Cherreads

Chapter 56 - chapter 28 ( TAGALOG)

​Kabanata 28: Likha ng Puso

​( POV ni Erik )

​Ang umaga sa Plaridel ay tahimik na nagbukas, maagang dumagsa ang tao sa pamilihan at maaamoy sa palengke ang amoy ng sariwang isda.

Sa loob ng anim na araw, magkasama na kaming namumuhay ni Georgia sa iisang bahay, ang aming pang-araw-araw na gawain ay ang pagtitinda na madalas ay puno ng kuwentuhan at tawanan.

Gayunpaman, habang inaayos ko ang mga kaing ng tuna at gulay, hindi ko maiwasan na mag-isip ng malalim, inaalala parin ang mga sandaling nakausap ko si Hiyas tungkol sa pagtutunggali namin ni Hustisya noong nakaraang gabi.

Ang bigat ng aking misyon ay dumagan sa aking dibdib na parang bato, at nananabik ako sa mga kasagutan, sa patnubay, sa anumang magliliwanag sagot para malinaw kong makita kung saan nga ba patungong landas ang aking tinatahak.

​Bago kami magsimulang muli sa pagtitinda, nagpaalam ako sandali kay Georgia at pumunta sa likuran ng simbahan, ang tanging lugar kung saan maaari kaming mag-usap ni Hiyas.

Doon, natagpuan ko siyang nakaupo sa ilalim ng isang malawak na puno ng akasya, ang mahaba niyang buhok ay hinahaplos ng hangin. May hawak siyang aklat, ang mga mata niya'y nakapako sa mga pahina nito na para bang walang ibang inaalalang bagay.

​"Hiyas, kailangan nating mag-usap," sabi ko, ang boses ko'y may halong pagkadismaya.

. "Kagabi, nagkaharap kami ni Hustisya. Sinubukan ko siyang pigilan sa ginagawa nya pero nagalit lang siya sa akin dahil nakialam ako. Halos patayin niya ang mga Kastila! Gusto ko syang pigilan pero ayokong magalit siya sa akin, sa tingin mo, ano ba ang dapat kong gawin?"

​Nanatiling tahimik si Hiyas, ang kanyang mga daliri ay marahang nagbuklat ng pahina, ang kanyang pagiging tahimik na tila walang paki elam sa mga sinasabi ko ang pumutol sa aking pasensya na parang talim.

"Hiyas, pakiusap, makinig ka naman saakin!" sigaw ko, tumaas ang boses ko, desperado na makuha ang kanyang atensyon.

"Bakit ba parang wala kang pakialam sa mga nangyayari? Inutusan mo akong iligtas si Hustisya at pigilan siyang patayin ang mga Kastila, pero wala kang ginagawang tulong sa akin! Nahihirapan na ako dito!"

​Wala pa rin siyang naging sagot sa tanong ko, hindi naaalis ang tingin nya sa aklat na hawak. Lalo akong nadismaya sa kanyang inaasal kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko.

"Ano ba ang binabasa mo, ha? Parang mas importante pa 'yan kaysa sa sinasabi ko!" pahayag ko, ang tono ko'y puno ng panunuya at pagkainis.

​Sa wakas, itinaas niya ang kanyang mga ulo at tinitigan ako sa mata, ang kalmadong lalim ng mga titig nya ay napakalamig na parang yelo.

"Ang aklat na ito ay ibinigay sa akin ni Laguna. Ang pamagat ng libro na ito ay Ang Kalungkutan ng Bulaklak," sagot niya, hawak ang aklat na para bang ito'y isang napakahalagang kayamanan. Mahina ang boses niya, ngunit may dala itong bigat na hindi ko maintindihan.

​Nagtaka ako sa pamagat ng libro. "Ang Kalungkutan ng Bulaklak? Ano ang maganda sa libro na yan? Tungkol naman saan 'yan? sa mga bulaklak?" tanong ko, ang tono ko'y may halong pagtataka at pagka-inip.

