"Wag kang mag-alala binata dahil tutulungan kita. Nagtiwala ka sa aking kakayahan kaya't nagtitiwala din ako na magiging mahusay ka ding cultivator katulad ng nakalaban mo. Isang mahalagang bagay ito upang maging isang ganap na Elemental Demon Practitioner ka binata. Sa totoo lamang ay mahirap magkaroon ng Soul Embryo maging sa aming may lahi ng Elemental Demon Race ngunit nasa tao ang halos lahat ng katangiang pisikal namin. Sa mga Elemental Demon ay mayroon silang Soul Embryo pagkapanganak pa lamang nila ngunit sa mga katulad natin na tao ay umaabot ito ng sampo hanggang tatlumpong taon upang magkaroon ng Soul Embryo.
Ang Soul Embryo ang manipestasyon ng demon power na taglay ng isang Elemental Demon Practitioner. Iilan lamang ang meron nito at karamihan sa mga ito ay nagiging malalakas kumpara sa ordinaryong martial art experts.
Dito ay nagulat si Wong Ming sa kaniyang nalaman mula kay Earth Dawn. Matagal na niyang gustong malaman ang bagay na ito ngunit hindi nag-alinlangan ang nasabing dalaga upang tulungan siya. Masyadong malakas ang nasabing demon power ng kung sinuman na mayroong Soul Embryo.
Isang patunay na rito ay ang katulad niya na meron nito.
Kung hindi siya nagkakamali ay talagang maswerte lamang siya at napaslang niya ang nasabing kalaban niya noon na pinagmulan ng Soul Embryo na meron siya sa kasalukuyan.
Kung hindi siya nagtagumpay ay malamang sa malamang ay wala siyang ganitong klaseng bagay sa loob ng dantian niya.
"Meron ka din nito Binibini hindi ba?!" Seryosong tanong ni Wong Ming na siyang ikinangiti ng nasabing dalaga.
"Siyempre naman binata. Dalawang elemento ang taglay ko kung kaya't kakaiba ang pamamaraan ng pagcucultivate ko ng aking Soul Embryo." Masayang sagot naman ng dalaga na animo'y unti-unting pinagkakatiwalaan na si Wong Ming.
Muntik ng makalimutan ni Wong Ming na alam niya na kayang gumawa ng bagay ng dalaga gamit ang dalawang elemento ng lupa at tubig.
Samantalang yung sa kaniya ay halatang tubig lamang at hindi pa nagma-manifest ang Ice Demon Power ns taglay niya.
Wala pa ngang elemento na taglay ang Soul Embryo na meron siya.
Masyado ka pang maaga upang isipin binata na magkaroon ng Water Demon Power ang Soul Embryo mo. Saka na iyon magiging visible kapag naging hugis bilog iyan at lalagyan mo ng demon power na kino-cultivate mo.
Dahil dito ay nalungkot si Wong Ming at tila nalito naman lalo pa't paano niya gagawin ang bagay na iyon. Kung kaya't hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa at nagtanong ng agaran sa nasabing dalaga.
"Paano ko gagawin iyon binibini? Saan ko makukuha ang demon power na sinasabi mo?! Ni hindi ko nga alam iyon eh." Takang tanong ni Wong Ming kay Earth Dawn na animo'y gusto niyang malaman din ang bagay na ito.
"Sa pamamagitan ng natural na kapaligiran natin binata. Katulad ko ay nagcucultivate ako ng aking demon power sa pamamagitan ng pagtungtong sa ibabaw na bato. Sa ganong paraan ay makokonekta ko ang aking sarili sa kapiligiran lalo na sa elemento ng lupa. Sa pagcucultivate naman ng tubig ay sa pamamagitan ng pagkonekta sa natural na kalikasan katulad ng anyong tubig na karaniwan ay mga ilog, sapa, lawa, karagatan at iba pa. Kontektado ang mundong ito at ang Demon World kahit na mayroong magkahiwalay na teritoryo ang mga ito. Ang lupa dito ay konektado din sa kabilang mundo at mas lalong madali ang mag-cultivate ng elemento ng tubig lalo pa't konektado ang katubigan sa demon world. Patunay na ang lupa at ang tubig ang pinakamadaling i-cultivate sa mundong ito. Hangin, apoy, kidlat, yelo at iba pang elemento ang mahirap i-cultivate lalo na kung walang primary source ang mga ito. Ang hangin at kidlat ay kailangan mo pang pumunta sa matataas na lugar upang mag-cultivate habang ang yelo at apoy naman na masasabing malalakas na elemento ay napakahirap i-cultivate ang mga ito lalo na sa mundong ito sa hindi malamang dahilan." Mahabang salaysay naman ni Earth Dawn habang nakikinig lamang si Wong Ming na animo'y manghang-mangha.
