Cherreads

Chapter 736 - Chapter 736

WHOOSH! WHOOSH! WHOOSH!

Mabibilis na pagtakbo ang ginawa ni Wong Ming kasama ang nasabing dalagang si Earth Dawn. Halos hindi sila magkamayaw na lagpasan ang kasukalan ng kagubatang ito.

Naramdaman nilang pareho ang mga aura ng limang nilalang na tila sumusunod sa kanila.

Walang dudang malalakas ang mga ito. Sinong mag-aakalang nasundan sila ng mga ito at naging mautak ang mga ito.

Sa halip na galugarin ang nasabing kweba ay nagawa nilang hanapin ang labasan ng nasabing kweba upang tugisin sila.

Bakas sa mukha ng dalaga ang pagkabahala maging si Wong Ming.

Higit na malalakas ang mga ito at ayaw ni Wong Ming na gamitin ang kabuuang lakas niya lalo pa at hindi pa natatapos ang nasabing pagsubok. Isa pa ay ayaw niyang siya mismo ang maging main target ng lahat ng mga sasalang sa mga pagsubok. Katulad niya ay layunin niya lamang na makapasok at ayaw niyang mapaslang upang sapitin ang napipintong kamatayan katulad ng mga nasawing manlalahok.

Agad na napahinto si Wong Ming maging si Earth Dawn nang mapansin ang napakalakas na enerhiyang tila bigla na lamang nakarating sa kanilang kinaroroonan.

Mula sa dilim ay agad na lumitaw ang isang nilalang. Mabagsik at napakarahas ng enerhiyang nakapalibot sa isang tila aninong nilalang hanggang sa lumitaw ang totoong kaanyuan nito ilang metro mula sa kinatatayuan ni Wong Ming at Earth Dawn.

Dito ay agad rumehistro sa pagmumukha ng nasabing nilalang na kasamahan ng tumutugis sa kanila ang kakaibang ngisi.

Bakas sa ekspresyon nito na minamaliit sila. Masasabi ni Wong Ming na hindi talaga mapagkakatiwalan ang nilalang na ito.

"Narito lang pala kayo, pinahirapan niyo pa kong habulin kayo hehehe!" Nakangising wika ng nasabing nilalang na animo'y gusto na nitong durugin ang binata at dalagang nasa harapan niya lamang.

Imbes na magsalita sila ni Wong Ming at ni Earth Dawn ay minabuti nilang manahimik.

Hindi sila maaaring magpasindak. Lugi na sila sa lebel ng cultivation ay hindi nila nais na panghinaan pa sila lalo ng loob.

Sa halip ay nagkatinginan ang mga ito at tila nag-uusap gamit lamang ang kanilang mga mata.

Lumabas sa kamay ng nasabing nilalang ang isang mahabang karit. Tila isang anyo ni kamatayan ang kanilang nakikita sa mga oras na ito.

Mabilis na hinarap ni Wong Ming ang nasabing nilalang at agad na inilabas nito ang mahabang sword needle na pagmamay-ari rin njya.

Art Skill: Reaping hook of Darkness!

Isang pambihirang martial arts skill ang isinagawa ng kalaban ni Wong Ming na siyang ikinagulat nito.

Hindi lubos aakalain ni Wong Ming na mayroong darkness element ang kalaban niya.

Napangisi na lamang siya sa kaniyang kalaban lalo na at mayroon siyang panlaban rito.

Art Skill: Shadow Domain!

Mula sa lupang kinaroroonan nila ay agad na binalot ito ng napakaitim na hamog at tila naging nakakatakot ang buong kapaligiran.

Pasalamat si Wong Ming at nagamit nito ng maayos ang kaalamang ibinahagi sa kaniya ng Shadow Demon na nakalaban niya noon na sa kasalukuyan ay nakabilanggo sa loob ng artifact niya.

Sa lakas ng pambihirang babaeng bantay ng artifact na iyon ay siguradong wala itong kalaban-laban sa pamamaraan ng nilalang na iyon.

Sa katunayan ay naging ball fragments na lamang ito at unti-unti niyang ina-absorb ang memorya ng nialang na iyon.