​Ipinaliwanag ni Hiyas saakin ng may lambing at mahinahong boses. "Ang kuwentong ito ay tungkol sa mga taong nagmamahalan sa kabila ng kanilang mga sugat na nakaraan, mga sugat na inukit ng panahon at trahedya. Ibinigay ito sa akin ni Laguna upang maunawaan ko ang damdamin ng mga tao."

" Natulog ako sa loob ng maraming siglo, Erik, at nawalan ako ng kamalayan sa kaganapan sa mundo. Hindi ko kayang maunawaan ang kahalagahan ng mga bagay bagay maliban sa buhay ko, ang totoo bago ako matulog noon ay wala pa ang mga tao kaya hindi ko alam kung paano kayo pakiki samahan o dapat ko ba kayong bigyan ng pagpapahalaga. " Paliwanag nya.

"Gayumpaman, sa tingin ko kailangan ko munang matuto tungkol sa puso ng tao upang lubos ko silang maunawaan at matulungan ka sa mga misyon mo."

​Hindi ko makita kung paanong ang isang aklat ay makakalutas sa aming krisis at paano nya ako matutulungan gamit ito. "Kung gusto mong matuto tungkol sa mga tao, narito ako para tumulong! Pero sabihin mo muna sa akin kung paano pigilan si Hustisya! Hiyas, pinili mo akong maging isang bayani, kaya dapat mo akong tulungan!" pakiusap ko

"Hindi mo lang alam kung gaano na ako nahihirapan, at pakiramdam ko ay nag-iisa akong lumalaban sa misyon na ito!" Dagdag ko.

​Bumuntong-hininga si Hiyas, ngunit ang kanyang ekspresyon ay nanatiling hindi nagbabago. "Ang ginagawa ko ngayon ay bahagi ng pagtulong ko," sabi niya, nasasabi nya ito na may tiwala sa kanyang mga plano pero para saakin hindi sya nakakatulong at hindi ako kumbinsido na may ginagawa syang paraan.

​"Kung hindi ka nagtitiwala saaking plano, sabihin mo sa akin—ano ang kailangan kong gawin para kay Hustisya upang tumigil na sya sa pagpatay?" tanong niya.

Ang tanong niyang iyon ay nagpabigla saakin, nanahimik ako sandali para pag isipan kung mayroon nga bang paraan para mapahinto si hustisya. Wala akong ideya, kung tutuusin walang pwedeng pumigil kay hustisya maliban sa pagpigil dito na makalaban pa. Isang labanan hanggang kamatayan.

​Muling nagsalita si Hiyas, ang kanyang boses ay seryoso at malalim. " Handa syang mamatay para sa kanyang ipinaglalaban kaya kung hindi mo siya mapipigilan bago pa lumala ang lahat, Erik, baka mamatay si Hustisya sa huli." Isinara niya ang aklat at tumayo,

Lumapit sya saakin hangang sa magdikit ang aming mga noo, ang kanyang mga mata ay tumitig sa akin na para bang tumitingin sa aking kaluluwa.

"Kailangan ng mga tao ng isang taong magpapagaling sa kanilang mga sugatan na puso. Hindi sa lahat ng labanan ay kinakailangan mong gumamit ng lakas o sandata upang manalo."

​Bago ako makasagot, inabot niya sa akin ang isang kuwintas na gawa sa kakaibang bato, kumikinang ito sa pagtama ng sikat ng araw na para bang buhay.

"Lumabas ka kasama ang kaibigan mong babae, at kumain kayo sa labas pagkatapos ninyong magtinda," utos niya, ang kanyang ay malamig pero nararamdaman ko ang kanyang pagkaseryoso.

​Bumabalik ang pagkalito sa aking isip. "Ha? Bakit ko kailangang kumain sa labas kasama si Georgia? At para saan naman itong kuwintas?" tanong ko, hawak ang kuwintas.

​Hinampas niya ang aking ulo ng isang manipis na patpat, ang kanyang boses ay may halong pagkairita ngunit may pag-aalaga.