Dahil kay Earth Dawn ay tila napagtagpi-tagpi ni Wong Ming ang mga paunang kaalaman niya patungkol sa mga katangian maging sa kakayahan ng mga ito.
Isang mahusay na pirata ang isang soul remnant na kinuhaan niya ng soul fragments na naglalaman ng mga memorya. Habang ang pambihirang God Level Ice Demon naman ay dahil rin sa natural na klima at bloodline na meron ito. Talagang ang bawat isang Elemental Demon Race ay nakadepende sa kanilang kalikasan at natural na pamumuhay.
Ang pagiging mahusay na pirata ng isang mahusay na martial art expert sa katubigan ay dahil na rin sa tulong ng kalikasan na meron ito.
Ang bagsik ng alon, ang malalakas na water skill maging ang pagiging hari nito sa karagatan ng nasabing nasawing eksperto ay isang patunay na wala itong kahinaan sa natural nitong tahanan.
Tama nga ang sabi ng dalagang si Earth Dawn dahil ang Water Skill ay kailangan kontrolado at isinasapuso ang pagkontrol rito.
"Masasabing mahirap ang pagiging isang Dual Cultivator Wong Ming ngunit ang resulta ng masusing pagcucultivate mo ay hindi mauuwi sa wala. Pahihiramin kita ng libro na galing pa mismo sa aking mga ninuno." Seryosong turan ng dalaga habang nakatingin kay Wong Ming.
Agad na nagliwanag ang mga mata ni Wong Ming at wala ng hinintay na oras upang mahiram ang pambihirang libro na sinasabi ni Earth Dawn.
Walang pag-alinlangan namang ipinahiram ni Earth Dawn ang nasabing libro na sakto lamang ang kakapalan nito.
Habang binubuklat ni Wong Ming ito ay tila namamangha ito sa kaniyang nakikita at mga nalalaman.
Hindi man ito pulido at naaayon sa nakasanayan ni Wong Ming na pagcucultivate ngunit marami talaga siyang nalaman na ideya lalo na ang isahang pagcucultivate kahit na isa siyang dual cultivator.
Angkop din ito para sa isang spiritual Master na mayroong spiritual weapon. Tila nagalak si Wong Ming lalo pa't bunga din pala ng pagiging Elemental Demon Practitioner niya ang pagkakaroon ng Spiritual weapon.
Dito niya nahinuha na konektado na pala ang nasabing cultivation niya sa pagiging demon practitioner niya.
Para sa iba ay isa lamang Skill ang Ice element na taglay ng spiritual weapon niya na Sword Needles ngunit ang katotohanan ay Ice Element naman talaga ang pangunahing elemento na kino-cultivate niya.
Naniniwala siyang magtatagumpay siya bilang isang Ice Demon Practitioner dahil sa Ice Demon Bloodline na nananalaytay sa buong katawan niya.
Hindi na siya makapaghintay na lumakas pa lalo upang maging isang ganap na Dual Cultivator katulad ni Earth Dawn.
Masasabi niyang kung ikukumpara niya ang Demon Power na taglay ni Earth Dawn at ng sarili niya ay siguradong matatalo lamang siya. At kung sakaling maglaban sila ay siguradong mapapaslang lamang siya.
Matalino si Earth Dawn at hindi niya gugustuhing maging spotlight ito sa nasabing kompetisyon. Tama ang desisyon nitong kaibiganin ito at hindi gawing kaaway.
Tunay ngang mali ang manghusga kaagad at hindi malabong magkakaroon din ng kaaway si Wong Ming na mas higit pa sa lakas na meron siya maging ni Earth Dawn.
