Cherreads

Dream our Moments

PurpleAutumn
--
chs / week
--
NOT RATINGS
6.4k
Views
Synopsis
Mellanie Esceval babaeng namulat sa katotohanan na akala niya ay totoo ang lahat ngunit sa huli ay hindi pala..
Table of contents
VIEW MORE

Chapter 1 - PROLOGUE

MELLANIE'S POV

"babe?"

"hm?" sagot nito saakin sa kabilang linya

"where are you? malalate kaba?" nalulungkot na aniya ko, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko sobra akong nalulungkot

"I'm sorry, busy ako hindi ako makakapunta ngayon"

bigla ay gusto kong maging emosyonal dahil sa ikalawang pagkakataon ay hindi nanaman kami makakacelebrate ng anniversary namin, gusto ko maghinala ngunit alam kong bawal at masama yon sa relasyon

peke akong ngumiti "it's okey may next time pa naman" matunog akong ngumiti ngunit hindi maalis non ang sakit ng damdamin ko

"bye" ani niya

"i love y--" huli na ng sabihin ko iyon dahil binaba niya na

Naihilamus ko ang kamay sa muhka, lumabas nalang ako sa restaurant dahil wala naman na akong gagawin ngayon, hindi makakapunta si Javier ngayon..tulala akong tumawid sa highway ng makita ang go sign

pangalawang beses na itong nangyare, hindi ko masisi ang sarili ko kung mag-isip ako ng kung ano, wala naman kaming problema, ni minsan ay hindi kami nagaaway, marahil ay minsan lang kami magkita dahil may trabaho ito, ngunit alam kong masaya ako na kasama siya tuwing nagkakasama kami, hindi ko lang maiwasan magisip na baka ay may babae ito, pero sa kabilang banda ay ayaw ko ng ganoong pagiisip sigurado ay magagalit si Javier sakin

bigla ay may narinig akong busina ng isang kotse, agad akong napatigil sa gulat, natakip ko pa ang mata ko ng masilaw ako sa ilaw ng kotse huli na ng mapagtantuan kung malapit na saakin ito..

sa sobrang bilis ay napatalsik ako sa kalsada,

hindi ko inaasahan itong pangyayare..

kinakapusan na ako ng hininga..

ramdam ko ang pagmamanhid ng bewang ko dahil don ako natamaan..

wala na akong naalala dahil tuluyan na akong nawalan ng malay..