Translate this into English with good wordings
Kabanata 32: Ang Puso ng Pag-asa sa Anino ng Kalungkutan
kinabukasan sa Plaridel, patuloy na binabalot ng kalungkutan ang puso ni Georgia at puno ang pagtatanong ang isipan. Nakahiga siya sa kanyang higaan, nakatingin lamang sa kisame habang tulala sa pag-iisip.
Tumatakbo sa kanyang alaala ang imahe ni Erik kasama ang isang babaeng hindi niya kilala, na paulit-ulit na gumugulo sa kanyang isip. Habang muli nyang naalala ang mga sandaling nakita niya magkasama ang dalawa ay may tila tumutusok sa kanyang dibdib na parang punyal.
Naging mas masakit pa ito dahil sa mga sinabi ni Erik na kapatid lang sila ng dalaga na lalong nagbibigay ng pagkadismaya sa kanya.
"Bakit mo ba ginugulo ang isip ko, Erik?" bulong niya nang may pagkadismaya habang nagpapagulong-gulong sa kanyang kama. Tinamaan ng kanyang mga paa ang manipis na kutson, at umugong ang balangkas na kahoy, tila umaalingawngaw sa kanyang galit.
"Kung ayaw mo sa akin, bakit mo ako pinaasa na at inaya na magdate? Napakawalang-hiya mong lalaki ka." Nanginginig ang kanyang boses sa hinanakit, ngunit napatigil sya at iniwasan na magalit pa kay erik ng napagtanto nya sa sarili na sadyang napakabait ng binata.
Gusto niyang magpakatatag, tumangging umiyak dahil sa isang lalaking tulad ni Erik. Iniisip nya rin na wala syang karapatan na kamuhian ang kaibigan lalo pa wala naman talaga silang malalim na relasyon maliban sa pagiging mag kaibigan.
Umupo siya, hawak ang kanyang ulo, sinisikap na isipin ang dahilan ng hindi pag uwi ni erik. "Paano kung umalis na siya kasama ng babaeng iyon?" tanong niya sa sarili, bumibilis ang tibok ng puso sa takot at selos. Ang ideya na umalis si Erik kasama ang misteryosong estranghera ay nagpagulo lalo sa kanyang isip.
Bigla siyang sumigaw, "Nasaan ka na, Erik?!" Umalingawngaw ang kanyang boses sa maliit nyang silid, puno ng pag-aalala.
Ang kanyang biglaang pagsigaw ay nagbigay ng matinding pag alala sa kanyang pamilya, Bumukas ang pinto ng kwarto at nagmamadaling pumasok ang kanyang lola, bakas ang pag-aalala sa mukha. "Georgia, apo, may problema ba, bakit ka sumisigaw?" tanong nito, ang boses ay malumanay ngunit may halong pag-aalala.
"Wala po, Lola, maayos po ako," sagot ni Georgia, ngunit ipinahihiwatig ng kanyang malungkot na reaksyon ang pagtatampo. Iniiwasan niya ang tingin ng kanyang lola upang iwasan na maipakita ang kalungkutan at galit na mararamdaman.
Pinagmasdan siya ng kanyang lola, tila binabasa ang nilalaman ng kanyang puso. "Kung wala kang ginagawa, bakit hindi ka magtinda ng isda ngayon? Hindi ba kailangan mo ng pera para makapasok ka na sa eskwela?" suhestiyon nito, habang inaayos ang kanyang alampay.
"O may iba ma pa bang dahilan kung bakit ayaw mong lumabas?"
Nag-alinlangan si Georgia at hindi alam kung paano sasagot. "Lola, hindi po ako makakapagtinda ngayon. Sobrang dami pong pulis sa bayan. Delikado po kung mahuhuli nila ako," sabi niya, lalong lumalim ang kanyang kalungkutan sa pag-iisip na hindi siya makakatrabaho dahil sa mga kastila.
Tumango ang kanyang lola, ang kanyang mga mata ay puno ng pag-unawa.
"Siya nga pala, bakit hindi umuwi si Erik kagabi? Hindi ba kayo magkasama kahapon?" tanong nito nang may halong pag-uusisa.