"Makinig ka na lang! Alam ko na sobrang nalilito ka lang dahil sa mga problema mo. Kaya inuutusan kitang magsaya at gamitin ang kinita mo para maglibang. "

Ang kuwintas na yan, ingatan mo at ibigay mo sa kaibigan mo pagkatapos ng inyong paglabas. Isipin mo na lang na regalo ng pasasalamat dahil tinutulungan ka niya, kaya tama lang na bigyan mo siya bilang kapalit," dagdag ni Hiyas.

​Bago pa ako makapagtanong pa, biglang dumating si Georgia, ang boses niya'y punong-puno ng sigla at kasabikan.

"Erik! Nasa labas na ang trike; maaari na nating simulan ang pagkakarga ng mga paninda!" bulalas niya, ang kanyang mga mata ay kumikinang habang tinitingnan ang mga kaing ng isda.

​"Tingnan mo ang lahat ng blue marlin na ito! Magbebenta ang mga ito nang mataas na presyo, sigurado! Pero sigurado ka bang pwede nating ibenta ang mga ito? Ang mahal ng mga isdang ito!"

​Ngumiti ako para ipapanatag ang loob niya. "Oo, tulad ng dati. Ipagbibili natin sila at ang mahalaga ay magkakaroon tayo ng magandang kita ngayong araw," sagot ko, bagama't ang isip ko ay nanatili nakapokus sa pinag usapan namin ni Hiyas.

Mabilis naming ikinarga ang mga isda sa trike, maingat na inayos ang mga kaing upang maiwasan ang pinsala. Habang naghahanda kami, napansin ko ang ngiti ni Georgia, ang kanyang enerhiya ay isang sinag ng araw na nagpapagaan ng aking umaga. Sa kabila ng bigat ng aking misyon, ang kanyang presensya ay nag-alok ng isang natatanging kaginhawahan.

​Pagkaraan ng ilang oras, narating namin ang mga pamilihan sa ibang bahagi ng Plaridel. Masigasig na binili ng mga tao ang aming mga paninda, mabilis na naubos ang aming isda dahil sa kalidad at presyo nito.

Hindi ko alam kung tama ba ang ginagawa namin pero binenta namin ang mga isda ng mas mura kesa sa mga nasa loob ng palengke kaya naman hindi nakakapagtaka na maubos agad ito.

"Ang bilis nating nabenta ang lahat!" sabi ni Georgia, ang boses niya'y umaapaw sa kagalakan. "Pero Erik, wala tayong natira para sa bahay. Ano ang lulutuin natin mamaya?"

​"Bumili na lang tayo ng pagkain para sa tanghalian," sagot ko, sinunod ang utos ni Hiyas na magsaya.

"Tara, pagkatapos nito, pumunta tayo sa isang lugar!" dagdag ko, na nagulat sa kanya.

​"Pumunta sa isang lugar? Saan?" tanong niya, ang kanyang mga mata ay nagliliwanag sa pagtataka.

​"Makikita mo," sabi ko, nakangiti upang itago ang aking kaba. Hindi ko masabi na utos iyon ni Hiyas, ngunit sa kaibuturan, tuwang-tuwa ako sa plano.

​Pag-uwi, nakita namin si Lola Maria na nagwawalis sa labas. "Lola, kumain tayo ng lechon manok!" tawag ko, alam kong paborito iyon ni Georgia.

Pumasok siya na may ngiti sa labi na tila nagpapaliwanag sa bahay. Habang naghahanda ako ng pagkain, tinawag ko si Lolo , na abala sa pagkukumpuni ng bubong.

"Lolo, halika na, kumain muna tayo! Maaaring maghintay ang bubong!" sabi ko, at ngumiti siya, ang pagod niya ay panandaliang nawala.

​Sa mesa, pinagsaluhan namin ang lechon manok, baboy, at kanin, ang kanilang mga mukha ay nagniningning sa kaligayahan. Bawat kagat ay sinamahan ng tawanan at kuwentuhan.

Habang kumakain, nagkomento si Lolo, "Matagal na mula nang kumain tayo ng ganito. Minsan, dalawang beses lang tayo kumakain sa isang araw dahil napakahirap ng buhay."

​"Salamat, Erik, sa pagtulong mo sa amin," sabi ni Lolo, ang kanyang mga mata ay puno ng pasasalamat.