Napakalakas ng assassination skill ng Shadow Demon lalo na ang domain nito.

Mula sa domain na iyon ay agad na nanlaki ang mga mata ng kalaban ni Wong Ming nang mapansin ang maraming mga kamay na humihila sa mga paa nito.

Hindi mabilang na mga kamay na tila hinihinila papalubog sa lupa.

"Ano'ng klaseng skill ito binata? Anong klase kang nilalang?!" Nahintatakutan ito at hindi nito makita ang binatang kalaban nito.

SHHHHCCCKKK!

Isang malakas na pagkumpas ng Shadow needle ni Wong Ming ang dumaan sa mismong leeg ng nasabing kalaban niya kasabay nito ay humiwalay ang ulo bito sa leeg nitong sumisirit ng sariwang dugo.

Agad na napawalang-bisa ang Shadow Domain skill ni Wong Ming kasunod nito ay isinilid nito ang ulo ng nasabing kalaban nila habang kinuha ang mga ari-ariang meron ito.

Ramdam ni Wong Ming na kailangan niyang mag-imbestiga.

Gamit ang nasabing amoy ng kalaban nila na napaslang ay ginamit ni Earth Dawn ito upang di sila masundan ng kalaban nila.

Sa kakayahan ni Earth Dawn ay agad na naibaon nito sa lupa ang walang ulong kalaban nila upang mahirapan na tuntunin sila ng natitira pang apat na kalaban.

...

Tatlong oras ang nakalilipas nang mapansin na ligtas na nakabalik sina Wong Ming at Earth Dawn sa kanilang tower kung saan ay masigasig na nagtatrabaho ang mga kasamahan nila.

Masyado mang delikado ang paglalakbay na iyon ngunit naging indikasyon din iyon ng kanilang kapasidad na makaligtas sa ganoong klaseng sitwasyon.

Sa sampong mga bilang nila ay dalawa na lamang sila ni Earth Dawn ang nakumpirmang nabuhay.

Magkagayon pa man ay hindi sila pinagdudahan ng mga kagrupo nila. Ang mahalaga ay marami silang naiuwing mga pambihirang mga metal ores.

Ang mga pambihirang mga ores na naiuwi nila ay ito ang ginamit sa pinaka-outer part ng nasabing tower.

Ang iba sa mga metal ores na sa tingin ni Wong Ming ay mayroong pambihirang properties ng Red Tears Ores ay lihim niyang tinago.

Sinabi rin kasi ni Earth Dawn sa kaniya na ang halos karamihan na nakuha nila sa loob ng malaking kweba na iyon ay matataas na klase.

Ipinakita nito ang ilan sa magagawa ng Red Tears Ore katulad na lamang ng pagbabago sa ordinaryong properties ng espada, gawin itong pandepensa o pang-atake sa kalaban at iba pa.

Namangha naman si Wong Ming sa mga nalaman niya. Hindi man ito purong elemental demon ngunit ang kakayahan ng nasabing binibini ay talagang malawak na rin kung tutuusin.

Napakabuti ng nasabing binibini na si Earth Dawn at binigyan siya nito ng pambihirang metal na mismong nagmula pa ito sa minahan sa Demon World. Isang mahalagang pamana o inheritance kung maituturing ito dahil kaya ng metal na iyon na palakasin ang elemental demon properties na nasa katawan mo mapa-opensa o depensa man.

Hindi makapaniwala si Wong Ming sa narinig niya kanina noong naglalakad sila patungo sa mismong lokasyon ng tower nila.

Binigyan siya ng dalaga ng isang metal na katulad rin dito.

Galing pa daw iyon sa ina nitong namayapa dahil na rin sa malubhang sakit. Sa katunayan ay ang ama at lolo lamang nito ang kasama nito sa buhay habang nilisan na rin ng kapatid nito ang mundong ito dahil sa pinatay ito noong nasa edad niya ito sa kasalukuyan.

Gayon pa man ay maayos siyang pinalaki ng ama niya at kasama ang lolo nito.

More Chapters