Natigilan si Georgia, kinuyom ang kanyang malamig na kamay. "Hindi ko po alam, Lola," bulong niya. "Hindi ko po alam kung saan siya nagpunta... o kung babalik pa siya." Ang mga salitang iyon ay lalong nagpalungkot sa kanya.
Lumambot ang ekspresyon ng kanyang lola. "Kung hindi ka abala, bakit hindi mo tulungan ang lolo mo na magtinda ng mani? Matanda na kami, at mahirap para sa kanya na buhatin ang mga sako na iyon nang mag-isa," sabi nito, umaapaw ang pag-asa na sasama si Georgia sa kanila.
Pumayag naman si Georgia, kahit na mabigat ang kanyang loob. "Sige po, Lola," sabi niya nang walang sigla. Tumayo siya mula sa kama, ang kanyang mga galaw ay mabagal, tila daladala ang bigat ng mundo. Habang inaayos niya ang kanyang buhok at damit ay gumugulo sa kanyang isip ang mga tanong. Nasaan ka, Erik? Ano ang ginagawa mo?
Samantala, sa isang liblib na lugar sa labas ng Plaridel, nakatayo ang isang luma at malawak na bodega, puno ng kinakalawang na makinarya at basag na mga kahon. Madilim ang loob nito, maliban sa ibang parte na naliliwanagan ng mga sinag ng araw na tumatagos sa mga butas sa bubong.
Sa gitna ng bodega, nagising si Ifugao, ang kanyang mga kamay ay nakatali sa isang matibay na poste. Kumikirot ang kanyang ulo, at masakit ang kanyang katawan na tila tinusok ng libu-libong karayom mula sa laban kagabi. Nagpumiglas siyang kumawala, hinihila ang kanyang mga kamay laban sa mga lubid, ngunit mahigpit ang mga ito.
"Nasaan ako?" bulong niya, ang kanyang boses ay may halong pag-aagam-agam. Tinignan niya ang buong paligid at sinusubukan na alamin kung nasaan sya. Ilang saglit pa ay may biglang nagsalita mula sa itaas.
"Magandang umaga, Ifugao," sabi ng isang lalaki, ang kanyang tono ay kalmado ngunit may awtoridad. Sa ikalawang palapag ng bodega, nakita ni Ifugao ang lalaking naka-wheelchair na nakaharap niya sa labanan noong nakaraang gabi.
Ang lalaki, na may itim na buhok at matatalim na mata, tila nasa apat na pung taong gulang ang edad. "Kumusta ang iyong pakiramdam?"
Sumigaw si Ifugao, ang kanyang boses ay puno ng takot at pagkalito. "Sino ka? Anong kailangan mo sa akin?" Sinubukan niyang tumayo, ngunit pinigilan siya ng mga lubid na makakilos.
Ngumiti lang ang lalaki at hindi natinag sa galit ni Ifugao. "Ako si Apyong Mabin, isang heneral ng Pilipinas na namumuno sa bansang ito," sabi niya, ang kanyang boses ay parang simoy ng hangin sa mga puno—matatag ngunit makapangyarihan. "Tungkulin kong protektahan ang mga tao at alisin ang mga banta sa kapayapaan, kasama na ang mga terorista at vigilante."
Bumilis ang tibok ng puso ni Ifugao sa takot nang malaman nanisang heneral ang kanyang kaharap. "Kung isang kang heneral, bakit mo ako dinala rito? Teka isang ka bang sugo tulad ko?" tanong niya, nanginginig ang boses sa pag-aalinlangan.
Tumango si Apyong habang hindi nawawala ang kanyang ngiti. "Oo, ako ang sugo ng Naic, pinili ng diwata na si Ada Sua Bati. Ngunit hindi iyan ang dahilan kung bakit ka narito," sabi niya habang nananatiling nakatutok ang kanyang tingin kay Ifugao.
napalitan ng pagkalito ang galit ni Ifugao. "Kung isa kang sugo, bakit ka pumapanig sa mga kastila? Bakit mo hinahayaan na magdusa ang mga Pilipino sa ilalim nila?" tanong niya, mabigat ang boses sa sakit at pagkadismaya.
