mga galamay ni Jana.
May isa na humataw sa akin na nagpagulong saakin, nabalanse ko ang katawan ko at mabilis akong lumundag para umiwas sa pangalawang galamay. Ngunit bago ako makatayo nang matino, hinawakan ng isa pang galamay ang binti ko, at sa isang iglap, inihagis ako patungo sa isang tumpok ng mga kahon. tumagos sa likod ko ang sakit na parang may pako bumaon sa likod ko na kumalat ang sakit sa buong katawan ko.
Tumayo ako agad, kahit nanginginig ang tuhod ko. Nang bumangon ako, tatlong galamay ang sumalubong sa akin, bawat isa ay mas mabilis kaysa sa nauna. Gamit ang aking espada, na nabuo mula sa kapangyarihan ko bilang sugo, hinati ko ang dalawa sa mga ito. Ngunit mabilis na hinawakan ng pangatlo ang braso ko, at muli akong inihagis sa matigas na pader na semento ng bodega.
Umalingawngaw ang tunog ng buto ko sa katawan ng tumama ako sa semento, hindi pangkaraniwan ang lakas ng mga galamay at alam ko na maaaring makapatay ito sa isang hampas lang.
nakaramdam ako ng pagod naghahabol na rin ng hininga habang nanginginig ang mga kamay ko. Alam kong hindi ko kayang talunin si Jana—hindi sa ganitong paraan.
Napansin ko na hindi man lang siya gumagalaw sa kanyang puwesto, at bawat galamay na pinuputol ko ay mabilis na bumabali sa normal na parang walang epekto ang mga atake ko.
"Erik, tumayo ka!" sigaw ni Jana. "Kung totoong laban ito baka napatay na kita! Huwag kang magmayabang na isa kang bayani kung ang kaya mo lang sa laban ay umiwas!"
Habang humihingal dahil sa pagod ay pinilit ko paring tumayo. Alam kong wala nang ibang paraan para makalabas sa bodega na ito kundi ang labanan siya. Binalot ng asul na enerhiya ang katawan ko, at sa isang kisap-mata, mas naging matingkad ang kulay dilaw ng buhok ko, at nag-aapoy ang mga mata ko sa determinasyon. Sumugod ako, handang harapin si Jana, kahit alam kong alanganin ako sa laban na ito.
Sa una kong pag-atake, nag bigay ako ng malakas na wasiwas ng espada papunta sa kanya. Nagliliyab sa asul na enerhiya ang espada ko gamit ito hinati ko ang isang papalapit na galamay. Madali itong nagkahiwa-hiwalay at naglalaho agad ang mga parte na nahuhulog sa lupa.
Pero bago ako makapagdiwang, dalawa pang galamay ang lumabas mula sa likod ni Jana, at tinamaan ako ng isa sa mga ito sa dibdib na nag patumba saakin sa sahig.
Nakaramdam ako ng sakit sa katawan ko pero pinilit ko paring tumayo kahit na nararamdaman ko na ang pagod sa mga binti ko.
"Wala ka pa ring natutunan, Ifugao," sabi ni Jana, may bahid ng pangungutya ang boses. "Kung iyan lang ang kaya mo, hinding-hindi ka makakaalis dito."
Muli akong sumugod, ginamit ang bilis ko para umiwas sa mga galamay. Sa mabilis na pag-ikot, iniwasan ko ang tatlong umaatakeng galamay, naghihintay ng pagkakataon para matamaan si Jana kahit isang beses lang. Ngunit bago ako makalapit, may isang galamay na pumulupot sa bewang ko, at inihagis ako ng malakas, itinapon ako patungo sa isang lumang makina at tumama ang metal na bahagi nito sa likod ko.
Habang nakahiga ay nag iisip ako kung paano kontrahin ang mga galamay niya—tatlo sa limang galamay ni Jana ang nagpoprotekta sa kanya habang ang dalawa naman ang umaatake.
Nararamdaman ko na rin ang limitasyon ng enerhiya na taglay ko na patuloy na nauubos sa bawat minutong lumilipas.
Bawat atake ko ay nabibigo, habang lumalakas naman ang mga atake ni Jana. Pero sa kabila ng sakit, alam kong kailangan kong magpatuloy. Para kay Hustisya, para sa mga tao ng Plaridel, at para sa sarili ko.
Ilang minuto ang lumipas, sa pagbagsak ko ay napansin ni jana ang kapaguran ko na halos hindi n makatayo, inalok ako ni Jana ng kalahating oras na pahinga. Maikli lang iyon, pero nagpapasalamat ako dahil sa pinapakita nyang konsiderasyon saakin at dahil doon agad akong bumagsak sa sahig, humihingal na hinahabol ang hininga. Kailangan kong sulitin ang sandaling pahinga na ito para makabawi ng lakas.