​Ngumiti ako, ang puso ko'y uminit sa sobrang kaligayahan ng marinig ko ang pasasalamat nya. "Wala 'yun, Lolo. Kung gusto ninyo ng baboy at manok, bibilhin ko sila araw-araw para sa atin," sabi ko, na nagpasaya sa kanya.

​Biglang binanggit ni Lolo ang isang negosyo ng mani. "May nag-alok sa akin ng mga sako ng mani na ibebenta. Maganda ang kita, ngunit sa kasamaang-palad, hindi ko kayang bilhin yun," sabi niya, ang kanyang boses ay may halong pagsisisi.

​Mabilis kong kinuha ang aking pitaka. "Magkano ba yung mga mani, Lolo?" tanong ko, handang tumulong.

​"Mga sampung libo, kasama na ang iba pang suplay," sagot niya.

​Iniabot ko sa kanya ang pera. "Ako na ang bahala diyan, Lolo, para masimulan mo ang negosyo," sabi ko habang nakangiti.

​Biglanh humampas ni Georgia sa mesa, ang mukha niya'y nag-aalab sa galit. "Erik, Ano nanaman yang ginagawa mo?! Ipinagbabawal ko diba sayo na bigyan kami ng pera?!" sigaw niya, ang kanyang mga mata ay nagliliyab sa inis.

​Nataranta ako sa pagsigaw nito at nagtataka. "Pero para kay Lolo naman yan, para sa negosyo niya," paliwanag ko, habang sinusubukang pakalmahin siya.

​"Naiintindihan ko na kailangan ni Lolo ng pera, pero hindi ko matatanggap na ikaw ang magbabayad para doon!" ganti niya, ang kanyang boses ay makapal sa pagkadismaya. "Hindi namin kailangan na lagi mo kaming bibigyan ng pera dahil lang pinapayagan ka naming manatili dito!" Iritableng sambit nya.

​"Hindi naman malaking bagay ito, kusang-loob ko itong ibinibigay," paglilinaw ko, umaasa na mapagaan ang loob niya.

​Lalo siyang nagalit. "Kung hindi ka makikinig, sisipain kita palabas ng bahay!" banta niya, ang kanyang boses ay matalas.

​Namagitan si Lola Maria, ang boses niya'y kalmado ngunit may awtoridad. "Hayaan mo na, Georgia. Nakikita ko ang kabaitan ni Erik, at mula sa kanyang puso ang pagtulong. Pero Erik, huwag kang masyadong maging mapagbigay at ibigay ang lahat. Minsan, ang laging pagbibigay ay hindi nakakatulong sa iba."

​Ipinaliwanag ni Lola na pinalaki nila si Georgia na maging masipag at maparaan. "Kung patuloy mo siyang bibigyan ng mga bagay bagay, baka tumigil siya sa pagtatrabaho at maging tamad," sabi niya, na nagdulot ng pagtutol ni Georgia.

"Lola, anong ibig nyong sabihin diyan?" bulalas niya habang namumula sa hiya.

​Pinuri naman ni Lolo ang kasipagan ko. "Maswerte si Georgia na may kaibigan na tulad mo, Erik," sabi niya.

​Nakaramdam ako ng hiya sa mga papuri. "Hindi ako ganoon kahusay, Lolo. Sa totoo lang, nawawalan na ako ng pag-asa kamakailan, nahihirapan ako na mag-isa sa malaking bayan na ito. Salamat sa Diyos at nakilala ko si Georgia, at tinanggap ninyo ako. "

" Ayoko kasing matulog din sa likod ng simbahan. Nagiging masipag ako sa pagtitinda araw-araw dahil kasama ko si Georgia," sabi ko habang nakangiti sa kanya. "Salamat, Georgia. Nangangako akong gagawin ko ang lahat para tulungan ka."

​bakas sa mukha ni Georgia ang pamumula ng pisngi, at iniiwas niya ang kanyang tingin. "Tama na 'yan, kumain ka na lang!" sabi niya, tumalikod upang itago ang kanyang pamumula.