Nagkaroon ng bakas ng kalungkutan ang ngiti ni Apyong. "Bata ka pa Ifugao para maunawaan mo ang lahat, at wala kang alam sa kung gaano kakumplikado ang mundo," sabi niya, ang kanyang tono ay parang isang guro na nakikipag-usap sa isang estudyante.
"Ang aking tungkulin bilang sugo ng naic ay walang kinalaman sa pagsunod ko bikang opisyal ng pamahalaang Espanyol. Ang Espanya ang kasalukuyang kumokontrol sa bansang ito, at iyon ay isang realidad na hindi natin mababago."
Iginulong niya ang wheelchair papalapit sa gilid ng balkonahe habang nakatingin kay Ifugao sa ibaba. "Upang protektahan ang Naic, kailangan kong tiyakin ang kaayusan. Kailangan kong panatilihin na sumusunod ang mga tao sa batas. Para sa akin, hindi mahalaga kung sino ang namumuno sa bansa maging kastila man o Pilipino—ang utos ng aking diwata ay panatilihing mapayapa ang aking teritoryo. "
" Ang paglilingkod sa gobyerno ang naging paraan ko upang matupad ang misyon na iyon."
Tahimik lang na nakikinig si Ifugao, ngunit may pag-alinlangan sa kanyang puso. "Narinig ko na maraming sugo sa Pilipinas ang pumipili na maging vigilante o terorista upang protektahan ang kanilang mga bayan," patuloy ni Apyong, ang kanyang boses ay nananatiling kalmado.
"Hindi ko sila sinisisi; may punto sila. Hindi kailanman tinanggap ng mga Pilipino ang mga Espanyol bilang kahati sa sarili nilang lupain. Ngunit isang kamangmangan ang isipin na maaari natin silang patayin dahil lang sa hindi natin sila gustong makasama."
Sumagot si Ifugao, ang kanyang boses ay puno ng damdamin. "Ginagawa iyon ng mga Pilipino dahil inaapi sila! Inaabuso sila ng mga kastila! Kung tinatrato sila nang patas, sa tingin ko hindi sila magrerebelde!" Nagpumiglas ang kanyang mga kamay laban sa mga lubid, tila gustong harapin si Apyong.
Tumango si Apyong, tila sumasang-ayon. "Tama ka—inaabuso ng ilang kastila ang mga Pilipino. Mahirap ang buhay para sa marami, lalo na sa mga mahihirap na lugar tulad ng Plaridel. Ngunit naniniwala ako na ang karahasan ay hindi ang sagot saating mga problema," sabi niya nang may lohika. "Maraming Espanyol ang gusto ng kapayapaan, at maraming lungsod ang nagpapatupad ng mga batas laban sa pang-aabuso."
Tiningnan niya si Ifugao, naghihintay ng tugon. "Naniniwala ang ilan na ang Pilipinas ay para lamang sa mga Pilipino. Ngunit ang katotohanan, Ifugao, ay hindi makakaya ng mga Pilipino na mabuhay nang wala ang mga Espanyol. Kulang tayo sa edukasyon at kaalaman sa pulitika at maging sa pagpapatakbo sa bansa. "
"Kung umalis ang mga Espanyol, mag-aaway away lang ang mga Pilipino para sa kapangyarihan at kung sino ang dapat mamuno. Dahil wala tayong kakayahan ay magsisimula ang tag gutom at karahasan dahil doon tiyak na marami ang mamamatay."
Nakatingin lang si Ifugao at napagtanto ang kanilang sitwasyon. Kahit naisin nya man ng bansang payapa ay tila ba imposible na maging maginhawa ang buhay sa bansa kahit na makamit nila ang kalayaan
"Kami, ang mga heneral na Pilipino, ay naglalayong patakbuhin ang bansa kasama ang mga kastila. Handa kaming itutok ang aming mga espada laban sa sinumang sumasalungat sa pamahalaang ito," sabi ni Apyong nang may determinasyon.
