Dire-diretso lamang si Van Grego sa paglalakad hanggang sa marating niya ang mga nilalang na nagbabantay sa may border. Feelingero siya sa part na may pa-welcome party sa sa kanya. Pero nang malinaw niyang makita ay mga totoo at nagagandahan st naglalakihang mga palaso na nakatutok sa kaniya. Nakamaskara ang mga ito ng mga maskarang may disenyo ng mga funny o hilarious faces.
"O-ooh sabi ko na eh!" Sambit ni Van Grego habang naalarma siya sa paparating na welcome party este mga hindi mabilang na mga palaso. Hindi niya aakalaing nasa lugar pala siya o kuta ng mga bandido. Kaibahan sa una na grupo ng mga bandits ay masasabi niyang iba ang pananamit at gamit nilang armas na halatang long-ranged na mga bandido ito.
"Whoosh! Whoosh! Whoosh!"
Hindi nag-aalinlangan ang mga bandido na mag-launch ng bala na mga palaso kung saan ay halatang mga bihasa at napakaganda ng pagkakagawa ng palaso nila lalo na at mas mabilis ito ng tripleng beses kumpara sa mga normal na palasong ginagamitan ng essence energy.
"Hmmm... Talagang gusto nila akong patayin. Base na rin sa kanilang mga suot at pag-uugali ay hindi ako welcome rito. Isang deadly signal ang ginagawa nila kaya masasabing masamang uri sila na grupo na mga bandido." Sambit ni Van Grego habang makikita ang inis at iritasyon sa boses nito.
Ang walang signal na paglaunch ng mga armas sa hindi kilalang indibiduwal o grupo ng mga nilalang ay nangangahulugan lamang na nagpapahayag sila ng laban o hamon sa isang individual o grupo ng mga nilalang. Sa mga oras na ito ay masaaabi mong masama ang layunin ng mga grupo ng hinihinalang mg bandidong ito.
...
Sa gilid ng pamilihan kung saan nakatirik ang isang maliit na stall ng isang matandang lalaking naglalako ng paninda nitong mga iba't-ibang uri ng mga scrolls.
"Uhm, diba ikaw yung nagpahayag kahapon ng mapa papunta sa isang kuta ng bandido. Sinama ko na ngayon ang limampong kagrupo ko para sa Group Mission na iyon. Saan na yun tanda!" Sambit ng isang bruskong lalaki na nasa dalawampong taong gulang ang edad nito at mga kaedaran nito. Mayroong Cultivation Level ang grupong ito mula sa 1-Star Martial Emperor Realm Expert hanggang sa 6-Star Martial Ancestor Realm Expert. Ang bruskong lalaking ito ay mayroong Cultivation Level na 1-Star Martial Ancestor Realm Expert.
"Talagang nagtawag pa ng napakaraming mga kasamahan ang binatang ito. Masyado atang overqualified ang mga ito sa misyong iyon na Type B lamang. Dahil sa bilang nila ay maaaring Type A ang ipapagawa ko sa kanila na misyon. Nagkamali ako ng bigay sa binatang iyon kahapon na kanina ko lang rin nalaman. Medyo nakokonsensya ako sapagkat sa unang ruta pa lamang nito ay siguradong patay na ang binatang iyon. Patawarin niyo po ako Bathala, kung namatay man ang binatang iyon ay wag naman sana akong dalawin sa panaginip ko o malasin sa aking negosyo." Sambit ng matandang lalaki habang makikitang nakokonsensya ito sa nagawa nito. Medyo nagiging ulyanin na rin siya lately eh at tumigil na ang kaniyang Cultivation Level sa Martial Ancestor Realm Boundary at wala ng bakas ng pag-unlad sa kaniyang Cultivation. Kung di ba naman nakasalansan ang paninda niyang scrolls noong kasagsagan ng pagtanong mismo ng binatang iyon. May pagkakaparehas pa naman ang Scroll Mission na iyon sa Mapa papunta sa Sentro ng Martial Beast Cultivators Territory na masasabi niyang pagkatapos mismo ng apat na ruta ay siguradong Sentral na pook na iyon ng Martial Beast Cultivators Territory pero nangangamba ang matandang lalaking iyon na kapag sinundan ng binatang iyon sng mapa ay mapapahamak lamang siya bago pa ito makarating sa Sentral na Rehiyon. Tanging himala na lamang ang maaaring mangyari para makaligtas ang binatang iyon. Tanda niya pang nasa Peak Martial Emperor Realm laamng ang Cultivation Level nito at mapapaslang lamang siya sa una o sa pangalawang ruta pa lamang, wag ng itukoy pa ang pangatlong ruta dahil napakaimposible na para rito ang makaligtas pa sa unang pangalawang napakadelikadong ruta. Hondi lamang simpleng Mission Scroll iyon na pang individual kundi isang Group Mission Scroll.
Natigil lamang sa pag-iisip ang matandang lalaki nang bigla na lamang may nagsalita sa kaniyang harapan.