​Sabi ni Lolo, "Sana magtagal ang pag-aalaga mo sa apo namin, Erik. Masungit siya, pero mabait at tapat na babae."

​"Ingatan mo si Georgia, Erik. Impulsive siya minsan," dagdag ni Lolo, bigla naman nagalit si georgia dahil sa narinig mula kay lolo.

"Lolo, tigilan nyo nga yan!" sigaw niya, ang kanyang mukha ay namumula sa kahihiyan.

​Nakisali rin si Lola sa usapan. "Mahal na mahal namin ang aming apo, kaya ipinagkakatiwala namin siya sa iyo," sabi niya, na nagdagdag sa galit ni Georgia.

​"Huwag ninyo ngang sabihin ang mga kakaibang bagay na 'yan sa kanya!" sigaw niya. "Parang ibinibigay nyo na ako kay Erik! Pinapayagan ko lang siyang manatili dito, at aalis siya anumang oras!"

​Tanong ni Lolo, "Bakit, ayaw mo bang manatili si Erik? Mabait siya, bihira ang isang taong handang tumulong. Mas gusto ko kung mananatili siya dito kasama ka."

​Nag-apoy siya sa galit. "May sariling buhay si Erik! Tinutulungan niya ang kanyang pamilya sa probinsya! Kaya siya nagtatrabaho dito!" sigaw niya. "Maaari akong magtrabaho para suportahan kayo ni Lola; hindi natin kailangang umasa sa kanya!"

​Pinigilan siya ni Lola at humingi ng tawad kay Georgia para sa mga sinabi ni Lolo. "Patawarin mo ang Lolo mo, pero hindi lang ito tungkol sa pera," sabi niya, hinawakan ang kamay ni Georgia. "Matanda na kami, at hindi kami mananatili sa iyo magpakailanman. Kakailanganin mo ng isang tao na mananatili sa tabi mo."

​bakas ang lungkot sa mga mata ni Georgia dahil sa mga narinig . "Huwag mong sabihin 'yan! Malakas pa rin kayo ni Lolo!" iyak niya, tumayo sya sa upuan at umalis sa harap ng mesa. "Tapos na ako; lalabas muna ako para mag pa hangin."

​Makalipas ang ilang minuto, nakita ko siya sa duyan sa ilalim ng puno ng mangga, bakas sa kanyang mukha ang kalungkutan, ang kanyang mga mata ay malayo ang tingin habang nag-iisip.

Ilang sandali pa ay lumapit ako sa kanya, ang puso ko'y mabigat dahil alam ko na may pinoproblema ang kaibigan ko. "Georgia, patawarin mo ako," sabi ko kahit na hindi ko sigurado kung bakit ako humihingi ng tawad.

​Pagharap nya saakin ay nagulat sya, ang tono niya'y matalas pa rin. "Bakit ka naman humihingi ng tawad?" tanong niya, may bahid ng pagkasuplada sa kanyang boses.

​"Hindi ko alam kung ano ang nagawa ko, pero pakiramdam ko kasalanan ko kaya ka nagagalit at nalulungkot. " sagot ko habang nakayuko.

​Ngumiti siya nang bahagya, bagama't nanatili parin ang kanyang pagkainis . "Kasalanan mo! Masyado kang mabait! Naiinis ako dahil binibigyan mo ako ng labis na atensyon. Naiinis ako dahil nag-aalala ka kapag lumalabas ako sa gabi. Naiinis ako dahil nagmamalasakit ka sa pamilya ko!" sigaw niya, ang kanyang mga kamay ay nanginginig sa emosyon.

​Napakamot ako sa aking ulo habang nalilito. "Masama ba 'yon?" tanong ko, sinusubukang maunawaan ng sinasabi nito.

​"Oo, masama ito!" sabi niya, ang boses niya'y puno ng pagkadismaya. "Hindi mo ba naiintindihan? Ayokong masanay sa kabaitan mo, Erik! Alam ko naman na hindi ka mananatili dito magpakailanman! Ano ang mangyayari kapag umalis ka?"