Kahit na tila isa itong pagtatraidor sa lahi ay naunawaan ni Ifugao ang pinaglalaban ng heneral ngunit naramdaman niyang tila may mali parin sa nangyayari. " Kinakalaban natin ang ating sariling mga kababayan, sir Apyong. Ang gusto lang nila ay makalaya sa pang aabuso, bakit parang isang kasalanan ang mag hangad ng kalayaan?" sabi niya, ang kanyang boses ay may halong sakit.
Ngumiti nang mapait si Apyong at napabuntong hininga. "Kalayaan? Mukhang marangal na bagay, ngunit ang pagkakamit niyan ay nangangailangan ng isang madugo at puno ng sakripisyong labanan," sabi niya.
"Handa ba ang mga Pilipino para doon? Handa ka bang magsakripisyo ng kapwa mo pilipino, Ifugao?"
Tumingin sa ibaba si Ifugao habang hindi makasagot. Ang gusto lang niya ay kapayapaan nang walang maraming madadamay at mamamatay.
"Gusto ko lang ng kapayapaan, sir Apyong. Isang lugat na wala nang karahasan," bulong niya, mabigat ang boses dulot ng kalungkutan.
Ngumiti si Apyong, tila nakikita ang sarili sa nakaraan kay Ifugao. "Ang ating paniniwala ay hindi gaanong magkaiba, Ifugao. Noong bata ako, ipinaglaban ko ang isang mundo kung saan ang mga Pilipino at Espanyol ay maaaring magkakasama nang walang karahasan.'
" Isang payapang bayan para sa lahat, ngunit ang mundong ginagalawan natin ay hindi ganoon kasimple," sabi niya, ang boses ay puno ng karanasan.
"Sinubukan kong kumbinsihin ang magkabilang panig Espanyol at Pilipino sa panukala na posible ang kapayapaan. Ngunit nabigo ako. Gusto ng mga Espanyol ang pagiging nakatataas, at gusto ng mga Pilipino ang kalayaan. Kung patuloy kong hahabulin ang isang imposibleng pangarap, hindi titigil ang pagdanak ng dugo," sabi niya, ang kanyang mga mata ay puno ng pagsisi sa sarili.
"Tanging ang batas lang ang makakapigil sa karahasan, Ifugao. At ang batas ay humihingi sa mga tao ng pagsunod dito, gaano man kahirap ay kailangan natin sumunod," dagdag niya nang may lohika.
Bumagsak ang loob ni Ifugao habang nakikinig. "Kaya ba aarestuhin mo rin ako? Ikukulong at ibibigau sa mga kastila ?" tanong niya.
Tumawa nang maikli si Apyong. "Hindi ako ganoon kasamang tao, Ifugao. Terorista at vigilante na walang awang pumapaslang ng tao lang ang hinuhuli ko. Kaya, sabihin mo sa akin—isa ka ba sa kanila?" tanong niya, ang kanyang mga mata ay tumatagos sa kaluluwa ni Ifugao.
" Hindi ko alam kung ano ang nanarapat na sabihin pero alam ko na hindi ako terorista o vigilante," sabi ni Ifugao nang matatag. " Isa akong bayani."
Tumawa ulit si Apyong, na-intriga. "Isang bayani? Ano ba para sayo ang ibig sabihin ng pagiging bayani, Ifugao? Sabihin mo saakin kung ano ang pagkakaiba mo sa mga terorista at vigilante?" hamon niya.
Tumingin sa baba si Ifugao, mabigat ang kanyang puso. "Tulad ng ibang Pilipino, gusto ko ng kaayusan. Naiintindihan ko kung bakit gumagamit ng karahasan ang ilan—dahil sa pang-aapi. Ngunit naniniwala ako na posible ang kapayapaan."
Para saakin dapat parusahan ang nagkasala, ngunit hindi ako sang-ayon sa pagpatay, walang sino man ang my karapatan pumatay ng kapwa. " sabi niya nang taos-puso.
Ngumiti si Apyong na tika natuwa sa narinig . "Iyan ay isang magandang sagot, Ifugao. Hindi ako ganoon kalupit para arestuhin ka at ipasa sa mga kastila," sabi niya nang may pag-unawa.