"Ano na tanda, mukhang ang tagal pa eh at napakakupad mo... Nangangati na ang kamay naming mapaslang ang mga bandidong iyon." Sambit ng biantang lalaki na animo'y siga sa Hybrid Territory na ito.
"Hmmp! Pagsisisihan mo ang pagbalik mo rito at talagang ang inaakala kong napakaamong tupa noong nakaraang araw ay bigla na lamang naging mabagsik na leon sa aking harapan ngayon. Dahil diyan ay Type A ang ibibigay ko sayong hayop ka! Wala kang respeto sa nakakatanda sa'yo at good luck na lamang sa'yo kung makakaligtas ka o alinman sa mga kasamahan mo." Sambit ng matandang lalaki sa kaniyang isipan lamang habang bigla nitong inilapag ang Group Mission Scroll na siya lamang ang may alam kung anong type ito. Ang Common Type ay C, B at A ngunit ang medyo madali lamang ang C at B pero mahirap ang Group Mission A kumpara sa B lalo na sa C na siyang pinakamadali para sa Grupong gagawa ng nasabing misyon. Ngumiti pa siya rito ng tipid na inaakala ng iba ay natuwa pa siya sa inasal ng binata kundi natuwa sapagkat pagsisisihan nila ang pambabastos niya sa matandang katulad niya at magsilbing leksyon ito sa lahat.
"Oh, Ito na ang bayad!" Sambit ng binatang lalaki at nagbayad ng isang piraso ng tanso sabay talikod haabng tumawa pa ang lahat ng kasamahan nito.
Maraming nanonood kanina pa sa gawi ng matandang ito at sa pagitan nila ng nasabing matandang lalaking nagbebenta sa maliit na scroll na ito. Mayroong naaawa at mayroon ding pasimpleng nanlilibak sa matanda at mayroon ding walang paki parang tamang nood lang.
Naiwan naman ang matandang lalaking parang sanay na sa nasabing eksena. Marami ng nangyaring ganito sapagkat wala naman siyang regular customer at palaging mga tambay, palaboy, walang magawa sa buhay o estranghero ang kaniyang nakakausap st nagiging customer na siysng masasabi niyang napakasaklap at napakatumal ng benta niya.
...
Samantala...
Mabilis na iniwasan ni Van Grego ang mga palaso sa pamamagitan lamang ng pagtingin ng projection at kung saan tatama ang mga ito at iniwasan lamang ito ni Van Grego sa simpleng pagflex at pag-glide ng kaniyang katawan. Nakakamangha talaga ng pag-enhance ng kaniyang pares na mata sapagkat hindi lamang ito nakatulong sa pagproject ng nasabing speed ng palaso kundi maging ang lokasyon mismo ng mga pumana at umatake sa binatang si Van Grego.
"Talagang nakakamangha ang aking pinabagong bersyon ng aking paningin hehehe..." Sambit ni Van Grego habang mabilis siyang nagsagawa ng Skill.
"Fire Creation Technique: Vermillion Bow!"
Agad na pinalitaw ni Van Grego ang pinakamalakas na armas niya, Ang pinagsamang konsepto ng apoy at ang blood essence mismo na dumadaloy sa katawan niya na galing mismo sa isang Saint Beast, ang pambihirang Vermillion Bird.
"Hahaha... Pana rin pala ang armas mo bata katulad naming mga Cane Bandits, tingin mo ay mapapatay mo kami ng simple mong armas na gawa lamang sa iyong enerhiya at konsepto, hangal!" Sambit ng isang bandido habang malademonyo itong ngumisi.
"Hmmm... Tingin talaga ng bandido na ito ay simpleng tao lamang ako dahil sa Deathless Pill ko. Hindi nila nararamdaman ang aking tunay na enerhiya at lalo na ang aking Cultivation Level na isang 1-Star Martial Ancestor Realm at kumpara sa mga bantay na ito ay mga Martial Emperor lamang sila. Pwes, pagsisisihan nilang iniinsulto nila ang mahinang nilalang na sinasabi." Sambit ni Van Grego sa kaniyang isipan habang makikita ang labis na inis sa mga ito. Isa pa ay nakikita niyang napakagrabe ng Savage Auras na nakapalibot sa lahat ng mga bandido. Nangyayari lamang ito kapag napakarami ng napatay ng mga ito. Kapag masama ang nasabing nilalang ay alam niyang brutal pumatay ang mga ito na walang pag-aalinlangan. Mas nakita niya nga ng medyo klaro kumpara noong nakaraan ang savage aura kahit na papaumaga pa lamang. Talagang namangha muli si Van Grego dahil hindi niya na kailangan pang paglaanan ng panahon para kilatising mabuti kung sino ang mga masasama o kung sino ang inosenteng mga nilalang sa isang grupo o lugar.
Mabilis na nagmaterialize ang isang palaso sa nasabing pana ng hawakan ni Van Grego ang nasabing pana. Nag-inject ang binatang si Van Grego ng konting enerhiya ng Moon Qi at Essence Energies sa loob ng palaso. Ramdam ni Van Grego ang nag-uumapaw na enerhiya mula sa loob ng palaso.
