Naniniwala ang binatang si Van Grego na anf mga bagay ay mayroong give and take kung saan ang lahat ng iyong ipinapakita at ibinibigay ay dapat ganon din ang ibalik sa iyo. Kung ano ang iyong itinanim ay siya ring aanihin, kung ano ang ginawa mo sa iyong kapwa ay ganon rin ang ibabalik sa'yo. Kung masama ang ginawa mo sa iyong kapwa, siyempre masama rin ang ibabalik sa'yo. Ano ang ini-expect mo? Gawan ka ng mabuti dahil ginawan mo siya ng masama. Diyan papasok ang sinasabi nilang Stupidity o pagiging tanga. Sa Cultivation World na ito ay malamang sa malamang ay what you give is what you earn. Dahil binalak siyang paslangin ng bandidong ito ay hindi siya dapat lumaban at magpapaslang dahil lamang sa madami ang bilang ng mga ito, isa iyong stupidity na magli-lead sa Suicidal Act. Siyempre ipagtanggol niya ang kaniyang sarili at kung kailangan ay pumaslang o paslangin niya ang mga nilalang na ito. Atleast he tried to defend himself from harm. Kailan lang ba si Van Grego umatras? Yun ang di niya gagawin liban na lamang kung hindi niya talaga kayang lumaban, labanan o ipagtanggol man lang ang kaniyang sarili laban sa kaniyang mga kalaban. Ngayong may kakayahan na siyang ipagtanggol at ipaglaban ang kaniyang sarili ay ngayon pa ba siya aatras?! Ang layunin niya ay lumakas at magpalakas pa lalo. Ang pakikipaglaban na katulad nito ay maha-harness ang kaniyang kabuuang sarili lalo na sa kaniyang kakayahan at abilidad na masasabi niyang sobra pa niyang hina o napakahina pa niya sa kasalukuyan.
Agad na binitiwan ng binatang si Van Grego ang limang mga paso habang makikita ang napakabilis na pagbulusok nito papunta sa papasugod na kalaban.
Whooosh! Whooosh! Whooosh! Whoosh! Whoosh!
Tunog ng napakabilis na palaso habang inaasahan na ito ng mga bandido na siyang ikinangisi nila.
Ngunit nagulat sila ng biglang kinumpas ni Van Grego ang kaniyang kamay na siyang biglang pagkawala ng mga palaso.
"Concept of Space: Space Cut!"
Biglang binuksan ni Van Grego ang close space dimension na sapat lamang upang magkasya ang limang palaso.
Agad na nawala ang mga palaso na bumulusok kani-kanina lamang sa kinaroroonan ng mga bandido.
"Hmmmp! Niloloko mo ba kami binata, kahit aning gawin mo ay hindi mo kami matatalo!"
"Nakakainis ang binatang ito. Aatakehin tayo tapos ipapawalang-bisa lamang ang atake niya?! Nababaliw na ba siya?!"
"Hindi magandang biro iyon ha... Nakakainis ang estrangherong ito!"
Ito lamang ang nasa isip ng mga miyembro ng bandidong grupo na Cane Bandits habang makikita ang inis sa binatang iyon at nanghahamak na tingin habang tinitingnan nila ang binatang estranghero na si Van Grego.
Ngunit dahil sa walang nangyayaring kakaiba ay nag-isip naman ang iba ng kung ano ang kahibangan ang naiisip ng binatang estranghero sa mga oras na ito.
"Hahaha... Tiwala kaming hindi kami mapapaslang ng binatang ito s---------!"
"Anong kahibangan naman ang ginagawa ng binatang estranghero na ito? Talaga binaba------!"
"Akala niya ay mapapaslang niya kami sa ganitong taktika pero hin--------!"
Naputol lamang ang pag-iisip nila ng biglang naramdaman nila ang napakabigat at nakakatakot na awra sa itaas ng Battle Formation. Napakabilis ng pangyayari kung kaya't huli na lamang ng maramdaman nila ito.