"Ngunit iba si Hustisya."
Bumilis ang tibok ng puso ni Ifugao. "Hustisya? Ano ang kinalaman niya rito?" tanong niya habang nababahala.
"Nandito ako sa plaridel dahil sa vigilante na tinatawag na Hustisya," sabi ni Apyong, ang kanyang boses ay lumamig. "Nakapatay na siya ng mahigit dalawampung kastila. Sa tingin ng central ay kailangan na siyang pigilan, anuman ang mangyari."
Tumindi ang pag-aalala ni Ifugao sa nalaman nya. "Huwag mo siyang patayin, sir Apyong! Bagama't nagkamali siya, naniniwala ako na isa siyang mabuting tao!" pakiusap niya.
Tumalim ang mga mata ni Apyong. "Hindi mahalaga kung mabuti o masama si Hustisya, Ifugao. Hangga't lumalabag siya sa batas at gumagawa ng krimen, siya ay isang kaaway na kailangang pigilan," sabi niya nang may lohika. "Ngunit may pagkakataon kang iligtas siya."
Nanlaki ang mga mata ni Ifugao. "Ano ang ibig mong sabihin?" tanong niya.
Ngumiti si Apyong at nagbigay ng hamon. "Kung gusto mong iligtas si Hustisya, tulungan mo akong hulihin siya," sabi niya.
"Malamang na hindi niya maiiwasan ang karahasan at malamang din na lalaban siya hanggang kamatayan, at wala akong pagpipilian kundi patayin siya sa oras na magkaharap kami. Ngunit kung huhulihin mo siya, maaari siyang mapigilan nang buhay."
Napuno ng pagkalito ang isip ni Ifugao. "Gusto mo ako ang humuli kay hustisya at magbigay sa mga kastila ?" tanong niya habang naguguluhan.
Hindi naman ito itinanggi ni Apyong. "Oo, ipapasa mo siya sa mga kastila. Bilang kapalit, sisiguraduhin ko ang kanyang kaligtasan sa kustodiya ng pwersa militar ng cavite," pangako niya.
"Hindi kailanman matatalo ni Hustisya ang mga kastila sa ginagawa nyang pagkalaban dito. Sa loob ng tatlong araw, maaari siyang mamatay sa labanan kapag kumilos na ang gobernador heneral ng Bulacan. Kailangan mong magpasya, Ifugao, bago pa mahuli ang lahat."
Nanahimik si Ifugao, naguguluhan ang kanyang isip. Kinakain siya ng kanyang konsensya at hindi sigurado kung mapagkakatiwalaan niya ang lalaking nasa harapan niya.
Kung susunod sya na hulihin siHustisya ay tila pagtataksil sa isang kapwa pilipino, ngunit ang pangako ni Apyong na kaligtasan para sa dalaga ay nagbigay ng isang kislap ng pag-asa na mabuhay ito.
Ngumiti si Apyong, nararamdaman ang pag-aalinlangan ni Ifugao. "Binibigyan kita ng pagkakataong maging bayani, Ifugao. Ngunit bago iyon, kailangan mong pumasa sa isang pagsubok," sabi niya.
Bago pa makasagot si Ifugao, bumukas ang pinto ng bodega, at isang babae ang pumasok at lumalapit. Nakasuot siya ng uniporme ng militar, maayos na nakatali ang kanyang buhok, ang kanyang mga mata ay matalim at handa para sa anumang labanan.
"Ito si Jana, ang aking tenyente at sugo ng diwata ng alfonso," sabi ni Apyong nang may pagmamalaki. "Kung gusto mong maging bayani, Ifugao, kailangan mong maging handa na harapin ang mga sugo na tulad niya— mga taong may tunay na kasanayan sa pakikipaglaban."
Tiningnan ni Jana si Ifugao mula ulo hanggang paa na tila sinusuri siya. "Ang mga Kastila ay bihasa sa pakikipaglaban, higit pa sa mga basagulero lang sa kalye na tulad mo. Gusto kong makita kung kaya mong harapin ang isang tunay na mandirigma," sabi ni Apyong nang may kumpiyansa.