​Nalungkot ako sa mga narinig ko, na para bang pinapahiwatig nya na nakakagulo ako sa kanya. "Pinaaalis mo ba ako?" tanong ko, ang boses ko'y mahina dulot ng kalungkutan.

​Nainis siya bigla at ang kanyang mukha ay lalong namula. "Hindi kita pinaaalis! Ang sinasabi ko, isang araw ay mapapagod ka sa pagtulong amin, kaya mong umalis at bumalik sa probinsya! Ang ayoko lang ay masanay kami sa mga binibigay mo!"

​Inamin ko naman sa kanya na. "Kailangan ko talagang bumalik para sa pamilya ko, ngunit hangga't kailangan mo ako dito, hindi kita iiwan. Aalagaan kita, tulad ng sinabi ni Lolo."

​Biglang namula ang kanyang pisngi, na tila nag-aalala siya, ang kanyang mga kamay ay hindi mapakali.

"Seryoso ka ba? Aalagaan mo ako? " tanong niya, ang kanyang boses ay nanginginig, na para bang hindi siya makapaniwala.

​Ngumiti ako, ang puso ko'y punong-puno ng determinasyon. "Oo naman. Handa akong tuparin ang pangako ko sa iyo," sabi ko.

​Tumahimik si Georgia, yumuko, tinakpan ang kanyang bibig upang pigilan ang isang ngiti. Tumalikod siya upang itago ang kanyang namumulang pisngi, ngunit nakikita ko ang masayang reaksyon nya na nagpagaan sa loob ko.

"Bakit parang nahihiya ka?" tanong ko, nakangiti sa pagtataka. "May mali ba akong nasabi?"

​"Manahimik ka!" bulalas niya, ang kanyang boses ay may halong kahihiyan. "Hindi mo dapat hiyain ang isang babae ng ganyan!"

​"Hiyain? Teka, hinding-hindi ko gagawin 'yan sa iyo," sabi ko.

​"Seryoso ka ba na sasamahan mo ako? Dahil kung gayon, kailangan mong manirahan sa bahay namin kasama ako," hamon niya.

​"Walang problema; ilang linggo na tayong magkasama nakatira sa bahay na ito ," sagot ko, na nagpagulat sa kanya. "Para tayong pamilya, kung iisipin mo."

" Pamilya? " Mahinang sambit nya

​pagkatapos nito ay bigla syang napatalon mula sa duyan habang nagugulat. "Tigilan mo nga ang pagsasalita! Huwag ka nang magsabi ng mga nakakahiya na bagay!" sigaw niya, ang kanyang mukha ay nag-aalab sa hiya.

​Nagtaka ako naman ako sa reaksyon nya na tila nagagalit ulit saakin. "Ano naman ang nakakahiya sa sinabi ko, totoo naman na magkasama tayo sa bahay?" tanong ko habang sinusubukang unawain ang kanyang reaksyon.

​Humigi na lang ako ng tawad muli, ang boses ko'y mapagpakumbaba. Kinuha ko sa bulsa ko ang isang flyer mula sa isang restaurant na kinuha ko sa palengke.

"Georgia, kumain tayo dito," sabi ko, inaanyayahan siya habang inaalala ang utos ni Hiyas.

​Nanlaki ang kanyang mga mata sa pagtataka. "Bakit bigla kang nag-aaya na kumain sa labas?" tanong niya, ang kanyang boses ay nagtataka.

​Hindi ko masabi na utos iyon ni Hiyas, kaya gumawa ako ng palusot. "Gusto kong subukan ang pagkain doon. Ito ang magiging una kong pagkakataon na makakain sa lugar na yan; samahan mo ako," sabi ko, nakangiti upang itago ang aking kaba.

​Mukha siyang nadismaya, ang kanyang boses ay bahagya lang naririnig, ngunit narinig ko iyon. "Kaya pala inaanyayahan mo lang ako dahil gusto mong matikman ang pagkain," bulong niya, bakas ang pagkadismaya.

"Akala ko, inaaya mo ako sa isang date."

​"Kung inaya ba kita sa isang date, sasang-ayon ka ba?" biro ko, nakangiti upang pagaanin ang damdamin.