BANG! BANG! BAAANNNNGGGGGGGG!!!!!!
sabay na bumulusok at sumabog ang limang palaso. Ang unang dalawa ay sa gilid mismo ng bandido habang ang isa naman ay sa bandang likod. Ang huling malakas na pagsabog na nangyari ay sa bandang gitna mismo ng Battle Formation kung saan ay tatlong magkakasabay na palaso mismo ang tumama rito kung saan ang lalaking tumatayong lider at core ng Battle Formation ay sumabog ang katawan nito at animo'y umulan ng karne at dugo nito sa paligid.
Tssssss!!!!!!!
Hindi lamang iyon dahil nagkaroon din ng malakas na shockwave nang masira at sumabog ang nasabing napakatigas at napakatibay na Battle Formation.
"AHHHHHHHHH!!!!!"
sabay na sigaw ng mga bandidong sumugod kay Van Grego. Hindi nila aakalaing ang kanilang pinagmamalaking Battle Formation ay masisira lamang basta-basta ng limang naglalakihang palaso. Kung malalaman ito ng iba ay siguradong mahihiya ang mga ito sa kanilang sinasabi at sila ang magmumukhang hibang at baliw.
Kitang-kita na mistulang tumalsik sila sa malayo dulot ng impact ng nasabing pagkasira ng Battle formation.
Nakatingin ang mga bandido at gulantang pa rin sila sa kanilang mga nasaksihan at nalaman patungkol sa naging surpresang pagkakaatake sa mga bandido ng estrangherong binata. Nakita lamang nila ang kasamahan nila na animo'y nagtalsikan na hindi nila inaasahan ito.
Hindi mapigilan ng ibang mga bandido na magpahayag ng kanilang saloobin.
"Paanong nangyari ito?! Alam naman natin na hindi ito basta-bastang battle formation lamang!"
"Paano nawasak ng isang binatang estranghero lamang ang ating Battle Formation. Peke ba ang binigay ni Boss?!"
"Malamang eh naging mahina na ang Battle Formation na ito dulot ng medyo matagal na ito ngunit kataka-taka na madali lamang itong nasira ng isang labing-limang taong gulang?! Imposible!!!!!"
"Lagot tayo nito kay Boss, ang Battle Formation ay isang mahalagang regalo sa mga close combat na kasamahan natin."
Yan lamang ang ibang maririnig sa paligid. Hindi pa rin talaga nila inaasahang bumaliktad ang kanilang sitwasyon.
"Hmmmp! Nawasak niya man ang Battle Formation ay hindi niya tayo mapipigilan na paslangin siya! Paulanan natin siya ng mas maraming palaso!" Sambit ng isang tagapanang bandido na nagsisilbing lider ng mga tagapana. Agad itong sumenyas sa iba.
WHOOSH! WHOOOSH! WHOOOSH!
Mas dumoble ang pag-ulan ng mga palaso sa iba't-ibang direksyon na mula sa mga bandido papunta sa direksyon mismo ng binatang si Van Grego. Makikita na halos tumama ang mga ito sa lugar sa pwesto mismo ni Van Grego. Iba't-ibang kulay ang mga ito at halatang mas malakas ito kumpara sa mga naunang mga atakeng ginawa nila sa mga palaso.
BZZ! BZZ! BZZ!
Mistulang nanginginig pa ang mga palaso habang mabilis na bumubulusok sa direksyon ni Van Grego.
Napaka-unfair kasi isipin na dadaan lamang siya ngunit alam niyang imposible sapagkat kuta ito ng masasamang mga grupo ng mga Martial Artists na pawang mga kriminal na gustong maghasik na karahasan at Kadiliman sa mundong ito kaya imposibleng mapakiusapan ang mga ito. Mga halang ang kaluluwa at nakadikit na sa kanilang mga sariling kamay ang bahid ng dugong tanda na ilang beses na silang nakasagupa ng mga labanan at patayan.
