A past life ago...
"Mama! Nakauwi ka na!"
Napalingon si Myrene sa daughter and mother pair, sa kasunod na bahay niya. Masayang sinalubong nung ina ang yakap ng kanyang anak na batang babaeng. Nakapuyod ang buhok nito into two pigtails.
"Kumusta, Anna?
"Nakaperfect score po ako sa quiz ko sa Math, kay Ms. Jennifer!"
Iniwas ni Myrene ang tingin niya sa mother and daughter pair. Binuksan niya ang pintuan ng kanyang bahay. Sa kanyang pagpasok, mga anino ng nakaraan hindi niya malimot-limot ay naglaro sa kanyang paningin.
***
"Myrene! Good job! Ito, mga paboriting mong Oreos!"
"You're the best, Papa!"
"Kayong dalawa, tama na ang paglalaro. Handa na ang hapunan."
"Yes, mom!"
Ang musmos na si Myrene at ang kanyang papa ay nagsalute habang natawa.
***
Sa pagkasindi ni Myrene ng ilaw sa silid, binura nito ang mga ala-alang namutawi sa kanyang isipan.