​Ang kanyang mga pisngi ay namula na parang rosas sa umaga. "Hindi ako madaling makuha sa mga ganitong bagay, pero kung magsisikap ka at kukumbinsihin mo ako, baka pumayag akong sumama sayo!" ganti niya, ang kanyang boses ay matapang ngunit nagbubunyag ng kanyang kagalakan.

​"Bakit ka namumula?" tanong ko, at dahil doon ay hinampas niya lang ang aking ulo ng flyer.

​"Huwag mo akong tanungin ng ganyan!" sigaw niya, ang kanyang mukha ay lalong namumula. "Bakit hindi ka nahihiya na ayain ako sa isang date?"

​"Bakit ako mahihiya? Kakain lang naman tayo sa labas," sabi ko, naguguluhan sa kanyang reaksyon.

​Hindi ko maintindihan kung ano ang nakakahiya tungkol sa pagkain sa labas; normal lang na kumain sa labas, lalo na dahil walang nagluto sa bahay noong oras na iyon.

​"Ayaw mo bang kumain sa labas?" tanong ko, ang boses ko'y may bahid ng pag-aalala.

​"Siyempre gusto ko!" sagot niya, ang tono niya'y mapangahas. "Dahil sa sobrang pagpilit mo, pagbibigyan kita. Malaki ang naitulong mo sa pamilya ko, kaya sige na, tawagin na lang natin itong date," bulong niya, halatang kinakabahan habang nagsasalita.

​Nang makumbinsi ko na siya, hinimok ko siyang umalis agad, ngunit tumutol siya. "Hindi tayo maaaring mag-date na ganito ang suot! Kailangan nating maging maayos, kundi ay hindi tayo papapasukin sa mall o restaurant!" bulalas niya, itinuro ang aming kaswal na damit.

​Nalito ako. "Bakit hindi? May pera naman tayo," sabi ko, ngunit pumayag akong magbihis upang makatuloy kami.

Nagpalit kami—nagsusuot ako ng polo at jeans, nagsuot namam siya ng simpleng dilaw na damit na nagbigay-diin sa kanyang magandang ngiti. Habang naghahanda siya, napansin ko ang kaba niya, ang kanyang mga daliri ay naglalaro sa dulo ng kanyang buhok. "Ayos ka lang?" tanong ko.

​"Oo naman!" sagot niya, ngunit ang kanyang ngiti ay may bahid ng hiya. Napangiti naman ako habang pinagmmaadan sya at pinuri ang ganda ng kanyang kasuotan dahil ibang iba ang itsura nya kesa sa karaniwan nyang suot bilang isang tindera ng isda.

Bigla naman syang nagsungit. "Tama na nga yang pambobola mo, tara na, baka mahuli tayo!"

​pagdating namin sa mall, ang mga ilaw at ingay ay nagbigay sa amin ng masiglang enerhiya. Nagsimula kaming maglibot sa arcade, sinubukan namin ang claw machine. "Erik, kunin mo ang teddy bear na 'yan!" sigaw ni Georgia, ang kanyang boses ay bumubulusok sa kasabikan.

​Ilang beses akong nabigo sa clae machine ngunit nang makuha ko ito sa wakas ang oso, tumili siya sa tuwa at hinawakan ang aking braso. "Ang galing mo!" sabi niya, naging magaan ang loob ko ng makita ko ang kanyang masayang mukha na para bang ang kanyang ngiti ay nagpapaliwanag sa buong arcade center.

​Pagkatapos ay kumain kami ng ice cream, nakipagkwentuhan kami habang nasa upuan. "Alam mo, sa probinsya, bihira kaming kumain ng ice cream. Hindi ko pa natitikman itong cookies and cream kahit kelan," sabi ko, na nagpatawa sa kanya.

​"talaga Erik? Napakasimple mo naman!" sabi niya, ang kanyang boses ay puno ng paghanga. "Pero mas gusto ko itong lasa ng mangga; perpekto ang tamis."

​Nag-upa kami ng pwesto sa baseball booth, naglalayon na matamaan ang bola. "Kaya mo 'yan, Georgia!" sigaw ko habang naghahanda siyang maghagis. Nang tamaan niya ang bola, tumalon siya sa tuwa at sa sobrang saya ay niyakap nya ako.