"Wooshhhh!"
Maya-maya pa ay binitiwan at pinatama niya ang nasabing palaso sa isang bandido sapol sa kaniyang dibdib.
"Peng"
Tunog ng pana ng lumusot ang pana sa katawan nito.
"Hahaha... Diba tama ako. Isang simpleng pana lamang i------!" Tumatawang sambit ng natamaang bandido dahil wala siyang nararamdaman na kakaiba sa pana na palagay niya ay ordinaryo lanang ngunit nakaramdam siya bigla ng nag-uumapaw na enerhiya sa kaniyang katawan.
BAAAANNNNGGGGGGG!!!!!!!!!!!
Sumabog at nagkapira-piraso ang katawan ng tinamaang bandido ng binatang si Van Grego. Animo'y umulan ng karne at napakasaganang dugo sa buong paligid.
"Hmmm... Masyadong malakas ang aking enerhiya kung saan nag-blow up mismo at sumabog ang buong katawan ng bandido. Perks of being Martial Ancestor Realm. Talagang napakalaki ng inunlad ng aking kakayahan na jayang pasabugin ang katawan ng Martial Emperor Realm Expert." Sambit ni Van Grego. Ramdam niya kung paano siya naging parang ang binatang si Jinron, pakiramdam niya ay ganito ang tingin ni Jinron sa kaniya noon. Wala pa siyang ibayong depensa noong Martial Emperor Realm Expert pa lamang siya kaya parang nanghahamak ang tingin sa kaniya nito. Masasabi niyang invulnerable nga siya sa atake ng mga ordinaryong Martial Emperor Realm Expert sa kasalukuyan. Kung pag-uusapan ang depensa ay makakaya ni Van Grego na tumagal sa pagdepensa lamang sa isang pinakamahinang Martial Sacred Realm Expert tanda pa na mayroon siyang pangalawang flood Dragon skill na tinatawag na Flood Dragon Ultimate Defense.
Habang nakita namang nagulantang ang mga kasamahang mga bandido na sumabog ang katawan ng kasama nila kanina. Halos lumuwa ang mata nila. Halatang hindi sila makapaniwala na ang animo'y isang ordinaryong martial artist na inaakala nilang naligaw lamang sa lugar na ito upang maging bihag nila ay isa palang ekstraordinaryong martial artists.
"Ha-Halimaw ka! Paanong narito ka sa lugar namin Ginoo!" Nanginginig na sambit ng isang bandidong balot na balot ang buong katawan ng itim na roba at tanging ang mga pares na mata lamang ang nakalabas maging ang iba pa nitong kasamahang kapwa-bandido.
"Hindi siya isang ordinaryong nilalang lamang, ang kaniyang Cultivation Level ay Martial Ancestor Realm o mas mataas pa!" Sambit ng isang bandido habang iniisip ang posibilidad ng mas malakas ang estrangherong binata kumpara sa kanilang lahat. Nakaramdam siya ng ibayong panganib sa binatang ito.
"Hmmm... Paano nangyari ito? Bakit hindi ko maramdaman ang enerhiya ng estrangherong binatang ito. Isa ba siyang misteryosong eksperto na nagalit sa ating pagharang sa dinaraanan nito?!" Malakas na sambit ng isa pang bandido na animo'y nangamba sa kanilang pangahas na aksyon. Kung totoong eksperto ito ay siguradong malaki ang posibilidad na mamamatay sila sa lugar na siyang kuta nila. Hindi kasi nila maramadaman ang aura nito o malaman man lang ang Cultivation Level nito.
"Tanga ka ba, base sa bone structure ng binata ay isa lamang siyang maglalabing-anim na taing gulang. Mag-isip ka nga kung paanong naging malakas ito kumpara sa atin?!" Sambit ng isang bandido na kinontra ang sinabi ng kasama niyang bandidong naunang magsalita.
"Oo nga naman, mayroon lamang siguro itong ginamit na pamamaraan upang itago ang Cultivation Level nito." Pagsang-ayon naman ng isa sa mga kapwa-bandido ng mga ito. Sino ba naman ang tanga para ang isang maglalabing-anim na taong gulang na martial artist ns maging isang pambihirang eksperto. Hindi maipagkakailang mayroong mga pamamaraan upang itago ang Cultivation Level sa pamamagitan ng mga Forbidden Technique, Auxiliary Skills, pambihirang Martial Pill, abilidad ng isang martial artist na itago mismo ang Cultivation Level nito o maging ang aura nito.
Whoosh! Whoosh! Whooosh! ...!
Hindi mabilang na mga ordinaryong Fireworks at fire flares ang biglang pumailanlang sa kalangitan na tandang binabalaan ang lahat dahil mayroong High Alert o trespasser sa kanilang lugar at napakadelikadong sitwasyon ito sa kanila.