Habang nagpapahinga ako, napansin kong nakatanaw pa rin si Apyong mula sa itaas. Hindi ko alam ang plano niya, pero hindi ko na muna inalala iyon.
Pagkatapos ng ilang minutong pahinga, naghanda ako para sa isa pang laban. Pagod ang katawan ko, pero nag-aapoy pa rin ang puso ko sa determinasyon. "Hindi ako susuko, Jana," sabi ko, kahit mahina ang boses ko.
Ngumiti si Jana ng may kumpiyansa. "Kahanga-hanga ang tapang mo, Ifugao, pero kung tapang lang ang meron ka ay hindi ka mananalo laban saakin," sabi niya, habang nagliliyab muli sa enerhiya ang mga galamay niya.
Sa pagkakataong ito, nagpasya akong baguhin ang diskarte ko. Sa halip na umiwas lang, sinubukan kong gamitin ang kapaligiran ng bodega. Lumundag ako patungo sa isang tumpok ng mga kahon, ginamit ang mga ito bilang panangga laban sa mga galamay ni Jana.
Nagawa kong mahati ang isa, at sa mabilis na galaw, tumalon ako sa isang mataas na plataporma, umaasang makakalapit kay Jana.
Ngunit bago ko siya maabot, isang galamay ang humawak sa binti ko, nagawa nito akong mahila ng malakas at inihagis ako patungo sa bubong ng bodega. Dahil nga humihina na ang proteksyon ko sa katawan dahil sa mahinang enerhiya ay nararamdaman ko na ang bawat balibag nya saakin na parang dinudurog ang katawan ko, napabagsak na lang ako sa sahig at halos mawalan ng hininga. Nagkawatak watak ang mga kahon na nakapaligid sa akin, at napuno ng alikabok ang hangin.
"Iyan lang ba ang kaya mo, Ifugao?" sabi ni Jana, isang babala ang boses. "Hindi mo man lang ba susubukan na pag aralan ang mga kilos ng kalaban mo? "
Habang humihingal ay pinilit kong tumayo. Ang katawan ko ay gulping gulpi na dahil sa mga pag atake nya pero nanatiling malinaw ang isip ko. Alam kong kailangan kong magpatuloy, kahit mukhang imposible ang manalo sa laban na iyon.
Sa pangatlong pagkakataon, naghanda ako para lumaban. Halos ubos na ang enerhiya ko sa katawan pero desidido parin ako na lumaban. "Kaya ko pa ring lumaban, miss Jana," sabi ko, matatag ang boses. "Kahit ilang beses mo akong patumbahin, babangon ako."
Ngumisi si Jana, nagniningning ang mga mata sa kumpiyansa. "Kung gayon, patunayan mo," sabi niya, habang muling umaatake ang mga galamay niya.
Sa pagkakataong ito, ibinuhos ko ang kapangyarihan ko para sa isang atake. Binalot ng asul na enerhiya ang espada ko, nagliliyab ang talim nito sa matinding aura. Sa mabilis na galaw, hinati ko ang tatlong papalapit na galamay, winasak ang mga ito.
Ngunit hindi ko inaasahan na mabilis na hahawakan ng isa pang galamay ang leeg ko, at sa isang malakas na paghila ay inihagis ako nito patungo sa isang bakal na poste. Sa muling pagkakataon ay napahiga ako sa lapag at hindi na makatayo.
halos hindi ko na maiangat ang katawan ko sa sahig. Alam kong limitado ang nakukuha kong enerhiya sa paligid at malapit na rin akong maubusan ng lakas, pero patuloy na tumanggi ang puso ko na sumuko. Sa kabila ng sakit, sa kabila ng pagkabigo, alam kong kailangan kong magpatuloy. Para sa mga tao ng Plaridel, para kay Hustisya, at para sa sarili kong layunin bilang isang sugo.
" Pinapabilib mo ako sa pagtataglay ng napakaraming enerhiya sa katawan. Ano na Ifugao? Gusto mo pa bang magpatuloy?" tanong ni Jana.
"Kaya ko pa ring lumaban. Ituloy natin," matapang kong sabi.
Nagpatuloy ang labanan, bawat sandali ay pagsubok sa tapang at tatag ko. Sa kabila ng pagbagsak ko at mga pagsubok, alam kong kailangan kong magtiyaga. Ang bodegang ito ay parang kulungan, at kailangan kong tumakas dito sa kahit ano mang paraan para patunayan na may kakayahan akong maging bayani.
katapusan ng Kabanata