"Ang galing ko, 'di ba?" sabi niya, ngunit napansin nya ang maling nyang nagawa at mabilis siyang umatras habang namumula. "Oops, paumanhin, nadala lang!"

​Napangiti lang ako, kahit na ang puso ko'y mabilis na tumitibok dahil rin sa pagkabigla. "Ayos lang, champ," sabi ko, na nagbigay sa akin ng mapaglarong hampas sa aking balikat.

​Naglaro kami ng basketball sa isang machine at nakipagkompetensya sa isat isa. "Erik, maglaban tayo, ang sino man na may mas maraming puntos ang syang panalo!" paghahamon niya, ang kanyang boses ay punong-puno ng pagmamataas.

Ngunit nang matapos ang laro, nanalo ako sa kanya ng isang puntos. "Hindi patas! Rematch!" pagtutol niya habang bakas ang pag kainis na nagpatawa sa akin.

​Sa hapon, nagmungkahi akong kumain sa restaurant kung saan nagmula ang flyer. Ang lugar ay cozy, may mga ilaw sa mga mesa at mahinang musika. Habang nakaupo kami, pumasok kami sa mas malalim na usapan. "Ano ang paborito mong pagkain, Erik?" tanong niya habang nag hahanap sa menu.

​"Sa totoo lang, ito ang una kong pagkakataon na kumain ng ganitong uri ng pagkain. Sa probinsya, kanin lang at isang itlog ang kinakain namin, madalas din na isda o gulay. Kaya wala akong paboritong pagkain. " pag-amin ko habang nahihiya.

​"Seryoso ka ba, Erik? kailangan mong tuklasin talaga ang mundo!" sabi niya habang nakangiti. "Gustung-gusto ko ang kare-kare; ang lasa ng mani sa sarsa ay napakasarap para saakin!"

​Nag-order kami ng kare-kare, sinigang, at kanin, at habang kumakain kami, nag-usap kami tungkol sa aming mga pangarap. "Sa probinsya, gusto ko lang tulungan ang pamilya ko na makaahon sa hirap. Pero ngayon, parang gusto ko na ring makita ang mundo sa labas ng probinsya, tulad ng sinabi mo," pagbabahagi ko.

​Ngumiti siya, ang kanyang mga mata ay kumikinang. "Simple pero magandang pangarap yan. Ako, gusto kong tapusin ang aking pag-aaral at makakuha ng magandang trabaho."

Naalala ko bigla na tuwing hapon ay nagbabasa ng libro si georgia sa sala at minsan ay nagsusulat. Siguro nga ganun sya kadeterminadong makabalik sa pag aaral. Gayunpaman, hindi naman libre ang makapag aral sa panahon ngayon lalo na maraming kailangang gastusin.

​Pag-uwi namin mula sa mall, nagdala kami ng lechon manok at ensaymada para kina Lola at Lolo. "Salamat, mga bata!" sabi ni Lola, ang kanyang ngiti ay nagniningning.

​Habang nagpapahinga ang lahat, Naalala ko ang utos saakin ni hiyas kaya naman agad kong nilapitan si georgia sa may sala, ibinigay ko sa kanya ang kuwintas na nakuha ko kay Hiyas.

​"Para sa iyo ito, isang pasasalamat sa pagtulong mo sa akin," sabi ko.

​Nanlaki ang kanyang mga mata sa pagtataka. "Erik, ano ito? Ang ganda!" sabi niya habang hinahawakan ang kuwintas. "Hindi mo naman kailangan bigyan ako ng regalo pero... salamat," dagdag niya, ang kanyang boses ay malumanay.

Nakita ko ang kislap ng kanyang mga mata habang tinititigan ang kwintas at hindi ko miwasan na mapangiti dahil nakikita kong masaya ito sa ginawa ko. Napaka sarap sa pakiramdam na makita si georgia na masaya, pakiramdam ko napasaya ko na rin ang mga kapatid ko.

​Katapusan ng kabanata.

More Chapters