"Si Jana ay nagsanay nang mabuti at nakuha ang ranggong Rook sa Spain."
Ipinaliwanag niya na ang Spain ay nagraranggo ng mga mandirigma sa limang antas: King, Bishop, Rook, Knight, at Pawn.
"Sa tingin ko hindi mo kayang talunin ang sinumang heneral na kagaya ko o sino mang sugo na may kaalaman sa pakikipaglaban," sabi ni Apyong, hinahamon si Ifugao na talunin si Jana. "Kung magagawa mong matalo ang aking tenyente, hahayaan kitang umalis sa bodega na ito."
Bumuntong-hininga si Jana, malinaw na hindi nasisiyahan sa narinig sa kanyang heneral. "Bakit ko kailangang gawin ito, Heneral?" tanong niya, ang kanyang boses ay may bahid ng inip.
"Paumanhin pero wala akong nakikitang halaga sa pagbibigay ng pagkakataon sa batang ito. Gusto mo akong makipaglaban sa mahinang kagaya nya? Pero tiyak ayaw mo na mapuruhan ko sya sa laban. "
Napabuntong hininga si jana habang tinitignan ang kanyang nakangiting heneral. " Oo na, alam kong wala naman akong pagpipilian kundi sundin ang utos mo."
Tiningnan niya si Ifugao nang may paghamak. "Hindi ito madalas mangyari, kaya magpasalamat ka sa kabaitan ng heneral ko," sabi niya nang may pang-aasar. "Maghanda ka. Simulan na natin ang laban na ito."
Ngunit nanatiling nakatali si Ifugao, ang kanyang mga kamay ay nakagapos pa rin sa poste. Tiningnan niya si Jana at nagtanong, "Paano ako lalaban kung nakatali ako?"
Ngumiti nang mapang-asar si Jana. " Hindi ganun katibay ang tali na yan, wag mong sabihin hindi mo kayang putulin ang mga lubid na iyan, tapos gusto mo pang maging bayani?" pang-iinis niya.
Biglang umagos ang enerhiya mula sa katawan ni Jana na ikinagulat ni Ifugao. Ang enerhiya ay dumaloy na parang makulay at makapangyarihang tubig. Pagkaraan ng ilang sandali, lumitaw ang malalaking galamay na parang pugita sa likod niya, tulad ng buhay na mga enerhiya na handang sumalakay.
Isang galamay ang bumulusok patungo kay Ifugao at hiniwa ang mga lubid na nakagapos sa kanya. Naputol ang mga ito, dahilan para bumagsak si Ifugao sa sahig.
Napatingin si ifugao sa mga galamay na may pagkamangha, hindi mapigilan ang paghanga sa pambihirang kakayahan ng babaeng kaharap nya. "Ang husay ng kapangyarihan mo" sabi niya, ang kanyang boses ay puno ng pagkamangha.
Tumawa nang mahina si Jana. "Para kang batang paslit, Ifugao. Gaano man kahanga-hanga ang kapangyarihang ito, isa pa rin itong sandata na maaaring pumatay ng tao," babala niya.
"kumilos ka na. Aatake ako kapag handa ka ng lumaban."
Alam ni Ifugao na wala siyang pagpipilian kundi labanan si Jana upang makatakas. Binalot ng asul na enerhiya ang kanyang katawan habang naghahanda siya para sa labanan. Habang umaagos ang enerhiya ay gumagaling ang kanyang mga galos.
Iba sa karamihang sugo kaya ni ifugao na pagalingin ang sarili sa napakaikling panahon, dahil na rin ang katawan nila ay gawa sa enerhiya ng diwata kaya maaari nilang napapagaling ang sugat nila gamit ang enerhiya. Lalo namang sumigla ang kanyang puting buhok na ngayon sumasayaw sa hangin habang ang kanyang mga mata ay nag-alab sa determinasyon.
Hindi niya alam kung paano siya mananalo, ngunit determinado siyang umalis sa bodega na iyon para iligtas si hustisya.
Wakas ng Kabanata
